[Shihandra]
Yeheyyy! Thursday na. Noong monday ay nagawa kong tanungin si Dice na samahan ako mamayang free time niya. At pumayag naman siya.
Magkasama kami ni Ciro ngayon habang naghahanap ng bakanteng lugar kung saan pwede naming gawin ang plano namin.
Hindi ko alam kung bakit umiiwas si Erine sa amin pero mabuti na rin iyon para maging successful ito.
Tanghali na at tapos na kaming maglunch at magprepare ni Ciro. Nakahanap kami kanina ng lumang bakanteng classroom na hindi madalas napupuntahan ng mga estudyante at mabilis namin iyong nilinis at nilagyan ng ilang mga dekorasyon.
Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay tawagin si Erine. Nagpaalam na ako kay Ciro upang pumunta sa kinaroroonan ni Erine at mabilis ko naman siyang nakita.
"Erine! May emergency! Pinapatawag ka ngayon sa room *** bilisan mo!" Sabi ko habang humihingal. Ang galing ko talagang umarte!
"Bakit daw?" Cold na tanong nito.
"Hindi ko alam, basta pumunta ka na doon at kung hindi... baka... mapahamak si Ciro!" Sabi ko sabay crack ng boses.
"Bakit? Anong nangyari? May masama bang nangyari sa kaniya?" Tanong ulit niya.
"Oo, hindi ko alam ang gagawin, sugatan na siya. Huhu." Dagdag ko pa. Pwede na yata akong mag artista hahaha. God patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling ko. Sorry po huhu. "Nakita mo ba si Dice?" Tanong ko din. Napakunot naman ang noo niya. Naku baka mahalata niya! "Hihingi rin sana ako ng tulong sa kaniya dahil may alam siya sa mga first aid."
"Sige tawagin mo na siya, may kasama siyang babae ngayon na matangkad at maganda! Mauna na ako sayo baka kung mapano pa si Ciro." Aniya saka kumaripas ng takbo. Yiiie concern! Go Ciro! Kaya mo yan! Dapat ilibre mo ako pagkatapos ha, ang tagal natin iyang pinaghandaan.
Teka, may kasama daw si Dice na matangkad at maganda? Si Mommy kaya 'yon? O si—
Nagulat ako nang makita ko si Dice at si Julie na magkasama sa di kalayuan. Hindi nakapulupot si Julie kay Dice dahil sa tingin ko ay bad mood ngayon si Dice. Kahit kasi nakangiti siya ay napapansin kong nakaclench ang kamao niya na nakalagay sa loob ng kaniyang bulsa.
Bakit ba sila magkasama? Hindi ba ako dapat ang kasama niya? Gusto ko sanang lumapit sa kanila pero baka maabala ko sila. Sayang naman 'yung moment nila di ba? Baka hinahanap lang ako ni Dice tapos iiwan na niya 'yung babaeng 'yon.
Maya maya pa ay nakita ko na tumingin si Dice sa direksyon ko, alam ko naman na nakita niya ako kaya tatawagin ko sana siya pero umiwas siya ng tingin. What? Why? Ibig sabihin wala talaga siyang plano na tuparin ang pangako niya? Ganon ba kalaki ang papel ni Julie sa buhay niya?
Ilang sandali pa ay umalis na sila, hahabulin ko sana sila kaso natakot ako. Sige, hahayaan ko na lang sila. Pakasaya ka, Dice.
Kinahapunan, napagpasyahan ko na hindi na sumabay kay Dice at maglakad na lang pauwi. Inunahan ko na siya kasi ayokong maabutan niya ako. Mag-isa lang akong naglalakad kaya naaanxious ako. Maya maya pa ay biglang may nagtext sa akin. Si Dice pala. "Behind you." Iyon ang nakasulat. Agad naman akong tumingin sa likod ko, at nakita ko siya na tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Habang tumatakbo bo siya ay nililipad ng hangin ang buhok niya kaya hindi maiwasang titigan ang mukha niya. Papalapit na siya sa akin nang maalala ko na iniiwasan ko nga pala siya kaya tumakbo rin ako palayo.
Malapit na kami sa condo kaya naisip ko na tatakbo na lang ako hanggang makarating doon saka magkukulong sa kwarto. Ang kailangan ko lang gawin ay unahan siya.
"Hey, kid!" Sigaw ni Dice. Pero nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Pero naabutan pa rin niya ako. Ang haba kasi ng biyas.
"BAKIT. PO. SIR?" sagot ko naman.
"Don't call me 'Sir', wala tayo sa school." Utos niya.
"HMP." pagsusungit ko.
"Ano na naman bang problema mo?" - Dice
"WALA." Sagot ko.
"E bakit ang sungit mo na naman? Don't tell me it's because of that time of the month again?" Aniya. Hindi naman ako nagsusungit kapag meron ako ako ah?
"..." Di na lang ako sumagot.
"Ugh. You're making me crazy." Sabi niya.
"..."
"Just fvcking tell me already!" Mukhang naiinis na siya kaya sumagot na ako.
"You!" Sigaw ko.
"What 'you'?!" Sigaw rin niya.
"You are my problem, Sir!" I answered. Diniin ko ang salitang Sir.
"Didn't I told you not to call me Sir? Aside from that, we're only seven years apart! At bakit naman ako ang pinoproblema mo ha?" He said. Mukhang hindi pa rin niya ako naiintindihan.
"How about you? bakit mo ko tinatawag na kid? Im not a kid anymore!" Sumbat ko.
Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya pero pumalag ako.
"Bakit mo ko hinahawakan? Pervert!" Sigaw ko, dahilan para magtinginan ang mga tao sa paligid namin.
"Bakit? Nakalimutan mo na ba?" He asked. Inilapit niya ang sarili niya sa 'kin.
"YOU'RE MY WIFE." He whispered. Dahil doon ay parang naistatwa ako dahil naramdaman ko ang mainit niyang hininga na dumampi sa tainga ko.
Yes. This guy here, is my stupid husband.
Akala ba niya ginusto ko din 'to?! Just- just, what am I gonna do with this stupid arranged marriage?!
Nakakainis.
"YES! IM YOUR WIFE AND YOU'RE MY HUSBAND PERO MAY KASAMA KANG IBA." Sumbat ko pa. Tama naman ako. "You promised me, pero katulad ka rin naman pala nila Mama at Papa na hindi tumutupad sa pangako." Napayuko ako. Alam kong childish 'tong ginagawa ko para ibig deal ang nangyari pero diba ganito naman ang tingin sa akin ni Dice? A kid, right?
He sighed then bigla na lang akong binuhat na para bang nakasampay na lamang ako sa balikat niya.
"Ano ba! Ibaba mo 'ko!" Sigaw ko sabay hampas sa likod niya. Nagpumiglas ako pero hindi ko magawang makawala at saka natatakot din akong mahulog dahil siguradong tatama ang mukha ko sa lupa.
"Pag-usapan natin 'to ng maayos sa bahay." He said. Kinabahan ako bigla. Aaaaaah! Ang dumi ng isip ko! Malapit na rin naman kami sa bahay pero hindi pa rin niya ako ibinababa. Haaay!
Nang makarating na kami sa bahay ay bigla niya akong inihagis sa sofa. Tinangal niya ang pagkakabutones ng suot niyang long sleeve na polo. Sa mga oras na 'to, hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nagtakip na lang ako ng mata.
"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niya.
"H-ha? W-wala!" Sabi ko habang nakatakip pa rin ang mga mata.
"Sabihin mo na kung anong problema." He said. Sumilip naman ako sa pagitan ng mga kamay ko. Napahinga naman ako ng maluwag nang makitang nakaupo siya sa couch habang nakatingin sa akin. Hanggang pangatlong butones lang pala niya ang nakabukas. Naparanoid na naman ako. Hay. "What are you waiting for?"
"Hindi ba nangako sa akin noong monday?" Tanong ko. "Bakit hindi ka tumupad?"
"Anong hindi tumupad? Ikaw ang hindi tumupad." He answered.
"Ha? E ikaw itong may ibang kasama." -ako
"Sino? Si Julie? Inilibot ko lang siya saglit dahil pinilit niya ko, ikaw rin naman may iba kang kasama." -Dice
"Wala noh! Hinanap kaya kita! Pero hindi mo naman ako pinansin." -ako
"Wala? Wala talaga?" -Dice
"Kasama ko si Ciro." Dahilan ko. "Pero tinulungan ko lang naman siya para—" hindi ko na naipagpatuloy pa ang sinasabi ko dahil biglang nilabas ni Dice yung phone niya at iniharap ito sa akin.
"Can you please explain this to me?" Aniya. Nagulat ako dahil sa nakita ko. Picture namin ni Ciro habang nasa tapat kami ng flower shop. Sa anggulo ng kumuha ng litrato ay mukha kaming nagkikiss!
"Teka saan mo ba yan nakuha?" Tanong ko.
"Magpaliwanag ka muna." Sagot niya.
"Hindi totoo iyang picture na 'yan. Nagmukha lang na ginawa namin iyon dahil sa anggulo ng camera. At saka—" hindi na naman tapos ang sinasabi ko.
"Do you have a proof?" He said. "Paano naman ako maniniwala na hindi mo kabit ang lalaking 'yon?" Dagdag pa niya. KABIT? Parang ang bigat naman ng term na 'yon!
"Tinulungan ko lang naman si Ciro na bumili ng bulaklak dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ni Erine. Kahit itanong mo pa sa tindera, walang nangyaring kiss!" Pagpapaliwanag ko. Tumahimik naman siya na parang may iniisip. "...and i want to have my first kiss with you." Bulong ko. Napatakip tuloy ako ng bibig dahil patay ako kung sakaling narinig niya ang sinabi ko.
"What did you just say?" Tanong niya. Whew. Buti na lang hindi niya narinig.
"Ang sabi ko... si Erine ang gusto niya at kung meron man siyang gustong ikiss dito, si Erine 'yon." Sabi ko. Salamat na lang at may pagkabingi 'tong lalaki na 'to minsan.
"Okay... I believe you." He said. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya. Nabigla ako dahil parang ang bilis naman yata niyang maniwala sa akin. Hindi naman sa gusto kong humaba pa ang usapan na ito pero... Hays. "I'll make it up to you." He added.
"Huh?" Tanong ko.
"Tomorrow, I'll be free after 8pm so... lets go watch the fireworks display." He answered. Yung tinutukoy pala niya ay yung plano namin na hindi natuloy dahil sa misunderstanding.
"No Julie?" I asked.
"No Julie." Sagot naman niya. "About her, hindi ko alam na pupunta siya kanina."
"Okay lang." Sabi ko. Pero deep inside gusto kong tanungin kung anong meron sa kanilang dalawa. Pero sa nakita kong patitiwala sa akin ni Dice, siguro dapat ganoon din ako.
Kinabukasan. Inagahan namin ang pasok dahil may kailangan daw asikasuhin si Dice sa school. Nagpunta muna ako sa homeroom namin para maghintay kina Erine. Di nagtagal ay dumating na si Ciro kaya agad ko siyang tinanong kung anong nangyari kahapon. Ang sabi niya may ipinakita raw si Erine na picture namin, the same picture na pinakita sa akin ni Dice. Pinaliwanag na naman daw niya kay Erine ang lahat pero hindi siya sure kung pinaniwalaan siya nito. Nasabi na rin niya ang nararamdaman niya para kay Erine pero hindi na niya nalaman ang sagot nito sa kaniya dahil biglang dumating si Snow. Narinig lahat ni Snow ang lahat, at dun din nila nalaman ni Erine na matagal na palang may gusto si Snow kay Ciro. Bilang isang kaibigan, ayaw ni Erine na masaktan si Snow, alam ko 'yon.
"Matagal nang may feelings si Snow para sa akin, matagal ko na ring alam." Sabi ni Ciro. "Pero anong magagawa ko? Simula pagkabata ay magkaibigan na kami at parang kapatid na ang turing ko sa kaniya, ayoko lang na masira 'yon."
"Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ko.
"Gusto ko si Erine. Sigurado ako, siguradong sigurado. Kaya gagawin ko ang lahat para maipakita sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa akin." Aniya. Mukhang determinadong determinado na siya.
Maya maya pa ay dumating na rin si Erine at kaagad siyang lumapit sa akin para yakapin ako.
"Sorryyyyy Shiiiiii." Sabi niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.
"B-bakit? T-teka muna I can't breathe—"
"Basta sorryyyyy." Ulit niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya pagkatapos niya akong pakawalan. Halata na ang eyebags niya, hindi siguro siya nakatulog kagabi. Nasa tabi lang namin si Ciro pero hindi siya pinapansin ni Erine kahit na anong pagpapapansin niya. Hindi naman pumasok si Snow ngayong araw, buong maghapon namin siyang hindi nakita.
Dumating na ang pinakahihintay ng lahat, nagsimula nang dumilim ang paligid at magsisimula na rin ang program. Mayroong magpeperform sa stage na para bang theater play at kung ano ano pa. Humanap na kami ng maganda gandang pwesto sa bandang gitna. Nasa gitna ako nina Erine at Ciro at medyo naiilang ako dahil sa sobrang awkward ng atmosphere. Kanina pa kasi kami tahimik, wala naman akong magawa dahil hindi ako ganoon kagaling mag-isip ng magandang topic. At isa pa, kinakabahan din ako dahil malapit na ang fireworks display.
Nilibot ko ang paligid gamit ang mata ko, halos puno na pala ang mga upuan na nakaset up sa loob ng malaking gymnasium ng paaralan namin. Kaagad naman akong tumingin sa bandang harap dahil doon nakapuwesto ang mga teacher. Wala pang ilang segundo ay nakita ko na agad si Dice. Pero nadismaya ako ng nang makita kong may nakapulupot na naman na babae sa kaniya, at sino pa ba ang may kakayahang gumawa niyan kay Dice? Edi si Julie. Akala ko ba walang Julie?
Biglang namatay ang ilaw, hudyat na magsisimula na ang play. Nakapokus lang sina Ciro at Erine sa panonood habang ako naman ay hindi mapakali. Kahit halos silhouette lang ni Dice ang nakikita ko ay nakikilala ko pa rin siya. Siguro ay dahil mahigit dalawang buwan ko na siyang nakasama sa iisang bahay. Sabi ko sa sarili ko ay magpofocus na lang din ako sa panonood para hindi ko na maisip at makita abg paglandi ni Julie kay Dice.
Nakakaiyak ang ending ng play, kaya bago mamatay muli ang ilaw bilang isang hudyat na tapos na ito ay nakita ko pa ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Ciro. Gusto ko sanang matawa at sabihin kay Erine pero pati pala siya umiiyak na rin. Ano bang meron? Bakit hindi naman ako naiiyak?
At namatay na nga ang ilaw sa buong paligid. Halos wala akong makita dahil sa sobrang dilim. Mahigit isang minuto ring nagtagal ang nakabubulag na kadiliman at pati ang mga tao sa loob ng gymnasium ay nag-iingay na rin dahil wala silang makita.
"Halika na Shi! Bilisan mo!" Ani Erine. Nagmamadali siguro siya dahil gusto niyang takasan si Ciro. Ilang sandali pa ay narinig ko ang boses ni Erine sa malayo at parang kinakausap pa rin ako. Wait! Baka akala niya kasunod niya ako? Bigla namang may humawak sa braso ko kaya medyo napaflinch ako.
"Erine ikaw ba 'yan? Akala ko iniwan mo na ako." Sabi ko. Pero hindi siya sumasagot. Ilang sandali pa ay inintertwine ni Erine ang kamay niya sa kamay ko. Teka nga lang, bakit ang laki naman ng kamay niya? "Erine, baki—"
Biglang sumindi ang ilaw sa buong paligid, hindi naman ganoon kaliwanag, medyo dim dahil kaunting ilaw lang ang naka on. Pero nang tumingala ako upang tingnan kung sino ang nakahawak sa kamay ko... nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.
Hinawi niya ang buhok niya at saka ngumiti ng nakakaloko. Wait, when did he—
"I'm not Erine. Disappointed?" Aniya. Ngayon ko lang napansin na nakatulala na pala ako habang nakatitig sa kaniya.
"Si Julie?" Tanong ko.
Tinuro niya ang kinaroroonan ni Julie. Nasa bandang harapan pa rin ito at parang hinahanap si Dice. Bago pa man ito lumingon sa direksyon namin ay kaagad akong hinila ni Dice palabas ng gymnasium. Kahit madilim ay naaaninag ko pa rin ang malapad niyang balikat. Nagbago na ang damit niya at hindi na niya suot ang suot niya kanina. Mukha siyang teenager ngayon dahil sa porma niya.
Napaiwas naman ako ng tingin ng lumingon siya sa akin. Nang maibalik ko naman ang tingin ko sa kaniya ay nakasuot na siya ng mask. As in yung maskara na katulad ng sa the purge.
"Ayos ba?" Tanong niya. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa kaba. Pero mas ayos na na nakasuot siya ng mask. "Makikilala pa kaya ako nito?" Tanong ulit niya.
"Bakit ikaw lang? Paano ako?" Tanong ko rin. Naisip ko kasi— maraming makakakita at makakakilala sa akin. Alam ko naman kailangan niya talagang magdisguise para walang makakita sa amin na magkasama, at mangyari ang kinatatakutan namin. Pero paano kapag tinanong ng mga nakakakita kung sino ang kasama ko? Anong sasabihin ko? Kaibigan ko? At oo nga pala! Magkahawak pa rin kami ng kamay.
"Ako na lang. Para rin makita nila na taken na si Shihandra de Dios... Lucrenze." Pabulong niyang sinabi ang Lucrenze at malakas naman niyang sinabi ang taken na si Shihandra de Dios.
AaaaaaaAaaa! Pinaglalaruan ba ako nitong lalaking 'to?! Kapag pinakilig pa niya ulit ako ng todo, baka mamisunderstand ko huhu. Baka rin kung ano pang magawa ko!
O///////O