webnovel

Act 26

ACE

"C-Clark..." mahinang sambit ko.

I feel so helpless. Wala akong magawa kung hindi ang tanawin siya mula sa malayo. Hindi ako makalapit sa kanya.

Wala pa rin siyang malay. May benda ang ulo. May nakakabit na swero sa kamay niya. May oxygen mask din na nakakabit sa mukha niya.

Ako nga ba ang may gawa niyon sa kanya? Does that make me a bad guy? Paano kung napatay ko siya? Paano na?

Nakaramdam ako ng pagkirot sa aking dibdib. Hindi ko kakayanin if makapatay ako ng tao. Lalo na kung malapit iyon sa akin.

"Ace," narinig kong sabi ng isang babae sa tabi ko. Nilingon ko siya. Tinitigan. Pilit inaalala ng pangalan niya.

"Si tita Megan at si tito Harold," ang sabi ni Ben. "Mga magulang ni Clark."

For a moment, halata ang gulat sa mga mukha nila.

"Humihingi po ako ng kapatawaran sa ginawa ko sa inyong anak," ang sabi ko. Hindi ko man alam ang totoong nangyari, ito pa rin ang tamang gawin. "Naiintindihan ko po if magagalit kayo sa akin, o kung ayaw ninyo akong makita. Okay lang din po sa akin kung sasaktan ninyo ako. I'll do everything para mapatawad niyo lang ako."

Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni tita Megan sa katawan ko. Hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako. Ang init. Ubod iyon ng pagmamahal. Ng pag-iintindi.

Napaluha ako. And I don't even know why.

"Gusto ko lang na kapag nagising anak ko, ikaw ang una niyang makikita," naluluhang sabi ni tita Megan. "Dahil alam ko iyon din ang gusto niya."

"Opo," sabi ko. Pinunasan niya ang namuong luha sa mga mata ko.

"Salamat po, tita Megan," ang sabi ni Ben.

Itinulak ni Ben ang wheelchair ko papasok sa kwarto ni Clark. Inilapit niya ako sa kama ni Clark.

"Baby..."

Narinig ko sa utak ko ang boses niya. Pero tulog na tulog siya.

"I love you," sabi niya.

"I love you, too," sabi ko. Parang nagkusa ang bibig ko na sabihin iyon.

"Ace?" takang-tanong naman ni Ben.

"Si Clark. Ikakasal ako sa kanya," sabi ko. "Ikakasal kami, Ben."

"Naalala mo na?"

Tumango ako. "Naalala ko lahat. Kung paano kayo nagkagalit. Kung paano niya ako niligawan. Kung paano ko siya sinagot noong Bagong Taon. Kung paano siya nag-propose sa akin. Naaalala ko lahat ng iyo, Ben."

Niyakap ako ni Ben. "I'm so happy for you."

"Baby?"

Napatingin kami ni Ben kay Clark. Nanghihina siya pero nakatingin siya sa akin. Pilit niya akong inaabot.

Mas inilapit ako ni Ben kaya nagawa kong hawakan ang kamay niya.

"Baby. I-I'm sorry," naiiyak kong sabi. "Hindi ko sinasadya."

Nginitian niya lang ako.

"Tawagin ko lang ang doktor," sabi ni Ben at mabilis siyang umalis. Naiwan kami ni Clark. Hindi kami nagsalita. Hawak ko lang ang kamay niya. Nakatitig kami sa isa't isa.

"Anak!" naiiyak na sabi ni tita Megan at patakbong lumapit sa amin. Kasunod niya si tito Harold at ang isang doktor.

Mabilis na tiningnan ang tsinek ng doktor ang vital signs ni Clark.

"Your son is doing good. He just needs some time to recover. In a day or two, pwede na siya i-discharge," sabi ng doctor matapos ang kanyang assessment.

"Thank you po, doc," puno ng galak na sabi ni tita Megan. Nakipagkamay pa sila ni tito Harold sa doktor bago ito lumabas ng silid.

"Iwan niyo muna kami, ma," pakiusap ni Clark. Umalis nga ang iba naming kasama.

Naiwan kami ni Clark. Ilang minuto ring walang nagsalita sa amin. Magkahawak-kamay lang kaming dalawa at nakatitig sa isa't isa.

"S-Sorry," pagbasag ko sa katahimikan.

"Okay lang. It's nothing serious naman."

Umiling ako. "Hindi katanggap-tanggap ang ginawa ko, Clark. Paano kung mas malala pa doon ang nagawa ko? Paano... P-Paano k-kung," naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Ang boses ko ay naging garalgal.

Ang sakit. Hindi ko kakayanin kung mawala sa akin si Clark.

"Hindi mangyayari iyon, baby. Hindi ako mawawala," sabi niya. "Lagi ko naman sinasabi sa iyo iyan di ba?" pang-aalo niya sa akin. "Minor injury lang naman ang natanggap ko. Kaya magiging okay rin ako agad. Malakas kaya ako. Ikaw nga ang dapat kong alalahanin. Bakit mo ginawa iyon?"

Alam ko ang tinutukoy niya. Hindi ang ginawa ko sa kanya. Kung hindi ang ginawa ko matapos iyon. Kumaripas ako ng takbo. I'm so lost. Gulong-gulo ang isip ko.

Hanggang sa nahagip ako ng isang kotse. Kahit na naipihit ng driver ang kanyang sasakyan, natamaan niya pa rin ang mga binti ko. Kaya heto ako ngayon, naka-wheelchair. Nagpapagaling.

"Hindi ko alam, baby," mahinang sagot ko.

"Paano kung ikaw ang mawala sa akin? Hindi ko rin makakaya iyon, baby," sabi ni Clark. Bakas ang lungkot sa kanyang boses.

"Nahihiya ako, baby. Kasi kahit ganito ako, tanggap mo ako. Lagi kang nandiyan para sa akin," sabi ko. "Paano kung hindi na ako gumaling?"

Napaungol siya. "Ahh! I want to hug you right now!" asik niya. "Gagaling ka, baby. Sisiguraduhin kong gagaling ka. Lagi lang ako sa tabi mo hanggang sa masigurado natin na magaling ka na."

"Baby..."

"Mahal na mahal kita, Ace."

"Mahal na mahal din kita," sabi ko. Mas humigpit ang pagkakahawak namin sa kamay ng isa't isa.

Makalipas ang isang linggo, na-discharge na kami ni Clark. Ako ay kinakailangan pa ring gumamit ng walking cane dahil hindi pa tuluyang gumagaling ang fracture ko sa binti.

Si Clark naman ay maayos na ang kalagayan. Halata nga lang ang tahi sa bandang tainga niya. Hindi man iyon nakabawas sa taglay niyang kagwapuhan, sa tuwing makikita ko iyon, naaalala ko ang kasalanan ko sa kanya.

Lagi niya naman akong sinasabihan na wala akong dapat ipag-alala.

"Handa ka na ba?" tanong ni doctor Tyler. Nakasakay kami sa sasakyan niya. Magkatabi kami ni Clark sa likuran. Si Ben naman ay nasa passenger seat.

Tumango ako. Pursigido na akong gumaling. Wala nang atrasan ito. Hindi na ito para sa akin. Para na ito sa mga taong laging nandyan para sa akin. Para kay Ben, para kay tita Susan. Para kay Clark.

Sumilip ako sa labas. Tanaw na tanaw ko mula rito sa sasakyan ang dati naming bahay.

Kinakabahan ako. Pero pilit kong pinapanatag ang kalooban ko.

"Dito lang ako, baby," sabi ni Clark. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "Nandito lang kami."

Lumabas kami ng sasakyan at naglakad palapit sa bahay.

"Ace?"

Napalingon kami sa tumawag sa pangalan ko. At nakita ko na naman siya.

Si Damien. Naglalakad palapit sa bahay namin.

Anong ginagawa niya rito?

Next chapter