webnovel

Mahal kita, Severino

ประวัติ
Ongoing · 38.2K Views
  • 15 Chs
    Content
  • ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

Magkaibang pamumuhay Magkaibang pamilyang pinanggalingan. Langit, lupa kung ihahalintulad Pag-iibigang susubukin at pagtitibayin Pag-iibigang iikot sa dalawang panahon. Sa mapait at mapaglarong mundo, ganito ang mararanasan ni Emilia at Severino, dalawang taong magmamahalan ngunit maituturing na sa maling panahon ipinagtagpo. Mapipigilan ba ng panahon ang kanilang pag-iibigan o mas lalo lang nito pagtitibayin ang sinisigaw ng kanilang mga puso? "Naniniwala akong isinusulat ng tadhana ang ating pag-iibigan tulad ng aking paniniwala na tayo'y magkikita at magsasamang muli sa kabilang buhay." -Emilia "Sa panahon na iyon, pareho na nating makakamtan ang inaasam nating walang hanggan na kaligayahan. Ikaw at ako sa panibagong panahon. Ikaw at ako hanggang sa kabilang mundo." -Severino I love you Series 1~ Date started: June 13, 2020

Chapter 1xxx

PAKIBASA PO NANG MABUTI.

Ang kwento pong ito ay pawang imahinasyon lamang ng may-akda ngunit ang mahahalagang impormasyon patungkol sa dalawang panahon na nakapaloob dito ay may katotohanan. Kung mayroong pagkakahintulad ito sa mga nabasa ninyong "historical fictions", ito po ay walang koneksyon. Huwag pong gagawa ng kahit na anong makakasakit, sa parte man ng may-akda o sa mismong kuwento. Kung hindi po kayo mahilig sa ganitong kuwento, maaari lamang po na huwag na ninyong basahin ito at huwag niyo rin po sana itong ihahambing sa ibang akda. Kahit naman sino yata masasaktan kapag ganoon.

Ang kwentong ito ay binubuo ng higit-kumulang na apat na libong salita (4,000 words) at hindi lalagpas na anim na libong salita (6,000 words). Opo, mahahaba po ang bilang ng salita dahil ang buong kabanata ay kaunti lamang kaya pinagkakasya ko na po ito sa bawat kabanata. Asahan po ninyo ang mahabang update palagi.

Ang serye po na ito ay binubuo ng tatlong parte at naglalaman ng "spoilers."

Series 1: Mahal kita, Severino

Series 2: ---

Series 3: ---

Kung mabasa man po ninyo ito sa ibang plataporma ng pagsusulat maliban dito sa WATTPAD at BOOKLAT (ito po ang dalawa kong plataporma na ginagamit ngunit balak kong gumawa ng account sa Dreame) at sa ibang awtor, maaari lamang po na pakisabi sa akin para po maaksyunan. Kung mayroon po kayong nais sabihin, kritisistimo sa aking paraan ng pagsusulat at iba pang paalala, mag-iwan lamang po ng mensahe sa aking message board o private message.

MARAMING SALAMAT PO SA AKING "MGA PUSO", aktib na magbabasa man o hindi, ang inyong oras, komento at pagboto na inyong igugugol sa aking kwento ay lubos ko pong ikagagalak at taos-puso ko pong pahahalagahan.

Muchas Gracias, mi corazon! :D

- Hartsley Mi Amore, <3

Plagiarism is a crime punishable by law.

© All right reserved 2020

FB Account: Hartsley Mi Amore

Date Started: June 13, 2020

Published Started: Nov. 1, 2020

Story Ended: ----

You May Also Like

Behind the scene of 1940's (Filipino/Tagalog)

Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.

Sept_28 · ประวัติ
Not enough ratings
7 Chs