webnovel

Chapter 8

Chapter 8

6:00pm na nang dumating si Francis sa bahay kasama sina Christian, Julie, Elle at Kinley. Hindi sumama si Alvin dahil may pupuntahan daw sila ng Mama niya.

Nakakatouch nga eh dahil sila pa talaga yung nagpaalam kina Mama at Papa para sa'kin tapos etong si Francis nagmano pa sa parents ko pagpasok niya sa loob ng bahay namin.

Lalo tuloy akong inasar ni Kuya pati mga kaibigan ko tapos nalaman na rin nila na nanliligaw sa'kin si Francis. Okay lang naman daw sa kanila kasi 18 naman na ako tsaka wag daw pababayaan ang pag-aaral.

Pero bago kami umalis, napag-usapan pa nila yung tungkol kay ka-ando, yung lalaking natokhang. Nakatira pala siya malapit lang sa street namin. Sabi ni Papa pangalawang kaso na raw yun dito sa Sta. Claridel tungkol sa oplan tokhang kaya sinabihan niya kami na mag-ingat.

Sinabi niya rin na posibleng nandito lang din daw sa lugar namin yung nagsusupply ng mga pinagbabawal na gamot at isa yun sa iniimbestigahan ng mga pulis ngayon.

"Beshy!" natauhan ako nang sigawan ako ni Julie sa tenga. Nakaupo kami ngayon sa gilid ng plaza. 6pm pa lang at hindi pa raw bukas ang peryahan kaya tumambay muna kami rito.

"Bakit?" tiningnan ko siya na nasa tabi ko lang at napansin kong lahat pala sila nakatingin na sa'kin.

"Kelan mo raw sasagutin si Francis?" si Kinley naman yung nagtanong at dahil dun napaisip ako kung kelan ko nga ba siya sasagutin.

"Uhm secret na muna. Para surprise. hehe" yan na lang ang nasabi ko dahil bukod sa wala akong maisip na isasagot, hindi ko pa rin talaga alam kung kelan ko nga ba talaga siya sasagutin.

"Nice answer." mahinang sabi ni Francis dahilan para mapalingon ako sa kaniya na nasa kaliwa ko naman nakaupo. Nakatingin siya sa'kin habang nakangiti kaya napaiwas agad ako ng tingin.

Mukhang narinig ni Kinley yung sinabi ni Francis dahil napansin kong napatingin din siya sa direksyon namin sabay ngumiti ng nakakaloko.

"Woy dapat kasama kami pag nagsurprise ka ha!" natawa naman ako sinabi ni Elle. Kala mo naman magsusurprise ako ng magbibirthday kung makasigaw eh. Hahaha

Napalakas ata yung pagkakasigaw niya at nagtawanan na lang kami dahil pati yung mga taong nakatambay din dito sa Plaza ay napatingin sa'min kaya napapeace na lang si Elle.

"Ang ingay mo kasi. Mana kana kay Julie." sabi ni Kinley habang nakatingin kay Elle.

"Adik kasi 'yan. Hahaha Kaya wag na tayong magtaka kung isang araw mabalitaan na lang natin na natokhang na yang kaibigan natin." natatawa namang sabi ni Julie.

"Kaya wag kayong didikit diyan baka lagyan niya kayo ng shabu sa bulsa."

"Hoy Kinley, mas mukha kang adik kesa sa'kin. Wag ka!" sabay hampas ni Elle kay Kinley kaya nagtawanan na naman kaming lahat pero napatigil ako nang mahagip ng mata ko ang isang babaeng seryosong nakatingin sa amin mula sa di kalayuan.

Parang pamilyar sa'kin yung itsura niya. Feeling ko nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan at kelan. Medyo naweirduhan ako sa kaniya dahil hindi niya pa rin inaalis yung tingin niya sa'min kahit nakita naman na niyang tumingin din ako sa kaniya.

Inalis ko na lang yung tingin ko sa kaniya at ibinaling sa ibang direksyon dahil parang ready pa siya makipagtitigan sa'kin. Sakto namang napatingin ako kay Christian na busy sa pagkulikot ng cellphone niya. Pero napansin kong mukhang hindi siya okay dahil ang lungkot ng awra niya.

Tatayo na sana ako para lapitan siya pero nagulat ako nung hinawakan ni Francis yung kamay ko kaya naman napalingon ako sa kaniya.

"Saan ka?" tanong niya.

"Si Christian kasi. May problema ba siya?" tumingin si Francis kay Christian na busy pa rin sa pagcecellphone pero agad niya ring ibinalik ang tingin niya sa'kin.

"Baka nag-aaway lang sila ng girlfriend niya." napakibit balikat na lang ako kahit nakaramdam ako ng konting lungkot para kay Christian. Mukhang problemadong problemado kasi siya eh.

"Bes bili tayo pagkain." yaya ni Elle sabay hila niya sa'kin kaya napilitan akong tumayo. Wala naman na akong nagawa kundi sumama na lang.

Tinanong ko si Julie kung gusto niyang sumama pero ayaw niya. Tinatamad daw siyang maglakad.

"Wait lang ha. Samahan ko lang siya." paalam ko kay Francis at tumango naman agad siya.

Pagdating namin sa tindahan, hindi pa kami nakabili agad dahil may isang lalaki pang bumibili ng softdrinks at snacks. Nakatalikod siya sa'min kaya tanging likod niya lang yung nakikita ko.

Pero naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang bigla siyang humarap. Nagkatinginan pa kami bago siya umalis pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya kahit pa nakatawid na siya sa kabilang kalsada.

Ang tangkad niya. Parang hanggang balikat niya lang ako tapos ang ganda ng mga mata niya. Yung tipong hindi mo maiwasang hindi mapatitig dito. Kahit hindi siya kaputian, masasabi kong ibang klase ang kagwapuhan niya.

Nung nakalayo na siya at hindi ko na siya nakikita, dun lang ako napatingin kay Elle at napansin kong maging siya ay napako rin ang tingin kay Kuyang matangkad.

"Miss bibili ba kayo?" sabay kaming napatingin ni Elle sa tindera kaya naman agad kaming lumapit dito at pumili ng mga snacks na bibilhin. Hindi namin namalayang kanina pa pala tapos bumili yung lalaki.

Pagkatapos namin magbayad, umalis na rin kami kaagad.

"Ang gwapo niya." narinig kong sabi ni Elle. Nilingon ko siya pero nakatingin lang siya sa kawalan na tila inaalala ang itsura nung lalaking bumibili kanina sa tindahan.

"Oo nga. Pero mukhang masungit." naalala ko kasi na parang inirapan niya ako kanina. Hindi man lang ngumiti.

"Judger ka bes! Hindi mo pa nga siya kilala o nakausap man lang, sinabihan mo na agad na masungit." nagkibit balikat na lang ako. Sabagay tama nga naman siya. Hindi naman ako kilala nung tao so bakit ako aasang ngingitian nya ako.

Nagulat ako nang biglang akong hilain ni Elle papunta sa mga nagtitinda ng lace. "Bes wait lang. Bibili lang ako ng lace. OMG, lace ng megathrone. Ate pabili nga ng isa." nang makapili siya ay agad na niya itong binayaran sa tindera at hinila na ulit ako paalis.

Pagbalik namin sa pinagtambayan namin kanina, wala si Francis at Julie.

"Nasaan yung dalawa?" tanong ni Julie nang makalapit siya kay Kinley at inabutan ito ng isang chicherya.

"Ewan ko. Baka nandiyan lang sila sa paligid. Hindi naman sinabi kung san pupunta." sabay binuksan na niya yung chicheryang binigay sa kaniya ni Elle.

Lumapit na lang ako kay Christian at umupo sa tabi niya. Inabutan ko rin siya ng isang snack pero umiling lang siya.

"Okay ka lang?" hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatungo habang hawak pa rin ang cellphone niya pero hindi na niya ito ginagamit.

"Kung may problema ka, pwede ka namang magkwento sa'kin." gusto kong malaman kung anong problema niya. Hindi dahil nakikialam ako sa buhay niya kundi dahil gusto ko ipaalam sa kaniya na may karamay siya at nandito lang kaming mga kaibigan niya na pwede niyang pagsabihan ng mga problema niya.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Paano kung ayaw na sa'yo ng taong mahal mo? Yung sinabihan ka niyang nagsawa na siya at ayaw kana niyang makausap kahit kailan. Anong gagawin mo?"

Napaisip naman ako sa tanong niya. "Hmm siguro hahayaan ko na lang siya kung san siya masaya. Kahit mahirap pipilitin ko na lang na gawin kung ano man yung gusto niya. Magiging masaya na lang ako para sa kaniya."

"Mahirap gawin yun. Mahal mo eh." napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Mas mahirap sundin ang sinasabi ng utak kesa sa sinasabi ng puso. Mahihirapan kang magdesisyon dahil mas nangingibabaw ang emosyon at mahirap kontrolin yun." napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing may ganitong side pala si Christian. Kilala ko kasi siya bilang makulit at mapang-asar na kaibigan. Hindi halata sa kaniya na may alam talaga siya pagdating sa mga ganitong bagay.

"Tama ka. Pero hahayaan mo na lang ba na lagi kang masaktan?" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na 'yan pero gusto ko rin malaman kung anong isasagot niya.

"Maiisip mo pa ba ang sarili mong nararamdaman kung sobrang mahal mo talaga siya?" hindi na ako sumagot at tanging kibit balikat na lang ang nagawa ko.

Wala pa akong alam tungkol sa mga ganitong bagay kaya siguro magkaiba kami ng sinasabi dahil magkaiba rin ang pananaw namin. Bukod dun hindi ko alam ang pinagdadaanan niya at wala ako sa posisyon niya.

Inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid at tiningnan ko yung bahagi ng Plaza kung saan nakapwesto yung babaeng nakatingin sa'min kanina pero wala na siya dun.

Napadako naman yung tingin ko sa bandang dulo at nakita kong magkasamang naglalakad si Francis at Julie. Mukhang may pinag-uusapan silang seryoso. Gusto ko sanang lumapit sa kanila pero parang pabalik na rin sila dito.

Si Kinley at Elle busy sa pagkain habang hawak ang cellphone at mukhang may pinapanood sila.

Nang makalapit na sina Francis at Julie, agad iniabot sa kanila ni Elle yung isang plastic na pinaglalagyan ng mga snacks na binili namin kanina.

Binuksan ko naman na yung chicheryang hawak ko na iniabot ko kay Christian kanina na hindi naman niya tinanggap.

"San kayo galing?" tanong ni Kinley sa dalawang dumating.

"Tiningnan lang namin kung bukas na yung perya." si Julie yung sumagot samantang umupo naman ulit si Francis sa tabi ko. Itinapat ko sa kaniya yung chicheryang hawak ko para makadukot siya.

Inabutan naman niya ako ng isang bote ng coke na inabot sa kaniya ni Elle kanina.

"Anong nangyari kay Christian? Bakit kanina pa yan tahimik? Mula nung dumating tayo dito hindi ko pa naririnig na nagsalita siya." sabay-sabay kaming napatingin kay Christian dahil sa sinabi ni Elle.

"Kanina pa 'yan tahimik hindi niyo man lang lapitan." lumingon ako kay Francis saka mahinang tumawa.

"Para namang nilapitan mo ah." maging siya ay natawa rin sa sinabi ko dahil alam niya sa sarili niya na kanina pa nga walang  kibo si Christian sa isang gilid pero hinayaan niya lang.

"Anong sabi niya? Nakita kita kanina na nilapitan mo siya." sumeryoso na ang expression niya nang tanungin niya iyon.

"Wala naman siyang sinabi. Pero halatang hindi sila in good term nung girlfriend niya. Tapos may tinanong lang siya sa'kin." pinihit ko pabukas ang takip ng coke na iniabot niya sa'kin saka ininom iyon.

"Anong tinanong niya?" tanong niya sabay dukot sa chicheryang hawak ko.

"Ano raw gagawin ko kung..." nagdalawang isip pa ako kung itutuloy ko ang sasabihin ko dahil ang awkward kung sasabihin ko sa kaniya yung tinanong sa'kin  ni Christian gayong nanliligaw pa lang siya at hindi ko pa siya sinasagot. Baka kasi isipin niyang okay lang sa'kin na mawala siya kapag naging kami na.

"Kung ano?" natauhan ako nung magsalita siya at narealize kong hinihintay niya nga pala yung sagot ko.

"Basta. Pero may nabanggit siya na ayaw na raw sa kaniya ni Vina." wala akong ibang maisip na pwedeng sabihin sa kaniya na connected sa tinanong sa'kin ni Christian kanina. Ayokong banggitin sa kaniya yung tanong na anong gagawin ko kung ayaw na sa'kin ng taong mahal ko... Nahihiya ako eh. Hahaha

"Bakit daw?" tanong niya pa.

"Ewan ko. Sa kaniya mo itanong. Baka sabihin niya sa'yo kasi parehas kayong lalaki. Hindi niya sinabi sa'kin eh. Siguro iniisip niyang baka hindi kami magkaintindihan dahil babae ako at magkaiba kami ng emotion." tumango tango lang si Francis saka tumingin sa pwesto ni Christian na ngayon ay kinakausap na nila Kinley.

"Sige mamaya kausapin ko na lang siya." tugon niya saka binuksan ang sprite na hawak niya at tinungga iyon.

★★★

"Bakit sa red ka tumaya?! Sabi ko sa blue eh." sigaw ni Elle kay Christian sabay hampas sa braso nito.

"Oh ano? Sa red ha?! Sa red? Tingnan mo hindi lumabas yung red." pasigaw rin na sabi ni Christian habang nakaturo sa color game na pinagtatayaan nila. Napakamot na lang sa ulo si Elle at hindi na umimik pa.

Nakakatuwa lang dahil medyo okay na rin si Christian kahit papano at nagagawa na ulit niyang makipaglokohan.

Pagkatapos nilang kausapin si Christian, saktong nagbukas na ang peryahan kaya naman nagkaroon na kami ng mapaglilibangan at saglit na makalimutan ni Christian yung problema niya.

Magkasamang naglalaro ng color game si Christian at Elle habang nasa roleta naman sina Julie at Kinley.

Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Francis. "Tara dun." sabay turo niya sa pwesto ng mga stuff toys.

Nang makalapit kami, nakita namin ang mga maliliit na balloons na nakadikit sa wall. Tapos may mga arrows na kailangan bayaran para magamit mo pambato sa mga balloons na nadikit

"Ate magkano yung arrow?" tanong ni Francis dun sa babaeng nagbabantay. Inalis ko naman yung braso niyang nakaakbay sa'kin dahil panay ang sulyap sa'min nung babae.

"Hindi po binibenta yung arrow." gusto ko sanang tumawa dahil sa pilosopong sagot ni Ate kaya lang baka maoffend si Francis.

Akala ko mapipikon siya pero narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "I mean ah! Basta magkano?" hindi ko na napigilan at napahagalpak na lang ako ng tawa. Hahahaha.

Nang tingnan ko ang itsura niya, halatang hindi niya talaga alam kung paano magtatanong kay Ateng pilosopo na ngayon ay tumatawa na rin.

"20 pesos po per arrow." tumigil na si ate sa pagtawa. Nginitian naman niya ako nang tingnan ko siya.

Dudukot na sana si Francis sa bulsa niya ng pambayad nang biglang magtakbuhan ang mga tao palabas ng peryahan.

"Anong meron?" mahinang sabi ni Francis, sapat na para marinig ko. "Ate wait lang ha." paalam niya kay Ateng nagbabantay saka ako hinila paalis.

Medyo madami nang tao ngayon kumpara kanina nung pumunta kami rito kaya nagkakasiksikan na yung mga tao. Pero may ilan pa rin naman ang patuloy sa pagtaya na animo'y walang pakealam sa nangyayari sa paligid.

Pinuntahan namin ni Francis yung color game at roleta na pinagtatayaan kanina ng mga kaibigan namin pero wala na sila dun kaya naman sinabi ko sa kaniya na baka nakalabas na yung apat. Pagdating namin sa may labasan, nandun nga sila at hinihintay kami.

"Anong nangyayari?" agad kong tanong nang makalapit kami. Nagulat ako nang may sunod-sunod na hummer ang dumaan papunta sa kanang bahagi ng kalsada.

"Tingnan natin." tumakbo kami para sundan yung hummer pero masyadong mabilis yung takbo ng sasakyan kaya hindi na namin naabutan dahil mabilis itong nakalayo.

Bumalik kami sa peryahan para kunin yung mga motor ng mga boys at mabilis nila itong pinaharurot papunta sa direksyon kung saan dumaan yung mga hummer kanina.

Tatlong streets pa yung nadaanan namin bago namin natanaw yung mga hummer na nakaparada na sa gilid ng kalsada habang nagkalat naman ang mga pulis sa paligid.

Lalapit pa sana kami pero restricted area na yung kalsada at marami na ring mga taong nakikiusyoso kaya hindi na kami tumuloy.

Bukod dun, merong umaalingasaw na mabahong amoy kaya napatikip kami ng ilong at nanatili na lang kaming nakatigil dito sa gilid ng kalsada na katapat ng isang abandonadong lote at sa tabi nito ang hindi kalakihang bahay kung saan dito nakapalibot ang ilang mga pulis.

Maya-maya pa may dumating na mga taga media kasama ang SOCO. "Anong meron dun? Tingnan kaya natin." sabi ni Julie at tumango naman kami dahil gusto rin naming malaman kung anong nangyayari dun.

Bababa na sana kami sa motor pero may isang pulis na lumapit sa amin at pinaalis kami dahil daw masyado nang siksikan kaya wala kaming nagawa kundi umalis na lang.

"Saan tayo pupunta?. Ayoko na bumalik sa perya. Nakakatamad na maglaro." reklamo ni Elle.

"Wala pang 8pm. Tambay muna tayo kila Jestine." napatingin ako kay Francis dahil sa sinabi niya.

Magsasalita na sana ako pero bigla siyang nagsalita. "Patambay lang kami. Tapos hintayin natin si Papa este Papa mo. Sa kaniya na lang tayo magtanong dahil sigurado alam niya yun."

★★★

Nang makarating kami sa bahay, saktong nakabukas yung t.v at may breaking news about sa nangyari sa isang bahay na pinanggalingan namin.

"Natagpuang patay ang isang bente anyos na babae sa inuupahan nitong bahay. Nakunan ng CCTV ang pagpasok at paglabas ng tatlong lalaki sa bahay ng babae. Ayon sa mga taong nakatira sa lugar, kaninang alas syete ng gabi lang nila nalaman na bangkay na lang pala ang babaeng nakatira sa bahay matapos umalingasaw ang amoy nito sa paligid ng lugar. Hinala naman ng mga pulis, tatlong araw na itong patay at maaaring pinagnakawan at ginahasa muna ang babae bago patayin." tapos ipinakita ang video na inilalabas na ng taga SOCO yung bangkay nung babae.

"Pang-limang krimen na 'to ah." sabi ni Mama. Pagtingin ko sa kaniya, nahalata ko kaagad ang pag-aalala niya dahil sa expression ng mukha niya.

"Nakakaalarma na. Parang hindi na tama 'yan. May mali nang nangyayari dito sa lugar natin." tugon naman ni Papa. Walang nagsalita ni isa sa mga kaibigan ko. Kahit ako hindi rin alam ang sasabihin.

Ano bang masasabi namin tungkol sa talamak na patayan, nakawan at kaso ng droga? Eh isa lang naman kaming mga teenager na ineenjoy ang pagkabata. Siguro aware kami pero wala kaming pakaealam dahil alam naming wala naman kaming maitutulong sa mga ganyang bagay. May mga pulis naman eh. Kaya sila na ang bahalang solusyonan ang mga ganyang problema.

*★*★*★*★*★*★*★*★*★*★*

Next chapter