webnovel

Chapter 33

Agad akong napatakbo sa kwarto ko at nanginginig na buksan ang pinto. Naka ilang mura ako dahil sa death threats. Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam kong para sa akin ang sulat na ito at pinag mukhang kay Veil dahil sa harap nang pinto nya ito nakalagay.

Hindi rin ako pwedeng magkamali na kinuha ito ni Veil sa kung saan kaya nam mroblema siya. Napahilamos ako sa mukha at takot malaman kung nabasa ba niya ito. Ayokong magkamali at ayokong mang hinala. Ayoko rin na pumasok siya sa gulong para sa akin lamang.

Dali dali akong nagbihis na red croptop and blazer, high waist short at long red boots. Inayos ko ang aking sarili at naglagay nang eye liner at lipstick. Kinuha ko rin ang pana at arrow ko bago lumabas sa bintana nang bahay nang walang ingay.

Umakyat ako ng gate upang maka labas nang walang nakakapansin. At successful naman ang pag gawa ko non. Tinanguan ko ang dalawang kambal at sabay sabay kaming pumasok sa sasakyan.

"We need to fight that b*tches boy." Ani Zian habang nasa likod namin.

"Hindi na ako magtataka kung paano nyo nalaman na may natanggap akong mensahe mula sa kalaban at ang pagkarating ko rito."

"Gusto sana kitang i welcome ngunit may nag welcome na sayo." Natatawang sambit ni Xian at inapakan ang gas kaya naman napabilis na ang takbo namin.

Pagkarating ay siyenyasan ko muna silang mag tago sa malayo. Pumasok ako sa abandonadong bahay at nakarinig ako nang palakpak mula sa likod ko. Mabilis kong kinuha ang pana at arrow. At tinutok ko ito sa kanya.

"Welcome, dear."

Muntik pang manghina ang tuhod ko nang masilayan ko ang pag mumukha nito. Hindi dapat ako magpahalata sa aking reaskyon nang makita ang dati kong ex.

"B*tch" Halos pabulong ko nang sambit sa kanya.

Napahalakhak naman siya nang parang mangkukulam ngunit lalaki ito kaya naman na parang demonyo na lang.

"Miss me?"

"Don't assume. I don't miss you!"

Nirelase ko na ang arrow ko at sakto naman tumama iyon malapit sa puso niya. Agad naman siyang napatumba kaya naman tumalon ako papunta sa kanya at sinipa ko ang dibdib nya at nilagay ang aking panyo sa ilong nito bago maka tulog.

"You mess the wrong guy miss."

Mabuti na lamang at naka iwas ako kung hindi ay tinamaan na ako nang bala sa balikat ko.

"You're wrong." Kumuha pa ulit ako nang arrow pero bago ko iyon ma i release ay may sumipa sa likod ko kaya naman muntikan pa akong matumba doon.

Hinawakan ko ang nakalaylay na tali doon at tumakbo papunta sa kanya at lumipad bago sipain ang pangit na mukha niya.

Matapos ay itinali ko sa paa ang tali bago bumaliktad at ni release ang arrow doon sa lalaking muntikan pa akong barilin. Sakto namang sa noo nya ito tumama at bigla na lamang itong natumba.

"Death." I murmured at bumaliktad na muli ako at lumanding sa rooftop.

"You okay?" Pag-aalala ni Xian kaya naman tumango ako.

Next chapter