webnovel

Capítulo Quince

Natigilan si Kallyra sa narinig. She felt her heart beat faster and her hands turned cold. She suddenly felt afraid to look at him and decided to continue staring at the roads and pretend she did not hear him.

Muntik na siyang mapaiktad ng maramdaman ang pagdampi ng magaspang na palad ni Lucas sa kaniyang braso. "Pakiusap, tumingin ka sakin Lyra." She heard the slight tremble in his voice.

She closed her fist and look at him angrily. "Hindi mo alam ang sinasabi mo Lucas."

"Hindi. Lampa lang ako pero hindi ako tanga Lyra. Pakiusap, bigyan mo ako ng pagkakataong patunayan sa iyo ang nararamdaman ko. Magagawa kong paibigin ka Lyra kung maniniwala ka lang sakin."

"God, you sounds like the man in those old sappy movies." Hindi niya mapigilang bulalas. Sa kabila ng kaseryosohan ng pag-uusap ay nagagawa pa din niyang makahanap ng humor sa sitwasyon. Kung hindi siya ang nandito at isa lamang spectator ay siguradong tataas ang mga balihibo niya sa katawan dahil sa kakornihan ng mga pinagsasabi nila.

Napailing siya sa sarili. She really can't be too serious or stay angry for long time. Kung narito ang kaniyang pinsang si Carlotta ay pumapalakpak na ito sa tuwa sa sitwasyon niya ngayon.

Napabuntong hininga siya. "Naniniwala na ako Lucas pero tulad ng sinabi ko, hindi ko masusuklian ang narardaman mo. Kaya mas mabuting ibaling mo na lang sa iba."

"Huwag mo nang subukang ibahin ang isip ko. Nakapagdesisyon na kong suyuin ka sapagkat hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman ko. I will make you fall in love with me, querida." Determinadong pahayag nito.

Matalim niya itong tiningnan. "Well good luck to that." Sikmat niya.

Biglang umaliwalas ang kanina'y madilim nitong muka. Pakiramdam niya ay kaya siyang bulagin ng malaki nitong ngiti. Inirapan niya ito at muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

"Lyra." Hindi niya ito nilingon. "Lyra." Inis na humarap ulit siya dito. Mayroon itong maliit na ngiti sa labi at nagkakamot na naman ng batok. Napansin niyang palaging ganoon ang kinikilos nito sa tuwing kinakabahan ito at nahihiya. "May nais akong itanong." Anito ng hindi makatingin sa kaniya.

Hindi siya umimik tanda at hinayaan itong magpatuloy.

Tila humugot pa muna ito ng lakas ng loob bago tumitig sa kaniyang mata at nagtanong. He looks so handsome and its blinding sa kabila ng mapusyaw na liwanag sa paligid. She have met lots of beautiful men but never this breathtaking. Kahit na siya na tinaguriang ice queen ay matutunaw sa mga titig ng maitim nitong mga mata. It was like a blackhole that pulling her to nowhere and its making her feel lost.

"Have you ever loved someone before?" She rarely heard him speak english, she could't help but think it was his native language. Marahil ay nang manirahan ito sa Espanya ng pansamantala at dahil na din sa uri ng kanilang hanapbuhay, maging sa estado ng kanilang buhay ay hindi maiiwasang matuto sila ng iba't-ibang wika.

"Lyra." A faint of worriness and impatience can be heard in his voice.

"Hindi ko alam." Tipod niyang sagot. Hindi niya nga alam kung ano ba ang pakiramdam noon. She had boyfriends before but she don't even remember their names, and even how they started and why they broke up. She never felt those feelings they called love to those men.

He nods his head and licks his lower lip again. Another habit of him she noticed. "Nagkaroon ka na ba ng k-kasintahan?"

"Madami." Tipid ulit niyang sagot na ikinalaki ng mata ng kausap.

"Madami?" Ulit nito, tumango siya bilang pagsang-ayon. "M-mga ilan?" Hindi nito mapigilang itanong.

"Lima... anim, hindi ko na matandaan.". Natahimik si Lucas at hindi alam ang sasabihin, hindi siya makapaniwala sa sinabi ng dalaga. "I was even get married once but we got divorce." Kibit-balikat na dagdag pa nito.

Lucas mouth hang open and his eyes open wider in disbelief. Lyra suddenly remembered that man but she forgot his face already.

"May... may asawa ka na?" Tila iyon lamang ang rumehestro sa utak ng binata.

"Uh-huh... pero naghiwalay din kami."

"Pranses ba ang asawa mo? H-hindi mo siya nabanggit sakin, hah! Malamang ay dahil sa pangit siya. Mas magandang lalaki ako tama ba? Huwag mo na siyang balikan sa Pransya dahil hindi siya karapatdapat sayo!"

"Hindi mo kailangang laksan ang boses mo ikaw at ako lang bukod sa kutsero ang nandito."

"Hiwalayan mo na siya!" Tila hindi narinig ang sinabi niya at mas lalo pa atang lumakas ang boses nito. She glared at him and refused to speak anymore. "Huwag ka ng bumalik ng Pransya, gaya ng sinabi mo ay wala ka namang kamag-anak doon. At bakit hindi ka umiimik? Ayaw mo bang hiwalayan ang lalaking yun?"

She still refused to speak. She was thinking to start ignoring him. Sa tuwing nagkakaganito ito ay hindi niya alam whether she will laugh or cry.

"M-mahal mo ba siya? Hindi. Ang sabi mo ay hindi ka pa umiibig." sagot nito sa sariling tanong at muling natahimik, maya-maya ay nanlaking muli ang mga mata. "May anak kayo sa Pransya?" Bulalas nito at tila tinakasan na ng kulay ang muka

She rolled her eyes at him. Ito na siguro ang pinakamadramang lalaki na nakilala niya. She decided to end his misery. "Naghiwalay na kami pagkatapos ng kasal at di na muling nagkita. Kaya wala kaming pagkakataong bumuo ng anak. Wala pa akong karanasan sa pakikipagtalik kahit marami akong naging kasintahan para sa kaalaman mo." Inunahan na din niya ito bago pa ulit magtanong at mag-isip ng kung ano-ano.

Unti-unting bumalik ang kulay nito sa muka pero mukang nasobrahan dahil namumula naman ito ngayon at hindi na naman makatingin sa kaniya.

She rolled her eyes again and look away. Ilang sandali pa ay humito na ang kalesa sa tapat ng malakong bahay ng mga De la Torre. Bumaba ma ang kaniyang katabi at kaagad siyang sumunod. Nag-abot ito ng upa sa mamang kutsero, hindi na niya ito hinintay at nauna ng pumasok sa malaking bahay.

"¿Te sientes bien ahora hija?" Maayos na ba ang pakiramdam mo Hija?" Si donya Juliana. "Lucas dijo que no te sientes bien anoche, que tienes que ir a casa temprano" Ang sabi ni Lucas ay sumama daw ang pakiramdam mo kaya nagpaalam siya kagabing ihahatid ka pauwi.

Napatingin din si Lucas sa tinanong na dalaga. "Maayos na Señora, medyo masakit lang ang katawan ko." Nakangising sagot nito, sumulyap sa kaniya at palihim na umirap.

Natatawang dinampot niya ang basong may lamang tubig at uminom. Hindi niya maiwasang hindi isipin ang pinag-usapan nila kagabi. Maaliwalas at tila malaya ang kaniyang pakiramdam ngayon matapos niyang ipagtapat ang kaniyang nararamdaman.

Inabot niya ang bandehado na may lamang kanin at maingat na ipinagsalin sa plato ang dalaga. Hindi niya pinansin ang masama nitong tingin. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa at pinagsalin din niya ito ng ulam.

Alam niyang inis na na naman ito subalit dahil nasasanay na siya roon at nakapagtatakang masaya siyang nakikita ang pagsusungit nito sa halip na ang madalas nitong blankong muka.

"Ako na." Saway nito sa kaniya.

"Mas mabuting ako na kesa mabinat ka." Pagdadahilan niya, kahit alam nila parehong hindi naman talaga sumama ang pakiramdam nito kagabi.

"Oo nga naman iha. Hayaan mo ng pagsilbihan ka ni Lucas." Sang-ayon ng kaniyang ina na hindi napansin ang matalim na tingin sa kaniya ng dalaga. "Kamusta naman ang kasiyahan kagabi?" Usisa ng kaniyang ina.

Nagsimula na silang mag-usap tungkol doon habang patuloy niyang pinagsisilbihan ang katabing dalaga.

"Napakahusay umawit ni binibining Lyra mama. Lahat ay namangha sa ginawa niyang pagtatanghal." Pagamamalaki niya, kinagat niya ang pamg-ibabang labi upang mapigilan ang nagbabadyang pagtawa.

"Siyanga?" Tuwang sambit ng ginang. "Ay sadyang napakahusay at marami kang talento binibining Lyra. Sa nalalapit na anibersaryo ng kasal namin ni Serio ay hinihiling kong sana ay makapagtanghal ka rin, mas maganda kung parehong awitin ang iyong kakantahin." Masiglang anyaya pa nito.

Sunod-sunod ang kaniyang naging pag-ubo dahil sa pagpipigil ng tawa. Ramdam niya ang matatalim na tingin sa kaniya ng katabi na pilit ang mga ngiti sa kaniyang ina. Magsasalita pa sana siya upang tulungang tanggihan ng dalaga ang ina ng bigla siyang matigilan.

Napaupo siya ng tuwid nagsitaasan ang balahibo mula sa kaniyang mga binti hanggang sa kaniyang batok. Pasimpleng tumingin siya sa dalagang katabi. Nakataas ang isang sulok ng labi nito at tila nanghahamon ang mga tingin. Naramdaman niya ang palad nitong humahaplos sa kaniyang hita patungo sa direksyon sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napalunok siya, muntik pa niyang maibagsak ang basong hawak. Nanginginig ang kamay na binaba niya iyon sa lamesa at kinakabahang sinulyapan niya ang nakangisi pa ring dalaga.

Kinagat niya ang labi upang pigilan ang tinig na nais kumawala sa kaniyang lalamunan ng umabot ang palad nito sa sensitibong bahaging iyon ng kaniyang katawan. Marahan itong humahaplos at kahit kinakabahang mapansin sila ng kaniyang ama at ina ay hindi naman niya magawang pigilan ang dalaga.

"¿Estás bien hijo?" ayos ka lang ba iho? ang nag-aalalang tanong ng kaniyang ama. Mabilis siyang tumango, hindi magawang ibukas ang bibig. "Sigurado ka, hindi kaya ay mayroon ka na ding sakit tulad ni binibining Kallyra."

"Magpatingin na kayo sa doktor mukhang trangkaso ang inyong karamdaman." Segunda ng ina.

Marahas siyang umiling at pasimpleng ibinaba ang kamay sa ilalim ng lamesa upang pigilan na ang mapangahas na kamay ng dalaga, pinagsalikop niya ang kanilang palad at hindi ito hinayaang mabawi nito ang kamay.

"Sumama lamang ang aking tiyan, wala akong sakit ina." Naramdaman niya ang pilit na pagbawi ng katabi sa kamay na hawak niya subalit lalo lamang niya iyong hinigpitan at hindi na ito pinansin at nagpatuloy na sa pagkain.

Natapos silang magalmusal ay nagkwentuhan sila tungkol sa mga problemang kinakaharap ng kanilang negosyo. Bagaman nakakabawi sa mga nalugi sa tulong ni Lyra ay patuloy pa rin ang mga pagnanakaw ng kanilang mga kalakal at ang mga pagsusunog.

Sa tingin niya ay labis ikanababahala iyon ng kaniyang ina at halos hindi na ito makapagpahinga sa pag-iisip. Nag-aalala siya sa kalusugan nito. Pinilit niyang itaboy sa isipan ang kakaibang pakiramdam na dulot ng dalaga at itinuon ang isipan sa problema ng ina.

Mamaya ay muli syang magpapatawag ng pulong sa mga lider ng kaniyang mga kalakalan sa ibat-ibang lalawigan. Magpapadala siya ng liham para sa lahat kay tatang Pitong, maasahan niya ito sa mga ganitong bagay.

Ang kaniyang ama ay patuloy sa pagtugis sa mga tulisan sa tulong ng mga gwardiya sibil na nasa ilalim ng pamamahala nito. Habang tumatagal ay palala ng palala ang mga nangyayaring kaguluhan at kung magpapatuloy ay baka hindi kayanin at bumagak ang mga negosyo nila. Sigurado siyang ikalulungkot iyon ng kaniyang ina ng labis.

Next chapter