webnovel

Chapter 2

" Oy nandyan ka pala " sigaw ni Sam sakin, napatingin naman ako sakanya at pilit siyang nginitian.

" Napadaan lang ano nangyare?." pagkukunware ko na walang alam.

" Ayon successful. manliligaw na daw si Paul kay Lourdes kakilig!!." Sam.

" Ah." tumango tango ako.

" Okey kalang?." takang tanong sakin ni Alli, na lumapit sa akin ngayon.

Tumango tango naman ako sakanya, at hinawakan ang aking batok.

" Parang ang putla mo kasi." hinawakan nito ang pisngi ko.

Mabilis pa sa segudo na hinawakan ko ang kamay ni Alli at tinaggal ito sa pisngi ko.

" Okay lang ako buti naman at nakaamin na siya " ngiting saad ko.

" Oo nga astigggg!." kinikilig na sabi ni Sam.

Napahinga ako ng malalim habang nakatingin kay Lourdes at Paul. Siguro nga ito ang nakakabuti sa kanya at sa akin na rin 'kailangan ko siyang kalimutan.

Kailangan na kailangan kahit napakahirap nito para sa akin.

Sumunod na mga araw nakikita kong lagi na silang lumalabas ni Paul mapasaluob ng university o sa labas magkasama sila, pero hindi pa rin nawawala ang oras samin ni Lourdes.

Pero para sakin tingin ko ay nawawala ito, unting unti kong nilalayo ang sarili ko sakanya. Gusto kunang mawala itong nararamdaman ko para sakanya.

" Ma." napatingin sakin si Mama habang may binabasang libro.

" Bakit nak?." tanong nito sakin sabay lipat ng pahina ng libro.

" Kasi Ma ano-." napaiwas ako ng tingin sakanya " Si Des at si Paul nag kakaigihan na." pagkkwento ko.

Napangiti naman si Mama at sinirado ang librong binabasa niya.

" Buti naman..Hindi mo yayain si Des dito at yung lalake." ngiting saad ni Mama sakin.

Parang anak na kasi ang turing ni Mama kay Lourdes. Judge ang mother ni Lourdes sa America kaya't wala siyang kasama rito sa Pilipinas. Maski ang 2 bunso niyang kapatid ay nasa ibang banda rin.

" Okay.. Ma."

Hindi ko na naman na gawang aminin kay Mama kung ano ako.

Nanlulumo na ko sa mga nangyayare, araw-araw nalang na wala na kong gana. Kaya maski ang pag-aaral ko ay napapabiyaan kuna.

" Ms. Tokio bakit ang baba ng exam mo." tanong ni Attorney sakin.

Napatingin sakin sila Des, Alli, at Sam at dahil sa hiya ay napayuko lang ako

" Nalito lang po kasi ako.." sagot ko sa aming guro.

" Haiss. Alagaan mo yung grades mo.. dahil sayang naman nakarating ka sa kinatatayuan mo dahil may tyaga ka. Huwag mo naman sayangin." Attorney.

Tumango naman ako at kinuha yung papel ko na may bilog na numero.

Zero hindi ko akalain na magkakaruon ako nitong score na to sa talang buhay ko, problem solving essay ang test namin pero wala man lang tumama sa sagot ko.

Pag-katapos ng klase ay tumayo si Lourdes at nagmamadaling lumapit sakin, pinasok ko naman sa bag ang examination paper ko.

" Patingin." maikli niyang utos sa akin.

Nang hindi ko ibinigay ay sinimulan niya nang hilahin ang bag ko.

" Ayaw.. may gagawin ako. Ano ba." giit ko sa Lourdes at hinila yung bag ko, bigla naman niya naman itong nabitawan kaya agad akong tumalikod saknya para umalis na.

" Ano bang nangyayare sayo?." takang tanong ni Lourdes sa akin.

Unti-unti akong humarap sakanya, bakas sa mukha niya ang pagtataka dahil sa mga kinikilos ko.

" Wala pagod lang ako." tatalikod na sana ulit ako sakanya ng hawakan niya ang braso ko.

" Ano ba hindi to time para mag loko ka sa pag aaral mo, tandaan mo nag hirap ka sa nakalipas na dalawang taon tapos sasayangin mo lang." sermon ni Lourdes sa akin.

Huminga ako ng malalim, naghanap ngnlakas para sagutin siya.

" Hindi ako naghirap Des.. dahil sayo kaya ako nakakapasa.. I'm tired Des na umasa sayo." tinanggal ko ang kamay niya na nasa braso ko.

" Hindi ka naman umaasa sakin. I'm just guiding you, atsaka lahat ng iyon ay pinaghirapan mo rin kaya makinig ka sakin." Lourdes said to me with regret in her eyes.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at lakas luob na sibagot. Ito unang pagkakataon na sasagutin ko siya.

" Sa lahat naman ng oras nakikinig ako sayo Des. Kahit hindi ko gustong gawin ginagawa ko kaya please lang naman. Pabiyaan mo ko na tumayo sa sarili kong mga paa..Hindi mo ko hawak ang Leeg ko! Bakit hindi muna lang problemahin ang boyfr-."

Napatigil ako ng bigla kong maramdam ang isang malakas na pinakawalan ni Lourdes. Nagawa niya kong sampalin.

" Omayghad.. Lou!." sigaw ni Sam.

" Shit " Alli.

" What are you saying and why did Paul get in here? I'm your bestfriend! gusto ko lang makita kang maging succesful para rin naman sayo to." galit na saad sa aking ni Lourdes.

Lourdes yun nga ang problema ko, ayaw kong maging bestfriend mo lang. Ngiting napangiwi ako habang hawak ang akin pisngi.

" This conversation is over." naglakad na ko papalabas ng silid narinig ko pa ang paulit ulit na sigaw ni Lourdes sa pangalan, siguro.

Ang sakit palang manampal ng bestfriend ko. Ginalaw galaw ko ang panga ko 'baka kasi madislocate. pumunta ako sa physical education storage room. Ito ang isa sa mga paborito kung tambayan,l meron kasi ritong kama na pwedeng tulugan.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko na nakuha ko sa bulsa ng guard. Hindi ko naman ninakaw sabihin na nating hiniram ko lang.

Pag-kabukas ko ng pinto ay agad kong sinara iyon mula sa loob. Humiga ako sa malambot na kama at napatingin sa bintana kung saan pumasok ang liwanag mula sa labas.

Pinikit ko mga mata ko ng makaramdam ako ng matinding antok 'hindi ko namalayan na napasobra na ko sa tulog.

Pagkatingin ko sa phone ko ay mag aalaskwatro na, umabsent lang naman ako sa dalawang curriculum subject ko ngayong araw.

Kinakabahan ko na binuksan ang cellphone ko dahil alam kuna ang bubungad sa akin.

Sam: Tangina nasan kana hanap ka ni Madam.

Allison : Ida-drop ka daw pag wala ka

Sam : Patay na dis, Oy si Lou galit na galit sayo.

Napabuntong hininga naman ako at bumangon. Nag-inat ako ng katawan at binuksan na ang lock ng storage room.

" Teka anong ginagawa mo dyan?." tanong sakin ng security guard pagkalabas ko sa storage room.

Ngumiti lang ako sakanya at naglakad na, pagka-dating ko sa entrance gate ay sinalubong ako ni Sam ng yakap kasama si Alli na nasa kanyang likuran.

" Bakit ka umabsent gaga ka." saad ni Sam sa akin.

" Napasarap tulog ko." napahigab pa ako.

" Tsk.. patay ka." sabi ni napatingin naman ako sa dalawang paparating.

Si Paul kasama si Lourdes, sabay silang patungon sa kinaruruonan ko.

" Hi.' ngiti ni Paul sakin o saamin? ewan nakatingin siya sakin eh.

" Yo." sagot ko kay Paul " Uwi na us ." sabi ko at tumalikod na, balak ko talaga hindi pansinin si Lourdes.

Hindi pa ako nakakamove on sa sampal niya sakin. Sa tingin ko nga nagkaruon ako ng brain hemorrhage sa sampal ni Lourdes.

" Teka hatid daw tayo ni Paul." pigil ni Sam  sa akin kaya't napalingon ako sakanya.

" May pang taxi ako." lalakad na sana ko ng hawakan ni Alli at Sam ang magkabila kong braso.

" Teka kasi!." hindi na ko nakapalag ng pag-gitnaan nila ko sa loob ng kotse ni Paul nasa front seat naman si Des.

Sa buong byahe ay tahimik lang kami, walang balak na magsalita.

" Bye bye." paalam ni Alli samin na unang bumaba dahil siya pinaka malapit na bahay.

" Bye! " sunod na nagpaalam ni Sam.

" Teka baba na ko." sabi ko.

" Hindi hahatid ka namin sa bahay mo" pigil ni Lourdes sa akin.

" Hindi dyan nalang." nalilito na si Paul kung sino ang susundin niya samin ni Des mabuti nalang at itinigil niya.

Akma ko ng bubuksan ang pinto nang bigla itong nag-auto lock. Napatingin ako sa kanila at napansin kong si Lourdes ang may kasalanan.

Nakakainis! Ayaw niya talaga akong paalisin! mahinang napamura ako at masamang tumingin sa labas ng bintana.

Pagdating namin sa bahay ay agad na sinalubong kami ni Mama.

" Hi Iha!." ngiting saluong ni Mama kay Lourdes.

" Hi po Tita, Ahm tita si Paul suitor ko and Paul si Tita Erza mother ni Jennica." ngiting pakilala ni Lourdes kay Mama.

" Pasok kayo.. may pagkain sa luob buti nalang.. " pag-yaya pa ni Mama.

Nakakainis bakit mo papasukin Mama ang lalaki na yan!  Inaagaw niya sa akin si Lourdes!

Next chapter