webnovel

Capítulo Cinco

"Ito maganda krase, sigurado raraki kita mo binibini." Pinagmasdan niya ang mga telang inaalok nito. Her face void of emotion, sa business world kailangan mautak ka, don't let them read your mind. Hindi lamang ang mga kalaban sa negosyo, dapat maging ang mga kliyente.

Pumayag ang ginang na magtrabaho siya para dito gaya ng kaniyang inaasahan. Mautak din ang ginang, sinabi nitong susubukan nito ang kaniyang kakayahan at siya ang pinaharap sa Intsik kung magagawa daw niyang bilhin ng cinco bawat rolyo ang pinakamataas na klase ng tela ay kukunin siya nito.

Hindi na siya magtataka kung bakit ito yumaman sa pangangalakal. At hindi rin siya umuurong sa isang hamon.

"Magkano mo ibebenta sa akin?" pantay at pormal niyang tanong sa tsinong kausap.

"Diez para sa bawat roryo." Malawak ang ngiti ng tsino. Halos hindi na makita ang mga mata nito at kumikinang ang dalawang ngiping kulay ginto.

Marahan siyang tumawa at bahagyang umiling. "Masyadong mahal ang benta mo, makakabili ako ng mas mura sa iba." Aniya, may bakas ng konting panghihinayang sa tinig. Bumagsak ang balikat ng matabang intsik.

"Binibini, ito pinakamaganda mga terang inaangkat namin, ito pinakamataas uri sa rahat at sigurado ako tinda nira hindi turad ng tinda ko." May halong pagmamalaking wika nito, at totoo naman iyon, sumasangayon siyang ito nga ay isang magandang uri ng tela.

"Magaganda nga." Aniya na tumango tango pa, tumango-tango din ang intsik na mangagalakal at muling bumalik ang ngiti sa labi. "Kailangang ko ng isang-daang tonelada." Halos maging hugis piso na ang mata ng intsik na may singkit na mga mata.

"Pero masyadong mahal ang inaalok mo, doon na lang ako sa hindi de klaseng tela, hindi ko kailangan ng pinakamaganda at mabibili ko iyon ng cinco lamang bawat rolyo." Still in poker face. Alam niyang hindi papayag ang intsik na hindi siya bibili dahil tiyak niyang wala ng iba pang bibili dito ng maramihan, at matagal na ring nakatambak ang mga tela.

Maganda rin naman kase ang ibang tela, ang kaso ay tanging mayayamang ilustrado lamang dito sa Pilipinas ang makakabili niyon, kakaunti ang kikitain kung tutuusin kaya mas praktikal pa rin ang bumili ng klas B na tela dahil mas in demand iyon.

Kung tutuusin iisipin ng lahat ay isang kalokohan ang bumili ng ganoong karaming mamahaling tela dahil kakaunti ang bibili ang mangyayari ay matutulog ang puhunan. Kagaya ng sitwasyon ngayon ng intsik.

Base sa hitsura nito hindi nito tatanggihan ang kaalamang mabibili lahat ng nakatambak na tela sa isang pakyawan, halatang nais nitong magbenta na lang ng klas B na tela. Tsk.. nakikita niyang malulugi ito, hindi nito dapat hinahayaang mabasa ng iba ang iniisip nito lalo na sa pagnenegosyo.

"Ibebenta ko cinco bawat roryo para sayo binibini, subarit sana pagitan nating darawa ramang ito, warang makakaaram iba." Ani ng Intsik, halatang determinadong mabenta ang lahat ng telang ibinebenta nito.

Muli siyang tumango-tango. "Nalaman kong wala nang ni isa mang mangangalakal sa Pilipinas ang bumibili ng ganyang kataas na uri ng tela dahil halos kakaunti lamang ang kinaibahan niyan sa klas B na tela, alam kong hindi na umiikot amg puhunan mo sa mga telang ito dahil matagal ng nakaimbak at kaunting -kaunti lamang ang bumibili, pero dahil naisipan kong magsimula ng negosyong patahian, at ang mga ilustrado at mga mayayamang dayuhan ang plano kung kliyente kaya naisipan kong bumili ng tela. Pero kung tutuusin hindi ko naman talaga kailangan ng sobrang matataas na klase ng tela dahil magaganda na ang mga disenyo ng mga damit na itatahi namin. Subalit kung papayag ka ay bibilhin ko ang lahat ng paninda mo sa halagang veinticinco centavo bawat rolyo."

Bahagyang nanlaki ang singkit na mata ng intsik. Bumuka ang bibig nito, sa tingin niya ay magsasalubong ang kilay nito kung meron. She can't help but humor herself and count the remaining eye brows on the poor man's forehead. She tried hard to fought her smile and pretend to look serious when she noticed the chinese businessman getting angry when her words finally sinked in his round head.

Parang umusok ang ilong ng intsik sa inis, "Karokohan, biniri ko tera cinco bawat roryo, gusto ko mabawi kahit puhunan, malulugi ako!" galit na asik ng intsik.

Tumaas ang isang sulok ng kaniyang labi, subalit nanatiling walang emosyon ang mukha.

"Mayroon ka pa namang pagpipilian kung ayaw mong ibenta sa akin, maari mong dalhin sa ibang bansa, pwede sa espanya, ang problema ay lahat ng nangangalakal roon ay nagtitinda ng ganyang uri ng tela, ikaw ay nag-iisa dito sa pilipinas, dahil doon, mas mababa ang bentahan dahil maraming pagkukunan, bukod pa doon gagastos ka ng malaki para sa pagkarga ng mga tela maging ang bayad sa barko, Malamang ay mas mababa pa sa veinticinco centavo bawat rolyo ang kikitain mo para sa bawat tela."

Nanlumo ang matabang intsik sa narinig. "Hanggang ngayon lamang ang alok ko, veinticinco centavo para sa bawat rolyo bibilhin kong lahat, kung ayaw mo, bibili na ako ng isang daang tonelada ng klas b na tela mamaya bago lumubog ang araw." Lalo pang nanlumo ang intsik. Subalit bakas ang pagdadalawang isip sa bilog nitong mukha at singkit na mata. Maya-maya ay determinadong tumingin ito sa kaniya.

"Sige, payag ako." She should be happy and proud but she felt unsatisfied. Napakadali namang pumayag ng kausap, she suddenly missed those business man and woman she had dealt with before. She was called ice and cold blooded queen not only her friends and colleagues in the Marcovic Science Lab. and Co. ngunit maging sa business world not only in Asia but all over the US and its surrounding countries

"Huwag kang mag-alala, makakabili ka naman ng isang toneladang klas b na tela at maibebenta mo sa halagang cinco bawat rolyo." Ang sabi na lang niya.

Matapos magbayaran ay pinahakot na niya ang mga tela.

Ngayon ay kailangan na lamang niyang hintayin ang Ginang upang ibigay dito ang mga telang nabili. Sa labas ng bahay kalakalan sila magkikita ng ginang, ayon sa kanilang usapan. Hindi nagtagal natanaw niya ang paparating na mga karwaheng pangkalakal at mula sa nauunang sasakyan ay bumaba ang isang matangkad na lalaki.

Kunot-noong hinintay niya ang paglapit nito. Bahagyang umawang ang kaniyang labi sa pagkagulat. It probabaly did not show much on her face, dahil mukang naka freeze na sa poker face mode ang muka niya, she don't even remember herself looking shock, happy or sad, and even angry. She was only feeling those emotions but it never shows on her face which she was still glad about because it proves she is still normal afterall.

"Hindi ko inaasahang makikita kita dito Ginoo." she said flatly, she tried raising the corner of her lips to look a little happy praying she won't look akward and stupid. Subalit mukang hindi nito na appreciate iyon.

He looks different today, he was shy and a little clumsy when she met him in the forest. But now he looks cold and distant. And he seems more handsome this way she thought.

"Ikaw ba ang inutusan ni Mama na bumili ng mga tela?" He asked. "She nod her head to the side where all the silks are placed to answer his question.

"Yes."

He glanced at the piled silks and look back at her with those dark and cold eyes.

"So.. nasaan ang mama mo?" Tanong niya ng hindi ito umimik. "Ikaw ang inutusan niyang magkolekta ng tela?"

"Oo. Paano mo nakilala ang aking ina?" May halong pagdududa sa tinig nito. "Noong una ay inakala kong isa kang rebelde sa una nating pagkikita, subalit ngayon ay isa ka namang mangangalakal na pranses at mahusay ka rin sa paggamit ng baril, sa kabila ng pagiging babae ay mas malupit ka kung kumitil ng buhay. Sino ka ba talaga at ano kailangan mo sa aking ina?"

She shrugged her shoulders and did not mind the sound of threat in his voice.

"Negosyante ako, nanggaling ako sa Pranses at nag-iisang anak ng sundalo kong ama, ayaw ng aking ama ng anak na babae kaya madalas ay nakabihis akong panlalaki at tinuturang gumamit ng baril hanggang lumaki ako, kamamatay lang niya noong isang buwan, dahil wala na kong pamilya, naisipan kong ibenta ang aming bahay at maliit na lupa upang magsimula ng negosyo dito sa Pilipinas upang buhayin ang sarili ko. Sinabi ko na ito sa iyong ina. Merong mga nagnakaw ng mga kalakal ko ng dumating ako sa Maynila at nalaman kong dinala nila dito ang mga kalakal sa batanggas kaya napunta ako rito, may mga nakilala akong mga taga-bundok at nagmagandang loob silang tulungan akong hulihin ang mga magnanakaw pero bigla na lang kaming hinabol ng mga gwardiya sibil at pinagbintangang mga rebelde."

Sandali siyang tumigil sa pagsasalita at bahagyang natigilan. It was very rare she would feel guilty while telling lies. But the way he looks at her now makes her feel lost and speechless.

His eyes turned glassy and a little red and she could see pity, sadness and awe in those expressive eyes.

Hindi niya matagalan ang titig nito, pakiramdam niya ay pilit nitong binabasa ang isipan niya. And for the first time, she don't feel confident enough to hide her thoughts to someone. She suddenly felt uncomfortable and she wants to hide away the uneasiness in her heart.

"Ah... Señorita‐" the coldness was gone and he went back to the same man she met two weeks ago in the forest.

"Kaya wag kang mag-alala, naiintidihan ko kung iniisip mong isa akong masamang tao, masamang ugali, o isa akong mamamatay tao, isang rebelde, mukang pera, hindi maganda, mukang lalaki, mangagamit, walang utang na loob----" patuloy niya na may pinalungkot na tinig.

"---S-sandali binibini, ah.. ano sandali!" nanlalaki ang mga mata nito at hindi malaman kung papaano o kung anong unang sasabihin upang pabulaanan ang kaniyang mga sinabi.

She only stared at him and wait for what he was about to say. She don't know, the panic look in his eyes and his red face makes her wants to smile but then again, the muscle on her face refused to cooperate.

"Ano... ah.. hindi iyon ang nais kong sabihin. H-hindi ko nais na-"

She waived her hand to stop him. "Ayos lang, hindi mo kailangang ipaliwanag ang iyong sarili Lucas. Ipahakot mo na ang mga tela upang makaalis na tayo."

"S-subalit..." napabuntong hininga ito ng iniwas na niya ang pansin dito at lumapit sa mga tauhan ng ginang. Matamlay na inutusan nito ang mga kasama na ilipat sa mga kalesa ang mga nabili niyang tela. "Magkano mo nabili ang mga tela binibini?" ang di nita mapigilang itanong.

"Viente cinco sa bawat rolyo." She answered.

"Ha!?" Huminto ito sa ginagawang pagtulong sa mga tauhan at nagtatakang tumingin sa kaniya. "Hindi ba ay diez ang presyo ng bawat rolyo?"

"Gusto ng iyong ina na mabili ko ng mas mura." Kibit-balikat niya. Lalong kumunot ang noo ng binata.

"Paanong pumayag ang nagbebenta ng tela sa napakaliit na halaga? Sa hula ko ay mas mababa pa sa orihinal na presyo mo nabili ang mga ito, at malaki ang nalugi nila. Sa tingin ko ay imposibleng pumayag na lamang sila kaagad." May pag-aalalang sambit nito.

"Hindi ko na yun problema." She said flatly. Alam niyang labag sa loob ng intsik na kausap kanina ang nangyaring transaksiyon but she don't care. She heard him sighed again.

Wala itong nasabi at nagpatuloy na lamang sa pagtulong sa paghakot ng mga tela. She tried to help but he was horrified when she pick up the biggest cart that probably weigh more than her own weight. He rushed to her and tried to get the wooden cart from her embrace. Kung hindi pa nila napansin na pinanonood na sila ng mga tauhan ng mga ito ay hindi sila hihinto sa tila tag of war nilang ginagawa.

"Ako na!" May halong inis na wika nito. Hindi na niya pinilit ang pagbubuhat, napaatras ito ng ilang hakbang at muntikan ng matumba ng biglang siyang bumitaw sa pagkakahawak. "Kaya ko to!" Inis na asik nito ng akmang lalapit siyang muli upang tulungan ito.

Itinaas niya ang dalawang kamay. "Fine." Namumula na naman ang muka nito at matalim siyang inirapan bago tumalikod at maglakad papuntang kalesa buhat ang mabigat na dala.

"Ven sígueme." Sumunod ka sakin. Narining niyang utos nito ng medyo makalayo na sa kaniya. "Bakit nakatayo ka pa diyan Señorita. Dese prisa, por favor." Bilisan mo pakiusap. Anito ng hindi maramdaman ang kaniyang pagsunod. "Nakahanda na ang kalesang sasakyan natin. Ang sabi ni ina ay magtatrabaho ka sa kaniya mula ngayon kung nabili mo ang mga telang nais niya. Babalik tayo ng Maynila kung saan kami nakatira at sasama ka sa akin binibini."

Iyon din ang usapan nila ng ginang. Iyon din naman ang nais niyang mangyari. Manila is the Capital of the Philippines so it was the right place she needs to go to earn more money and get her plans realized.

"Kailangan mong sumama sakin pabalik ng Maynila!" Nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses ng kausap. She raised her brow when she noticed the panic in the man's eyes. "Wala ka namang ibang pupuntahan, wala kang kamag-anak o kakilala man lang dito sa Pilipinas. A-ako lang ang kilala mo na maaring tumulong sa iyo, kailangan mong sumama sakin para sa iyong kaligtasan." Tarantang wika pa nito.

"Hindi ko sinabing hindi ako sasama. At kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ng tulong mo. Sasama ako sa Maynila upang magtrabaho."

"Bilang tauhan ni Mama? Sa amin ka tutuloy kung ganoon."

"Pag-iisipan ko."

"Wala kang ibang matutuluyan---" he raised his voice again at nagsisimula na siyang makaramdam ng inis sa inaakto ng lalaki.

"Kung wala akong matutuluyan ay magsasabi ako sa iyong ina." Sabi na lang niya upang matapos na ang usapan. Matagal siya nitong tinitigan, tila kinikumbinsi ang sarili na maniwala sa kaniyang sinabi. Pagkatapos ng ilang sandali ay tumalikod na ito at ipinasa sa tauhan ang buhat upang ilagay sa nakalaang kalesa.

Nang matapos sa paglilipat ng mga tela ay naghanda na sila sa pag-alis. May pag-aalangan siyang lumapit sa dalaga at iginiya ito palapit sa kalesang kanilang sasakyan. Wala naman itong imik na sumunod sa kaniya na ikinahinga niya ng maluwag.

Pinauna niya itong sumakay sa kalesa, akmang aabutin niya ang kamay nito upang alalayang makasakay subalit naunahan siya ng binatang kutsero. Kunot-noo niyang tiningnan ang kamay ng kutserong nakakapit sa kamay ng dalaga.

Next chapter