Chapter 21 - THE END
ZIRO
Ramdam ko ang kapangyarihang dumadaloy sa buong katawan ko, kapangyarihang nagbabadiyang lumabas ano mang oras. Kailangan ko itong pigilan kahit anong mangyari. Kung hindi ko ito mapipigilan matutulad lang ngayon ang nangyari noon. May mga gusto akong protektahan, may mga tao akong gustong mailigtas. "Dumating nadin ang pinakahihintay ko!"
Pilit kong kinokontrol ang katawan ko kaso mas nananaig ang kapangyarihan sa loob ko. Pano na? Ang kaninang nagbabadiyang lumabas na kapangyarohan ay tuluyan na ngang lumabas.
Tama na, tama na!
Nanlalabo na ang paningin ko, parang ano mang oras ay makokontrol na ako ng demonyo. Napalingon ako kay Sandro na lumalapit saakin, gusto ko syang pigilan ngunit hindi ako makapagsalita. Gusto kong sumigaw ng 'Tumigil ka' pero walang boses na lumalabas. Nadatnan ko nalamang ang sarili ko nasa kaparehong lugar katulad sa panaginip ko at doon sa pintuan ng mga alaala. Bakit nandito nanaman ako? Nandito ba si Ina?
"Wag mo nang asahan dahil wala na siya" ang boses na iyon ay parang saakin. Hindi naman ako nagsasalita kaya bakit may boses na katulad na katulad saakin?
"Nasan ang ina ko?!" Mula sa kadiliman ay may bigla nalamang sumulpot. Ako iyon, akong ako ang nasa harap ko. "S-sino ka?! Bakit kamukha kita?!" Tumawa ito na umalingaw ngaw sa buong lugar.
"Simple lang, Ako ay ikaw at ikaw ay ako. Tayo ay iisa" sabi niya habang may ngisi sa kaniyang labi. Nakakairita ang mga ngisi niya, masasabi kong kabaligtaran ko ang lalaking ito. "Gusto mo silang iligtas diba? Kung ganon hiramin mo ang kapangyarihang meron tayo. Gamit yon maililigtas mo sila"
Napayuko ako at pinag-isipang mabuti. Hindi ko kayang talunin ang ama ko gamit lang ang lakas na meron ako, Oo magagamit ko nga ang demonyong nasa loob ko ngunit kokontrolin naman ako nito. Pero... buhay nila ang nakataya dito. "Ano ang magiging sagot mo Ziro?" Iniangat ko ang tingin ko sa kaniya.
"Pumapaya—" naputol ang sasabihin ko nang makarinig ng malakas na pagsabog. Anong nangyayari ?!
"ANO ANG SAGOT MO?!" muling napadako ang atensiyon ko sa kaniya. Mali ba ang desisiyon ko? Ano bang mangyayari kapag pumayag ako?!
"Ang sagot ko ay... hindi" pagkasabi ko non ay biglang nagbago ang anyo niya. Nagkaroon siya ng sungay at itim na pakpak, kung ganon ito ang totoong anyo niya.
"Pagsisisihan mo ang naging pasiya mo?!!" Akmang matatamaan na ako ng matutulis niyang kuko nang mahagip ko ang leeg niya. Hinigpitan ko ang hawak doon upang masakal siya.
"Tama nga sila, sarili natin ang pinakamatindi nating kalaban. Nakakalimutan mo yatang katawan ko ito, ako ang may kontrol sa dimensyong kinalalagyan mo kaya ako ang mas malakas sa ating dalawa" mas diniinan ko ang hawak sa leeg niya hanggang sa madurog kona ito. Tumalsik saakin ang dugo mula sa kaniya habang ang katawan niya ay wala nang buhay.
Ang katawan niya ay naglalaho na parang nasusunog ito at nagiging abo hanggang sa maglaho ito kasabay ng hangin. Napapikit ako at sa pagdilat ko ay bumalik ako sa reyalidad, Nakatayo na ako sa mga oras na iyon at ang kapangyarihang lumabas saakin ay nawal na. Napatingin ako sa kamay ko na sa hindi mapaliwanag na dahilan ay puno ng dugo. Parang nanlumo ako at tiningnan ang bawat sulok ng kwarto. Wala si Sandro kahit ang ama ko ay wala na, anong nangyari?
Puno ng dugo ang buong kwarto na parang may kung anong nangyari doon. Wala akong naaalala na muli kong kinalaban ang ama ko. Napatingin ako sa ibaba ko at nakita ko ang ulo ng ama ko, unti-unti iyong naglalaho katulad ng demonyo na naka— "H-hindi kaya"
"Nagkakamali ka kung ano mang naiisip mo" napatingin ako sa likod ko at nandoon si Sandro, habang pinupunasan ang espada niya na napuno ng dugo. "Dahil sayo kaya natalo natin ang ama mo"
"A-anong ibig mong sabihin?" Tiningnan niya ako na puno ng pagtataka. Wala akong naalala sa mga nangyari, tumayo ito at itinaas ang malaki niyang espada na ngayon ko lang nakita.
"Baka dito makaalala ka!" Inihampas niya iyon saakin at ewan koba hindi ako umilag at tinanggap iyon. Bumagsak ako sa sahig at unti-unting ipinikit ang mga mata, narinig kopa ang huling sinabi ni Sandro "magpahinga ka muna"
"Sira ulo ka talaga.." yun ang huli kong sabi bago tuluyang ipinikit ang aking mata. Nakakapagod talaga, nakakapagod ang mga nangyari kanina:
"Tumayo ka dyan Ziro, gusto mo bang makita ka ng ina mo na ganiyan ka kahina?" Dahil sa narinig ay pilit akong tumayo, pilit kong nilalabanan ang kapangyarihang komokontrol saakin.
"Asa kapang magpapatalo ako sayo" pinulot ko ang dagger ko sa sahig at hinawakan iyon ng mahigpit upang hindi mabitawan agad. "Nakakalimutan mo atang anak ako ng demon lord" bumwelo ako at mabilis na tumakbo papunta sa kaniya. Hindi ko muna pinansin ang sakit sa tiyan ko, hindi ko muna pinansin ang panghihina ko, tanging ang alab sa puso ko ang nananaig ngayon.
Lumabas ang apoy mula sa dagger ko at ang pulang apoy ay naging itim. Sa isang atake ko ay nahiwa ang isang braso niya at ang dugo doon ay tumalsik pa sa aking mukha. "Tch! KAINIS!!" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Sandro na inis na inis. Itinusok niya ang malaki niyang espada sa sahig na lumikha ng malaking biyak sa sahig. "Nahuli na ako."
Nag-drama muna ito bago muling ibinunot ang espada at hiniwa ang kabilang braso ng Ama ko "NAKAKAINIS BAKIT INUNAHAN MO AKOOO!" Napaluhod ang ama ko habang hindi makatingin saamin. Naaawa ako sa sitwasiyon ng ama ko ngunit ito ang dapat at ito ang tama.
"Bakit hindi ka manlaban? Bakit ayaw mong umatake?!" Tanong ko sa kaniya. Hindi ito sumagot at tanging yuko lang ginawa niya. "Bakit? Kaya mo kaming patayin pero hindi mo nilalabas ang buong lakas mo. Wala ka talagang balak na lumaban, diba?"
"Hindi ko gustong labanan ang anak ko, wala akong balak na patayin ka o ang saktan ang ibang tao"
"Tatapusin kona to!" Akmang aatake ulit si Sandro ng pigilan ko siya. Gusto kong marinig pa ang susunod niyang sasabihin.
"Simula nang makilala ko si Emillia—ang ina mo, hindi ko na magawa pang manakit ng iba pero sadiyang mapanghamon ang kapalaran. Nang ipanganak ka ay sobrang saya namin ngunit natakot ako na baka katulad ka namin, baka katulad kita. Lumayo ako, ngunit hindi ko akalaing sa paglayo ko ay mas lalala ang sitwasiyon. Nagpakita ang demonyo sa loob mo at dahil doon ay namatay ang ina mo, dahil saakin kaya namatay ang ina mo," umiiyak na ito at puno ng pag-sisisi ang boses niya "nakiusap ako kay Zeron at Alvan na alagaan ka at itago ang katotohanan pero dahil sa kasamaang bumabalot saakin, nagawa ko silang pagtaksilan. Nagawa kong pagtaksilan ang mga kaibigan ko, ang mga tao na tumanggap kung ano a—"
"Kaya ba inutusan mo ang arc knigt na patayin ako para maranasan ko din kung ano ang naranasan mo?" Umiling-iling ito sa tanong ko.
"Ginawa ko iyon upang malaman mo kung sino ba talaga ang tunay at peke mong kaibigan, Gusto kong magkaroon ka ng totoong mga kaibigan at tama nga ang desisyon ko dahil nahanap mo sila. Nahanap mo kung ano ba talaga ang pagmamahal. Nahanap mo ang mga taong tanggap ka"
Humakbang ako palapit sa kaniya at umupo upang pumantay sa kaniyang ulo. Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya katulad ng ginawa niya saakin kanina "nagawa mo ang iyong tungkulin bilang ama" ipinagdikit ko ang mga noo namin katulad ng ginagawa ni ina. "Nung mga oras na wala akong makain dahil sa pagalis ng ama kong si Zeron, tinulungan mo ako noon at inutusan ang isang tindera na bigyan ako ng libreng tinapay. Nung mga oras na wala akong matulugan alam kong ikaw ang nagutos sa ama kong si Zeron na doon ako iwan sa simbahan upang kahit papaano ay may matirhan ako. Alam ko iyon, lahat lahat ngunit huli na nung nalaman ko na ikaw pala iyon, huli na nung malaman kong naging mabuti kang ama saakin"
"Kung ganon ang ama mo ay hinihiling na tapusin mo na ang buhay niya upang hindi na makapinsala pa" sabi nito habang may ngiti sa kaniyang labi, ngiti na nakita ko noong nakita niya ang ina ko. Tumayo ako at lumapit kay Sandro, hiniram ko ang espada niya upang gawin ang huling atake.
"Paalam, mahal kong ama" sa huling tira ay ibinuhos ko lahat, lahat ng pagmamahal na hindi ko naparamdam sa kaniya. Tanda ko ang lahat ng iyon, lahat lahat ng ginawa nya para saakin at para sa ibang tao. Ang ama ko ay hindi isang masamang tao dahil pinamunuan niya ng maayos ang bayan na ito.
Masakit man ngunit ang pagtapos sa buhay niya ang paraan upang matapos na ang lahat-lahat. Mahirap, ngunit kakayanin ko para sa kaniya at para sa aking ina. Sana sa kabilang buhay ay maging masaya kayong dalawa.
---
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko dahil parang may burol atang nagaganap. Ang daming tao na nakapalibot saakin at umiiyak, ano bang nangyayari?
Napatingin ako sa babaeng nasa dibdib ko at iyak ng iyak. Nagulat pa nga yung mga tao dahil bigla akong bumangon, parang nakakita ng patay na biglang na buhay. Napabuntong hininga ako at hinawakan sa ulo si Riku.
"Hindi ko alam na iyakin ka pala" napatingin ito saakin at kita ko sa mata niya na ang tagal nyang umiiyak. Ano ba talagang nangyayari?
"Z-ziro?! Buhay ka?!" Gulat na gulat niyang tanong at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. "Pero pano?—" tumingin ito kay Sandro na papaalis na sana ng makatanggap ng malakas na sipa mula kay Riku.
"Aray!! Tama na!!" Pinagtatadiyakan siya nito ng paulit-ulit at talagang inis na inis si Riku.
"HAYUP KA ! PAPATAYIN KITA!!"
SA PAGLIPAS ng ilang araw ay nagiging maayos na ang lahat. Nagtutulungan ang bawat isa para lang maibalik sa dati ang bayang nasira dahil sa mga halimaw.
Ang mga nakakataas at ang arc knight ay nagpupulong ngayon sa palasiyo kasama ako. Hindi ko alam kung bakit ako nasama pero mas pinili ko nalang manahimik. "Ang hari ay nawawala parin ngayon at hindi natin alam kung saan siya matatagpuan" sabi ng isang matanda na mediyo namumuti na ang buhok.
Nakaupo kami sa isang upuan na pinapalibutan ang lamesang pabilog. Hindi ako makasabay sa kanila dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Napayuko ako at nagsalita na "hindi ko sigurado pero," napabuga muna ako ng hangin bago itinuloy ang sasabihin. "Ang sabi ni Dalhina may tatlong Heneral ang hari. Ang una ay siya sumunod naman ay ang ama kong sinumpa, pano kung ang Dark knight na nakalaban ko ay ang hari mismo?" Nagkatinginan sila at parang nag-uusap gamit ang mga mata.
"Malaking problema yan kung ganon. Pero may paraan para malaman yan" tumingin ang matanda kay Miya at mukhang naintindihan nito ang ibig niyang sabihin.
Tumayo si Miya sa kinauupuan niya at inilabas ang Wand niya. Dalaga na talaga siya at mukhang marami na itong natutunang mga mahika. "Tinatawag ko ang ispirito ni Haring Alvan, dinggin ang aking tinig at tuparin ang aking hiling! Gate of spirit!" Namangha nalamang ako sa nakita ng magliwanag siya at isang magic circle ang lumitaw. May kung anong imahe ng isang tao ang lumabas doon at lahat kami ay nagbigay galang.
"Anong mapaglilingkod ko?" Nakangiti nitong sabi habang ang dalawang kamay ay nasa kaniyang likod. Tama ako, namatay ka siya non. Hindi ko alam na siya ang Dark knight na iyon, wala akong kaalam-alam.
"Mahal na hari, ipagpaumanhin niyo kung nagambala namin ang ispirito niyo. Sinisiguro lamang namin kung buhaypa kayo" nagsiluhod yung mga matatanda na hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala, sila siguro ang mga taga payo ng hari.
"Alam kong dahil sa pag-kawala ko ay nagkaproblema ang kahariang ito," tumingin ito saakin habang suot padin ang kaniyang ngiti "pero ang susunod na hari ay nandito na, sa kaniya ko ipapamana ang trono na naiwan ko at ng kaniyang ama" nagulat nalamang ako ng bigla nalang ang atensiyon nila ay nasaakin na.
Napalingon pa ako at napaturo sa sarili para lang makasiguro "pero mahal na hari, wala akong kakayahan para pamunuan ang kahariang ito" napailing siya.
"Wag mong isipin kung ano ang hindi mo kaya, isipin mo kung ano pa ang maaari mong gawin. Naniniwala akong kaya mo Ziro, naniniwala ako" naglaho na ito sa aming harapan at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Hindi ako karapat-dapat kaya bakit ako?
"Mahal na hari" nagsiluhod sila sa harap ko at ganon din sila Riku. Nginitian nila ako at sinasabing 'kaya mo yan, mag tiwala kalang'
Napangiti nalang din ako at taas noo silang tiningnan.
Muli nanamang maisusulat ang tadhana ko. Siguro nga ang nakatadhana kong pagkamatay ay hindi talaga mangyayari, kaya mong baguhin ang tadhana mo gamit ang mga kamay mo. Ikaw mismo ang susulat ng sarili mong kapalaran.
Masaya ako, masaya ako dahil alam kong hindi ako nag-iisa. Alam kong lalaban ako ng hindi nag-iisa.