"Good evening Miss Romanov, have a sit." his cold and hard voice vibrated the quite room.
Tila natulos si Lyra sa kaniyang kinatatayuan. His voice and eyes shows no recognition. It was dark and dangerous, she involuntarily stepped one foot back.
He was not him..
He was not her sweet Lucas.
Litong muli siyang umurong at mahigpit na ikinuyom ang kaniyang mga palad. Agad ang pagsulak ng sakit at galit sa kaniyang dibdib. Tingin niya ay pinaglalaruan siya ng tadhana.
Bakit hindi..
Katulad niya at ni Ashton at lahat ng tao sa mundo ay nage-exist sa iba't-ibang dimension. Ngayon ay kaharap niya ang Lucas sa panahong ito. Its cruel, it was probably their price for messing the time.
Akma siyang tatalikod upang lisanin ang silid na iyon ng may humatak sa kaniya at humampas siya sa matigas na dibdib ng lalaki.
"Scared sweetheart." anas nito sa kaniyang tenga. Mahigpit na pinulupot nito ang malabakal nitong braso sa maliit niyang baywang.
Naiipit ang kaniyang dibdib sa malapad nitong dibdib. Napasinghap siya ng maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa loob ng kaniyang tenga. Nanginig siya at nangatog ang kaniyang tuhod. Halos bumaon ang kaniyang kuko sa matigas nitong mga braso.
Kakaibang init ang dumaloy sa kaniyang katawan. Isang pamilyar na pakiramdam na tanging kay Lucas lamang niya nararamdaman.
Agad ang pagkalat ng lamig sa kaniyang pagkatao ng malala ang dating kasintahan. Marahas niyang tinulak ang pangahas na lakaki at tinapunan ito ng matalim na tingin.
"What are you doing?" rinig niya ang galit sa kaniyang tinig.
Ngumisi lamang ito at walang hiyang tinitigan ang dibdib niya at ang kaniyang labi. She saw the unmistakable lust in his eyes agad ang pagkalat ng pamumula mula sa puno ng kaniyang dibdib pataas sa kaniyang muka. She hissed hating herself for responding to his callousness.
"So.. you are not really an ice queen like what I have heard. I've been wanting to see you for so long love.... I think it's worth the wait." he said in his deep and rasp voice but it sounded like a warning to her. "Don't be in a hurry love. The food were about to be serve, let's sit shall we?" ipinaghila siya nito ng upuan.
Inipon ni Kallyra ang lahat ng lakas ng loob na kaya niyang ipunin. She don't want to appear like an immature b*tch kaya napilitan siyang umupo sa inalok nitong upuan. Pinilit niyang pinigilan ang panginginig ng kamay ng damputin ang basong nilamnan nito ng alak. She badly needed it right now to calm her nerves.
Peirce clenched his jaw and gripped the wine glass he was holding. Nararamdaman niya ang galit para sa babaeng kaharap. Kahit naihanda na niya ang sarili kanina bago ito makaharap ay pilit pa ring kumakawala ang kaniyang kontrol sa sarili.
It has been ten years, he cannot remember every details but he can still feel the hate burning inside him, nais kumawala at nais makaganti. But he will bide his time, he will make sure that she will bleed and beg for his forgiveness.
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi sa nakikitang tensyon ng kaharap. Nahuhuli niya itong sumusulyap sa kaniya at tila may nais itanong o magsimula ng usapan.
Marahan niyang inalog ang pulang likido sa loob ng hawak niyang baso habang mariin at matamang pinagmamasdan ang kilos ng dalaga.
He saw her bit her lower lip and he felt himself stirred to life, muling humigpit ang kapit niya sa babasaging baso. Hindi niya gusto ang nararamdaman kaya't pilit na itinaboy niya iyon sa kaniyang isipan.
"I need to go." nilabanan nito ang kaniyang titig. Hindi man niya gustong aminin subalit ang mga mata nito ang pinakamaganda sa lahat ng kaniyang nakita.
Tila bagyo na may madilim na ulap, kakulay ng abo subalit pinadidilim at halos magkulay itim dahil sa anino ng makakapal at mahahabang pilik mata.
Kumunot ang kaniyang noo ng mabasa ang kalungkutan sa mga mata nito. Tila walang buhay at walang bakas ng ano mang emosyon, naramdaman niya ang munting kirot sa kaniyang dibdib at ang pagsikip ng kaniyang paghinga.
A sudden urge to uncover the reason behind those dull and sad eyes enveloped him. Subalit pinigilan niya ang sarili, wala na siyang pakialam doon. On second thought, maaari pala niyang gamitin ang lahat ng nalalaman at matutuklasan tungkol dito.
Narinig muna niya ang pagtikhim nito na tila nag-aalis ng bara sa lalamunan. Pagkatapos ay umiwas ng tingin sa kaniya. Nakaramdam siya ng inis subalit muli niya iyong binalewala.
"Stop staring at me. " pantay at walang emosyong saway nito sa kaniya.
"You can stare at me as well, I won't mind." ngumisi siya.
Bumuntong hininga ito at muling tumingin sa kaniya. Agad niyang itinago ang galit sa mga mata. At hindi inalis ang nakakalokong ngiti.
"I will have my lawyer draft the contrat at personal kung ipadadala sa aking secretary sa opisina mo first thing in the morning. We will start the project right away once you signed it, we will print two copies, I will signed both first bago ko ipada---"
"Bring it to my house, I'll send you the address, 7 am sharp. I will not sign it kung hindi ikaw ang magdadala." he demanded. Muling tumaas ang sulok ng kaniyang labi. Halatang kinokontrol nito ang emosyon dahil hindi man lang kababakasan ng inis o kung ano pa man ang maganda nitong mukha.
"I have an early appointment, I'm sorry. If you want, I have my lawyer bring it to you para masagot niya ang mga tanong mo kung may concern ka o kung may nais kang ipabago."
"Cancel your appointment, or reschedule it, you have to personally bring it to me w/ your lawyer. I will only sign it in front of you and both of our lawyers." matigas niyang wika.
Matagal itong hindi umimik.
"Okay... My secretary will call you to get your address."
"Give me your number I will send it to you later tonight."
"I have my secretary send you my number."
"I want your personal number Kallyra." gumalaw ang labi ng kaharap, halatang pinipigilan ang inis. Inilahad niya ang kamay upang hiramin ang cellphone nito.
"I don't give my personal number Mr. Samaniego." matalim ang kulay abong mga mata na nakadirekta sa kaniya.
"I don't want to be less prioritize as well love." seryosong turan niya at iginalaw ang palad upang iparating dito na nangangalay na ang kamay niya. Kunot ang noong kinapa nito ang bag ng hindi inaalis ang masamang tingin sa kaniya. Pagkatapos ay inabot sa kaniya ang cellphone nito.
He smirked when she suddenly jerk dahil dumampi and mga daliri niya sa gitna ng palad nito. Agad nitong inilayo ang kamay at itinago sa ilalim ng lamesa pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. He lazily check her contacts and he frowned when he saw nothing but her own number listed there.
Tiningnan niya ang iba pang storage subalit wala talaga ni-isang nakasave na number. Without thinking nagsimulang mag-type ang mga daliri niya pagkatapos ay nakakunot noo pa ring ibinalik niya sa dalaga ang phone nito.
Agad nitong inilagay sa dala nitong bag ang gamit at tumayo. "I need to go, nice meeting you Mr. Samaniego-----"
"Pierce... I'm not my father, tawagin mo ako sa pangalan ko." matigas niyang utos dito. Tumayo na rin siya at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng suot niyang itim na slacks.
"Thank you for the dinner. "
"Ihahatid na kita." Sandali lamang itong natigilan pagkatapos ay tumayo ng tuwid.
"I have a car, no need, but thank you."
"You can leave your car here, give me your keys ipapahatid ko na lang bukas."
"No." kunot ang noo at tila nawawalan na ng pasensya sa kaniya. "I really have to go."Magalang itong yumukod ng bahagya pagkatapos ay tinalikuran na siya.
Marahas na sinarhan ni Kallyra ang pinto ng kaniyang sasakyan. Ilang sandali siyang sumandal sa upuan at hinanap ang kaniyang phone sa bag ng makapa ay nagdial ng numero, sumagot kaagad ang tinawagan pagkatapos ng isang ring.
"Hanah, call my lawyer and tell him to draft a contract. I will send you the details in a minute."
"Yes Ma'am." narinig niyang sagot nito. Ibinaba na niya kaagad ang kaniyang phone pagkatapos ay pinaandar na ang kaniyang sasakyan.
Nang makarating sa bahay ay agad siyang dumeretso sa kaniyang silid at naupo sa gilid ng kaniyang kama. Inihilamos niya ang nanginginig na palad sa kaniyang muka.
Tuyo ang kaniyang magkabilang pisngi, walang bakas ng luha. Subalit binabalot ng sakit at kalungkutan ang kaniyang dibdib. She wants to regret going out.
Bakit hindi niya naisip na posibleng mayroon kaparehong katauhan si Lucas sa panahong ito. Katulad niya, siya si Katrina sa panahon ni Lucas.
Muli niyang binalikan sa kaniyang ala-ala ang muka ng lalaking nakilala niya kanina, subalit iba ang kasootan ng lalaki sa kaniyang isip. Nakasoot ng makalumang kasootan at may malawak na ngiti sa labi. The love and tenderness was visible in his eyes.
Muling nanikip ang kaniyang dibdib, naramdaman niya ang pagtutubig ng mata at ang pagtulo ng luha sa kaniyang pisngi.
Sa kabila ng labis na sakit ay nakakaramdam siya ng munting kasiyahan sapagkat malinaw na niyang nakikita ang muka ni Lucas sa kaniyang isipan na lumabo sa nakalipas na taon.
Tila batis na hindi huminto ang pag-agos ng kaniyang luhang naipon at ngayon ay nais ng kumawala matapos niyang kimkimin. Sa kabila ng nanghihina niyang tuhod ay nagawa pa rin niyang maglinis ng katawan at nagpalit ng damit.
Pagal ang katawang nahiga siya at bumaluktot sa kaniyang kama, yakap ang kaniyang sarili at mariing pumikit.
Dahil sa pagod ay kaagad siyang nakatulog, sa kaniyang panaginip ay naroon ang lalaking laman ng kaniyang isip. Dinala siya sa nakaraang hindi niya makalimutan dahil paulit-ulit niyang binabalikan at hindi niya nais makalimutan.
"Nakahanda na ang mga dadalhin natin" Si Lucas. Inabot nito ang kaniyang kamay at marahang pinatakan ng halik sa labi.
May hawak itong malaking basket na may nakatakip na puting tela. Katulad ng napagkasunduan ay pupunta sila sa tabing dagat
Mataas pa rin ang sikat ng araw ng marating nila ang dagat. She gasped in awe at its beauty. Puting-puti ang buhangin at asul na asul naman ang karagatan maging and langit. Tila musika sa kaniyang pandinig ang mabining hampas ng mga alon. She inhaled the salty air softly while the sea breeze is blowing towards her making her hair dance merrily.
Sandaling nagpaalam si Lucas upang manguha ng kahoy na gagamitin nila sa pagluluto, mag-iihaw sila ng isda mamaya.
Nang mapag-isa ay naupo siya sa lilim ng punong niyog at hinayang tanggalin ang sapin sa paa. Tinanaw niya ang malinis na dagat na tila inaakit siyang magtampisaw at sisirin ang kagandahan ng ilalim niyon.
Walang pagmamadaling tinanggal niya ang kasuotan, liblib naman ang lugar and so far wala siyang nakikitang ibang tao. Itinira niya ang kaniyang panloob na kapirasong damit.
Nakarinig siya ng yapak ng paa at humito iyon. Lumingon siya upang alamin kung sino ang dumating, ilang dipa ang layo sa kanya ay naroon ang natutulalang si Lucas, she watched him stared at her, mula sa kinatatayuan she can still see clearly the admiration in his eyes.
She crossed her arms and grinned widely. "Gusto mo ba ang nakikita mo Lucas?." Nanunukso niyang tanong na may mapang-akit na ngiti. Agad namula ang buong nitong muka.
Halos magkulay kamatis na ito, napahagikhik siya, subalit napanganga ng hinubad din nito ang suot nitong damit at mabibilis ang hakbang na lumapit sa kaniya.
"Anong naisip mo at naghubad ka sa ganitong lugar!" galit na asik nito. Nginitian lamang niya ito ng malapad.
"Maliligo ako." Aniya at nagkibit pa ng balikat. "Hindi ako makakaligo ng nakabaro't saya Lucas, malulunod ako." Inis na kinamot nito ang ulo at pilit nitong iniiwasang tumingin sa nakahantad niyang hita.
Natawa siya at niyakap ito sa bewang. Tiningala niya ito, nakasimangot pa rin pero namumula ang pisngi.
"Wag ka nang magalit mahal, at wag ka na ring mahiyang tingnan ako, palagi mo akong makikita ng nakaganito sa loob ng ating silid kapag mag-asawa na tayo." Natatawang tukso niya.
He glared at her but still failed to hide his smile. Tumingkayad siya at mabilis na hinalikan ito sa panga, hinapit siya nito sa bewang at ginawaran ng mainit na halik ang kaniyang labi. Inilayo niya ang bibig ng maramdamang umiinit na ang kaniyang pakiramdam.
He growled in protest and tried to catch her lips for another hot kiss but she did not allow him. "Let's play Lucas. Paunahan tayong makalangoy hanggang sa may batuhan." tinuro niya ang mga batuhan ilang dipa ang layo mula sa pangpang. "If you win, we can kiss until you are satisfied. Kapag ako ang nanalo, you can't kiss me in a week." nakangiting hamon niya.
Nagsalubong ang makakapal nitong kilay. "Game." he grab the back of her head and kissed her hard until her legs turned jelly before running fast to the shore.
"You cheated!" asar na sigaw niya at mabilis na tumakbo pasunod dito. Humahalo sa maingay na hampas ng alon ang halakhak nito.