webnovel

10

NAIHAIN na ni Apollo ang apat na mangkok na oatmeal. Si Nazmiya na kaninang sumunod sa kanya ay naroon din----nasa hapag, prenteng nakaupo at abala sa selpon. Napangiti siya nang sa unang pagkataon mula nang bumalik ito ay malaya niyang napagmasdan. Ginagawa niya rin naman ito noong mga bata pa sila pero iba ngayon. Hinawi nito ang buhok. Nagpigil siyang matawa. Nang hindi niya natiis, lumapit siya rito. Gamit ang lastikong kinuha niya sa garapon ng asukal ay itinali niya ang mahaba nitong buhok. Tiningala lang siya nito saglit tapos balik na ginagawa. Naglalaro pala ito. Hindi lang niya alam kung anong tawag doon.

Balik din siya sa kailangang gawin sa umaga--- ang kumain. Nagbalat siya ng saging, hiniwang pabilog at ginawang toppings sa oatmeal. 

"Hey!" Inusog niya rito ang hinandang almusal. 

"Try it. Puwede kang magdagdag ng isang kutsaritang honey kung gusto mong mas matamis," dugtong niya nang mapansing parang pinag-aaralan nito ang nakahain sa harapan.

"Wala nito sa Turkey. Hindi ko alam kung hindi lang ba mahanap ni Mommy pero matagal na rin nang huli akong makatikim nito," pagtatapat nito at pagkatapos hinalo-halo iyon.

Nakinig lang siya. Ginaya niya ang ginagawa nitong paghalo.

"Paano mo pala nalamang puwedeng haluan ng saging?" matapos nang ilang subo ay tanong nito.

Naiwan ang kutsara niya sa ere. Napatingin siya rito saka napangiti.

"Dahil kay Daddy. Lagi siyang naglalagay nito kaya ginaya ko rin."

"Close kayo?"

"Dati."

Wala nang kasunod dahil tumunog na ang selpon niya. Inilapag niya iyon sa mesa at nilagay sa loud speaker.

"Hello, Dad?"

"Nasaan kang bata ka? Alam mo ba kung anong araw na ngayon?" 

Natawa siya. "Alam ko po, alam ko po."

"Iyon na ba ang proposal na sinasabi mo? That's cheating!"

"Dad, I did nothing..." pinutol niya iyon at sumulyap kay Nazmiya noon ay saktong nakatingin sa kanya. "but thanks to her anyway," pagkasabi niya ay yumuko na ang babae pero hindi naitago ang mga ngiti nito.

"I wanna meet her." 

"Dad!"

"Bring her home as soon as possible!"

Pareho silang napahinto sa pagsubo. Si Nazmiya ay namutla ng mga sandaling iyon. Maging siya ay kinakabahan. Hindi niya alam ang tumatakbo sa utak ng ama. Pautos man o hindi ay parang nagsasabing wala siyang karapatang sumuway.

"Bakit daw?" usisa ng nagtatakang si Nato. Kasunuran nito ang clueless ding kapatid.

"My dad invited her," walang gatol niyang tugon. Inginuso pa ang nakayukong si Nazmiya. Hinahalo pa rin nito ang bowl na wala nang laman.

"Miya, are you alright?" Inangat ni Nato ang mukha ng kaibigan.

Hindi ito sumagot. Kay Apollo ito bumaling ng tingin.

"Hindi naman ba ako kakatayin sa inyo?"

Napabungisngis si Apollo. Nakabawi na siya mula sa pagkakabigla. Napalitan na iyon ng pagkaaliw. Tumayo siya at nag-umpisang ligpitin ang pinagkainan. 

"Apollo!" Tumayo na rin si Nazmiya at nilapitan siya. "Ano nga?"

Ginulo niya ang buhok nito. "Huwag kang mag-alala, ito ang kauna-unahang request niya. Nasisiguro kong makabalik ka rito nang buhay kasi isasama natin sila," at tinapunan niya ng tingin ang naguguguluhan namang magkapatid. "Okay lang ba sa inyo?"

Umiling si Nato. "May lakad ako, ewan ko kay Naneth."

"Siyempre, kung nasaan si Miya dapat nandoon ako. Hindi ako kagaya ng isa diyan, kj!"

Binatukan ito ng kapatid at ilang saglit lang umaawat na si Nazmiya.

"Nato! Lagi ka na lang ganyan! Ilang beses ko bang sasabihing hindi binabatukan ang babae?" Inilayo niya rito si Naneth.

"Kasalanan niya naman. Alam nang nagseselos ako, iniinis pa ako."

"At bakit ka naman magseselos?" nanunubok na tanong niya. 

"Dahil sa 'yo. Kayo ni Apollo, kasalanan ninyo 'to!" Tumingin ito kay Apollo at balik sa kanya. "Binabalewala mo ako. Ako, na fiance mo."

Nanlaki ang mata ni Nazmiya. Bakit hindi agad naisip iyon? Produkto sila ng arrange marriage na hindi naman naging issue sa kanya kasi nga kaibigan niya ang lalaki. Nakadepende naman kasi sa kanila kung matutuloy 

iyon o hindi. Kung made-develop sila ay doon lang aaksiyon ang mga magulang kaya nga hindi siya nakakaramdam ng pagkasakal. Pero teka, nahulog na ba si Nato sa kanya? Hindi lang ito dahil sa binitiwang pangako noon? Na sa pagkakaalala niya ay itinanggi na nito. Ano itong nangyayari ngayon? 

"Ngayon sabihin mo, Miya, nalimutan mo na ba agad ang tungkol doon?"

Hindi pa rin siya makahanap ng tamang salita hanggang sa naramdaman na lang niyang may humawak sa kamay niya.

"Nato, hiramin ko muna ang fiancee mo. May pupuntahin lang kami---" hindi iyon natuloy dahil hinawi ni Nato ang kamay na iyon.

"Nag-uusap pa kami? Bakit ang hilig mong makisali?"

Napatiim-bagang si Apollo. Nakipaglaban ng titigan kay Nato. "Ako ang nauna kaya magpaubaya ka."

Naitaas ni Nato ang kamao. Ang dalawang babae ay napadistansiya. Walang nangahas umawat.

"Hindi mo naman yata gustong makipagbasagan ng ulo sa akin dahil lang sa nagseselos ka."

Naibaba ni Nato ang kamao bilang pagsuko. "Sige, isama mo siya sa inyo pero tandaan mo akin siya at hindi ka puwedeng magkagusto sa kanya."

Ngumisi si Apollo at mahinang nagsalita. "Iyon ang hindi ko maipapangako," at pagkatapos hinila na palayo roon ang dalaga.

Pagkalabas ng gate ay saka lang sila nakapag-usap.

"Akala ko talaga magsusuntukan na kayo. Natakot kaya ako."

"Nag-aalala ka sa kanya?" ang tanong na hindi na nasagot dahil may pumarang traysikel sa harap nila.

"Kinakabahan pa rin ako, Apollo," pag-amin ni Nazmiya nang makaupo na sila sa loob.

"Trust me, mabait sa bisita si Daddy at isa pa hindi naman ako papayag na may mangyayaring masama sa 'yo," tumingin pa siya rito para makumbinsi ito. "Kung overprotective na si Nato ay hihigitan ko pa iyon."

Sumandal si Nazmiya sa balikat niya. "You don't have to. I like the way you are."

Inalis niya ang pagkakasandal ng ulo sa balikat niya at dumistansiya kung iyon ang tamang tawag sa pag-usog niya nang kaunti. 

"Manong kumanan ka po diyan. Oops! Dito na lang po." Nag-abot siya ng beinte at bumaba na.

Walang imik na nanggaling kay Nazmiya. Nakasunod lang ito sa kanya hanggang sa makapasok sila ng mansion.  

Naroon na ang ama sa sala. As usual, umiinom ito ng tsaa.

"Maupo kayo." 

Nagmano muna siya bago pinaunlakan ang paanyaya nito. Ginawa rin iyon ng kasama niya. 

"So, what do you think about my son?" Ipinagsasalin sila nito ng tsaa nang magtanong ito.

"Dad! Alam na niya ang totoo na hindi ako---"

"Heh, tumahimik ka lang diyan, Apollo. Itong nobya mo ang tinatanong ko." 

Nasamid si Nazmiya. Mabuti at naging maagap naman si Apollo para abutan siya ng bottled water na naroon lang din sa ibabaw ng mesita.

"Thanks," nang makainom ay sabi bago alanganin ang ngiting tumingin sa matanda. "Magaling po siyang magluto."

Pagkamangha ang rumehistro sa mukha ng kausap. "Pero hindi ko iyan nakitang naligaw sa kusina."

"Lagi ka kasing wala," sabat ni Apollo. Sunud-sunod na nilagok ang tsaa at nagsalin ulit.

"Bakit hindi mo siya i-tour sa bahay nang maging pamilyar siya."

"Dad, may fiance na iyong tao."

Ngumiti ang ama at palit-palitang tiningnan ang dalawa.

"Hindi iyan sasama sa 'yo kung hindi ka gusto." 

Pinamulahan ng pisngi si Nazmiya.

"Tama ba ako, hija?" dagdag pa ng matanda kaya napasiksik siya kay Apollo na noon ay hindi siya magawang itulak.

Next chapter