webnovel

Memories

Franscene Point Of View

Minulat ko ang mga mata ko dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana. Napatitig lang ako sa wall at 'di pa bumangon.

"Bakit sa tuwing gigising ako parang ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may kulang. Bakit lagi ko 'tong nararamdaman?"

Namalayan ko na lang rin na tumutulo na ang luha ko. Lagi nalang ganito kapag gumigising ako.

Hirap na hirap na nga akong matulog sa gabi tapos kinaumagahan ganito pa ang nangyayari sa akin.

Hindi ko alam kong bakit lagi nalang akong naiiyak kada gigising ako.

"Hoy! Bumangon kana d'yan! Remember may pupuntahan tayo!" Napabangon naman ako dahil sa sigaw ng kuya ko.

Kahit kailan talaga napaka panira ng kuya ko na 'to! Feeling bossy!

"Kuya," lumingon naman siya sa akin. Palabas na kasi sana siya ng room ko. "May gusto lang sana akong malaman." Umupo naman siya sa tabi ko.

"Ano ba 'yun?"

"Hindi mo ba nararamdaman 'yong ganitong feeling. Lalo na kapag gigising sa umaga. Sobrang bigat ng pakiramdam ko tapos parang may kulang sa buhay ko. Naiiyak din ako ng 'di ko alam ang dahilan. Ilang years ko na 'tong nararamdaman." Hinawakan n'ya naman ang kamay ko.

"Hindi ka nag-iisa dahil ako nararamdaman ko rin 'yan. Pero hindi ko iniintindi. Minsan pa nga may mga images na lumalabas at nagpapa gulo ng utak ko. Pero sobra namang blurred kaya hindi ko makita kong sino ang mga 'yun." Napatingin naman ako sa labas ng bintana bago bumalik ang tingin ko kay kuya.

"Bakit kaya ganon? May nakaraan ba tayong 'di natin matandaan? Baka naman na reicarnation tayo?" Binatukan naman ako ni kuya ng sinabi ko 'yan.

"Sira! Kong ano-ano pinagsasabi mo! Mag bihis kana bago pa tayo ma late!" Naka simangot akong tumayo.

"Sige umalis kana! Maliligo na ako." Umalis naman si kuya at na iwan naman akong mag-isa.

Siguro dapat na akong magpa check-up bago pa 'to lumala ang nararamdaman ko.

*****

Pumasok na ako sa kotse ni kuya.

"New car na naman ba ito?" New color na naman kasi 'yong car n'ya. Last day kasi 'yong sinakyan ko color black ngayon naman color blue.

"Yep," napairap nalang ako. Ang gastos talaga masyado ng lalake na 'to.

"Mag hanap kana kaya ng girlfriend no? Ang tanda muna!" Graduate na kasi kami pareho ng college.

Pero sa ngayon 'di muna ako naghahanap ng work. Gusto ko muna mag travel. Si kuya naman nag wo-work na siya. Ako naman tambay muna.

"What? I'm only 24." Sagot n'ya naman sa akin. Pina andar n'ya na ang car n'ya.

"I know pero para kasing no girlfriend since birth ka." Natatawang sabi ko sa kanya.

"No way! Nagka girlfriend ako nong high school tayo remember that!" Sagot n'ya.

"Pagkakaalam ko rin may naka M.U ka dati. Sino nga 'yun?"

"What? Naka M.U? Wala akong matandaan."

"Hoy! Meron kaya! Kaso limot ko na name n'ya talaga. Harap harapan mo nga siyang nilalandi sa harapan ko. Tapos siya pinili mo over me tapos ako binigay mo sa lalakeng.." Napaisip naman ako sino bang lalake 'yun? Hindi ko matandaan.

"What? Hindi ko talaga matandaan 'yang mga sinasabi mo. May ganon bang nangyari?"

"Oo kaya parang senior high tayo but never mind na lang." Bago tumingin na ako sa labas ng bintana.

Hindi ko na rin kasi matandaan kong anong pinagsasabi ko.

******

Windy Point Of View

Nasa couch lang ako habang nanonood sa tv.

"So, kamusta?" Hindi ko pinansin si Jonh Ford. Alam ko namang siya 'yan. Wala namang ibang pupunta dito bukod sa kanya.

"Mukha ba akong ayos, huh?" Sagot ko sa kanya ng maka lapit siya sa akin.

"Bakit parang tuwing makikita mo ako naiinis ka?"

"Hindi naman. 'Yong tanong mo kasi pang tanga!" Bago pinatay ko ang tv. "Alam mo namang boring na ako dito. Tapos ikaw 'tong busy!"

"Nagtatampo ka ba?"

"Hindi naman. Kaso kasi gusto kong samahan mo rin ako. Gusto ko sana umaattend ng party ng school. 'Yong high school tayo. May grand reunion kasi. Classmate naman tayo nong high school kaya sabay na tayong pumunta don."

"Kailan ba 'yan? Hindi ako updated sobrang busy ko rin kasi sa pag manage ng company. Hindi naman ako kasing yaman mo."

"Wow nahiya 'yong yaman ko sa yaman mo huh? Sobrang kuripot mo kasi!"

"Hindi no. So kailan nga? Para maka pag handa na rin. Hindi ko na rin tanda 'yong iba nating classmate. Actually nakalimutan ko ngang classmate tayo." What?

"So, makakalimutan kana pala ngayon! Napaka ano mo!"

"Sorry naman. Nawala talaga sa isip ko na mag classmate tayo."

"Okay, basta huh? Sumama ka sa sunod na araw na." Sagot ko sa tanong n'ya kanina.

"What? Hindi mo naman sinabi sa akin agad nakaraan pa lang. Baka busy ako sa araw na 'yan. Lalo na may mga appointment ako."

"Pa cancel mo! Ano pa't naging C.E.O ka! Minsan lang 'tong mangyari kaya gawin muna!"

"Oo na. Anong oras ba para ma sundo kita?"

"6:30 siguro, kasi start 7:30. So, sunduin mo ko 6:30 pm okay? Kapag 'di ka dumating ng ganong oras humanda ka. Susugurin kita don sa company mo!"

"Asawa kita huh? Para maka sugod sa akin?" Tumatawa naman siya habang sinasabi 'yan.

"Kong ako lang din magiging asawa mo. Hindi na lang, ui! Bahala ka na nga dyan! Umalis kana. Mag sh-shopping pa ako."

"Dinalaw kita dito para may kasama ka. Tapos iiwan mo lang ako?"

"Oo na, sumama ka nalang kong gusto mo!"

*****

"Saan ba tayong mall pupunta? Sa mall ba namin?"

"Nah, sawa na ako don. Siguro sa iba naman!"

"Ouch! Grabe ka talaga sa akin!"

"Ginagawa ko ba sa'yo? Dzuh ilang years na akong puro sa mall n'yo na lang. Siguro maiba naman. Tsaka bilhan mo kong milk tea."

"Like boss ako kapag nasa company ako. Tapos ikaw u-utos utusan mo lang ako?!" Napa roll eyes nalang ako at hindi na siya pinansin pa.

"Geez traffic pa talaga." Huminto kami dahil sobrang traffic talaga.

Tumingin na lang ako sa gilid ng kalsada.

May nakaagaw rin ng pansin ko. Hindi ko maalis ang pagtitig ko sa kanya.

Punong puno siya ng pawis dahil sa init. Paano ba naman kasi naglalakad siya ng ganito ka init.

Kaso napa tigil din siya ng may lumapit sa kanya na babae at binigyan siya ng towel.

Bakit parang? Bumigat ang dibdib ko?

*****

Wayne Point Of View

Nakakapagod na hapon. Kanina pa kasi akong umaga nag a-apply pero wala pa rin akong makita.

Umupo sa labas ng bahay. Mukhang 'di pa nakakauwi si mama at si Gabrielle.

"Pahinga ka muna kasi," tumabi sa akin si Jake na ngayon umiinom ng softdrink.

Seriously 'di sa kanya bagay sa ganitong lugar lalo na mukha siyang half. Kaso lagi pa rin na tambay dito kahit na may bahay naman sila.

"Nakakainis naman kasi bakit 'di pa ako natatanggap sa mga in-applyan ko. Kailangan daw with experience. Fresh graduate nga 'di ba? Paano magkakaroon ng experience! Kailangan ko maka bawi sa mga ginastos sa akin ni mama no."

"Ikaw bahala." Mas lalo tuloy ako napasimangot. Walang kwenta kasi pinagsasabi ng lalake na 'to.

"Ikaw ba wala kang recommendation man lang d'yan huh?" Nag shrugged naman siya sa akin. Kahit kailan talaga wala akong makukuhang sagot na maganda sa kanya.

"Hi ate, nakita ko pala 'yong kapated ng ex mo dati." Nangunot naman ang noo ko dahil wala naman akong natatandaan na may ex ako.

"Seryoso ba 'yan Gab? May ex ate? May pumatol sa kanya?" Sinamaan ko naman ng tingin si Jake.

"Wala naman akong matandaan na may ex ako Gabrielle. Anong nangyayari sa'yo?"

"Wala ba? May pina kilala ka kasi dati kaso 'di ko na rin tanda name n'ya. Siguro nga nalilito lang ako. Pasok na ako sa loob." Napaisip tuloy ako.

Grabe namang tsismis 'yan kong nagkaroon ako ng ex.

"Tulala ka na? Hwag mong isipin masyado 'yong sinabi ng kapatid mo. Kasi naniniwala ako sa sinabi mo. Wala naman kasi talagang papatol sayo." Sinapak ko nga siya sa braso n'ya kong ano-ano pinagsasabi.

"Umuwi ka na nga don! Panira ka lang pag nandito." Bago padabog akong pumasok sa loob ng bahay at sinarado ang pinto. Bahala si Jake sa buhay n'ya.

*****

Pumasok na ako sa room ko at nahiga. Kailangan ko na talaga magkaroon ng trabaho. Bago pa maubos budget ni mother.

Pero hindi talaga mawala sa isip ko ang sinabi ni Gabrielle na may ex ako.

Sa tuwing pumipikit kasi ako may nakikita ako.

Nakikita ko siya.. Pero hindi ko siya kilala. Malinaw na malinaw ang mukha n'ya. Naka ngiti siya sa akin.

Pero bakit hindi ko siya kilala? Bakit 'di ko siya matandaan? Never ko rin siyang nakita.

"Ate nakita ko pala to sa room ko," napa bangon naman ako ng pumasok sa room ko ang kapatid ko.

"Ano ba 'yan?" Inabot n'ya naman sa akin ang isang picture. Wallet size lang siya.

Mas lalo akong naguluhan dahil 'di ko kilala ang babaeng kasama ko sa picture.

"Siya 'yong nakita ko kanina ate sa school. Bestfriend mo di'ba siya?" Hindi ako naka sagot dahil 'di ko matandaan na naging mag kaibigan kami nito. Hindi ko rin nga alam ang pangalan n'ya.

Pero paano kami nagkaroon ng picture?

******

Leigh Point Of View

Galing akong school dahil sinundo ko 'tong bata na 'to.

"Nakipag-away ka na naman ba?" Hindi siya sumagot sa tanong ko. Hindi ko talaga alam kong paano 'to napagtsagaan ng kapatid ko ang ugali n'ya.

"Busy ang daddy mo baka bukas pa siya maka uwi."

"As always." Hinayaan ko na lang siya mukhang nagtatampo 'ata. Lagi naman kasing wala ang daddy n'ya. Napapailing na lang ako.

****

Sinalubong ako kaagad ni kuya Hiro ng makarating na kami sa parking lot ng bahay. Akala ko ba bukas pa siya uuwi?

"Ano na naman ba ginawa n'ya? Bakit ka pinapunta sa school?" Tanong agad sa akin ni Hiro.

"Malay ko ba! Tanungin mo na lang siya."

"Sungit mo sis. Meron ka?"

"Meron mo mukha mo!" Pumasok na ako sa loob at malinis naman.

Kakainis kasi minsan yang kuya ko. Tuwing darating ako napakakalat. Tapos wala pa kaming matinong nakakain. Pareho ba naman kaming 'di marunong mag luto.

"Bakit pala 'di ako pinapansin ni Xian?" In-irapan ko si kuya.

"Hindi ka pa nagtaka d'yan? Lagi naman talaga 'yang ganyan!" Kumuha ako sa reef ng ice cream dahil napaka init talaga.

"Siguro we need to vacation no?" May mga hawak siyang tupper ware mukhang mga ulam.

"Paano naman 'yang si Xian?"

"Transfer lang siya." Napatingin naman ako sa ulam namin.

"Saan ka nag bili nito?" Kamatis kasi na may itlog. May naalala tuloy ako sa kamatis at itlog. Pero nevermind na nga lang.

"D'yan sa kanto may carenderia kaya nag bili na lang ako. Nakakasawa na kasi mga binibili mong ulam. Meron pa ngang monggo kaso 'di ko nabili kasi kulang ang cash ko." Natigilan ako sa mga sinabi n'ya.

"Wala ka bang naalala sa mga ulam n 'yan?" Nangunot naman ang noo n'ya.

"Wala naman. Ito nga 'ata ang first time na kakainin ko siya. Fried egg nakakain na ako pero ng may kamatis wala. Tapos sa monggo naman kapag kumakain tayo ng beefstew. Pero hindi namang ganitong luto. Bakit ano bang meron?"

Bakit kasi may nag flashback sa akin na kumakain kami ni Hiro nito at may kasama pa kaming isang babae. Pero 'di ko siya makilala.

"Wala parang nakakain na kasi ako nito dati. Tsaka pang breakfast kaya 'yong egg."

"Hayaan muna pareho namang ulam 'yan. Tawagin ko lang si si Xian sa taas." Binalik ko na ang ice cream na kinakain ko sa fridge.

Hindi naman kasi agad nagsabi si Hiro na kakain kami ng tanghalian. Kumain tuloy ako agad ng dessert.

Pero may gumugulo pa rin sa isipan ko. May sakit ba ako? Bakit kaya ako nakakaramdam ng ganito?

*****

Next chapter