webnovel

Welcome To Benguet

Nagising ang dalawa sa pagkaka-idlip, narinig nilang nag-anunsyo ang conductor. "Andito na po tayo sa Benguet!"

Napatingin si Bea sa orasan nya't ala-syete na ng gabi. Kinuha na nila ang mga gamit nila at bumaba na sa bus. After nun ay nagkatinginan na sila, "Andito na tayo." Sabi ni Bea sa kanya. Napangiti lang si Dawn at medyo mapungay pa ang mga mata.

"Inaantok pa ko." Sabi ni Dawn.

"Pfft, dinner nga muna tayo." Aya ni Bea.

Pumunta naman sila sa isang karinderya at umorder ng makakain nila. Muling bumalik ang pagiging makulit ni Dawn at nagtatanong na kay Bea.

"Bea, after neto sasakay ulit tayo?"

"Syempre, medyo malayo-layo ang Baguio."

"Ilang oras kaya yon?"

"Mga one hour? Di ko alam."

Napabuntong hininga naman si Dawn, "Bukas na lang kaya tayo pumunta sa Baguio? Baka kasi pagdating natin duon tulog na sila." Actually, hindi yun ang dahilan ni Dawn kung bakit gusto nya bukas na lang sila pumunta ng Baguio.

Gusto nya pa makasama si Bea. Parang ayaw nyang magkahiwalay sila kaagad.

"Naku Dawn, feeling ko maglalaho na ang scholarship ko sayo. Halos tatlong araw na ko absent sa school ko." Inaalala naman ni Bea ang pag-aaral nya. Mahihirapan din sya makapag-catch up sa mga lesson na namiss nya.

"I think sapat naman na yung pera na ibabayad ko sayo, kaya kahit mawalan ka man ng scholarship kaya mong bayaran yung tuition mo." Sabi naman ni Dawn.

"Huh? Ibibigay mo sa akin lahat ng 'yon!?" Gulat na tanong ni Bea, "Eh diba ipon mo yon!? Sure ka!?"

Tumango naman si Dawn, "Yup, sayong-sayo na yun. Kaya dapat wala ka nang alalahanin pa."

Napayakap naman si Bea kay Dawn. "Salamat Dawn."

Napangiti lang si Dawn sa kanya.

"No, i should be the one thanking you. Without you, hindi ko magagawa ang bilin sa akin ni mama."

"Thankyou pa rin." Gusto ma-iyak ni Bea sa tuwa. May pambayad na din sya sa mga utang nya. Lol.

Feeling nya tuloy hulog ng langit si Dawn para sa kanya, pinagbigyan nya na lang din na bukas na sila pupunta kina Audrey. Pagkatapos nilang kumain ay humanap na sila ng lugar na matutulugan.

Sa isang motel ulit sila napunta, pero unlike sa motel na tinulugan nila nung kagabi medyo mapanget ito. "Are you sure about this?" Tanong ni Dawn kay Bea.

She just shrugged, "Matutulog lang naman tayo, okay na yan! Tsaka mura naman eh."

Pagkapasok nila ay nakakuha sila ng kwarto na sa wakas ay may dalawang higaan. Pagkarating nila sa kwarto nila ay agad napahiga si Bea at Dawn sa kani-kanilang higaan. "Bea!" Tawag ni Dawn.

"Oh?" Ani Bea.

"H'wag kang gagalaw." Nagtaka si Bea sa sinabi ni Dawn.

"Bakit naman?"

"Basta!"

"B-Bakit nga?" Natakot si Bea sa seryosong mukha ni Dawn. Tumayo si Dawn sa kaniyang higaan at unti-unting lumapit sa kanya.

Kinabahan naman sya sa ginawa ni Dawn, at ng makalapit ito sa kanya ay napatili sya. "Aaaaahhh! Lumayo ka sa'kin!" Gumulong sya palayo kay Dawn at nahulog sa kama. Gumapang sya sa ilalim ng kama at biglang napasigaw din si Dawn.

"Langya! FLYING IPIS! LANGYAAAA!" Napasuot din si Dawn sa ilalim ng kama ni Bea.

Nagkaharap sila at parehas kinakabahan, pero natigilan si Bea ng malaman nyang ipis lang pala yung pinoproblema ni Dawn kanina. "Teka, may ipis kanina?" Tanong nya.

"Oo! Tapos bigla kang sumigaw kaya nalipad tuloy! Nakakainis ka din minsan!" Inis na sagot ni Dawn sa kanya.

Parang napahiya naman si Bea sa nagawa nya, akala nya kasi na kung ano gagawin sa kanya ni Dawn. Napatakip lang sya ng mukha nya. "Ugh, s-sorry."

Gusto sana magalit ni Dawn sa kanya pero natawa na lang ito. "Okay lang."

"Uuuuugh! I feel so stupid." Sabi ni Bea sa sarili nya.

"So uhh, dito na lang ba tayo matutulog?" Tanong ni Dawn.

Next chapter