webnovel

EL FIN (The end) Book 1

"Dito ka lang sa bahay, huwag kang aalis babalik ako kaagad."

"Okay." Kallyra smiled.

"You can play with your dog kapag nainip ka."

"Alright."

"Don't move around too much okay?"

"Yup." tumango siya at malapad na nginitian ang makulit na kasintahan.

Yes!

You heard her right. They do have a label now. Pwede na niyang sabihing 'F*ck off. B*tches!' sa mga babaeng magtatangkang lumapit kay Lucas.

Nakatungtong si Lucas sa pinakahuling baytang ng kawayang hagdanan at siya naman ay nasa pinaka-tuktok kaya halos magkapantay lamang ang kanilang muka.

Magdadapit-hapon na at nagluluto siya ng kanilang hapunan ni Lucas ng bigla itong nagpaalam na may pupuntahan. Kaya ngayon ay hinatid niya ito hanggang sa may pintuan ng kanilang tinutuluyang kubo na ginagawa nilang bahay-bahayan ni Lucas.

Mabilis nitong hinalikan ang kaniyang labi at yumukod upang haplusin at patakan ng halik ang kaniyang maliit pang tiyan bago tumalikod subalit nakakailang hakbang pa lamang ay muli itong huminto at nilingon siya ulit.

"May nakalimutan ka ba?" she asked while smiling.

He grinned and scratch the back of his head, hindi ito tumalikod at sa halip ay naglakad itong nakatalikod sa dinadaan at nakaharap sa kaniya habang nakapamulsa ang dalawang kamay. There was a boyish grin on his handsome face.

"I love you." he said without a sound subalit malinaw niyang nabasa iyon sa labi nito at maging sa mga mata nitong kumikinang sa saya.

"Go. Baka gabihin ka sa pag-uwi mamaya." utos niya dito ng naiiling subalit may maliit na ngiti sa labi.

"Babalik ako kaagad." ulit nito sa sinabi kanina bago tumalikod na at mabilis na naglakad palayo. Inikot niya ang mata at tumatawang bumalik na siya sa kusina. Ngayon na lamang ulit siya nakapagluto dahil palaging inaako ni Lucas ang mga gawain sa bahay.

Isang buwan na ang nakalipas mula nang mag-usap sila ni Lucas tungkol sa kung papaano nito nagawang makabalik sa panahong ito. After that talk, nangako silang walang ililihim sa isa't-isa, she told him about the El Camienzo. Nagulat ito at sinubukang utuin siyang kumalas na sa grupong siya mismo ang bumuo.

Well. Ang dahilan nito ay babae siya and she will be a mother soon. Oh! She forgot to say, almost 2 weeks na nga pala siyang buntis. Hindi pa lumalaki ang tiyan niya pero hindi na din siya nagsusuka katulad noong mga nakaraang araw.

Lucas became more paranoid now, hindi siya pinapayagang gumawa ng kahit anong gawain sa bahay dahil baka mapagod siya at ang kanilang baby. Sa tuwing aalis ito ay pwede na siyang gumawa ng salaysay sa dami ng bilin nito katulad na lang kanina.

And he was becoming more clingy and touchy. He like to hold her hand everytime one of his hand is free. Palagi itong nakayakap, nakaakbay, he like combing her hair and he like kissing her all the freaking time, not that she is complaining though.

Muli niyang hinarap ang kaniyang niluluto ng may ngiti sa labi. Ginisa na niya ang bawang at sibuyas pagkatapos ay inilagay ang hiniwang mga sariwang kalabasa, talong, okra, sitaw at ampalaya sa palayok na nakasalang sa tungko. Pinitas niya ang mga iyon kanina sa bakuran sa harap ng kanilang kubo kasama ang kaniyang asong si Max.

Binago na nga pala niya ang pangalan ng kaniyang tuta dahil araw-araw siyang kinukulit ni Lucas dahil doon.

Matapos niyang lagyan ng tubig at mga samya ang niluluto ay muli niya iyong tinakpan at nilakasan ng bahagya ang apoy. Naupo siya sa silyang naroon upang bantayan itong maluto subalit napukaw ang kaniyang atensyon ng matatapang na kahol ng kanilang mga aso.

Kunot-noong tumayo ulit siya at dumungaw sa bintanang naroon sa kusina. Hinawi niya ang mga pinatuyong dahon ng gabi na halos tumakip sa bintana. Kaalis lamang ni Lucas kaya nasisiguro niyang ibang tao ang kanilang bisita.

Bahagya siyang nagulat ng makita ang grupo ng mga kalalakihan na mukang mga miyembro ng mga sindikato. May kasama itong dalawang babaeng pamilyar sa kaniya ang hitsura at isang matandang lalaki na nakayuko at may mga pasa sa katawan.

"Tawagin mo." mariing utos ng ginang sa matanda.

Nakasuot ang ginang ng magkaternong dilaw na baro at saya na may mga nakaburdang malalaking rosas na pula. May mga suot itong kulay gintong alahas na nakakasilaw sa tuwing nasisinagan ng araw. Kulang na lamang ay kulayan nito ng dilaw na tina ang nakapusod na buhok at magiging girl version na ito ng bida sa Monkey King na isang chinese movie.

"B-binibining Kallyra!" sa malat na tinig ay tawag ng matanda sa kaniyang pangalan. Ito ang may-ari ng kubong tinutuluyan nila ni Lucas. Mabait ito at madalas silang dinadalhan ng prutas at isdang nabibingwit nito sa sapa.

Umalis siya sa pagkakadungaw sa bintana at hininaan ang apoy sa tungko bago lumabas sa kusina at tinungo ang pintuan upang harapin ang kaniyang mga bisita.

Nagtama ang mata nila ni Luisa ng makalabas siya ng kubo. Malamig ang bilugan nitong mata at tikom ang labing nakatitig sa kaniya. Kapansin-pansin ang pangingitim ng balat sa ilalim ng mata at pagkupis ng pisngi subalit maganda pa din ito sa kabila ng mga iyon.

Inalis niya ang tingin dito at pinasadahan ng tingin ang mga kalalakihang kasama ng mag-ina na may bitbit na malalapad na tabla.

"Magandang hapon Donya Cecilia at binibining Luisa." bati niya sa mga bisita na may pekeng ngiti sa kaniyang labi.

"Tonta!" ang malakas na singhal ng ginang. Para itong baril na hindi kailangang ikasa. Walang tanong-tanong putok agad. "Lumayas ka! Pag-aari ko na ang kubong yan at pati na ang lupang kinatatayuan mo!" the woman's screeched was like a pig being slaughtered.

Kallyra pick her ear and scrunched up her nose. 'Gosh! this woman don't know how to play nice.' reklamo niya sa isip.

"Ano pa ang tinatayo-tayo mo diyan! Layas!"

Hindi niya ito pinansin at hinarap ang nakatungong matanda. "Tatang, ayos lamang ba kayo?" she asked kindly.

Nanigas ang tinanong at takot na sumulyap ito ng mabilis sa nagtatatalak na babae bago humarap sa kaniya. "A-ayos lamang ako b-binibining Kallyra.. p-patawad." mahinang wika nito.

"Wag kayong mag-alala ibabalik nila ang lupang ito sa inyo tatang." nakangiting pangako niya sa matanda. Ibinalik na niya ang tingin sa iba pang mga bisita.

"Hah!" malakas na tumawa ang ginang matapos marining ang sinabi niya sa matanda. "Talaga ngang mayabang ka samantalang isa ka lamang namang hampaslupang pilit na umaamot ng yaman sa anak ng Alkalde Mayor! Tiyak kong hindi nalalaman ni ginoong Lucas ang tunay mong ugali. Ang lakas ng loob mong bilugin ang kaniyang ulo!" gigil at halos lumabas ang lahat ng litid sa leeg ng babae.

"Sinasabi niyo bang mahina ang ulo ng anak ng Alkalde Mayor, at uto-uto at tanga?" nakangiting wika niya.

"Wala akong sinabing ganyan!"

"Nuh-uh. Yun ang pagkakaintindi ko Donya Cecila. Paano mabibilog ng kahit sino ang ulo ng isang anak ng Alkalde Mayor. Pero heto ka at pinahihiwatig mong uto-uto at tanga si ginoong Lucas dahil nabibilog ko ang kaniyang ulo. Alam mo bang maari kang magarote dahil sa gingawa mong panlalait sa apo ng Gobernador heneral?" she lazily drawled.

Nanlaki ang mata ng ginang. "H-hindi iyon ang i-ibig kung sabihin!" ang kaninang mabangis nitong muka ay nabawasan at napalitan ng takot at pagkataranta.

"Hindi iyon ang ibig sabihin ng aking ina binibining Kallyra. Nais lamang niyang hindi madungisan ang magandang pangalan ni ginoong Lucas." ang malamig na sambit ng kanina pang tahimik na dalaga. Nakatayo ito sa kanilang bakuran na tila isang reynang nakamasid sa kaniyang alipin.

Oh.. She really hate this woman. Ito lang ang bukod tanging babaeng nakapag-papakulo ng dugo niya. It's probably a talent.

Yeah. Tiyak niyang isa sa mga talento nito ang husay sa pang-aasar sa kaniya.

"Huwag kang magpaliwanag sa babaeng iyan Luisa." Sita ng ginang sa anak na dalaga. Nilingon nito ang mga tauhang kasama at nilakihan ng mata. "Ano pa ang hinihintay niyo? Turuan niyo ng leksyon ang babaeng yan. Alam niyo na ang gagawin." nakangising utos nito.

Sa panahong ito basta mayaman ka ay maaari ka ng kumilos na tila isang diyos. Ang trato sa mahihirap ay parang kasangkapan lamang. Kaya't kahit naapi ay walang nagagawa ang mga indio sa kamay ng mga kastila at mayayamang tao.

Napabuntong-hininga si Kallyra at muling sinulyapan ang takot na takot na matanda. She wish she could be those protagonist sa mga chinese movies na napapanood niya. Magagaling sa palitan ng mga salita.

Anyway, mas gusto niyang makipag-usap gamit ang kaniyang kamao. Umunat siya ng tayo at patamad na pinaikot ang kanang braso. This would not even take 2 minutes but where's the fun in that?

Ngumisi ang mga lalaking sa tingin niya ay mga bayarang tulisan. Lumapit ang isa sa kaniya at akmang hahampasin siya ng hawak nitong malapad na tabla. Narinig niya ang takot na pag-singhap ni tatang Gusing.

Mabilis siyang nakaiwas at tinalapid ang kanang paa ng lalaking sumugod sa kaniya at sinalo niya ng kaniyang kamao ang sikmura nito bago tuluyang bumagsak. Malakas itong napaigik at napaatras ng ilang hakbang bago napaluhod sa lupa.

Yumuko siya at dinampot ang tablang nabitiwan ng lalaki. Mahinang pinalo-palo niya iyon sa kabilang palad upang tantiyahin ang bigat noon. Ang mga nagulat na kasamahan ng lalaki ay hindi kaagad nakakilos subalit ang isa sa kanila ay naglakas loob na lumapit at akmang hahampasin din siya ng tabla.

She step back and use the piece of wood she pick up from the ground earlier to defend herself against the attack. Sa lakas ng hampas niya ay tumalsik ang tablang hawak ng lalaki at napadipa ang kamay nitong may hawak noon dahil sa lakas ng impact.

Inatras niya ang isang paa at mabilis na umikot upang bigyan ng malakas na sipa sa sikmura ang lalaki. Kaagad iyong bumagsak ng pahiga at niyakap ang nasaktang tiyan habang umaaray sa sakit.

"Anong nangyayari dito?" the sound of that loud and booming voice caught all their attention. Natigil noon ang akmang pagsugod ng iba pang mga kalalakihan.

Nanalaki ang mata niya at mabilis na inihagis ang pinulot na tabla at nakangiting humarap sa dumating.

"Lyra." nakatiim-bagang nitong sinulyapan ang inihagis niyang tabla at ang lalaking sinikmuraan niya na namimilipit pa ring nakaluhod sa lupa.

Lumapit ito sa kaniya at magaang kinabig ang kaniyang bewang at hinalikan siya ng mabilis sa labi. Bago hinarap ang asawa at anak ng kabesa at ang mga tauhan ng mga ito.

Nang makita ng matandang dating may-ari ng kubo kung sino ang dumating ay kaagad itong lumapit at nagsumbong kay Lucas.

Halos umusok ang tenga ni Lucas matapos maintidhan ang buong pangyayari. Galit na galit nitong pinalayas ang mag-ina at ang mga lampa nitong tauhan pagkatapos balaang ibalik kay tatang ang titulo ng maliit na lupa nito kung ayaw ng mga itong mawalan ng nga ari-arian at maghirap. He even said that he will ruin their lives sa oras na guluhin ulit siya. Well, he can be her hero sometimes.

Hanggang sa mawala na ang kanilang mga bwisita ay galit pa din si Lucas.

"Ang aga mong nakabalik ah." aniya, nginitian niya ito at hindi pinansin ang masam nitong timpla.

"I should have beat them all up." he muttered. Hindi nito narinig ang tanong niya at nanatiling masama ang tingin sa direksyon ng tahanan ng kabesa. Nakakuyom ang kamao nito at nakatiim-bagang.

Tinaas niya ang isang kilay at tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi. "Sa tingin ko ay hindi mo sila kakayanin. You can't even win against me."

Ipinaling nito ang masamang tingin sa kaniya. She raise her chin while still smirking. Subalit sa halip na lalo itong nainis ay ngumisi ito at may pilyong kislap sa mata. Ang kamay nitong nakakawit sa kaniyang bewang ay bumaba sa kaniyang pang-upo at marahang pumisil. "I don't think so." paos ang tinig na anas nito. Ang bibig ay malapit sa kaniyang tenga at marahang hinipan ang sensitibong bahagi doon. Napapikit siya ng mata at kaagad nanlambot ang kaniyang tuhod.

"See what I'm saying. Wala kang laban sakin." tumatawang wika nito matapos ilayo ng bahagya ang sarili upang matitigan siya sa muka.

She opened her eyes and glared at him. "Hindi patas yun." asar na sambit niya pero tumawa lamang ito ng malakas.

He was about to dip his head again for another kiss but the smell of a burning food stop him.

'Sh*t!' she cursed inside her head. Naalala niya ang nilulutong ulam.

"Nakasalang pa din yung niluluto mo kanina bago ako umalis?" kunot-noong tanong ng kasintahan.

"Yup! at sunog na ulam ang kakainin mo ngayong hapunan. That's your punishment for teasing me." malapad siyang ngumiti samantalang ito ay tila pinagsakluban ng langit at lupa. "Karma is waiting for you in the kitchen darling." she laughed before giving him a quick kiss.

Nakangiti niyang iniwan ito sa bakuran at pumasok na sa kubo. Kaagad siyang sinalubong ng kaniyang dalawang asong kumakahol at kumakawag ang mga buntot.

Lucas watched her beautiful back while thinking how lucky he was until she was out of his sight. Then a sudden thought pass his mind.

What if he never met her?

He would probably be just like any ordinary man living a life that was ordinary and bland. Ignorant about the world outside.

Would he experience the same exhilarating happiness he is feeling right now?

Probably not.

Just thinking about it makes him feel scared. He felt a dull pain in his chest and he coudn't help but pressed it with his fist tightly. He shakes his head to erase the terrifying thoughts that consuming his mind and quickly followed inside the small lovely wooden house.

It was not even 5 minutes but he was already missing her. He felt helpless but happy at the sime time.

"Lucas come inside! Hurry, what takes you so long outside, the food is burning! Aw! ouch! Hey stop biting my foot Maxwell! Argh!" he heard her called him and she sounds desperate and frustrated. It brought a smile on his face and he coudn't help but chuckled a bit.