webnovel

Chapter 32

Dali dali akong napatakbo nang makita ko sina Mommy at Daddy sa kitchen at niyakap nila ako ka agad.

"My god! anak pinag-alala mo kami. Sa susunod ay magsabi ka nang problema mo at hindi ko pa rin nakakalimutan ang pag takas mo sa amin noon." Naiiyak na sambit ni mommy kaya naman natawa ako doon.

Naalala ko pa iyon. Na miss ko rin ang dating ako. Date with boy's anytime and any where. Pero hanggang doon lang iyon.

"Welcome home anak." Natatawang sambit ni daddy kaya naman napayakap ako sa kanya at umiyak muli dahil sa saya.

Matapos ang yakapan namin ay saktong hapunan na kaya naman sabay sabay kaming nag miryenda at nag kwentuhan pa nang kung ano ano.

"Anak, You should go to the hospital." Napatigil ako sa pagkain nang marinig ko iyon mula kay daddy.

Napa angat agad ang tingin ko at kumunot ang noo dahil kay Veil siya naka tingin. Napatigil naman si bunso at para bang na badtrip kaya naman pilit niyang pinapakalma ang sarili bago humarap kay Mom and Dad.

"I-I can't." Napahilamos siya nang mukha at mukhang nahihirapan sa desisyon. Nasaktan ako para sa kanya dahil sa pagka wala ko ay hindi ko na nalalaman kung ano ang nangyayari sa mga kapatid ko.

"Please." Pagmama kaawa ni Dad.

"Honey, huwag mong i pressure ang anak natin." Sambit naman ni Mom.

Nagkamali ako sa akala kong masaya. Ngunit may kapatid din pala akong may sariling problema.

"Hon, kung panay ang tanggi nya ay pwede siyang-" Pinutol ko ang sinabi ni daddy

"Please excuse us." Tumayo ako at siyenyasan si Veil na sumama sa akin. Pero nagkamali akong sasama siya dahil umakyat siya sa itaas kaya naman agad ko siyang sinundan.

Nang malapit na sa kwarto niya ay pumasok ka agad siya at padabog nya sinara ang pintuan nya. Kaya naman dali dali akong kumatok sa pintuan nya.

"Veil, Open the door." Kalmadong sambit ko.

"No ate! I didn't want to go to the hospital!" Sigaw nya pabalik. Gusto ko na namang umiyak dahil hindi ko man lang alam kung ano na ang pinagdaraan nang kapatid ko.

Ilang beses ko pa siyang kinatok at hindi na sya sumasagot at wala na ring ingay na naririnig. Napasandal na lamang ako sa pinto nya at paalis na sana nang may maapakan akong bagay.

Kinuha ko ito at nakita ang rosas na pink pati ang maliit na evelope na kulay puti. Sinubukan kong mag focus at nang buksan ko ito ay hindi na ako nagulat na kulay dugo ang pag gamit nito.

'Roses are Red'

'Violets are blue'

'If you can't come'

'Your family will die.. too.'

Next chapter