Dumaan ang Pasko, kasal ni Ate Ada at Decart Lizares, at ang bagong taon na wala masiyadong ganap sa buhay ko.
Maliban na lang sa pagiging makulit ng engkanto. Sa sobrang kulit, heto na nga siya o, palapit na sa akin.
Sunday ngayon at nandito ako sa kabisera para simulan na naman ang panibagong linggo ng pagiging busy. It's the second week of January and ilang araw na rin magmula no'ng magpalit ang taon.
I'm trying my best to be cool with Sonny since I knew the merging. I'm trying my best to do everything para lang makalimutan ang lahat ng pag-aming ginawa niya sa nakaraan. Sinubukan ko at hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin.
Gusto niya ako. May gusto siya sa akin. Kaya siguro masaya siya, masayang-masaya siya na kami ang ikakasal. I don't want to pop up his bubble. I'll let him be happy. As if people can be genuinely happy.
I'm kind of good at acting pero sa loob ko, hindi ko talaga maipagkakaila na may epekto ang mga salita ni Sonny noong nakaraan dito ngayon sa kasalukuyan.
Sumimsim ako sa kapeng in-order ko kanina at pinagmasdan ang bawat galaw niya. Hinintay ko hanggang makaupo siya sa bakanteng couch sa harapan ko. Nasa Starbucks Lacson kami ngayon at hindi ko pa alam kung bakit kami nandito. Naunsa kasi akong dumating sa kaniya, siya'y heto't kararating lang.
"Ano'ng pag-uusapan natin?"
Saktong paglapag ko sa mug ay siyang pagkaupo niya kaya agaran kong tinanong ang dapat itanong.
"Wala man lang bang good afternoon d'yan?" ngi-ngising sabi pa niya.
Umiwas ako ng tingin para hindi matamaan ng mga ngiti niya. Napa-iling na lang ako.
"What's with the sudden meeting? Pakibilisan na lang kasi marami pa akong tatapusin sa condo."
"What is it? I can help you."
"I can do it..." Sumimsim ulit ako sa kape. "So, what is it?" Pertaining baout his agenda this afternoon.
"Can't you take a vacation this month?"
Napakamot ako sa bandang ibaba ng mata ko habang nakatitig sa kaniya. Marahan pa rin siyang nakamasid sa mga galaw ko.
Inisip kong mabuti ang schedule ko this month. This week, puro exposure at project study lang kami. Third week of January, ganoon din pero kailangang mag-prepare for the yearbook pictorial. Last week of January, finalizing of project study. 'Yon lang naman.
"When exactly?" Tanong ko sa naging tanong niya. O 'di ba ang gulo.
"Let's say... next week," kibit-balikat na sagot niya. "Just a weekend getaway. Mom and Dad wants you to join us."
Sa totoo lang, wala akong oras magbakasyon ngayon. I am dedicated in finishing my degree kaya kahit ang pagbabakasyon ay walang puwang sa schedule ko. Kailangan kong makatapos ng college this year 'cause I'm way too behind. Six years na kaya ako sa college. Saka na lang ako gagala kapag naka-graduate na talaga o 'di kaya'y pagkatapos ng board exam. The trip can wait but my diploma can't. Lilibutin ko talaga ang buong mundo kapag nakatapos ako.
"Weekend getaway? Saan naman?"
Pero kung sinabi ni Don at Donya na isasama ako, baka mahirapan akong tanggihan ito. Baka magsumbong sa parents ko, ako naman ang malintikan. As if malilintikan talaga ako.
"Lakawon."
"Lakawon Island? In Cadiz? Ano'ng meron? Tayong dalawa lang ba?"
I'm not putting malice on asking that. Naninigurado lang ako. Pero ang engkanto, mukhang binigyan ng ibang meaning ang naging tanong ko kasi malawak siyang nakangiti sa akin ngayon. Umismid ako at sumimsim ulit sa kape.
"I really want to solo you, MJ, but we both know that I can't, not until the wedding. Don't worry, maso-solo rin naman kita right after and I have the lifetime to be with you."
Huh? Ano bang pinagsasabi ng engkantong ito? Akala ba niya kikiligin ako sa mga pinagsasasabi niya? Na-uumay na ako sa mga ganiyang klaseng linya. Psh, boys.
"But anyways... it's Callie's twenty-sixth birthday."
Teka, wait, sandali... Callie? As in Callie Dela Rama? The CEO of Lizares Sugar Corporation's model slash beauty queen girlfriend?
"You knew Callie, right? Charles' girl. So, 'yon nga, regalo ni Charles 'yon sa kaniya - an intimate birthday celebration in an island."
Birthday ni Callie Dela Rama and Darry will give her a celebration in the island? Wow! She must be really special, really punyemas special.
"Ewan ko nga ba sa kapatid kong 'yon. Ang daming ibang lugar na mas maganda pa sa Lakawon, pero pinili pa ring doon i-celebrate ang birthday ng girlfriend niya. Puwede nga'ng silang dalawa na lang, idadamay pa kaming mga kapatid niya," napasandal siya sa inuupuan niya at napa-irap namana ko.
Ang pangit naman kung silang dalawa lang. Kaya dapat lang na may kasama sila. Ang pangit. Ang pangit-pangit.
"Baka para may kasama sila? I've heard Callie's an only child so she don't have any relatives and siblings here in Negros to invite to, kaya siguro kayong mga kapatid ni Darry ang dadalhin niya," rason ko naman. Wala lang, para lang may masabi.
"How did you know she's an only child?"
"Uh, it's all over the news and tabloids and she's famous kaya alam ko kasi alam din ng lahat?" May halong sarkastikong sabi ko.
Sa totoo lang, nalaman ko 'yan sa kadaldalan ng isa sa project study mates ko na si Ferlen. Fan kasi siya ni Callie Dela Rama kaya nafi-feed niya ako ng mga information na wala naman talaga akong interes in the first place.
"Fair enough, but yeah, you're right. Her family's in Manila kaya wala siyang close relative na maiimbita sa getaway na 'yon. But I heard she has friends here, but it's up to Darry to invite them, after all, it's a surpise getaway," he said like he just confirm na may point ako sa rason ko. "So, anyways, sasama ka?"
Inubos ko ang huling patak ng kapeng iniinom ko at marahang nagpunas ng bibig gamit ang tissue tapos ngumiti ako sa kaniya.
"I'll see my schedule."
Pero sasama talaga ako. Sasamang-sasama talaga ako kahit na hindi mo pa ako ayain. Sasama ako hindi dahil makiki-birthday kay Callie. Sasama ako dahil... bakit nga ba?
"Good. I'll tell Charles then so that he can arrange it," nakangiting sabi niya.
"Okay. 'Yan lang ba ang pag-uusapan natin?" Umayos ako sa pagkaka-upo at napatingin sa wrist watch ko. "I need to go home na. Marami pang nakaabang na gawain sa akin sa condo."
"Okay, ihahatid na kita," at na-una na siyang tumayo kaya napatingala ako sa kaniya.
"I can commu-"
"Ihahatid. Na. Kita," he said with hard conviction.
Napasinghap na lang ako at tumayo na para sundan siya sa paglalakad palabas.
Habang palabas kami ng Starbucks ay iginala ko ang tingin sa kabuuan. Hindi na ako nagulat nang nakatingin nga halos lahat ng babae sa kaniya. Dati pa lang, nililingon na talaga sila ng mga babae, pati nga bakla, e, kaya hindi nakakagulat. Ang mas nakakagulat ay 'yong araw na hindi na sila lilingunin.
Pagkalabas ko ay nakabukas na ang pintuan ng front seat ng kotse niyang may tatak na Ferrari. Walang pag-aalinlangan akong sumakay doon at ako na mismo ang nagkabit ng seat belt ko habang umiikot siya papunta sa driver's seat.
Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa O Residences kung saan ang condo ko. Nothing unusual happened sa paalaman naming dalawa. I just said my thank you like it's a normal thing for me na maihatid ng isang lalaki. Hindi ko pinapakitang naapektuhan ako sa presensiya ng isang Sonny Lizares. As if I am.
Inatupag ko muna ang mga kasamahan ko sa project study at pansamantalang kinalimutan ang mga Lizares
Pito nga pala kami sa grupo. Tatlong babae, apat na lalaki. Ang apat ng lalaking kasama ko sa project study ay ang apat ko ring engineering friends: Alvin, Louise, Joemil, and Raffy. Sa mga babae naman, si Ferlen at Belle ang kasama namin. Mag-oovernight nga pala sila sa condo ko para ayusin ang project study namin. Lunes bukas pero nagawa pa naming mag-overnight.
Care of ko ang pagkain sa gabing iyon dahil nga sa condo ko sila natulog. Dinala ko kasi si Alice para may kusinera ako sa linggong ito. Wala lang, trip ko lang papuntahin siya rito. Alam ko kasing pupunta ang project study mates ko kaya imbes na mag-order pa kami sa mga fast food chains, dinala ko na si Alice para may taga-pagluto kami.
Homemade foods are better when it comes with brainstorming kaya my suggestion with them about the presence of Alice was enough para hindi na sila umangal pa na sagot ko ang pagkain namin.
Double purpose nga pala ang sleep over naming ito kasi nag-aaral din kami for the incoming midterms.
Although I've mentioned that I'm not good with group study setting, hinayaan ko muna ang sarili kong sabayan sila sa pag-aaral ng midterms.
Alas dose na ng madaling araw pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Naka-tatlong baso ng kape na ako to keep fighting. Charot.
Pero may ka-grupo talaga tayo na hindi kinakaya ang pagpupuyat. Mga puyaters sa computer games 'tong mga 'to, e, pero hindi kinaya ang pagpupuyat ngayon. Sabi power nap lang daw pero dalawang oras na silang tulog. Ang lalakas ng loob magsabi na dapat daw walang tulugan, pero heto sila't nakahilata na sa malawak na living room ng condo. Pinabayaan na rin naming mga girls ang pagtulog ng mga boys kasi tapos na rin naman kami sa mga kailangang tapusin.
Kung sasabihin ko sa inyo ngayon kung tungkol saan ang ginagawa naming project study, baka matulad kayo sa mga boys na mag-power nap bigla't hindi na magising at saka baka sumabog rin ang mga utak n'yo.
I am randomly reading a book na puwedeng makunan ng reference sa ginagawa namin. Si Ferlen ay nasa phone ang attention at si Belle naman ay nasa laptop ang tingin. Nang tingnan ko kanina kung ano'ng pinapanood ni Belle, ksua akong napa-iling at hindi na siya inabala pa dahil sa sobrang seryoso ng kaniyang mukha. Ikaw ba naman mag Tulfo and Chill, e, 'no?
Nang sumakit ang mata ko kakatitig sa mga salitang ayaw ng tanggapin ng brain cells ko, naisipan kong isara na ang libro at ubusin ang kape. Last na 'to, hindi na ako magtitimpla ulit.
"MJ..."
"Yes, Ferl?" Nilingon ko si Ferlen nang tawagin niya ang pangalan ko.
"'Di ba close ka sa mga Lizares?"
"Hmm, not really. Why?"
"Not really? Hindi ka close sa mga Lizares? Pero 'di ba isang family na kayo? Ikinasal na 'yong pinsan mong si Adaline sa panganay ng mga Lizares, 'di ba?"
"Yeah, pero ako 'yong hindi close sa kanila. The rest of my family... I don't know. Maybe? Why?" Kibit-balikat na sagot ko.
Ayokong ipangalandakan sa lahat na ikakasal ako sa isang Lizares after this school year kasi nga 'di ba sekreto muna?
"Ang suwerte mo, malapit ang pamilya mo sa mga Lizares at abot-kamay mo sila. Ang dami naming hindi kasali sa alta sociedad na gustong makipag-close sa kanila, e," kibit-balikat din na sagot ni Ferlen.
Natagalan ang titig ko sa kaniya.
Hmm, suwerte ba talaga ako? Bakit feeling ko ang malas-malas ko na mali-link na ako sa mga Lizares?
"Ang ganda talaga ni Callie. Ang kulay ng buhay niya, nasa kaniya na yata ang lahat."
Parang may dumaang hangin sa harapan ko nang marinig kong nagsalita ulit si Ferlen. Inayos ko ang pagkakatingin ko sa kaniya.
"Paano mo nasabi?"
Now I'm curious and I don't know why.
"Imagine... ang ganda ng family background niya. From a well-respected and good looking family tapos ang ganda pa niya then alam mo bang nagtapos siya ng Theatre, Dance, and Media sa Harvard? Tapos naging Binibining Pilipinas pa two years ago tapos model pa. Akalain mo 'yon, mayaman na, matalino pa, at maganda pa. Pambihirang Callie, sinakop na yata ang lahat ng blessings sa mundo. Tapos nasa kaniya pa ang pinaka-guwapong CEO slash haciendero na si Darry Lizares. Ay naku, ke-suwerteng babae ni Callie talaga," natatawang kuwento ni Ferlen kaya naging interesado ako na pag-usapan siya.
Nasa kaniya na nga yata ang lahat. Pati siya.
O, e, ano ngayon, MJ?
"Hindi ba nanalo si Callie sa Miss Universe no'ng i-represent niya ang Pilipinas?" I rested my head on the palm of my hand and I rested my elbow on the sofa. Bali nasa sahig kami ngayon ni Ferlen at magkaharapan.
"Hindi, e. Sayang nga. Pero umabot siya noon sa top twenty yata? Basta mga ganoong level."
"So... in other words, she's an epitome of a perfect girl?"
Iniba ko ang usapan dahil hindi naman talaga ako interesado sa Miss Universe journey ni Callie.
"If that word and personality really existed? Siguro, isa sa mga perpekctong tao si Callie. Imagine, ang ganda ng mukha. may lovelife, may career... ano pa bang wala sa kaniya, 'di ba?" Namamanghang sabi niya.
"Maganda ba takbo ng lovelife niya? May alam ka ba kung paano sila nagsimula ni Darry?" Casual kong tanong. Hindi nagpapahalatang interesado.
Hindi ba talaga, MJ?
"Masiyadong private ang parteng iyon pero ang pagkakaalam ko, sa Harvard sila nagsimula."
"Harvard?"
"Oo, schoolmates daw sila noon tapos parehong pinoy kaya nagka-close hanggang naging sila. Hindi nga lang malaman kung kailan exactly naging sila, basta pag-uwi ni Callie dito sa Pilipinas, napabalita nang may rumored boyfriend siya at nakumpirma lang no'ng umuwi nga itong si Darry Lizares sa Pilipinas after his Masters sa same school."
Wow! Ang dami ko pa lang hindi alam sa kaniya? He took Masters sa Harvard right after his Bachelors? Kaya ba natagalan ang uwi niya?
"Up until now, magkasama pa rin sila. I wonder kung kailan sila magpapakasal? Nasa right age na naman sila at sa tingin ko naman handa na sila, 'di ba, MJ?"
"Yeah." Kibit-balikat na sagot ko, hindi malaman kung anong idudugtong.
"Psst, ano'ng pinag-uusapan n'yo?"
Dahan-dahan kong nilingon ang puwesto ni Belle nang agawin niya ang pansin namin.
"Si Callie Dela Rama," ani Ferlen.
"Ah? Si Callixta Aurelia Dela Rama?"
Oh? Ka-pangalan niya pa si Lola, a.
"Oo, si Callie," pagsang-ayon ni Ferlen.
"Ah... alam n'yo ba kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin kasal si Callie Dela Rama at Darry Lizares kahit matagal na silang mag-jowa?" May hand gestures pang sabi ni Belle kaya napa-ayos ako ng upo at naibigay ang buong atensiyon ko sa kaniya.
So... matagal na pala sila?
"Bakit?" tanong ni Ferlen.
"Kasi... ayaw daw ni Callie Dela Rama magka-anak kaya hanggang ngayon walang kasal na nagaganap sa dalawa."
Wala sa sariling tumaas ang isang kilay ko sa sinabi ni Belle. Napahalukipkip din ako at nag-chin up.
"Huh? Ang imposible naman n'yan, Belle. Sino bang ayaw magpakasal sa isang Lizares? At sa isang Darwin Charles Lizares pa, ha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ferlen.
Oo nga naman, sinong ayaw magpakasal sa isang Lizares? Ultimo akong ayaw sa kanila ay ikakasal sa isa sa kanila, e. Kaya sinong hindi? Sinong tatanggi? Imposibleng ang isang Callie Dela Rama, a high-maintenanced girl, ay aayaw sa isang high-maintenanced boy na si Darry Lizares. Imposible.
"Si Callie Dela Rama... siya ang bukod tanging umayaw sa isang Darry Lizares," pagtatapos ni Belle sa usapan.
Imposible. Imposibleng-imposible.
~
"1... 2... 3... smile, MJ Osmeña!"
I flashed my sweetest innocent smile for the yearbook pictorial. Suot ang isang black toga na merong orange hood to represent our degree, malawak ang naging ngiti ko sa camera.
Matapos ang dalawang click sa shutter ay agad tiningnan ng photographer ang camera niya to check his shots. Huminga akong malalim at ini-relax ang sarili sa pagkakatayo.
"Fabulous, MJ! You never failed to give me your bestest smile," malawak ang ngiting puri niya sa naging kuha ko.
"Thanks, Jeff. Thanks for the shots," ngumiti rin ako sa photographer.
Kilala niya ako dahil kaibigan siya ni Kuya Yohan na pinsan ko. 'Yung team kasi nila ang kinuha ng university to take our yearbook pictures.
Madaming engineering students ngayon dito sa AVR ng university dahil schedule namin ngayon sa pictorial. Nakasuot ang lahat ng OJT uniform namin, 'yong kulay gray at orange na polo uniform. 'Yung sa black toga naman, there are only few kaya salitan na lang sa paggamit.
"Naks naman! Sigurado na ba talagang ga-graduate tayo?" Natatawang pambungad ni Alvin nang makarating ako malapit sa puwesto nila habang hinuhubad ang black toga.
"Magpapa-picture pa ba tayo? Mukhang alanganin ang study natin, a," second the motion naman ni Louise.
Na-iling na lang ako habang ibinibigay sa tagapangalaga ng mga toga ang hawak ko.
"Kung hindi tayo magpapasa ng hard copy at magpapa-check kay Prof, baka 'yon, hindi tayo maka-graduate," sagot ko sa kanila dahilan para magtawanan sila.
Alphabetical order ang pictorial. Ako ang huli sa aming magkakaibigan kaya no'ng matapos ako ay agad kaming lumabas ng AVR, kung saan mas maraming pang nagkalat na engineering students na katulad namin ay graduating din.
Marami pang informal picture ang naganap paglabas ng AVR dahil pang-memories daw. Minsan lang daw kasi mag-ayos ang mga haggard na engineering students kaya wantusawa ang pictures. May mga group pictures from other majors, class pictures, pictures with my engineering friends, my project study mates, and everything.
Matapos ang lahat ng ganap na iyon, nagpahinga kami sa canteen. Naka-make up pa rin ako tapos suot ko pa rin ang OJT uniform namin.
Sa lahat ng damit ko, sa ganitong ayos ako pinakakumportable sa lahat kasi feeling ko, ganap na engineer na ako: fitted black jeans, sneakers, and the gray and orange OJT uniform. Simple at malayo sa usual type ko pero napakakumportable. Kulang na lang talaga ang white hard hat. Goal na goal ko 'yon.
"Ang bilis talaga ng panahon, 'no?" Napalingon ako kay Joemil nang magsalita siya. "Dati, nagkukumahog pa tayong kumuha ng entrance exam para lang makapasok sa engineering, tapos ngayon... ilang buwan na lang at ga-graduate na tayo," dagdag niya.
I agree with him.
"Tama, tama! Tapos nalilito pa dati kung ano'ng kurso ang kukunin," second the motion ni Louise.
"Kahit na may mga oras na halos bumagsak na tayo sa mga subjects natin, ang suwerte talagang nakaabot tayo ngayon dito. Ang bilis talaga ng panahon," ani Alvin.
"'Yon ay kung matatanggap ang study natin. Nasa alanganin pa rin tayo, woy!"
Bigla kong nabatukan ang katabi kong si Raffy dahil sa sinabi niya.
"Panira ka talaga ng moment! Ang ganda ng pagbabalik-tanaw ng tatlo, e," saway ko sa kaniya.
"Dapat kasi reality check tayo, guys. 'Wag muna tayong pakampante kahit na nag-pictorial na tayo," rason niya kaya napa-iling na lang kaming apat sa mga rasones ni Raffy Javier.
"Ano? Pahinga tayo this weekend?" Tanong ni Alvin.
Oh, about that! Ngayong gabi na pala ang alis namin papuntang Lakawon. Bukas na kasi ang birthday ni Callie Dela Rama.
Wala sa sarili kong ch-in-eck ang phone ko to see some messages pero wala naman.
"May trip ba kayo bukas?" Tanong ko sa kanila at prenteng sumandal sa monobloc chair.
"Uuwi kami sa mga bayan namin," halos sabay na sagot ni Joemil, Alvin, Louise, at Raffy.
"Uuwi ka rin ba? Sabay ka na sa amin," offer ni Raffy pero nginitian ko na lang siya.
"Hindi na. Hindi naman ako uuwi sa amin. May ibang lakad ako," sagot ko.
"Oh? Saan ka na naman magliliwaliw?" ani Joemil.
"Makiki-birthday lang..."
Hahabaan ko pa sana ang sagot ko nang maramdaman ko ang vibration ng phone ko kaya agad kong na-check ulit 'yon.
A text message from him.
Sonny:
Anong oras ka lalabas ng school mo? Susunduin kita.
Ako:
Wag na, I can manage. What time alis?
"Sonny?"
Punyemas?
Gulat akong napalingon kay Raffy nang magsalita siya. Wala sa sarili kong natingnan ang iba pang kaibigan namin pero nag-uusap na sila nang kung anu-ano, mukhang hindi narinig ang sinabi ni Raffy.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya.
"Nagti-text sa'yo si Engineer Sonny?" Klarong pagtatanong niya.
Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong malaman ng lahat na may connection ako kay Sonny na higit pa sa akala nila.
For punyemas sake, he's my future partner! The hell!
"H-Huh? Wala 'to, nagtatanong lang sa negosyo namin," kibit-balikat na sagot ko at ni-lock ang phone at inilayo sa tingin niya.
Hindi ko alam kung bakit may tumubong guiltiness within me. Noong isang taon pa 'to, e. Dahil ba sa nagtatanong o dahil sa tinatanong?
"Weird..." Umismid ang muka niya at mukhang malalim ang iniisip. "Sino sa mga pinsan mo pala ang ikakasal ulit sa mga Lizares? Bali-balita sa buong probinsya 'yon, a?"
Matinding paglunok ang ginawa ko dahil sa biglaang tanong ni Raffy. Gusto kong umilag pero paano?
"Hindi sinasabi sa amin, mukhang plano pa naman, hindi pa sigurado," I said with final conviction para wala na siyang maraming tanong.
Mabuti at nag-vibrate ulit ang phone ko kaya inabala na lang ang sarili roon, sinisiguradong hindi na makikita o mababasa ni Raffy ang kung ano mang meron doon.
Sonny:
5 pm. You're out at that time, right? Balita ko pictorial nyo ngayon.
Ako:
Sa condo building mo na lang ako hintayin. May dadaanan pa ako.
Mabilis ang naging pagtipa ko kaya mabilis din ang kaniyang reply.
Sonny:
K.
Wait, what? The nerve of this engkanto to answer me a K?!
Potassium mo, Sonny! Si Mama at Papa lang ang may karapatang reply-an ako ng K! Punyemas, kaya pala ang bilis mag-reply!
Inis akong nagpatuloy sa natitirang oras ko sa school. Hanggang sa umuwi na ako sa unti ko, hindi pa rin naaalis ang pagka-inis ko.
E, ano naman ngayon kung K lang ang reply ng engkanto? Matanda na 'yon, baka tinatamad lang na mag-text o 'di kaya'y malabo na ang mata, hindi na makita ang mga letra sa phone. Psh.
Napangisi ako sa sariling naisip at gumaan-gaan kahit papaano ang kalooban ko.
Pababa na ako ng unit nang mag-text na ang engkanto na nasa baba na raw siya at naghihintay.
Isang back pack lang ang dinala ko. Enough for a two days and nights stay in an island.
Nang naglalakad na ako sa lobby, agad kong natanaw ang isang pick-up na kulay blue. D-Max. The familiar D-Max.
Halos singhapin ko ang lahat ng hangin sa labas ng pinto nang makitang nakatayo ang magkapatid sa labas ng kotse. Mas lalo kong nasinghap ang hangin nang makita kung sino ang nasa loob ng kotse na nakadungaw ngayon sa bintana ng front seat.
"Hi, MJ!" With poise na sabi ng babaeng nasa front seat, pati ang pagkaway niya sa akin ay may poise rin.
Kaya ba siya ang girlfriend kasi may poise? May poise rin naman ako, a? Poisonous nga lang.
Punyemas! Ano ba 'tong pinag-iisip ko?
Wala akong nagawa kundi ngumiti rin sa kaniya. Nakita ko rin na pinasadahan ako ng tingin ni Darry bago siya naglakad papunta sa driver's seat. Si Sonny naman ay nakahawak sa pintuan ng back seat, hinihintay ang pagpasok ko.
"Akin na 'yang bag mo," nakangiting offer niya kaya wala akong nagawa kundi ang ibigay sa kaniya ang back pack ko at agad na sumakay sa back seat. Umusog din ako, alam ko namang tatabi sa akin si Sonny.
So, si Darry ang magda-drive at nasa front seat ang girlfriend niya. Para kaming mga sampid ni Sonny dito, epal sa date nila.
Umandar ang kotse papunta sa destinasyon namin. Habang nasa biyahe, sinabi sa akin ni Sonny na roon na lang daw maghihintay sina Konsehal Einny at Tonton Lizares and their wives sa Cadiz Viejo kung saan ang port papunta sa Lakawon Island. Siggy is MIA, out of town daw. Decart and Ate Ada are also MIA, honeymoon naman.
'Yon na lang ang napag-usapan namin at naging tahimik na ako buong biyahe. Ginawa kong rason ang pictorial kanina para maging pagod ngayon.
Kung ako ay tahimik, kabaligtaran naman 'yon sa inaasta ni Callie Dela Rama. Sobrang daldal niya pero ang ka-chikahan lang naman niya ay ang jowa niya. Minsan sinasama niya sa usapan si Sonny, at ako, wala, nakapikit kasi ako. Sinadya ko pero buong tenga ko, nakikinig lang sa mga litanya niya at sa mumunting sagot ng isang baritonong boses.
Pasado alas-siete nang makarating kami sa isla. Tama nga ang sinabi ni Sonny, pinasarado nga yata ni Darry ang buong isla para sa girlfriend.
Sana all.
Punyemas! Ang daming arte! Sana binilhan na lang ng isla for a gift, hindi 'yong sinasama pa kami. O 'di kaya'y silang dalawa na lang ang nandito, bakit nandadamay pa? Daming pakulo, maghihiwalay din naman.
Sana...
Siyempre, joke lang.
Pagkarating kanina, agad kaming iginiya sa mga hotel rooms namin. I have my own room, Sonny too. Ang mga mag-asawa, siyempre share. Pero 'yong mag-jowa, hindi ko alam, hindi ko na inalam, ayokong alamin, baka sumabog utak ko.
Nag-dinner kaagad kami para raw makapagpahinga kasi bukas pa raw namin susubukan ang mga activities sa isla at bukas na rin namin i-enjoy-in ito.
Pero hindi ko magawang makapagpahinga. Nandito ako ngayon sa dalampasigan kasama ang isang bucket ng Heineken. Sabi, libre raw, e, kaya in-isang bucket ko na. Minsan lang 'to, lulubus-lubusin ko na.
Naka-ubos na ako ng dalawang bote. Nasa pangatlo na ako nang biglang lumamig ang simoy ng hangin kaya mas lalo kong ipinulupot ang shawl sa buo kong katawan para labanan ang lamig.
Kahit January na, ramdam na ramdam pa rin ang ihip ng hangin na tila ba'y Pasko pa rin. Narinig ko sa balita na galing sa Antartica ang hangin kaya malamig.
Nakatanaw ako sa isla ng Negros Occidental. Kahit na malayo, kitang-kita ko pa rin ang mga ilaw na animo'y mga bituin kung makakinang. Madilim ang payapang dagat, walang buwan, siguro new moon.
Kung matatakutin ka, magiging creepy sa'yo ang dagat kasi madilim at sa sobrang kalmado, walang alon akong naririnig. Ni sa dalampasigan nga, hindi nagalaw ang alon.
Gusto kong isipin ang mga mangyayari sa susunod na buwan. Gusto kong isipin ang graduation ko pero bago mangyari 'yon, isipin muna natin kung magiging successful ba ang project namin? Hindi kaya papalpak 'yon? Are the measurements right kaya? I don't know. Sana Pinaghirapan namin ng mga project study mates ko 'yon, e, sana talaga tama.
Lumagok ako sa Heineken at hinintay makalapit ang naglalakad na nilalang mula sa aking likuran.
"Ang lalim yata ng iniisip mo? Hindi ka makatulog?"
Napasinghap ulit ako at sinundan ng tingin ang kaniyang pag-upo. Katulad ng dati, nasa isang dipa ang layo ng puwesto niya sa puwesto ko. Pinapagitnaan namin ang bucket ng Heineken.
Umiwas ako ng tingin nang binuksan niya ang isang bote nang walang kahirap-hirap. You can expect that he can do it with his bulging muscles.
"Just random thinking," kibit-balikat na sagot ko habang nakatanaw pa rin sa mga maliliit na ilaw ng Negros Island. Sa pagkaka-alala ko, sa Cadiz City belong ang Lakawon Island kaya feeling ko Cadiz City 'yang nakikita ko.
"Mm-Hmm... Ano bang iniisip ng isang babaeng katulad mo?"
Gusto kong palakpakan ang engkantong ito. Madalas kaming mag-usap 'pag nagkikita o nagkakaroon ng pagkakataon pero lahat ng iyon, nagsisimula sa barahan o asaran.
Ngayon, parang gusto ko nga siyang palakpakan dahil sinimulan niya ang usapin sa isang kalmadong paraan, katulad ng dagat sa harapan namin.
"Iniisip ko ang project study namin. Kung magiging successful ba o hindi," natatawang sabi ko.
Nakakatawa nga naman. I'm supposed to relax, but here I am, thinking about our project study.
"I-relax mo naman 'yang utak mo. Pati ba naman dito, iisipin mo pa 'yan? We're here to relax, MJ."
Napangiti ako sa sinabi niya pero nanatiling sa dagat ang tingin ko.
"I am trying. Mahirap talagang hindi isipin. Nakasalalay doon ang future namin," rason ko.
Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa.
"What are yout thoughts about the wedding?"
Matapos ang mahabang katahimikan at puros lagok ng Heineken lang ang ginawa namin, binasag na niya ito.
Natigilan ako. Hindi ko kasi inaasahan na pag-uusapan namin ito. Sa tuwing tatanungin niya ako tungkol dito, hindi ako seryoso. Maybe now, we need to be serious naman, ano, MJ?
Bumuntonghininga ako at inaayos ulit ang shawl.
"To tell you honestly? Hindi ko iniisip ang kasal. Ayokong isipin. Mas masakit sa ulo 'yon kesa sa project study namin," seryosong saad ko.
Ayoko talagang isipin ang kasal na 'yan. Ayoko.
"Bakit nga ba hindi ka tumutol? Bakit hinid ka nag-protesta? I was somehow expecting you to walk out that night or at least make a scene or ask your parents why us, why the Lizares."
A small smirk form on my lips.
"You want to know why?"
"Yeah. I want to know. You don't like the Lizares. You don't like me. You don't want us to be in your collections. You don't want us kasi hindi lang kami pang-fling... teka, ito ba ang ibig mong sabihin?" Pagak akong natawa sa mga pinagsasabi niya. "Marami akong gustong itanong sa'yo. Marami akong gustong malaman sa'yo pero isa lang ang curious ako... bakit hanggang fling lang ang lahat ng lalaking dumadaan sa buhay mo?"
Gusto ko siyang barahin pero gusto ko ring mag-usap kami ng seryoso.
Hindi na rin ako nagulat sa huling tanong niya. I know, this time will come - someone will ask me why I am doing this.
"Gusto mo ba talagang malaman ang sagot sa mga tanong mo?" Seryoso ang boses ko at hindi pa rin siya nililingon.
Nakita ko sa gilid ng mata ko, nakatingin siya sa akin. Natahimik siya kaya nagpatuloy ako.
"Ten years ago..." I met a boy who taught me how to fall in love.
I sighed. Hindi ko kaya. Hindi ko pa pala kayang sabihin sa iba.
"Ten years ago, I taught myself not to fall for someone in particular kasi alam ko na sa huli, magiging sagabal lang ang pagmamahal sa mga plano ng mga magulang ko sa amin. At a very young age, alam kong ipapakasal ako sa lalaking ang mga magulang ko ang pipili."
I didn't make that one. Isa 'yan sa mga rason ko kung bakit naging ganito ako pero hindi iyon ang pangunahing rason ko. I met a boy who taught me how to fall in love, and shit happened.
"Kaya naglalaro ako, kasi alam ko naman na magiging useless kung may ipagpipilitan akong isang lalaki na papakasalan ko," dugtong ko.
Nanatili siyang tahimik.
"I conditioned myself not to fall for someone. I conditioned myself to control my feelings. I conditioned myself to surpress everything, to hide everything. Even my libido, I controlled it," sinabayan ko ng mahinang tawa ang huling sinabi ko.
"You did that at the age of?"
"Twelve." Because I fell for that boy at the age of twelve.
"Wow..." May pagkamangha sa boses niya. The same Sonny Lizares na namamangha kahit sa simpleng information lang. "Is that all because you are bound to marry someone?"
"Yep."
"Ni minsan ba... hindi ka na-inlove?"
Napahigpit ang hawak ko sa bote. Ano bang isasagot ko? Kung sasabihin ko bang oo, maniniwala kaya siya? I was just twelve at that time, young and so innocent. Would anyone believe what I felt that time is... love?
But love is an impossible word.
"I don't know. I don't believe in love, e," kibit-balikat na sagot ko, not letting him hear my grenade thoughts.
"You... you are surrounded by couples. Your Mama and Papa, your siblings with spouses, your Tita and Tito, your Lolo and Lola. Everyone around you are inlove and yet you don't believe with it? Ang imposible naman no'n, MJ?"
Lumagok ako sa alak na hawak ko.
"Hindi ko alam. My definition of love is way too different with the definition of love from people like you. Besides, product ng arrange marriage ang Lolo at Lola ko, same with my Titos and Titas and most especially, my parents."
"Ano ba ang pagmamahal para sa'yo?"
Natigilan ako. There was a long pause after his question.
Ano nga ba ang pagmamahal para sa akin?
'For me, love is an impossible word,' 'yan palagi ang sinasabi ko kapag someone will ask me the definition of love.
Ngayon, parang gustong magsalita ng puso ko. Ang kaso, kulang ang gusto niyang sabihin kaya nasasapawan pa rin siya ng utak.
Tumikhim ako.
"I don't know. Hindi naman ako na-i-inlove, e."
"Your life is an open book. Halos lahat ng taga-city natin, alam ang tungkol sa'yo. Bakit feeling ko ngayon, isa kang puzzle na sobrang misteryosa at kailangan pang i-solve?"
Kusa akong natawa dahil sa sinabi niya. He's right, my life is an open book and kung sinu-sino na ang naging authobiographer nito.
"'Wag mo nang masiyadong isipin ang buhay ko. Ako nga, hindi iniisip, e, ikaw pa kaya? Sasabog lang ang utak mo," pagbibiro ko tapos inubos ko ang Heineken. Tumayo na rin ako at inayos ang shawl. He remain sitted. "Can I shout?"
Napataas ang dalawang kilay niya habang nakatingala sa akin. Ang posisyon niya ay naka-upo siya at ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa likuran niya bilang suporta.
"Just shout. Wala namang ibang tao sa isla," cool na sabi niya kaya ngumisi ako.
"Aaaaaaaaaaah!" Sumigaw ako hanggang sa kaya ng vocal chords at hangin ko sa baga. "Sana tama ang mga measurements na ginawa namin! Kasi 'pag nagkamali 'yon, ayoko nang umulit pa!" Dagdag na sigaw ko. Nag-echo pa nga, e, sa sobrang tahimik.
Habol ang hininga, nilingon ko ang lalaking tumawa ng malakas.
"Pambihira. Akala ko naman kung ano'ng isisigaw mo, tungkol lang pala sa ganiya. Ang pambihira mo talaga, MJ!"
A bark of laughter echoed again in the island. Hindi na nga ako magtataka kung may mabulabog kaming mga engkantong katulad niya sa islang ito. Mas lalong lumakas ang tawa dahil nakisabay na rin ako.
"I just want to let it out. Sa lahat ng bumabagabag sa akin, 'yon talaga ang pinakamatindi," rason ko habang pinipigilan ang pagtawa ng malakas. Umiling-iling naman siya.
Iniharap ko ang sarili ko sa kaniya habang nakatayo. Nag-crossed arms ako.
"I think you have fallen in love."
Saktong pagsabi niya no'n ay may nakita akong pigura ng isang tao 'di kalayuan sa puwesto namin. May bitbit na isang bote, nakasandal sa isang niyog, naka-manbun ang buhok, at kahit hindi ko makita ang mga mata niya, alam kong nakatingin iyon sa akin.
Fireworks. A one little firework exploded inside me. That means happiness. I don't know why. Why, MJ?
"I have?" Wala sa sariling tanong ko habang nakatingin sa kaniya.
Hindi ko alam, na-inlove na ba ako ulit after the boy I met who taught me to fall in love?
"Yes, you have! You have fallen inlove with engineering."
Engineering.
I snapped!
Naibalik ko ang tingin kay Sonny at mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin. Abala siya sa Heineken na hawak.
Unti-unti akong umupo, bumalik sa kaninang puwesto ko. Humingang malalim para kahit papaano ay kumalma ang sistema kong sinabugan ng fireworks.
"Siguro nga," ipinilig ko ang ulo ko para maibalik ang atensiyon kay Sonny. Kailangan. "Kasi hindi ko pipiliin 'to kung hindi," dagdag ko.
Tiningnan ko si Sonny para tuluyan nang ibigay ang atensiyon sa kaniya. Nakatingin na rin siya sa akin.
"See? Mahal mo ang engineering. Sana nga engineering na lang ako," ma-dramang sabi niya kaya imbes na mainis, natawa ako.
Sinabayan na rin niya ako sa pagtawa. Nang humupa, sumagot ako.
"Did you know na mas pinili kong ako mismo ang pumili ng kurso ko instead of me choosing whom I want to marry?" I said out of nowhere.
"What?"
Nahihimigan ko sa boses ni Sonny na na-confuse siya sa sinabi ko.
"Mas ipinaglaban ko ang engineering kesa sa taong gusto kong pakasalan," kibit-balikat na sagot ko.
"Why did you do that? Kaya ba hindi ka talaga nagri-reklamo sa engagement na ito?"
Nilingon ko si Sonny at halata talaga sa mukha niya ang gulat sa naging rebelasyon ko.
"Gaya ng sabi mo, I have fallen in love with engineering. My parents gave me choices years ago. Mag-i-engineering ako pero sila ang pipili ng mapapangasawa ko o magbi-business ad ako at ako nang bahala sa magiging future married life ko. I chose the former, obviously."
"What? Whay? I mean, puwede mong pagtiisan ang kursong hindi mo gusto para mapakasalan ang taong gusto mo, kaya bakit?"
Natawa ako sa tono ng boses niya pero siya'y seryoso talaga.
"Mas kaya kong tiisin ang taong pakakasalan ko kesa pagsisihan habang buhay na hindi ko pinili ang kursong gusto ko."
"You can take up engineering even after you married the man of your life. You can do that. You can do both. Marrying the man of your life and finishing the course you wanted," rason niya.
I smiled at the back of my head. My perception is really twisted but I'm happy with my decisions.
"Siguro sa mundo mo puwede mong gawin 'yon. Pero mundo ni MJ Osmeña 'to, e. I can't choose both. I only need to choose one because I have only one choice in my life."
"But you said your parents gave you two choices. Why did you still choose it?"
"Because it's easy to tame others than to tame myself."
Para akong demonyo 'pag hindi nakukuha ang gusto. Kaya siguro pinagbibigyan ng mga magulang ko sa kapritsohan ko sa buhay. Me being a playgirl and me being the hard drinker.
A long and heavy sigh left out from his system. Gusto ko pa sanang uminom but I had enough.
"What if hindi ako ang mapapangasawa mo? What if ibang pamilya 'yon? What if he doesn't like you? Ipagpipilitan mo ba ang sarili mo?" Sunod-sunod ang naging tanong niya, animo'y armalite katulad ng bibig ng mga kaibigan ko.
"May gusto ka naman sa akin, 'di ba?" Nakangising sabi ko pa sabay lingon sa kaniya. I was just fooling around pero masiyadong seryoso ang mukha niya kaya napaseryoso ako. "E, 'di maghahanap ng iba. 'Yong walang sabit. If you knew my reputation, you should've known na hindi ko ipinagpipilitan ang sarili ko sa taong may mahal ng iba, may gustong iba, may sabit na iba. I know how to distance myself from those kind of guys.
"Kaya kung may sabit ka, as early as now, please tell me para matigil na natin 'to kasi ang ayoko sa lahat ay mga may sabit. I'm a self-proclaimed playgirl but I know my limitations," tumayo ako at pinagpagan ang puwetan ko para alisin ang mga buhagin. "Matutulog na ako, Sonny. Thanks for the talk. Good night," sinserong ngiti ko bago tinapik ang balikat niya at naglakad na papunta sa hotel rooms.
Pa-simple kong nilingon ang puwesto ng nakita kong lalaki kanina pero wala na siya roon.
"Wala akong sabit," biglang sabi ni Sonny habang nakasunod sa akin.
"Good. Kasi kung meron, ako mismo ang magpapatigil sa kasalang ito," huli kong sinabi bago pumasok sa kuwarto ko.
Mahimbing ang naging tulog ko nang gabing iyon. Kaya magaan na magaan ang pakiramdam ko kina-umagahan. Hindi ko alam, siguro dahil naka-build na ako ng rapport kay Sonny na akala ko hindi ko na magagawa. After all, masarap din naman siyang ka-usap.
Nasa Floating Bar na kami ngayon to start the birthday celebration of Callie Dela Rama. I really thought na kami-kami lang ngayon pero biglang nagsidatingan ang mga kaibigan ng birthday celebrant. Mga alta ng kabisera kaya wala akong masiyadong kilala, except na lang sa mga usual kong nakikita sa tuwing nag-bbar kami sa kabisera.
Nasa bar area ang mga bisita. Medyo marami kaya maingay. Nagkaroon ako ng pagkakataong makawala muna kay Sonny para mag-banyo.
Ngayon, kalalabas ko lang at imbes na balikan ang puwesto ng Lizares brothers, naisipan kong puntahan ang parte ng floating bar na walang tao, 'yong pinakadulo.
Hinawakan ko ang barandilyang kahoy at dinama ang hangin. Nakatigil ang floating bar kasi may ibang nag-sswimming. Tinanaw ko ang malawak na dagat ng norte.
"Nagmumuni-muni?"
Napatingin ako sa kaliwa ko nang may nagsalita. Napangiti agad ako nang makita ang mukha niya. Isang maaliwalas na mukha.
"Hi, Miss Kiara," bati ko sa kaniya.
She copied my position but kitang-kita kong umismid ang mukha niya nang batiin ko na siya.
"I already told you, just call me Ate Kiara. Magiging sister-in-law na rin naman kita, e. Stop the formality, MJ," malumanay na sabi niya. Katulad ng boses at kung paano magsalita ang matriarch ng mga Lizares na si Donya Felicity. Parang kalkulado lahat ng galaw at timbre ng boses, e.
Siguro requirements sa pamilya nila na maging ganoon ang mga babae sa pamilya nila. Kalkulado ang galaw, poise kung poise, at mahinhin. Napansin kong ganoon din ang asawa ni Tonton Lizares. Tapos si Ate Ada, medyo mahinhin din 'yon, e, and then there's Callie Dela Rama na pasok sa description nila as a Lizares' wife. Ako lang yata ang outcast, ako ang hindi bagay sa pamilyang ito. The Lizares boys has a bad boy image and the Lizares wives are the sophisticated ones. Total opposite.
"Okay, Ate Kiara," nakangiting sabi ko. She also smiled.
She's Ate Kiara, wife of Councilor Einny Lizares.
We remained silent after my answer. Pareho naming tinanaw ang dagat.
"Hmm... ang sweet talaga ni Darry, 'no?" She said out of nowhere.
Aba, malay ko, Ate Kiara. Hindi ko alam 'yan. Sweet ba talaga katulad ng asukal na ginagawa ng pamilya n'yo?
Ang sarap isagot kaso ayoko.
"Bakit, Ate?"
"Imagine, organizing a surprise birthday party like this for her bestfriend."
Teka, ano?
"B-Bestfriend?"
Tama ang narinig ko, 'di ba? Bestfriend?
Sana tama.
"Oh, I mean, g-girlfriend. Right, girlfriend na pala niya si Callie ngayon. He first introduced Callie to us as his bestfriend, e, I forgot upgraded na pala ang relasyon nila," mahinhin na sabi niya.
Ay mali. Oo na, mali na ako. Punyemas!
"But yeah, ang sweet nga ng brother-in-law natin. He surprised our future sister-in-law in an island na inarkila niya and he also brought Callie's friends to join the celebration. He's the sweetest talaga."
Brother-in-law natin. Our future sister-in-law.
Parang may karayom na tumusok sa isang parte ng puso ko nang marinig ang mga katagang iyon.
Ate Kiara is treating me like I'm really part of their family kahit na hindi pa kami kasal ni Sonny. Hindi ko alam kung matutuwa ako o kung maiinis. But I shouldn't feel anything. I should be neutral.
"Hays! Mabuti na lang at nakapag-bakasyon tayo rito sa Lakawon kahit sa kaonting panahon man lang. Magiging busy na rin kasi si Einny sa susunod na buwan. Preparation for the election."
Nakahinga ako nang maluwag nang iniba niya ang usapan. Hindi ko kasi alam kung ano'ng masasabi ko kapag nagpatuloy siya sa Callie and Darry story.
"Tuloy po ba ang pagtakbo niya ng Vice Mayor?"
"Oo! I'm expecting the worst na nga, e. Noong konsehal pa nga lang siya, ang dami nang humahanga. Paano na kapag naging Vice Mayor na?"
I snorted a little laugh sa sinabi ni Ate Kiara.
"Akala ko naman po ang tungkol sa seguridad niyo ang iniisip n'yo. Tungkol pala sa mga tagahanga ni Konsehal Einny."
"Aba, siyempre! Kung usapang self-defense lang, hindi naman ako nagkulang d'yan and our security force are enought to protect my family, the threats aren't visible so we're still safe. Ang hindi lang talaga safe ay ang mga taong bumubuto lang sa kaniya kasi guwapo siya."
Mas lalo akong natawa sa naging reklamo niya.
"Ayaw mo no'n, Ate, mas lalong mananalo si Konsehal dahil marami siyang tagahanga."
"Hindi ako sanay," and she cutely pouted.
"May anak na kayo't lahat, nagseselos ka pa rin sa mga voters ni Konsehal, Ate Kiara?" Natatawa kong tanong sa kaniya but she remain pouted.
"Ganito siguro 'pag masiyado mong mahal ang isang tao, kahit na mga mukhang ipis, pagseselosan mo pa rin."
What the shit? Lintik na pag-ibig nga!
Gusto kong matawa sa sinabi ni Ate Kiara pero masiyado siyang seryoso kaya I just pursed my lips into a grim line and tried my best not to snort a laugh. Nakakahiyam masiyado siyang seryoso talaga.
"Mabuti pa... bumalik na tayo roon sa kanila. Halika na," she smiled at me and sinuklian ko rin 'yon.
"Dito muna ako, Ate, magpapahangin lang," magalang na sabi ko.
She only responded with a smile at tinalikuran na ako to go back to our table.
Napasinghap ako nang tuluyang mawala ang presensiya ni Ate Kiara. Tinanaw ko muli ang dagat.
Ano kaya ang pakiramdam na i-surprise ka sa mismong birthday mo? 'Yong tipong bibiglain ka lang tapos ma-iiya ka. Kukuntsabahin ang mga taong malapit sa'yo para puntahan ang isang lugar na pinasarado niya exclusively for you. Ano kayang pakiramdam?
Technically, I've already experienced that: Pinasarado ang isang place to celebrate my birthday and all my relatives and friends gathered together. But it wasn't surprised, it was well planned. Kaya ano kaya ang pakiramdam na sinusurpresa? Ano'ng pakiramdam na surpresahin ng boyfriend?
Yeah, I've been with boys but they never surprised me with anything. Kaya hindi ko alam kung paano. Kung meron mang gagawa sa akin no'n, ano kaya ang magiging reaksyon ko? Matutuwa ba ako? Ma-iiyak? Kakabahan? Ano kaya? Darating pa kaya ang isang araw na merong susurpresa sa akin? 'Yong tipong... boom! Surprise, MJ, isa kang ampon, it's a prank ang pagiging Osmeña mo!
Biro lang. Pinapatawa ko lang kayo at pinapatawa ko na rin ang sarili ko.
Hindi ko alam ba't feeling ko naiinggit ako. Naiinggit ako sa ibang babae. Sa babaeng sinurpresa. Sa babaeng pinagbabawalan. Sa babaeng pinapahalagahan. Sa babaeng minamahal. Naiinggit ako at hindi ko alam kung bakit.
"I shouldn't be jealous, I have everything," bulong ko sa sarili bago nilasap ang maalat na hangin ng norte.
~