I am torn. Torn between mourning my feelings and be happy of what it turned out. Gusto kong umiyak, noong isang araw pa 'to, e. Gustong-gusto ko kaso ni-isang patak ay hindi man lang lumabas, ni-isang nagbabadyang luha ay hindi man lang nagparamdam sa gilid ng aking mga mata.
Lumagok ako sa Heineken na hawak habang nakatitig sa lamesa naming maraming iba't-ibang klaseng pagkain na ngayo'y ubos na.
Nakatulala ako matapos kong ikuwento sa mga friends ko ang lahat ng nangyari. Magmula noong ipinagkasundo kami ni Sonny, nagsimula akong maghinala, noong nalaman ko ang totoo, 'yong nangyari sa engagement party, hanggang sa nangyari kanina sa study room. Naging tahimik sila at ako naman ay natulala lang. Hindi ko alam kung bakit hindi sila agad nagpa-ulan ng tanong. Tahimik lang sila at maya't-maya ang tikhim, paggalaw sa upuan, at kung anu-ano pang movements pero ang magsalita ay wala yata sa vocabulary nila ngayon.
Naka-on call si Nicole at Maj para isang bagsakan na lang ng kuwento. Sakto rin namang walang trabaho si Nicole kasi day-off at si Maj naman ay, siyempre, gabi na, wala ng trabaho. Alam n'yo na kung sino ang mga inimbita ko ngayong gabi. Kami na lang ang natitira rito sa bahay dahil kanina pang umuwi ang lahat ng relatives ko pati ang mga Lizares. Kaya kami naiwan para may umubos ng mga pagkain. Charot.
Isang matinding tikhim ang ginawa ni Vad dahilan para mapalagok ulit ako sa alak na hawak.
"Wow..." Automatic akong napatingin kay Lorene nang siya ang unang nagbasag ng katahimikan. Para naman siyang nataranta nang makitang nakatingin na ako sa kaniya. "I mean... I'm speechless. Ano ba dapat ang sasabihin?" Dagdag na sabi niya kaya umismid na lang ako at ipinagpatuloy ang pagtitig sa lamesa.
Naku, kung may pakiramdam lang talaga ang mga lamesa sa araw na ito, baka matagal nang na-fall sa akin ito, e. Ikaw ba naman titigan nang malagkit.
Tanga, MJ! Nagawa mo pa talagang magbiro.
"MJ, kung sana sinabi mo sa amin nang mas maaga, baka may chance na ma-warning-an ka namin."
"Gaga ka, twin? Si Vad nga na naunang nakaalam, hindi nga na-warning-an, e, tayo pa kaya?"
Napa-iling na lang ako sa sagutan ng kambal.
"W-in-arning-an ko na kasi 'yan, hindi nga lang naniwala," ani Vad.
"Teka... 'di ba nagku-kuwento naman ako tungkol sa mga Lizares? Hindi mo ba pinaniwalaan 'yon?"
Napatingin kaming lahat kay Nicole sa isang iPad ko nang marinig namin siyang nagsalita. Sa Macbook naman si Maj at pareho silang nakikinig sa aming lahat na nandito sa bahay.
Umiling ako bilang sagot sa sinabi niya.
"Ito ring 'yong napag-usapan natin no'ng nandito ka sa Manila, 'di ba? Naghihinala ka na pala no'n, bakit pinagpatuloy mo pa rin ang engagement?"
Inilapag ko sa lamesa ang walang lamang boteng hawak ko at nilaro ang lips ko habang nakatingin kay Maj.
"Yeah... kasisimula ko pa lang sa paghihinala no'n, naubusan ako ng time kaya hindi ko na napigilan," cool kong sabi.
Natahimik ulit ang lahat.
"Alam kong imposible itong tanong ko, MJ, ha, pero... nasaktan ka ba?"
Natigil ako sa paglalaro sa labi ko dahil sa tanong ni Ressie. Para itong trigger, trigger para mapuwing ako at tumulo ang luhang kagabi ko pa iniipon.
"H-Hindi... H-Hindi ako na-nasaktan."
Punyemas.
Mas lalo akong naiyak dahil sa boses kong nanginginig na. Diniinan ko ang pagkakahawak sa labi ko hanggang sa hindi ko na nakayanan ang kahihiyan at yumuko na lang.
Punyemas. Nakakahiya nga.
Tuloy-tuloy ang paghikbi ko na para akong mauubusan ng hininga.
"Oh, my God!"
"MJ!"
"E, bakit ka umiiyak?"
Sunod-sunod na boses ang narinig ko at sunod-sunod na kamay din ang humaplos sa likuran ko. Meron ding may yumakap sa akin kaya mas lalo akong naiyak.
"M-Muntikan na akong mahulog. Muntikan na akong mahulog kay Sonny."
'Yon lang ang paulit-ulit kong sinabi hanggang sa kumalma ako at maging okay ang lahat.
Awkward. Hindi pa naman ako sanay na umiiyak sa harapan nila.
Dumaan ang mga araw na nagiging routine ang ginagawa ko. Gigising nang maaga para mag-jogging sa paligid ng lupain, mag-aalmusal kasama ang mga pamangkin, minsan makikipaglaro sa kanila, minsan nag-aadvance reading for the upcoming review ng board exam, and minsan idle... nganga, walang ginagawa.
Abala sina Mama at Papa sa preparasyon ng kasal. Sila lahat ang nag-aasikaso sa mga papeles and other stuffs na kakailanganin kaya nasa Manila sila ngayon. Sina Ate, Kuya, at 'yong bayaw ko naman ay nangangalaga sa planta namin sa Don Salvador. Gusto ko sanang tumulong pansamantala pero pinilit nila akong magpahinga muna kasi 'pag nagsimula na raw ang review ko for the boards, baka wala na akong oras na magpahinga.
Ganoon ang drama ko sa unang linggo matapos kong makapagtapos ng college. Sa sumunod na linggo, exactly one week before the wedding, nagparamdam si Darry through text.
Psh. Akala ko nakalimutan na ako.
Darry:
Where are you?
Matagal kong tinitigan ang text niya. Mga isang oras na titig lang naman.
Seryoso, isang oras kong tinitigan ang text niya. Hindi ko kasi alam kung anong iri-reply ko. Simpleng tanong lang naman pero tumakas yata ang katinuan ko sa utak.
I sighed heavily and pick up the phone to type something.
Ako:
Hmmm, nasa house, bakit?
Ay, sandali! Delete! Delete! Delete! Mali!
Ako:
House, why?
Ayan! Magpa-cold effect ka naman, MJ! Hindi por que crush mo 'yong tao, magpapa-easy to get ka na. Maypa-hmmm ka pang nalalamang bruha ka.
Pinektusan ko ang sarili ko. Ano ba 'tong naiisip ko?
Oo nga pala, umamin na nga pala akong may crush ako sa kaniya. Paano ko ba mafo-forget 'yon, e, nagawa kong umamin sa sarili ko sa kasagsagan ng giyera sa loob ng sistema ko. Yeah, how could I forget?
Kaka-send ko pa lang sa text na iyon, nakatanggap agad ako ng reply sa kaniya.
Darry:
I'll fetch you.
Ako:
Why?
For what ba? At saka, siyempre, may lapses 'yong reply ko sa kaniya. Kung siya, mabilis mag-reply, ako naman ay may katagalan. Baka sabihin nga'ng easy to get ako. Ew kaya!
"Ma'am MJ, nasa labas si Sir Darry."
What?
"Ha?"
"Nasa labas si Sir Darry. Ano? Uulitin ko pa ba?"
Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam kung nagulat ba ako sa pambabara ni Alice o ang katotohanang nandito na agad si Darry while I just asked him why!
"A-Anong ginagawa niya sa labas?" Napatayo na rin ako sa pagkakaupo sa sofa ng living room namin dahil sa gulat.
"Baka nagta-tumbling? Siyempre, aayain ka n'yang lumabas. Masiyado ka na kasing tigang dito sa bahay kaya lumabas ka naman woy."
Punyemas na Alice 'to, oo. Sanay na sanay na ako sa pambabara niyang ito pero nakaka-punyemas talaga ang sagot niya, e.
Nag-make face ako kay Alice bago lumabas ng bahay para harapin si Darry na naabutan kong nakahilig lang sa kotse niya at nakatiningin sa lupa.
"Anong ginagawa mo rito?"
Hindi ko pinahalata na medyo kinakabahan ako sa presensiya niya. Ito lang naman kasi ang unang pagkakataon na nagkita kami after no'ng pamamanhikan nila, and that was when? One? Two weeks ago? I forgot. I lost count.
Charot. Ten days. Ten days kaming hindi nagkita.
"Gusto mong pumunta sa central?"
Sabay ng pag-angat ng ulo niya ay ang pagsasalita naman niya.
Napahalukipkip ako at pilit itinatago ang bandang puso ko, baka kasi makita niya kung anong laman nito't mapahiya pa ako.
Tanga, MJ! Ano na namang pag-iisip 'yan?
"Central? Sa milling n'yo?"
"Uh huh."
"Bakit?"
He shrug his shoulder and intently look at me.
"Wala lang. Naisipan ko lang na dalhin ka roon. Your Ate said you're bored here."
"Sumama ka na, Ma'am MJ, wala ka rin namang gagawin dito. Wala kaya ang mga bata."
Punyemas!!!
Halos bigwasan ko si Alice nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko.
"Excuse me po, dadaan lang po, maghahatid lang po ng agahan kay Manong guard."
I mumbled something pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Masama na rin ang tingin ko kay Alice na diri-diretso ang naging lakad papunta sa may gate. Mariin ko na lang na pinaglinya ang bibig ko at nagsalita lang nang makalayo si Alice.
"Wala ka bang trabaho?"
Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot na naman siya ng six pocket shorts and a black V-Neck shirt with matching loafer shoes. Ganito rin 'yong outfit-an niya noong nakita ko siya sa opisina ni Mayor.
"It's Saturday, MJ," he said it like it's a matter of fact.
"Oo, alam ko, may kalendaryo kami sa bahay." Sinabayan ko ng irap ang sinabi ko. Medyo nakakairita ha, Sabado pala ngayon?
He snorted a laugh but madalian lang dahil tumikhim siya agad. Pasalamat siya narinig ko lang ang tawa niya at hindi ko nakita, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa sistema kong parang pinasabugan na naman ng fireworks kapag nakita ko ang mga ngiti niya. Punyemas.
"What I mean is... walang trabaho ngayon and hawak ko ang oras ko. So, I can go out anytime I want."
Oh? Hawak mo pala oras mo, bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin?
"Wala naman pa lang trabaho ngayon kaya anong gagawin natin sa milling n'yo?"
He's wearing his specs. Kaso bago ito, hindi ito 'yong usual specs niya. Dati, kulay itim ang rim nito pero ngayon, rimless na siya. Maganda ang design, halatang pang minimalist.
"What do you want to do, then?"
Sira ba mata niya? Bakit hindi na lang siya mag-contacts? Mas comfortable naman yata 'yon kesa sa magsuot siya ng eyeglasses everyday.
"Uh... MJ?"
"Ha?"
Bakit? Ano bang nangyari?
Makailang beses akong napakurap nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Naabutan ko pa nga siyang kumakaway sa harapan ko. Natulala ba ako? Please say no. Please.
"I'm asking you if what do you want to do today."
Talaga bang natulala ako habang nagsasalita siya? Sa mismong harapan niya? Punyemas naman, MJ, sobrang tanga, a?
"Dito na lang ako sa bahay." Umiwas ako ng tingin. Ayoko nang mangyari ang ginawa ko kani-kanina lang.
Bakit ka ba kasi tumititig?
"You've been here for ten days, aren't you bored or something? You're not even going out with your friends."
Umirap ulit ako sa sinabi niya. Dideliryohin yata ako kaka-irap sa raw na ito. Ilang beses na 'to.
At mabuting alam niyang sampung araw na akong bored. Sampung araw ka ring hindi nagpakita!
"Fine. Mag-antay ka. Magbibihis lang ako."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tinalikuran ko na siya at agad na umakyat sa kuwarto ko para dali-daling magbihis. Bilisan natin ghorl, time is gold.
Gusto ko sanang mag-gown at heavy make-up kaso magmumukha akong tanga kapag ginawa ko 'yon kaya ang sinuot ko na lang ay fitted V-Neck shirt at ragged jeans lang plus open toe ankle strap sandal. Ayos at pasok na 'yon. Ang importante kasi rito 'yong ganda ng nagdadala. Ghorl, kahit pagsuotin mo ako ng basahan, maganda pa rin ako.
Patakbo akong bumaba ng hagdan pero no'ng nasa tatlong huling baitang na ako ay medyo, slight lang naman, ay binagalan ko ang lakad ko at kinalma ang sarili.
Masiyadong excited, MJ? Chill, napaghahalataan ka.
"Tara."
Pagkalabas ko ay naabutan ko siyang nakikipag-usap kay Manong Bong. Nang nakita naman ako ni Darry ay agad niya akong pinagbuksan ng pintuan kaya agad din akong sumakay. Siya rin mismo ang nag-close ng door kaya nang paikot na siya for the driver's seat ay nag-seatbelt na ako.
"So, where do you want to go? We have the whole day to go wherever you want."
Nagsimulang magmaniobra si Darry sa kotse niya. Bumusina muna siya kay Manong Bong at sa sekyu ng bahay bago siya lumabas ng gate.
Humigpit ang hawak ko sa phone ko dahil sa baritonong boses niya. Hindi ko masiyadong ma-appreciate 'yon kanina dahil nasa open area kami, ngayong nasa enclosed space na, ramdam na ramdam sa buong sistema ko ang baritonong boses niya.
Get your shit together, MJ. What is happening to you?
"Ikaw bahala." Suminghap ako at sumandal sa head rest ng bangko at napatingin sa labas ng kotse.
"If I will be the one to decide, ito-tour kita sa milling dahil inutos ni Tita Blake. But if you want to do something else, I can postpone it so we can do whatever you want."
'Ito-tour kita sa milling dahil inutos ni Tita Blake.'
Inutos ni Mama kaya niya gagawin, hindi dahil gusto niya, kundi dahil inutos ni Mama. Inutos sa kaniya.
What do you expect, MJ? This merging are driven by adults kaya expect na may mga utos galing sa kanila.
"If that's what Mama wants, sige, we'll go to the milling."
"Ikaw, anong gusto mo?"
Ikaw...
Hoy, MJ! Anong ikaw? Crush lang! Crush mo lang siya! Isang simpleng paghanga. Isang normal na paghanga. It's a short-live kind of feeling kaya it will eventually fade away. Lilipas din ito. Lilipas dapat kaya 'wag na 'wag kang ma-aattach na punyemas ka!
Punyemas talaga, MJ, para kang bata.
Umiling ako para ayusin ang boses ko, baka sakaling pumiyok ako sa kalagitnaan ng pagsasalita, mapapahiya pa ako.
"Kung anong gusto ni Mama, gusto ko. Kaya pupunta tayong milling n'yo ngayon din." Magalang akong ngumiti at itinoon na ang tingin sa daan.
Palabas na kami ng barangay namin at papunta na kami sa barangay kung saan ang milling nila.
"Okay. So, after? Anong gusto mong gawin?"
Wala sa sarili ko na namang binasa ang lips ko.
"Grabe ka naman, Darry, hindi pa nga tayo nakarating sa milling n'yo, nagtatanong ka na sa next na gagawin?" I put some humor para naman ma-cheer din 'yong atmosphere kasi nga naghuhuramentado na naman ang looban ko. "Ano pa bang utos nina Mama? May sinabi pa bang iba sa'yo? Hindi kasi ako na-inform sa kung anong mga gagawin natin bago ang kasal."
Kasal. Punyemas, Don't ever put that into your system, MJ! 'Wag na 'wag mong lalagyan ng ibang malisya ang salitang kasal.
I should know where the line is para hindi ako lumampas. I should know kung hanggang saan lang ako. I should know my limitations. 'Pag sumobra ako, hindi ko na alam kung anong gagawin at kung anong mangyayari.
"Wala na. That's why I'm asking you."
"Okay. I'll decide after the tour." Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti kahit kaonti. Baka makita niya, ano pang isipin.
Ano ngayon kung hindi lang sa milling magtatapos ang lakad namin ngayong araw? Ano ngayon, MJ? Required ba na magsaya ang sistema mo at magpaputok ka na naman ng panibagong fireworks d'yan sa loob? Ha? 'Wag! Crush nga lang, e!!
Wala na ulit nagsalita sa aming dalawa habang nagda-drive papunta sa milling nila. Malayo 'yon sa bahay namin at malapit na ito sa Mount Lunay.
Nang makarating ay agad niya akong iginiya papunta sa adminstrative building o ang building kung saan ang mga offices yata ng milling nila. May tatlong building sila, hiwa-hiwalay pero magkakatabi naman. Sa likuran no'ng tatlong building na 'yon ay ang napakalaking milling nila, kung saan ginagawa ang asukal out of sugarcanes.
Sabado ngayon kaya walang opisina ang offices nila pero ang sa mismong milling ay tuloy pa rin daw ang duty. Ang sabi niya kanina, shifting daw kaya kahit Sabado at Linggo ay may nagta-trabaho rito.
First time kong makakapasok sa milling nila. I've seen it, kasi kitang-kita ang milling nila mula sa bahay namin, lalo na kung nasa third floor ka. Obvious din masiyado 'yong milling nila kasi dahil sa malalaking usok na lumalabas sa cylinder nito.
Ang sabi na naman niya kanina, dadaan kami sa opisina niya kaya kami nandito sa admin building. Hindi na naman sana ako interesado kasi akala ko sa mismong pagawaan ng asukal niya ako dadalhin. Pero parang nakaka-excite nga. Gaga ka, MJ!
"So, this is my office," sabay lahad niya sa kamay niya at ipinakita ang opisinang pinasukan naming dalawa.
Iginala ko ang tingin ko sa kabuuan. Hindi siya 'yong modern type na opisina na nababasa at nakikita niyo sa mga typical na CEO ng isang company. Makaluma ang opisina, mga kahoy ang main material na nakita ko. Maliban na lang sa sementadong sahig at haligi, pero ang dingding, bintana, furnitures, cornices, other decorations ay purong kahoy at sa tantiya ko, made of hardwood lahat ng nasa paligid ng opisina.
What do you expect nga naman sa company na panahon pa yata ng kupongkupong tinayo? Pero overall, malinis ang opisina at halatang hindi napabayaan ang mga gamit, lalo na 'yong mga gawa sa kahoy, kasi makikintab pa rin ito na animo'y bagong gawa.
Pinasadahan ko rin ng tingin ang lamesa niya. Maayos na nakasalansan ang mga papeles sa gilid ng lamesa at pati ang mga muwebles, magandang tingnan, bagay na bagay sa isang batang CEO na katulad niya. Binasa ko na rin ang nameplate na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. Gawa pa rin sa purong kahoy.
Darwin Charles L. Lizares, MBA
Chief Executive Officer
Darwin Charles. Charles Darwin. Ah, okay? Binaligtad na Charles Darwin pala ang pangalan niya? Bakit ngayon ko lang... napagtanto? Magaling din kaya siya sa Theory of Evolution? Okay ang corny, MJ, stop na.
Pinasadahan ko ng tingin ang malaking portrait sa likod ng swivel chair niya, medyo nasa itaas na banda.
Family portrait. Parehong nakaupo ang patriarch at matriarch. Silang magkakapatid naman ay nakahilera sa likuran ng kanilang mga magulang. Pare-parehong matitipuno kung tumindig, parang hindi matitibag kung sakaling subukan mong sila'y banggain. Sumisigaw sa posture nila ang salitang Power! Werpa! Charot. Seryoso kasi, MJ!
Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang painting.
Decart with his messy hair and defined jaw.
Einny with his pointed nose and furrowed eyebrow.
Tonton with his almond-shaped eyes and protruded lips.
Siggy with his innocent version of his older brothers' face.
Sonny... Sonny and his nape hair.
And Darry with his jetblack wavy long hair, defined jawline, pointed nose, chocolate-colored eyes, heart-shaped lips, thick eyelashes, thick eyebrows, and his cute cut on his chin.
Divided chin pala siya?
"Did you enjoy the tour?"
Kalalabas lang namin sa huling proseso ng paggawa ng asukal nang magtanong siya. Pabalik na kami sa admin building at natanggal na rin ang mga ipinasuot sa amin kanina para raw sa protocol or whatever.
"Yeah! Very impressive!" Cool kong sabi habang tinitingnan sa malayong parte ang marami at malalaki at mahahabang mover or trucks na nagkakarga ng tubo galing sa mga transloading nila na nagkalat sa iba't-ibang bahagi ng probinsiya.
Naalala ko tuloy 'yong business ni Tito Rey, Papa's youngest brother, 'yong Osmeña Trucking Services. Under din 'yon ng Osmeña Business Empire.
Nasa isang canopy kami, naglalakad, at ang daang ito ay ang nagdudugtong sa mismong milling at sa admin building nila. Huminto ako saglit para klarong mapagmasdan ang iba't-ibang truck. Naramdaman ko rin ang pagtigil niya kaya bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya.
"'Pag nag-merge na ba ang Osmeña at Lizares, makaka-deliver na rin ng tubo ang mga truck ni Tito Rey dito?" Out of curiosity, I just ask that question.
"Yes, it's automatic since your Tito Rey's Trucking Services also caters sugarcane trucks kaya mabibigyan na ng slot to operate here ang negosyong iyon. Malaki rin ang magiging hatak ng mga connection ng Tito mo when it comes to trucking services sa negosyo namin." Sagot naman niya.
Tumango-tango ako habang nakamasid pa rin sa mga naglilinyahang truck papasok sa malawak at medyo magulong compound ng milling nila. Puno ito ng mga tubo at pare-pareho sila ng kulay: mustard yellow na may sign na malaking L sa gilid ng pinto at sa mismong kaha.
Tito Rey's trucking services are all color blue and they operate on small time and big time hacienderos na kailangang magkarga ng mga tubo nila. Sa pagkakaalala ko, gustong makapasok ni Tito sa milling na ito kaso may sarili silang mga truck kaya hindi niya noon nagawa. Pero nang dahil sa merging na ito, his dreams will be put into possibility.
"Good to hear that," nakangiti ko pang sabi. "And oh, by the way, kailan ba ang off-season? Pansin ko sunod-sunod ang pagpasok ng mga truck niyo, a?"
Off-season is the time when the central or the milling company stop on accepting sugarcanes. Stop din maski ang pag-harvest ng tubo. Walang ganap ang mga haciendero sa mga buwan na iyon. Tag-hirap sa probinsiya namin kung tawagin nila.
"First week of July. Kaonti pa nga lang 'yan sa usual na truck na pumapasok dito araw-araw."
"Baka naman wala na halos may nagpapa-harvest ng tubo nila?"
"Hindi ganoon, ngayon ang peak season no'n sa taong ito pero humihina ang pasok sa amin dahil sa bagong tayong milling company sa Victorias."
"Ah, ganoon ba? Sana nga makabawi na kayo, 'no?"
Punyemas ghorl! Patanong-tanong lang ako pero lumilipad na ang utak ko kung saan-saan.
Okay naman pala siyang kausap. Matino. Akala ko suplado. Parang suplado kasi noong mga nakaraang impression ko sa kaniya.
"It's almost lunch, where do you want to eat?"
"Sa canteen n'yo na lang. Okay naman mga foods n'yo ro'n, e."
Ay sandali! Mayaman na mayaman nga pala itong kasama ko. Hindi yata sanay sa mga simpleng kainan lang, mali yata ang naging tanong ko.
"I mean... sige, kahit saan, ikaw bahala," pambabawi ko bago pa man siya makasagot.
"Gusto mo ba talaga sa canteen? Maraming workers ang doon nagla-lunch ngayon."
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinikom na muna ang bibig ko.
Right... kanina ko pa napapansin ang atensiyong nakukuha ko sa loob ng milling. Puros lalaki kasi ang nagtata-trabaho roon at wala akong nakitang maski isang babae. Napapatingin sa akin at humihinto pa sa ginagawa para lang masundan ako ng tingin. I draw so much attention but I won't mind. As long as hindi naman nila ako binabastos, wala akong pakialam. Tingin lang sila, wala namang mawawala sa akin.
"Kahit saan basta may pagkain, okay ako."
I'll let him decide. Masiyado kasi akong nasanay sa college days ko na pati sa isang simpleng karinderya ay kinakainan ko kasama ang engineering friends ko...
Speaking of... kumusta na kaya sila? Nabalitaan kaya nila? The news spread like wildfire pa naman sa probinsiya namin kaya hindi na ako magtataka kung malalaman nila agad noong gabi pa lang ng engagement. Nanghihinayang lang ako kasi hindi man lang ako nakapag-explain sa kanila.
"Okay ka lang?"
"H-Ha? Oo, may naisip lang." Peke akong ngumiti sa kaniya at inunahan na siya sa paglalakad.
Agad din naman siyang sumunod.
"Okay, we'll eat in Chick 'n Belly then."
"Sure, no problem," because I'm thinking of the same. Isn't it odd?
Una, soccer. Pangalawa, choice of restaurant. Pangatlo, masiyado kang OA, MJ. Lahat na lang talaga bibigyan ng meaning? Ano ka, high school student? Tumigil ka nga. Punyemas!
Ngumiti ako ulit sa kaniya kahit na wala naman kaming napag-usapan na. Ewan ko ba. Baka kasi mind reader pala ang isang 'to, tapos naririnig pala niya ang laman ng isipan ko. Doomsday ko na talaga kapag nagkataon.
Palabas na sana kami sa admin building nang biglang may bumaba sa hagdan. Mas naunang naglakad si Darry at nasa likuran lang ako kaya siya ang unang tumigil, sunod naman ako. Hindi ko pa alam no'ng una kung bakit siya tumigil pero nang bahagya akong sumilip kung anong nangyayari... halos matigilan din ako.
"Kuya..." Unang bati ni Darry.
Nag-iwas ako ng tingin at inisip na isa akong palamuti sa pader, hindi dapat napapansin.
"Magkasama pala kayo."
Napalunok ako dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Sonny.
Okay na naman ako at hindi na big deal sa akin ang nangyari noong nakaraan, pero bakit sa tuwing nakikita ko siya ay may bumabalik?
"Galing ka ba sa opisina?"
Hindi pinansin ni Darry ang sinabi ng kapatid niya kaya mas lalo akong na-tense. Punyemas na 'to.
"I just want to give you the report. Inilagay ko na sa table mo."
"You should've given it to me sa bahay. Nagkikita naman tayo roon."
"Maaga ka kasing umalis kaya hindi na kita naabutan. Aalis din ako mamaya kasama si Ayla."
Edi go! Kailangan talagang iparinig sa akin? Wala na naman akong pakialam!
"Sige, baka hinihintay ka na ni Ayla."
"Sige... ingat kayo."
"Kayo rin."
Sa buong pag-uusap nila, hindi talaga ako nangahas na tingnan si Sonny. Ang awkward kaya!
"Tara na?"
"S-Sige."
Sumunod ako sa kaniya palabas ng building. Naabutan pa namin si Sonny na papasok na sa kotse niya kaya mas lalo akong nanahimik habang pinagbubuksan ako ni Darry ng pinto.
Isasarado na sana ni Darry ang pinto ng front seat nang biglang magsalita na naman si Sonny.
"Saan kayo magla-lunch?"
I fight the urge to look at him. Hindi na naman ako nandidiri or whatsoever. Umiiwas lang talaga ako.
Ang awkward pala nito? Punyemas ang awkward talaga!
"Chick 'n Belly."
"Okay."
Ang sunod kong narinig ay ang pagsarado ng pinto ng kotse niya at ng pintuan sa gilid ko.
I heavily and harshly sighed habang hindi pa nakakapasok si Darry sa loob. Nang makapasok siya, I compose a smile para malaman niyang okay lang ang lahat.
Ang awkward! Sa tanang buhay ko, sa lahat ng lalaking kinalantari ko, ngayon lang ako na-awkward na makita ang dating fiancé kasama ang bagong fiancé, and to think na magkapatid sila, nakatira sa iisang bubong, makes me shiver. I don't know!
Hanggang sa makarating kami sa resto na sinasabi ni Darry, halos 'yon pa rin ang iniisip ko pero winala ko muna habang nakatingin sa resto'ng pinasukan namin. It's one of my favorite kainan here in our ciudad. It's near my old school kaya it became our favorite kainan tuwing tanghalian dati.
Hindi ko nasundan ang mga in-order ni Darry dahil para pa rin akong natulala sa pagkikita namin ni Sonny kanina. Hindi naman sa apektado ako pero ang awkward pala na ano... punyemas! Umayos ka nga, MJ, kung ayaw mong bitinin kita patiwarik.
Dahil Sabado ngayon, may iilang customer ang kumakain ngayon sa Chick 'n Belly. May iilang grupo na nag-i-enjoy sa boodle platter na siyang pinakapatok na menu ng resto. Meron ding naghihintay pa ng order katulad namin. Ang iba naman ay kumakain na.
Abala ako sa pagtingin sa paligid at dahil isang Lizares ang kasama ko, ayon at pinagtitinginan siya ng lahat. Siguro, kailangan ko nang masanay na sa tuwing nasa public place kami, hindi talagang maiiwasan na may mapatingin sa kaniya. Kung kilala mo siya bilang isang Lizares, talagang titingnan mo siya. Kung hindi naman, titingnan mo pa rin siya kasi sa pisikal na anyo na meron siya.
I pouted and look at the girl who are obviously ogling on him even with my presence. Punyemas! Hindi ba nila alam na ikakasal na ang lalaking 'yan? Dapat alam nila!
Teka, paano kung mga ordinaryong tao lang sila na wala namang pakialam sa business world? Hindi ko nga sila kilala, e, kaya sa tingin ko mga ordinaryong tao lang din sila. Pero dapat alam pa rin nila!
I pouted more and pa-simpleng sinamaan ng tingin ang mga babaeng nasa paligid namin.
Teka nga, MJ! Baka crush lang din nila siya? Crush mo nga, e.
Sige na nga, pagbibigyan ko na sila sa patingin-tingin nila. Hanggang tingin lang din naman sila. Blee.
"Are you hungry na ba?"
"Ha?"
Punyemas.
Mariin kong itinikom ang bibig ko nang kausapin na ako ng lalaking pinapantasiyahan ng lahat. I surpress a smile.
"Hindi, a, hindi pa ako gutom." Rason ko naman para hindi niya malaman kung anong iniisip ko.
Isang matinding tikhim ang ginawa niya bago siya gumalaw sa kinauupuan niya. Mukhang may kinuha siya sa bulsa ng shorts niya. Inabala ko na lang muna ang sarili ko sa pagtingin sa TV para hindi na makita ang mga babaeng malagkit na nakatingin sa kaniya. Akala naman nila makukuha talaga sa tingin 'tong lalaking ito.
Nasa likuran ni Darry ang direksyon ng TV kaya kahit anong iwas ko, nakikita talaga ng peripheral vision ko ang mga ginagawa niya. Tama nga ang hinala ko, meron nga siyang kinuha sa bulsa ng shorts niya at nakayuko na siya ngayon habang inaayos ito.
Gusto kong i-concentrate ang mata ko sa TV pero masiyado talagang nakaka-distract ang ginagawa niya.
Ano ba 'yan? Phone?
"Wear this."
Dahil nga distracted ako sa ginagawa niya, agad kong nahanap ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong ipapasuot niya.
"Ang ano?" Nakatingin pa rin sa mga mata niyang tanong ko kahit na nakikita na naman sa peripheral vision ko na naka-angat na ang kamay niya at may hawak ito. Ayoko lang i-confirm kasi alam kong may sasabog na naman sa sistema ko kapag ginawa ko.
"This..." Sabay pakita sa akin nang kung ano ang hawak niya.
Holy shit! Punyemas! Shit! Totoo ba 'to?
"Ano 'yan? Anong gagawin ko r'yan?"
Ewan ko ba. Bigla akong nataranta kaya para makalma ang sarili ay suminghap ako at pilit tiningnan ang mga mata niya pero masiyado itong seryoso.
"It's an engagement ring. I should've given it to you the day of the party and the pamamanhikan kaso alam kong magulo pa ang utak mo kaya ngayon ko ibibigay sa'yo."
Napasinghap ulit ako at pilit na ngumiti sa kaniya.
"Is that even necessary?"
"Yes, because we're engaged."
Isang singhap ulit para pakalmahin ang sistemang naghuhuramentado.
Pinilit kong tumawa para maibsan man lang kahit ang kaonting tension sa sistema ko. Sunod-sunod na nagsiputukan ang fireworks sa loob ko. Saan ba kasi galing ang mga ito?
"Ako talaga maglalagay?" Pagbibiro ko na tinawanan ko pa. Pero siya, nanatiling seryoso kaya napatikhim ako at inilahad ang kamay ko. "Akin na."
Hindi niya ibinigay sa akin ang singsing kaya kukunin ko na sana nang bigla niyang kinuha ang left hand ko at marahan at buong ingat na inilagay ang singsing sa left ring finger ko.
Which is shit! Shit!
Boom!
Rumaragapak na paputok ang naramdaman ko sa loob ng sistema ko na sinabayan pa ng mabilis na pagtibok ng puso ko, sa sobrang bilis ay halos kapusin na ako ng hangin, halos mapagod ako kakahabol. Bakit...
Tulala akong napatingin sa singsing na nasa daliri ko na. Totoo ba 'to? Baka nananaginip lang ako?
Kung hindi lang ako nakarinig ng palakpakan ay baka habang buhay na akong napatulala sa singsing na 'yon.
Teka, sandali, wait, taysa... palakpakan?
Akala ko magugulantang na ako sa singsing. Mas nakagugulantang ang palakpakan sa loob ng resto kaya halos lumuwa ang mata ko kakatingin sa mga taong nakatingin na sa amin.
"Punyemas?"
Lumingon ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin, hindi man kasing lawak ng usual kong ngiti, pero nakangiti talaga siya. Isang totoong ngiti.
What the shit!
May mga naririnig akong usapan, may nagko-congratulate, I even saw the girls kanina na napangiwi na. Pilit akong ngumiti sa lahat. Wala akong masabi.
"Pa-Paano nila..."
"Tss, just eat your food, MJ."
Doon ko nakita na may pagkain na sa hapag namin. Siguro sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayan na dumating na pala ang order namin.
Pinilit ko ang sarili kong kumain kahit na maya't-maya ang sulyap ko sa daliri kong nilagyan niya ng singsing.
Sobrang ganda ng ring. Hindi masiyadong makapal ang mismong singsing at sakto lang ang size ng diamond. Bagay na bagay sa payat kong daliri at not to mention na saktong-sakto ito sa size ko.
Paano niya nalaman?
Ah, si Mama at Papa. Okay.
Sinipat ko ng tingin ang ring. Kung hindi ako nagkakamali, Tiffany and Co. ang brand nito. Rose gold ang kulay ng ring. Ang cut ng yellow diamond na nasa ring ay cushion cut. Simple pero maganda. Simple pero may itinatagong elegante. The Osmeña trademark: Simple pero elegante. Simplex, sed munditer.
Naks, ang dami talagang trademark ng Osmeña.
"Do you like it?"
Paihim akong napasinghap nang marinig na naman ang baritono niyang boses na hinding-hindi na yata mawawala sa sistema ko.
"It's beautiful. How much is this?" Pinasadahan ko ulit ng tingin ang ring. Ang ganda talaga niya.
"Is that even important?" Parang bored niyang sagot.
Ipinagpatuloy ko ang pagkain at sinulyapan muna siya bago nagsalita.
"Oo naman! Alam naman nating dalawa na freeze pa kayo sa pagbili ng kahit anong gamit at properties that cost a fortune. Unless, Mama and Papa bought it?"
Oo, tama, sina Mama lang ang bumili nito.
"They didn't."
"E, sino? Si Tita Felicity? Ang ganda kasi."
"I can't give you the family heirloom kaya I just bought an engagement ring for you."
Boom.
"T-Talaga? Bakit ikaw 'yong bumili? 'Di ba dapat si Sonny kasi siya naman ang unang ipinagkasundo sa akin?"
Pahina nang pahina yata ang boses ko. Punyemas.
"Gusto mo ba ulit si Kuya bilang fiancé mo?"
Punyemas! Matinding paglunok ang nagawa ko nang sobrang seryoso niya sa tinanong niya.
"H-Ha? Hindi, a. Parang nagtatanong lang, e," depensa ko at pilit na ginalaw ang pagkain ko.
"He's out of this, MJ, kaya dapat lang na hindi na natin siya pag-usapan."
"O-Okay. Pasensiya na."
Maisingit lang talaga si Sonny, MJ, 'no? Por que nakita kanina?
"MJ? MJ Osmeña?"
Ha?
Napaangat ako ng tingin nang may tumawag sa pangalan ko, tapos ay lumapit pa sa lamesa namin. Malawak ang ngiti niya kaya nang makilala ko siya, mas lalong lumawak ang ngiti ko.
"Serg? Nakauwi ka na pala?"
He spread his arms for a hug kaya tumayo ako para yakapin siya.
"I miss you too, MJ!"
Panandaliang yakap lang kasi sinapak ko na agad.
"Seryoso kasi! Kailan ka pa umuwi? Kabababa mo lang ba sa barko?"
"Oo! Noong isang araw lang. Galing pa akong Manila kaya ngayon lang ako nakauwi sa ciudad natin."
I pinched his cheeks.
"Nag-mature ka, a? Mahirap ba ang trabaho sa barko?" Puna ko sa iilang pagbabago sa mukha niya. "Nagkita na kayo ni Lorene?" At sumilay sa labi ko ang isang nakalolokong ngiti na nagpabusangot sa kaniya.
"Psh. Totoo ba 'tong nabalitaan ko? Isasakal- I mean, ikakasal ka na raw?"
Tumikhim ako at malawak na ngumiti sa kaniya bago nilingon si Darry.
"Sandali lang, Dar, ha? Mag-uusap lang kami ng kaibigan ko." Bahagya kong nilingon si Darry at hindi na hinintay na sumagot pa siya at kinaladkad na si Serg palabas ng resto.
Si Serg naman ay halatang nagulat sa ginawa ko.
"Teka, si Darry Lizares 'yon, a? So, totoo nga?" Inirapan ko si Serg sa tanong niya nang makalabas kami sa resto. "So totoo nga, MJ, na ikakasal ka na? Hindi talaga nagbibiro si Steve?"
"Bakit naman magbibiro si Steve tungkol sa kasal ko?"
"Damn! Kilala mo naman 'yong pinsan mo, loko-loko 'yong gago, hindi mo malaman kung anong biro at kung ano 'yong hindi, e."
"Oo na, magpapakasal na 'ko!"
"Shit? Damn!" Napasinghap siya at nag-iwas ng tingin. Napatulala pa nga siya sa kabilang side ng daan bago lumingon ulit sa akin. "Una, nakaka-shock na malaman na magpapakasal ka na. You are MJ Osmeña! The MJ Osmeña na hindi nagbo-boyfriend pero maraming lalaki sa buhay! Kaya pala ayaw mo ng boyfriend kasi diretsong kasal ka pala?" At humalakhak siya sa sinabi niya na nginiwian ko naman. Loko-loko rin 'tong gagong 'to, e.
"Pangalawa, magpapakasal ka na nga lang, sa isang Lizares pa."
"E, ano naman ngayon?"
"Ulul, MJ! Nasaan na 'yong 'the Lizares are untouchables' mo?" He mock me sabay tawa ulit.
Hindi nga ako sinabihan ng mga kaibigan ko n'yan, binagsakan naman ako nang ganoong linya ni Serg na kaibigan lang naman ng pinsan kong si Steve at dating kasintahan ng kaibigan kong si Lorene. Punyemas.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa mga pinagsasabi niya.
"It's a marriage for convenience, Serg, don't put some feelings on it."
"Damn! Isa pa 'yan. Talagang ikaw ang kakaiba sa mga pinsan mo, e, 'no? Ikaw yata ang black sheep sa mga Osmeña, e."
"Hindi ako ang black sheep, silang lahat ang black sheep kasi ako lang ang bukod tanging sumunod sa tradisyon ng pamilya namin."
"'Yong family tradition n'yong masiyadong makaluma? Damn, MJ! That doesn't exist anymore, hindi na uso 'yan, woy. Be modern naman."
"Ewan ko sa'yo, Serg. Seaman ka na't lahat, hindi ka pa rin nagbabago, may pagkagago ka pa rin."
Pareho kaming natawa sa sinabi ko.
"Pero seryosong usapan. Uuwi sana si Brey, susubukan daw na pigilan 'yong kasal mo."
"Ha? Bakit naman niya pipigilan? Bakit naman siya uuwi? 'Di ba maganda na ang buhay niya sa Australia?"
"Kasi akala niya ito na ang tamang oras para i-pursue ka." Seryoso pero nakangiting sabi ni Serg.
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dadaanin ko ba sa biro o kung ano pero at the end of it, pareho naming tinawanan ni Serg ang sinabi niya.
Punyemas, Brey, don't ever do that! Kasi sa tingin ko, wala na talagang makapipigil sa akin para ipagpatuloy 'to.
"May pangatlo pa pala akong sasabihin."
"Ano na naman 'yan?"
"Sa lahat ba naman ng Lizares na puwede mong pakasalan, 'yon pa talagang si Darry, ano?"
"E, ano naman ngayon kung siya?"
Serg shifted his weight and look at me intently.
"Ewan ko kung naaalala mo pa pero minsan na naming na-bully 'yang si Darry. No'ng mga panahong akala namin ay hindi siya isang Lizares at walang naniniwalang Lizares nga siya."
Now, he got my full attention.
"Teka, bakit n'yo naman bu-bully-hin 'yon?"
"Because he was, back then, a nerd. Nakalimutan mo na ba? Minsan mo pa nga'ng ipinagtanggol 'yan sa amin, e."
"Nagawa ko 'yon?"
"I guess you forgot, but yeah, nagawa mo nga 'yon. Ipinagtanggol mo siya nang sabihin naming may gusto siya sa'yo noon."
Ano 'yon? Ha?
'May gusto siya sa'yo...'
May gusto siya sa akin?
Kumalabog na naman ang buong sistema ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Gusto ko pero may parte sa akin na 'wag, baka prank lang ni Serg. Pero seryoso siya, e.
Nilapitan ko si Serg, hinawakan ang magkabilang pisnge, at seryoso siyang tiningnan.
"Totoo ba 'yang sinasabi mo?"
"Oo-"
"I think you're invading her personal space. We all know na ayaw ng ibang tao na ma-invade ang personal space nila."
Punyemas.
"See, I told you."
Unti-unti kong tinanggal ang kamay ko sa pisnge ni Serg at seryosong tiningnan si Darry na nasa likuran ko.
Punyemas! That's my punyemas line! Siya ba 'yon? 'Yong nerd? 'Yong nerd na 'yon?!
~