webnovel

Chapter One : The Accident

HINDI namalayan ni Yana na mag-iisang oras na niya palang tinititigan ang litratong hawak niya. Kasabay kasi nito 'yung memories niya paano nabuo ang lahat ng ito.

"'Yan, ganyan nga. Tapos sa bubong niya, gusto ko strong ang color niya. Para bagay sa features," masayang nilalahad ni Yana ang saloobin sa kanyang dream house.

"Paanong strong? May weak ba na kulay? Tsaka anong pinagsasabi mong features?" natatawag tukso ni Matt habang nakatingin kay Yana.

Hindi maitago sa tingin ni Matt kay Yana kung gaano niya ito kamahal. Those where the days when he's deeply in love with her.

Kasalukuyang binubuo ni Matt sa pamamagitan ng digital drawing ang dream house ni Yana.

Inirapan lang ni Yana si Matt at nag cross-arms. Medyo nag pout din siya. Hudyat ito na nagtatampo na siya.

"Ang bilis mo naman mag tampo." Binaba ni Matt ang stylus niya at inakbayan si Yana gamit ang kayang kaliwang braso.

Ngunit mukhang kulang pa ang pagsuyo ni Matt dahil tinalikuran lamang siya ni Yana na hindi tinatanggal ang pagka-akbay sa kanya.

Hinarap ni Matt ang mukha ni Yana gamit ang kanyang kanang kamay. Sa pagkakataong ito, nakaramdam ng kilig si Yana pero hindi niya ito pwedeng ipahalata. Kailangan niyang panindigan na nagtatampo siya.

"Sorry. It's my fault," Matt sincerely said na nakatingin ng diretso sa mata ni Yana, down to her lips. "It's just funny kaya ko pinansin," dugtong pa nito na tila nang-aasar.

"Stop tea-" Matt cut her off with his kiss. He gently kiss Yana while cupping her face with his right hand. His left hand started moving down to Yana's waist.

Halos ganito lagi ang eksena everytime na binubuo ni Matt ang dream house ni Yana. Almost one month din ang ginugol ni Matt para matapos ang drawing ng dreaam house ng girlfriend. Napakadetalyado kasi ni Yana kaya medyo nahirapan ito na tapusin.

Two storey mansion type ang dream house ni Yana na may touch of Italian-American style. Ang shape ng roofing is gable roof that is made of clay roof tiles. While ang body ng house is very simple lang pero elegant siyang tignan. Sa first floor may living room, dining, big kitchen, dirty kitchen, terrace front and back. While on the second floor is three bed rooms with balcony of each and one master bedroom with balcony also. Sa bandang likod is may big gym room. Hindi pwedeng mawala ito dahil self conscious si Yana sa body figure niya.

"Ma'am? Ito pong stuffed toys isasama ko rin ba?" tanong ni Yaya Myrna kay Yana.

Pero tila hindi siya nito naring at mukhang wala pa ito sa wisyo.

"Ma'am?" ulit ni Yaya Myrna.

Tila ba natauhan si Yana at mabilis na inayos ang komposisyon ng sarili.

"Ah yes?" tugon ni Yana. "Ano po ulit?" dugtong pa nito at sinilid ang litratong hawak sa kanyang sling bag na nakasuot sa kanya.

"'Yung stuffed toys, kasama rin po ba?" tanong ni Yaya Myrna sabay turo sa naka-display na stuffed toys sa right coner ng room ni Yana.

Lumingon si Yana at ngumiti ito habang tumatango. "Yes po, kasama," tugon pa nito.

Agad na pinuntahan ni Yaya Myrna ang stuffed toys at sinilid ang mga ito sa big box.

Sa gitna ng pag-aayos sa kwarto ni Yana, dumating ang Mommy Lyndell niya na tila nag-aalala sa anak niya.

"Yana?" Mommy Lyndell said. Nasa bukana siya ng pintuan ng room ni Yana.

"Yes mom?" nakangiting sagot ni Yana at nilapitan ang kanyang ina.

"Pwede ba tayong mag-usap saglit?"

"Tungkol saan po?"

"Let's talk privately," seryosong saad ni Mommy Lyndell.

Napahinto si Yaya Myrna sa kanyang ginagawa. Nakuha niya ang ibig sabihin ng kayang amo kaya minabuti nitong iwan ang dalawa sa kwarto.

Pagkalabas ni Yaya Myrna, umupo si Mommy Lyndell sa bed ni Yana at sinundan naman siya ni Yana at umupo rin siya sa tabi nito.

"Do you still need to do this?" Simula ni Mommy Lyndell. "I mean, sayang kasi lahat ng ng sinumulan mo rito sa Maynila. You have your own vet clinic here. Mahirap magsimula ulit," dugtong pa nito na may halong pag-aalala sa boses niya.

"Mom, 'wag kang masyadong mag-alala sa akin. I'm already twenty eight years old. I'm old enough to handle this," Yana answered.

"I know you're doing this because of Matt."

Nabigla si Yana sa narinig niya. Hindi pa kasi niya nasabi sa parents niya na hiwalay na sila ng three years boyfriend niyang si Matt. Close na kasi ang family ni Yana kay Matt lalo na sa kanyang Daddy kaya nahihirapan ito kung paano sasabihin sa kanila.

"Sinabi sa akin ng kambal mo. Sobrang nag-aalala siya sa 'yo," dugtong pa ni Mommy Lyndell.

"Sorry Mommy," malungkot na saad nito at niyakap siya ng kanyang Mommy.

Kahit napakasakit at napakabigat ng nararamdaman ni Yana, hindi niya magawang tumulo ang luha nito. Napagod na rin siguro siyang masaktan. Matt cheated on her. Not just once, but twice.

On the first year of their relationship, walang naging problema. No one thought na Matt would cheat on her. Ni lumingon sa ibang babae, hindi kasi nito magawa. But on the second year of their relationship, nagkalamat ang relationship nila. Matt linked with his co-office mate-Kiara. Yana forgave Matt for what he did. Kahit masakit, tinaggap niya ito ng buong buo. But after few months, muling nag cheat si Matt. Iba pa 'yung naka-one night stand niya sa isang bar.

"Imbes na itapon ko lahat ng gifts sa akin ni Matt, I decided na i-donate ko na lang ito sa bahay ampunan. Mapapakinabangan pa," paliwanag ni Yana nang kumalas siya sa yakap ng kanyang ina. "I'm not hurt anymore. I just want to start new-- fresh life. 'Yung malayo sa kanya. 'Yung walang nakakakilala sa akin," dugtong pa nito.

Isa lang ang hindi kayang i-bandona ni Yana-- ang printed digital drawing ni Matt na kanyang dream house.

Lumabas si Yana matapos niyang ayusin lahat ng kanyang gamit. Kinuha naman ni Yaya Myrna ang bagahe nito para ilagay sa kanyang sasakyan.

"Twinnie, iiwan mo na ba talaga ako?" malungkot na tanong ni Yena- ang kambal ni Yana.

"Who told you na iiwan kita? I'll just clear myself far from here," tugon ni Yana. Sinabayan siya na maglakad ng kanyang kambal papuntang garage kung saan naka-park ang kanyang brown innova car.

"Basta 'yung bilin ko. Tsaka mo lang sasabihin kay Dad ang lahat after 2 days pagdating ko sa Ilo-ilo," saad pa ni Yana habang naglalakad ang dalawa.

"Okay. Okay. I get it. Basta 'yung bilin ko rin. You need to find someone there para maka-move on ka," pilya pa ni Yena.

Napangisi lang si Yana sa sinabi ng kakambal at nagtawanan pa sila. Tuksuhan sila hanggang marating nila ang garage.

"Yana, kailangan natin mag-usap." Ang boses na ito ang nagpatahimik sa tawanan ng kambal. Parehas silang napahinto sa narinig. Si Matt, nag-aababang kay Yana sa garage.

"For what, Matt?" taas kilay na saad ni Yena. "You're way too late. My twin is getting married," dugtong pa nito.

Nabigla si Yana sa sinabi ng kambal. Anong kasinungalingan naman ba ang sinasabi ni Yena?

"Hindi 'yan totoo. Yana, sabihin mo. Hindi 'yun totoo. Please," makaawa pa ni Matt at sinubukan niyang hawakan ang kamay nito pero nabigo siya dahil mabilis itong nilihis ni Yana.

Yana take a deep breath. Gathering all her courage to face her bastard ex boyfriend.

"Matt, pwede ba? Narinig mo naman 'di ba ang sinabi ng kambal ko? Even a five year old kid can understand what she said. Don't play dumb!" medyo inis na si Yana. Sinakyan na lang niya ang kasinungalingan ng kanyang kambal. Maybe it's the right thing to do para tigilan na siya ni Matt. It's all over now.

"Yena, I'll go now. Ikaw na ang bahala kila Mommy," paalam ni Yana sa kambal at binuksan niya ang pintuan ng kotse.

"Okay. Be careful," pahabol pa ni Yena.

Pero bago pa man makasakay si Yana, pinigilan siya ni Matt at hinwakan niya ito sa kaliwang braso. Dahilan para hindi tuluyang makapasok si Yana sa kotse.

"Ano bang ginagawa mo?" pagpupumiglas ni Yana.

"Don't you dare na iwan ako. You're all mine Yana. Tandaan mo 'yan," seryosong banta ni Matt. Tapos nilapit ni Matt ang bibig niya sa tainga ni Yana, "Hindi pa tayo tapos," dugtong pa nito at binitiwan niya ang braso ni Yana. He turns his back and walks away.

"Kambal, are you okay? Anong sinabi ng bastardo mong ex?" mabilis na nilapitan ni Yena ang kambal niya.

"Wala," maiksing sagot ni Yana. "Hindi niya lang tanggap na wala na kami," dugtong pa niya at muli siyang nagpaalam sa kakambal niya.

Ito ang unang pagkakataon na lalayo si Yana for a long time sa kinagisnan niyang lugar. Ito rin ang unang beses na maglalayo ang kambal.

"It's just for a short period of time. Babalik ako for Yana version two point zero," saad pa ni Yana habang nagmamaneho papunta sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport).

Pagdating niya sa airport, mabilis siyang sinalubong ng kanyang driver na si Mang Chito.

"Ma'am, pasensya na po kayo kung hindi ko kayo nahatid dito sa airport," bungad pa ni Mang Chito.

"It's okay kuya. I understand your situation naman," sagot ni Yana.

Binuhat ni Mang Chito ang maleta ni Yana at ihahatid niya sana ito hanggang sa loob ngunit tumanggi si Yana at pinauwi na lang ang kanyang kotse.

Higit isang oras din ang byahe kaya minabuti muna ni Yana na matulog habang nasa biyahe. Magbabakasyon siya sa kanyang Tita Matilda sa Ilo-ilo. Si Tita Matilda niya ang naging reason kung bakit naging vet siya ngayon. They both love animals kaya nagkakasundo ang dalawa.

Matapos ang higit isang oras na byahe sa airplane, nakarating din siya sa Ilo-ilo.

"Everything seems have changed," saad pa nito sa sarili habang nililibot ang mata sa paligid pagkababa sa eroplano.

"Yana!" Tawag ng kanyang Tita Matilda habang kumakaway-kaway ito. Masaya niyang sinalubong ang pamangkin at mahigpit niya itong niyakap. "It's good to see you again. Akala ko nakalimutan mo na ako," dugtong pa ni Tita Matilda niya nang kumalas siya sa pagkayakap nito.

Tumandang dalaga na ang Tita Matilda ni Yana. Nasa mid 50's na siya ngayon at mag-isang naninirahan sa malaki niyang Villa.

"Makakalimutan ba naman kita, Tita? Naging busy lang talaga ako lately," tugon pa nito habang naglalakad sila sa parking lot kung nasaan ang kotse ng kanyang Tita Matilda.

Nang marating nila ang kinalalagyan ng kotse ng kanyang tita, nagtaka si Yana.

"You're going somewhere?" curious na tanong ni Yana nang makita ang maleta ng kanyang Tita Matilda sa kotse.

"Yes. I'm sorry for not telling you sooner. May reunion ako with my batchmates sa States. Actually, kahapon pa nag start pero hahabol na lang ako kasi gusto pa kita salubungin dito," mahabang paliwanag pa ni Tita Matilda.

"It's okay Tita. I understand din naman."

Pinatong ni Tita Matilda ang kanang kamay niya sa balikat ni Yana. "Just enjoy your vacation here," saad pa nito and she handed the car key to Yana. "Ikaw muna bahala sa vet clinic ko ha," dugtong pa nito.

Tumango na lang habang naka-smile si Yana bilang tugon.

Walang nagawa si Yana kundi ang pagmasdan ang kanyang Tita Matilda na paalis. Yana leaved a big sigh bago sumakay sa red mirage car ng kanyang tita.

Matagal na ring hindi napasyal si Yana sa lugar ng kanyang tita kaya medyo naninibago siya sa daan. Sa Nothingham Villas pa ang bahay ng kanyang tita kaya estimated 28 mins pa siyang magbibyahe.

Bago pa man pinaandar ni Yana ang makina ng kotse, tinanggal niya muna ang maong jacket niya at nilagay sa back seat ng kotse. Naka yellow sexy sleeveless crop top knitted racerback na lang siya ngayon and white pants.

Yana enjoying the view while on her way. Nagawa pa niyang magpatugtog ng malakas at sinasabayan ang kantang Price Tag ni Jessie J. Medyo malakas din ang ulan pero hindi niya ito alintana.

Nanag medyo malapit na siya sa Villa, biglang nag ring ang kayang cellphone kaya medyo binagalan niya ang pagmamaneho at pinahinaan ang tugtog.

"Si kambal," usal pa nito bago sinagot ang tawag.

Ikakabit pa lang sana ni Yana ang bluetooth headset niya nang malaglag ito kaya yumuko siya upang pulutin ito.

Ngunit nang iangat niya ang kanyang ulo, nagulat siya na may isang siberian husky sa gitna ng daan. Mabilis naman itong nagpreno pero mukhang nadaplisan niya ang aso kaya mabilis siyang bumaba upang tignan ito.

"Oh my gosh! What I have done!" tarantang saad pa nito nang malapitan ang aso.

"Hunter! Hunter!" Nag-aalalang lumapit ang amo ng aso na may dalang dilaw na payong. Lumuhod siya sa harap ng aso at pilit itong ginigising.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya. But I'm vet. Gagamutin ko siya," taranta pa ring saad ni Yana na hindi manlang nag-abalang tignan ang amo ni Hunter. Dali-dali niya itong binuhat para dalhin sana sa kanyang kotse pero pinigilan siya ng may ari ng aso.

"No! How can I trust you?" supladong saad nito kaya napatingin si Yana sa kanya.

Hindi agad naka-argument si Yana dahil panandalian siyang na-star struck. The guy is so handsome. Ang fair ng kanyang skin na medyo namumula. matangkad ito na may brown na mata na bumagay sa makapal niyang kilay. Pointed ang kanyang ilong at naturally red ang kanyang lips. Bakat din ang abs niya sa suot nitong white sando.

Medyo napalunok siya sa parteng bakat ang abs sa sando niya. "He's very musculine," sa isp pa nito.

ตอนถัดไป