webnovel

Chapter 5: Present

Adiya's POV

"Ano ba Adiya! Ilang linggo na tayong nag papractice, hindi mo parin ba makuha? Ano bang nangyayari sayo hah? Malapit na ang quest, and you are our only hope but looks like you'll become our greatest downfall too" inis niyang sabi. Kinagat ko nalang ang labi ko dahil sa mga sinasabi niya sakin. Ilang linggo ko na ring tinitiis ang ganyang ugali niya. Malapit na akong sumabog. Totoo pala no? Kahit gaano kabait ang isang tao kung mapupuno ka rin lang sasabog at sasabog ka.

"Dalawang buwan nalang quest na, ni hindi ka nag iimprove, in fact mas lumalala ka pa nga eh" dagdag niya pa.

"Eh di palitan niyo ako, hindi ko naman hiniling lahat ng to eh" inis ko ring sagot sakanya. He looks at me in disbelief.

"Are you crazy? People are willing to die and kill for such power and you're telling me that you don't want it?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"I told you before if you want it then take it. If this power can easily be handed then I am willingly and gladly handing it to you" I said nonchalantly.

"You know what? You don't deserve that kind of power. You don't even deserve to be an elementalist. You just deserve to be a mere human because humans are nobody and you're just.... nothing" gusto ko siyang sampalin sa sinabi niyang iyon, gusto ko siyang murahin pero hindi ko magawa because deep inside me, alam kong may punto siya, alam kong tama lahat ng sinabi niya. Siguro nga hindi ko deserve ang kapangyarihang to, maybe I don't deserve to be an elementalist, maybe I don't even deserve to be a human and maybe because I don't even deserve to live.

"You're right" yun nalang ang nasabi ko sakanya saka ko siya tinalikuran at naglakad paalis. Paalis sa lahat ng taong wala ng ginawa kung hindi tingnan ako na para bang isang pagkakamali. Paalis sa lahat ng bagay na nagpapaalala sakin na wala akong kwenta. Maybe I saw this coming but I just don't want to believe it. I just don't want to open my eyes on everything.

Pyrrhos's POV

"Pyrrhos, we have a big problem" sabi ng humangahos na si Trevet. Napakunot noo naman ako. Ano nanaman kayang problema ng mga to?

"The treasure" hingal na hingal na sabi niya. Adiya? Ano nanaman bang ginawa ng babaeng yun? Kahit kailan talaga walang magawang tama yun.

"Why? What happened?" inis kong sagot. " Tsaka pwede ba, umayos ka nga, huminga ka nga muna" dagdag ko pa. Huminga naman muna siya bago ulit nagsalita.

"The treasure. She's missing" sabi niya. Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Anong she's missing?" tanong ko sakanya.

"Hindi mo alam?" balik niyang tanong sakin.

"Tatanungin ko ba kung alam ko?" utak talaga neto, kulang. Buti hindi pinanganak na kulang kulang.

"Dude, nawawala siya. How come you didn't knew about it? She's with you practicing all the time" sagot naman niya.

"What the hell are you trying to say? Anong missing?" inis na tanong ko. Hindi ko nga kasi maintindihan. Wala ba siya sa kwarto niya? Wala ba siya sa school o ano?

"Dude, she's nowhere to be found. She's not even in the nation. Pinahanap na siya ng mga magulang niya pero wala talaga" napakunot noo nalang ako. Adiya is not the type of person na aalis na walang paalam. Alam niyang maraming mag aalala para sakanya.

"You know what? You don't deserve that kind of power. You don't even deserve to be an elementalist. You just deserve to be a mere human because humans are nobody and you're just.... nothing" bigla nalang nagflashback sa utak ko ang mga katagang yun. Napasabunot nalang ako ng buhok.

"Kelan pa daw siya nawawala?" aligagang tanong ko. If I'm not mistaken, that is the reason why she left.

"Kahapon pa daw ng hapon eh" sagot naman.

"Let's go find Zephy" sabi ko naman sakanya saka kami naglakad para hanapin si Zephyrine. Ilang minuto na kaming naglalakad pero hindi parin namin siya mahanap. Napuntahan na namin lahat ng pwede niyang puntahan. Library, her room, the cafe and other places where she might be. Napagdesisyunan namin ni Trevet na puntahan ang The Five. The five ang tawag nila sa limang candidate para sa Salvos Quest. Iba ang pad naming 'The Five' sa mga ordinaryong estudyante sa academy, si Adiya lang ang naiiba dahil ayaw niyang iwan ang bestfriend niya and speaking of bestfriend andito lang pala siya. We saw her walking back and forth infront of my room and she looks bothered.

"Zephyrine" tawag ni Trevet sakanya. Napalingon naman siya sa gawi namin. Nang magtama ang mga tingin namin, she flinched. Her eyes is puffy, seems like she's been crying. She looks at me with anger then walks towards me.

"You" panimula niya.

"This is all your fault. What did you say to her?" galit niyang saad.

"Alam mo bang pagkatapos na pagkatapos ng practice niyo, she doesn't look fine. She doesn't even feel like herself. I let her be alone for a couple of minutes dahil alam kong kakalma rin siya. Kasi ganun siya eh, kung ano mang sabihin mong masasakit sakanya, which you always do, iwan mo lang siya ng ilang minuto para mag isip okay na pero yung kahapon? Ilang minuto ko lang siyang iwan pagbalik ko wala na siya. Something is up when she arrived at our pad after the practice yesterday, I just didn't thought that she would leave like that. Ang akala ko nandito lang siya sa nation, gustong mapag isa, gustong mag isip isip but...." she paused then she looks at me.

"hindi na siya bumalik. Hanggang sa maggagabi na, wala parin siya. Hinanap na siya nila tita pero wala eh, hanggang sa mabalitaan nalang namin na wala siya sa nation. Pyrrhos, she's in the outside world" she said, fear paints all over her face then she bursts into tears.

Adiya's POV

I don't have a foggiest clue of my whereabouts right now. Basta ang alam ko, wala nako sa nation. Hindi ko alam kung paano ako nakalabas at kung kelan ba ako nakalabas ng nation. Mga ilang oras narin akong naglalakad naglalakad sa gubat nato at maggagabi na't lahat lahat pero wala parin akong makitang mga bahay. Where am I?

"You know what? You don't deserve that kind of power. You don't even deserve to be an elementalist. You just deserve to be a mere human because humans are nobody and you're just.... nothing" bigla nanamang nagflashback ang mga salitang binitawan ni Pyrrhos. Pagkatapos na pagkatapos ng practice namin kanina, napagpasyahan kong umalis sa nation, for the better. Atleast sa paraang to may nagawa naman akong tama. As much as I want to hate him, I can't because everything he said is the truth. I don't deserve to be an elementalist, I don't even deserve to be a human and I know I don't even deserve to live. But how can he be so cruel?

*

Ilang oras pa akong nagpalakad lakad sa gubat hanggang sa may nakita akong kweba, mukhang dito nalang muna ako magpapalipas ng gabi. Pumasok ako sa kweba without even knowing what's inside. Masyadong madilim, wala akong makita. Hinanap ko ang flashlight sa bag na dala ko saka ko inilawan ang loob ng kweba. Muntik nakong atakihin ng biglang may nagsiliparang mga paniki palabas ng kweba. Pumasok ako sa loob at naghanap ako ng disenteng pwesto na pwede kong tulugan. Mabuti nalang at nagdala ako ng pagkain dahil kung hindi, mamamatay ako sa gutom ng wala sa oras. Bukas nalang ako magpapatuloy dahil hindi ko alam kung anong naghihintay sakin paglabas ko ng gubat na ito. They said that the outside world is a very dangerous place. Wala pang nakakalabas ng nation sa kadahilanang ayaw nilang mamatay. May mga nagtangkang umalis na ng nation pero hindi sila nagtagumpay. Walang nakalabas ng buhay at wala ring nakabalik ng buhay. Kung hindi sila pinapatay ng mga tao sa labas, dito, sa gubat na ito, dito sila namamata, because this forest is not an ordinary one. Something lies within this forest. Something inhuman. I don't know if I will be an exeption or kung magagaya lang ako sakanila. I don't know if I have the will to survive through this night or through this life. I don't know what awaits me outside this world.

Next chapter