webnovel

CHAPTER 10

MAINE'S POV

June 20, 2018

Mag-iisang buwan na ako dito sa Manila at busy kaming lahat ngayon sa pagde-decorate ng stage dahil malapit na ang gaganaping Ms. Millennial Manila 2018.

"Meng, pakiabot nga ng nylon na yun oh."

Utos ni Kassandra habang nakaturo sa mga naka-plastic na nylon. Tumayo ako at kinuha yun saka inabot sa kaniya. Kasalukuyang ikinakabit nila ngayon ang isang malaking korona na gawa sa styrofoam sa pinaka-gitna ng stage.

Tumulong-tulong pa ako sa ilan pang mga members ng organizers' team na binuo nila Mama Tey para sa big event kung tawagin nila. Naglagay kami ng mga foils sa wall ng stage pati na rin ang mga naglalakihang icons ng Facebook, Twitter, Instagram at meron ding pictures ng ilan sa mga tourist spots dito sa bansa especially dito sa Manila na gawa sa plywood na pininturahan ng mga kasama naming medyo inclined sa arts lalo na sa painting.

"Meng! Halika rito dear!"

Ani Mama Tey na kumakaway pa sa akin. Nandito ako ngayon sa itaas ng stage dahil kinakabit namin ang mga rattan balls na iba-iba ang kulay sa bawat gilid ng ceiling ng stage habang siya naman ay nasa kabilang dulo ng mga upuan.

Nakita kong napatango-tango pa siya at sinenyasan akong magmadali kaya nagpaalam na muna ako sa mga kasama ko at patakbong tinahak ang hagdan pababa ng stage.

At dahil medyo marami-rami rin ang mga taong busyng-busy sa pag-aayos ng mga tables para sa mga judges ay medyo sumikip ang daan. Ngunit gayun pa man ay patuloy pa rin ako sa lakad-takbong ginagawa ko para maabutan ng mabilis si mamang. Kakahakbang ko pa lang from the last step ko pababa ay hindi ko namalayang may tao palang naglalakad sa harap ko at saktong nabangga ko siya dahil nakatingin lang ako sa kinatatyuan ni Mama Tey na naka-faster sign pa rin.

Baka kasi mag-walk out, mahirap na.. Pauwiin pa ako nito ng Carcar! Tsk. Tsk.

BOOOGSSSSH!!

"Ouch!"

Napahawak pa ako sa right shoulder ko dahil sa sakit. Napatingala ako sa nakabangga sa akin at tumambad sa akin ang isang matangakad na babae, nakalugay ang maitim at maiksing buhok at mga nasa 40+ na ang edad. Nakataas ang kilay niya habang nakatitig na pala sa akin. Nagulat pa ako nang nag-crossed arms siya at taas-noo akong tinitigan from head down to toe. Para akong nanliit ng sobra-sobra.

"Who are y..."

"Good morning Mrs. Delubio. I am sorry for the damage caused by my team member. Again, I am sorry ma'am."

Pagpuputol ni Mama Tey sa sasabihin niya sana na bigla-bigla na lang sumulpot sa gilid ko na di ko alam kung saang lumalop ng mundo galing.

Mrs. Delubio? At bakit parang takot na takot ang isang Mama Tey sa babaeng to? Oo.. mayaman nga siya tingnan pero kung makapagsabi ng 'damage caused by my team member' ay parang siya pa ang agrabyado sa tangkad at laki niyang yan. Akala mo naman nabalian ko siya ng buto sa katawan at naputol ang mga nerve cells niya!

"It's okey. Next time you should give a thorough orientation on your team members so stupid people won't be roaming around or else tie them up."

Diretso at madiing aniya. Nag-bow naman si Mama Tey sa kaniya at nagpatuloy na siya sa paglalakad nang wala man lang ni isang nililingon.

Stupid... What.. Did.. She.. Just.. Say???! Stop meeeee!!

Doon lang nag-sink in sa mga brain cells ko ang sinabi niyang yun. Mapagmataas, strikta at mata-pobre ang tono ng pananalita niyang yun na mas ikinainis ko pa.

GGGRRRRRRRR! Nakaka-stress! Nakakataas ng blood pressure mga sist! Pramis.

Napatingin ako kay Mama Tey nang marinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.

"You should be careful next time Meng. *after a few seconds* Follow me."

Malungkot ngunit naaawang usal niya tapos tumalikod na sa akin sabay lakad pabalik sa pwesto niya kanina. Nakayukong napasunod na lang din ako sa kaniya. Kinuha niya ang isang naka-clip na pages ng bond paper na nakapatong sa isang upuang nasa tabi namin.

"This is the list of the candidates for the pageant so kailangan mong puntahan ang Tourism officer ng Department of Tourism dito sa municipality natin na si Mr. Eliot.. nasa tapat lang ng arena na itey. G mo girl?"

"G na G!"

Bibo at masaya pa ring tugon ko... kahit na-bad trip ako sa Mrs. Delubio na yun ng slight.

"Mamateyy?"

Paninigurado pa niya ngunit binigyan ko lang siya ng nakakalokang tawa.

"Haha! Mamatey ka man mamang!"

Sabay nag-peace sign at hablot ng bond paper saka tumakbo papalayo sa kaniya habang linilingon paminsan-minsan kung nasundan ba niya ako. Pero nakita ko lang siyang napailing at nakapamewang saka bumalik sa kung anong pinagkakaabalahan niya.

Andami nila ah? Pero parang may kulang... AKO! Wahahahahaha!

Napangisi ako sa naisip kong yun habang tinitingnan ang liatahan. They are 47 all in all. Pero siyempre hindi ko naman gagawin yun.

Haha! Neknek nila! Bahala nang walang korona basta wala ring problema kasi meron naman akong kakaibang ganda na hindi na kailangang rumampa dahil ang angking alindog na ang aking buhay na korona na kailanma'y hinding-hindi masisira. OH DI BA?! Pak, pak, ganern, ganern!

Medyo binagalan ko na ang paglalakad ko nang makalabas ng arena. Tumawid ako ng kalsada at pagkapasok ay nagtungo na ako agad sa elevator.

"Excuse me ma'am, nandito po ba si Mr. Eliot? Pinapabigay kasi ni Mama Tey ang final list ng mga candidates."

Tanong ko sa nasa front na desk pinakamalapit sa pintuan ng DOT. Ngunit napakunot ang noo ko nang magtinginan sila sa isa't isa sabay tawa.

What's wrong with these people? Ugh!

"Ms. Eli ang tawag sa kaniya dito miss. Tanging family at close of all close people lang ang tumatawag sa kaniya ng ganiyan. Maliban na lang kung gusto mong magpasampal ng putak niyang Ingles. Hahaha!"

Okey.... *insert tunog ng mga tutubi at alitaptap* Fairy godmother na naman ba to mga beh?

Ngunit may napansin akong isang hindi tumawa at kakaiba ang bawat titig niya sa akin.

Mamaya ka! Babalikan kita. Humanda ka sa akin! Choss

"Anyway, nasa table niya siya miss. That's where his table is *turo sa isang table na medyo natatakpan ng isang malaking bookshelf*."

"Thanks ma'am!"

Agad kong tinungo ang table na yun nang walang lingunan.

"Good morning sir..."

Bungad ko sa kaniya na diretso lang ang tingin sa kaniyang laptop. Medyo may katangkaran siya kahit pa nakaupo lang, naka-eye glasses, flawless na flawless ang skin *kinabog pa ako sa kinis ng kaniyang balat mga bes* at ang buhok niya ay yung may pa-bangs *oh di ba, k-pop style lang ang peg ng lola niyo?*

Ngunit napatigil ako nang bigla siyang tumingala sa akin sabay taas ng dalawang kilay.

"A..ahh... eh..m.. ma'am. Pinapabigay po pala ni M..mama Tey. Full list daw po ng mga candidates ng pageant."

Utal-utal kong sabi saka inilapag ko ang naka-clip na bond paper sa table niya. Tinitigan pa niya ako ng ilang segundo bago tuluyang kunin iyun habang nakataas pa rin ang kilay na binabasa ang laman ng bond paper. Pumirma lang siya sandali at inabot pabalik sa akin ang mga bond papers na pinirmahan niya.

"Just give this to Mr. Benzin for the inclusion of the invitations and program for the MCs."

"Thank you m..ma'am."

And I answered him/her in a low-toned voice. Choss! Haha!

Ibinalik na niya ang paningin sa laptop kaya wala na akong choice kundi ang tumalikod sa kaniya na hindi man lang alam kung ano ang susunod na gagawin. Napa-pout pa ako ng labi tapos kinagat-kagat yun habang inililibot ang paningin sa halos sampung staffs na nandito. Nasa likurang part ang table ni Mr. Eliot kaya nakatalikod silang lahat sa akin and need ko pang pumunta ulit sa front para lang makita ang mga name plate nila na nakapatong sa tables nila.

Nang makaisip na ako ng brilliant way *charr* ay naglakad na ako papalapit sa isang babaeng staff na medyo nasa gitnang part.

"Excuse me ma'am.. Nasaan po ba ang table ni Mr. Benzin?"

"That guy on his red t-shirt is Mr. Benzin."

Sinundan ko kung saan nakatingin ang mga mata niya at timing naman na iisang tao lang ang nakapula ngayon na nandito. And unfortunately, he is and really is familiar. After magpasalamat ay nilapitan ko na siya. Hindi niya siguro napansin ang pagdaan ko sa gilid niya dahil masyado siyang busy sa computer niya.

"Ahem.."

Napaubo pa ako ng bahagya para lang makuha ang attention niya.

Anong meron dito bakit puro busy ang mga tao? Workaholic masyado!

Ngunit nabigla ako nang seryoso siyang napatingala sa akin and take note.. with a serious eyes, serious face and a serious everything. Diretso siyang nakatitig sa mga mata ko saka dahan-dahang ibinaba ang paningin sa aking ilong, labi at.. at.. at labi, ulit? *ulit nga ba or tumigil talaga siya sa mga labi ko?* Napagalaw pa ako ng mga labi sa inasta niyang yun ngunit ang mas ikinabahala ko pa ay ang pagsilay ng isang pasekretong ngiti niya nang mapansing hindi ako comfortable sa mga titig niya at sa huli ay napabuntong-hininga nang ipinagpatuloy niya ang nakakatunaw na titig na yun hanggang sa legs ko na kita niya dahil natatakpan na ng table niya ang ibabang part ng paa ko.

May pa-elevator eyes itong si kuya ah? Gawin ko kayang fish ball yang mga mata niya! Kung makatitig para na akong hinuhubaran sa isipan niya eh. Kainis!

"What kind of service can I do for you miss?"

What kind of service can I do for you miss?

What kind of service can I do for you miss?

What kind of service can I do for you miss?

Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang nag-iisang tanong niyang yun. Kaswal lang ang tono ng pagkakasabi niya nun pero hindi ko alam kung bakit parang may ibang kahulugan ang bawat salitang binitawan niya.

Praning lang ba ako dahil sa way ng pagtitig niya sa akin or double meaning talaga yung question niya?

Kung tutuusin ay hindi mo naman talaga siya mapag-iisipang manyak or what dahil formal ang pananamit niya, maayos ang gupit at malinis ang mukha.. yung wala talaga siyang balbas sa mukha. Idagdag mo pa ang makinis niyang balat kahit pa medyo moreno siya, may pagka-singkit ang mga mata kaya mas na-eemphasize ang mahahabang eye lashes niya *in fairness di ba?* at medyo may kakapalan ang mga labi niya. In short, mukha siyang beauty queen na babae pero nailagay sa isang maskuladong katawan ng lalaki. At... At.. sa tingin ko ay magkasing-edad lang din kami neto.

"Miss?"

Napakapa ako sa sarili nang marinig iyon. Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kaniya ng ilang segundo.

Mayghhaddd! Baka isipin niyang pinagpapantasyahan ko na siya. Nakakahiya ka Menggay kababae mong tao!

"Eh.. Ammm... *kamot sa batok sabay lingon-lingon sa paligid*"

Nakataas ang kilay niya akong pinanood habang hindi alam ang isasagot na para bang hinihintay ang magiging tugon ko. Uminit bigla ang buong mukha ko at alam kong pulang-pula na ako ngayon dito sa sobrang hiya.

Lamunin na sana ako ng lupaaaa! Ngayon na mismo! Ayy.. Naka-tiles pala sila dito, edi sana mabiyak na ang mga tiles dito at kunin na ako ni Lord!

"Mr. Eliot has already signed this and he said I should give this to you for the inclusion of the invitations and program for the MCs."

Sagot ko naman agad nang maka-recover at ma-realize na kulang na lang na tumulo ang laway ko kakakapa ng isasagot habang siya naman itong nakataas ang kilay at diretsong nakatingin sa akin.

"What's this all about?"

"That's the full list of the candidates for the Miss Millennial Manila 2018 Mr. Benzin."

"Then why do you give it to me when you are searching for Mr. Eliot just a while ago? Are you really searching for him or... me?"

Low-toned ngunit batid sa tono ng pananalita niya ang pagiging sarkastiko at panunukso sa akin.

Something's wrong here, I can smell it! Kanina, yung hindi niya pagtawa at ngayon naman ang pang-iintriga niya sa akin. At ano daw? Kapal ah! There's something I wanna know... Hmmmm..

"Because he said so. Bakit pa ako pup..."

Napahinto ako nang nakayuko siyang itinapat sa mismong mukha ko ang malapad niyang palad.. A sign for me to stop and be quiet.

"I don't accept non-English answers. We, here in the Tourism department, meet and transact with so many different people both foreigners and locals so it is our unilingual code for us to make the transaction a success. Okey?"

At nag-thumbs up pa siya sa akin with matching half smile.

Imong mama okey!

(Mama mo okey!)

Marunong naman pala ngumiti. Tsk!

"Am sorry mister. *fake smile* What I wanna say is that Mr. Eliot said I should give this to you so here I am in front of YOU and your table."

Pilit na pagpapatatag ko ng aking sarili. Pinipigilan ko na lang talaga ang inis. Pinipigilan ang kaba. Pinipigilan ang panginginig ng aking mga bagang at ang patuloy na pagkiskis ng aking mga ngipin sa gigil. At pinipigilan ang pagka-bad trip dahil kung nagkataon ay baka nasapak ko na siya o di kayay nasuntok ko na.

Inilahad niya ang kaliwang palad na parang sinasabing ibigay ko na sa kaniya ang naka-clip na bond paper na kanina ko pa hawak. Kaya naman dahil gusto na ng lola niyong lumayas na sa room na ito at hindi na muling makita ang pagmumukha ng lalaking ito na Benzin pa man din ang pangalan kahit kailan! As in forevs, period no erase, peksman!

Padabog kong inilagay sa palad niya ang papel ngunit dahil parang nasobrahan ko ang pagdadabog ay tumama ang kamay niya sa mesa at nag-create iyon ng medyo malakas na tunog enough na para lingunin kami ng mga ka-officemates niya. Ngunit parang wala lang nangyari at tanging pagiging itsusera at tsismosa lang nila ang pinairal kaya nagsibalikan na rin agad sila sa mga pinagkakaabalahan nila. Nakita ko ang bahagyang pagngiti ng right side ng labi niya habang nakatingin sa akin saka yumuko at hinila ang isang hunos sa ilalim ng mesa niya. Isinuksok niya sa system unit ang USB na nakuha sa drawer at nagsimulang mag-click ng mag-click.

Ilang sandali pa akong nakatunganga sa harap ng table niya. Hindi ko na masikmura ang mga pinanggagawa niya habang nagta-type.... sa mismong harap ko pa!

Kung makangiti-ngiti 'tong mokong na 'to akala mo may dapat ikasasaya. Kainiiiiis!

"You give this back to MS. Eli for the final approval. Hmmm?"

Pagbibigay-diin pa niya sa MS. na yun habang diretsong nakatingin sa akin at iniaabot ang isang folder. Nakasmile pa siya habang itinataas-baba pa ang mga kilay.

Kapal ng mukhaaa!

Napabuntong-hininga na lang ako sa inis. Padabog ko ulit na kinuha ang folder mula sa kamay niya at nginitian siya ng mapait saka tumalikod na.

Halos takbuhin ko na ang pinto ng office na yun para lang makalabas na agad. Nang nasa may pintuan na ako at di na ako masyadong makikita ng mga tao sa loob ay doon pa lang ako umayos ng tindig at hinawi-hawi ang aking buhok sabay pagpag ng damit ko.

Tssh. Nasa tourism department nga hindi naman hospitable at approachable sa tao. Asan ang pagiging people-oriented dun? Hmmmp! Makaalis nga sa lugar na to, nakakaallergy!

Next chapter