webnovel

Chapter 14

Chapter 14 - Father n' Son

ZIRO

"Si Esther na ang namumuno sa mundo! WHAHAHAHAHA"

"Baliw kana!" Inis na sabi ni Sandro. Kung ano mang nangyayari kay Freya siguradong dahil ito sa Demon lord. Kung kailangan ko siyang iligtas, gagawin ko. Kung kinokontrol siya tatanggalin ko ang epekto.

"WHAHAHAHAHA! TAPUSIN MO SILA! UPANG MAGHARI SI ESTHER!" sa utos ni Freya ay nagwala ang halimaw. Parang siyang isang bagyo na sisirain ang kahit anong madaanan niya. Agad kaming napaatras ng isuntok ng ifrit ang Kamao niya sa lupa na gumawa ng bitak na may kasamang pagsabog.

"Tanggapin mo tong halimaw ka!!" Bigla nalamang sumugod si Sandro habang hawak ang Giant sword niya. Inihampas niya ang Giant sword niya sa lupa na gumawa din ng biyak at isang kamangha-mangha ang nangyari. Bigla nalamang nahati ang Braso ng Ifrit kahit hindi naman siya nilalapitan ni Sandro. "Ano ka ngayon?!" Siguradong ginamit niya ang hangin upang humiwa.

Sumugod naman si Frey hawak ang Spear niya at ibinato iyon sa kanang hita ng Ifrit. Bigla nalamang nagyelo ang  Hita ng ifrit at sa pagdukot ni Frey sa spear ay nabasag ang yelo kasama ang hita ng ifrit. Lumikha ng napakalakas na sigaw ang ifrit dahil sa sakit.

Sunod naman ay si Riku. Agad niyang in-equip ang Saber niya at Tumalon paitas sabay Ikot at hati sa Ifrit. Bigla nalamangnahati sa dalawa ang ifrit at bumagsak sa lupa. "Tapos naba? bat hindi niyo man lang ako pinaatake?!" Inis kong sabi. Natawa naman si Sandro ngunit naglaho din ng makitang gumalaw ang ifrit.

Parang isang himala na bigla nalang nag-dikit muli ang nahating katawan ng ifrit at ang naputol niyang braso at hita ay muling tumubo. "Pano natin matatalo yan?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Sandro. Pano namin matatalo ang halimaw na kayang pagalingin at ibalik sa dati ang katawan? "Pasensya kana Ziro kung hindi ko kayo matutulungan," Napalingon ako kay Sora na nasa likod ko habang isinisiksik ang mukha niya sa likod ko "Pero ito lang ang matutulong ko sa ngayon"

Bigla nalamang akong nagliwanag ngunit naglaho din. Katulad ito noong una kaming nagkita ni Sora, ginawa rin niya ito ngunit hindi ko alam kung bakit "Anong ginawa mo Diyosa?" Ngumiti ito saakin at pinapatingnan ang Status ko. Pagkatingin ko ay bigla nalamang naging Level. 70 ang Level ko. Nakabukas nadin ang Skills ko na dati ay naka-gray lang.

"ngayon nakita mona ang lahat ng pinaghirapan mo, Wag kang magpipigil dahil yang lebel mo ang nagpatunay na kaya mong lumakas kahit wala ang demonyong nasa loob mo" kung ganon ang ginawa niya ay upang itago ang tunay kong level. Kaya pala gustong makita iyon ni Freya noon upang makita ang totoong level ko. Ngayon naiintindihan kona.

"Salamat Dyosa!," Binigyan ko siya ng yakap at kumalas din agad. "Pangako Dyosa! hindi ako magpipigil"

Hinarap ko ang halimaw at mahigpit na hinawakan ang dagger ko. Marami ng nagawa si Diyosa saakin kaya ngayon ako naman. Tumakbo ako pasulong at paulit-ulit na inatake ang Ifrit. Napansin kong hindi na siya ang kaninang ifrit na nakalaban nila Riku dahil parang hindi naman siya nasusugatan. "Gagamit na ako ng Skill"

Ipinikit ko ang aking mata at pinadaloy ng enerhiya ko papunta sa Dagger ko. Nagliyab iyon na parang nagbabagang apoy at handang sunugin ang kahit anong matapaan nito. "Skill activate:Burning Dragon!" Ang apoy na nagmumula sa dagger ko ay lumikha ng imahe ng Dragon. Tumalon ako paitaas  at umikot, Aatakihin kona sana siya ng mahagip ng mata ko ang mata niya.

Ang mga mata niya ay hindi ang mata ng halimaw parang may kakaiba sa mga iyon. Pamilyar saakin iyon parang nakita kona iyon. Bigla nalamang pumasok sa isip ko ang isang imahe at nakita ko ang sarili ko at isang lalaki na tumatapik sa ulo ko. Parang....

Sa pagmulat ng mata ko ay napunta nanaman ako sa madilim na lugar na katulad sa panaginip ko. Tumingin ako paibaba kung saan ako nakatapak, Parang nakatapak ako sa tubig.

Muli ko nanamang narinig ang patak ng tubig at sa pagtingin ko sa harap ko nandoon nanaman siya sa harap ko. "Sino kaba talaga?" Nakatingin siya saakin at napansin ko ang mahaba niyang buhok na kulay itim na hanggang hita niya at nakasuot ito ng pulang dress na hanggang tuhod niya na tumerno sa mata niyang kulay Pula. Wala itong suot na kahit ano sa paa kung kaya't nagtataka ko siyang tiningnan.

Naglakad ito papalapit saakin at para bang hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Hinawakan niya ako muli sa magkabila kong pisngi at ang noo niya ay itinapat niya sa noo ko. "Naniniwala ako sayo, Naniniwala akong kaya mo. Iligtas mo ang ama mo... Anak ko"

.

.

.

.

"AHHHHHH! PARA SA AMA KO!" Hinati ko siya mula ulo hanggang paa at halos magliyab ang buong katawan n'ya hanggang sa naging abo nalang ito.

"Sandro Gawin mona!" Tumakbo ako papunta kay sandro at tumalon sa espada niya. Iniwasiwas niya iyon upang makatulong saakin na bumwelo pa itaas. Itinusok ko ang dagger ko sa puso mismo ni Freya.

Hinawakan ni Freya ang kamay ko at nginitian ako "Masyado ng makapangyarihan si Esther, Hindi lang halimaw ang napapasunod niya pati ang mga tao. Hindi ka talaga nag-iisip" pinitik nito ang noo ko at Bumagsak ito sa mismong harap ko at parang isang pagkakamali ata ang ginawa ko.

ILANG araw ang nakalipas at naging normal na ulit ang lahat isang bagay ang pinagsisisihan ko. Nakalibing siya ngayon dahil sa kagagawan ko, ako ang pumatay sa kaniya. Inalayan ko siya ng bulaklak na ako pa mismo ang pumitas.

"Naging kalaban man kita ngunit naging parte ka narin naman ng buhay ko, Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita kahit sa maiksing panahon lang" Nagsi-datingan ang iba habang hawak ang mga bulaklak nila. Nag-alay narin ng bulaklak ang Arc knight at ganon din si Sora.

"Sana mapatawad mo ako sa ginawa ko Ziro," Nag-alay ng bulaklak si Freya sa puntod ng ama ko, Sa nag-iisang tao na nag-alaga saakin habang wala ang tunay kong Ama. Siya ang halimaw na pinatay ko, kaya pala parang pamilyar ang mga mata niya. Oo nalaman ko yon pero pinagpatuloy ko padin dahil iyon ang tama, Yon ang nararapat. Isinumpa siya ng aking ama. Isang sumpa na ang magtatanggal lang ay ang kamatayan "Sana kahit ito lang mapagbigyan mo ang Ama mo"

"Anong sinabi ng hayop kong ama?" Napapikit si Freya at humugot ng lakas para sabihin ang sasabihin niya.

"Nakikiusap siyang tapusin mo ang buhay niya. Gusto nyang ikaw mismo ang pumatay sa kaniya, sana mapagbigyan mo ang Ama mo"

"Kahit hindi niya sabihin yan gagawin ko talaga" nginitian niya ako at muli nanamang pinitik ang noo ko at sa pagkakataong iyon ay masakit na.

"Hindi ka talaga nag-iisip ano? Alam mo namang para—" hindi ko na siya pinatapos pa at tumayo ako sa kinauupuan ko. Naglakad paalis ngunit bago iyon ay may sinabi ako.

"Aalis ako, hindi ko alam kung kailan ako makakabalik pero.. Sa pagbalik ko sisiguraduhin kong mas malakas na ako"

"Kung ganon hihintayin ko ang araw nayon," Lumapit saakin si Sandro at Pingdikit namin ang kamao namin "Sisiguraduhin ko din na sa pagbalik mo mas malakas na ako"

"Sa muling pagkikita..... Karibal ko" Sabay naming sabi bago ako tuluyang umalis. Umalis sa bayan na hindi ako nababagay, sa lugar na dapat hindi na ako pinanganak. Nang sabihin saakin ng Ina ko ang lahat-lahat doon ko kinamuhian ang sarili ko at ang ama ko. Ang ama kong mas piniling maging masama para sa kapangyarihan. Ang ama ko na kinalimutan ang anak para sa kapangyarihan.

At ang demonyong iyon ay ang mismong ama ko. Galit ako sa sarili ko dahil nasa loob ko ang dugo't laman niya, Galit ako sa sarili ko dahil pinatay ko ang aking ina. Pero nang makilala ko sila, Nagbago ang pananaw ko at gustong mabuhay pa ng matagal para maprotektahan sila.

Ipagpapatuloy ko ang paglalakbay na naudlot ng tatay-tayan kong si Zeron at magiging malakas para talunin ang ama kong si Esther. Kung ano man ang dahilan niya sa paggamit kay Freya aalamin ko, at sana makabalik ako ng buhay sa bayan ko.

SORA

Nakatingin lang ako kay Ziro na paalis na ng bayan. Wala akong magawa para pigilan siya lalo na't nalaman na niya ang lahat-lahat. Alam kong makakabuti ito para sa kaniya pero hindi ito makakabuti para sa bayang ito. Napatingala ako sa palasiyo na tanaw mula dito.

"Sora, Ngayon na ang araw" Napapikit muna ako bago hinarap si Freya. Ewan ko kung ito na ang huli, Ewan ko kung makikita kopa ang taong naging dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay.

"Anong ibig sabihin ng babaeng yan?," nilingon ko saglit si Sandro bago ito talikuran. "Pwede mo bang sabihin?" Nag-aalalang tanong nito.

"Kuya Sandro!!! Nawala si Mama!," umiiyak na lumapit si Miya kay Sandro na ngayon ay pinapatahan na siya. "B-bigla nalang nawala si Mama kanina! Huhuhuhu Tulungan nyo ako" Hinimas ni Sandro ang buhok niya at dumako ang tingin saakin at kay Freya.

"Sabihin nyo anong nangyayari? may kasalanan ba kayo?" Naglakad nalang ako paalis at hinarap ang lagusan papunta sa Olympus. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. Alam kong nadamay si Antoneth dahil sa ginawa ko, dahil sa pagsuway ko. Ginamit niya ang pinagbabawal na materyales na kayang makasira ng mundo, ginamit niya iyon sa dagger ni Ziro para mapigilan ang nagbabadyang kapangyarihan na lumabas.

"Sora kailangan na nating umalis," Tumungo ako bilang sagot at akmang papasok na ng bigla akong mapatigil dahil sa sinabi ni Sandro.

"Aalis ka nanaman ba? Bigla mo nanaman ba akong iiwan?" Napabuga ako ng hangin bago siya hinarap.

Nginitian ko siya habang ang luha ko ay patuloy sa pag-agos. Masakit para saakin pero nagawa ko naman ang misyon ko sa unag pagkakataon.

"Patawad, Pero ito na siguro ang huli. Pagkasama kita pakiramdam ko ikaw ang hinahanap ko. Hindi ko alam kung bakit ko hinahanap ang taong yon pero dahil sa kaniya kaya ako nagpatuloy sa buhay. Patawad Sandro at.... paalam"

Tuluyan na nga akong pumasok sa loob ng lagusan habang may bigat akong nararamdaman. Parang pinipigilan ako ng puso ko pero ang sabi ng isipan ko. 'Ito ang dapat' "MAHAL KITA SORA!" napalingon ako sa aking likuran at kita ko si sandro na umiiyak bago pa man magsara ang lagusan.

"Mahal din kita." Bulong ko sa sarili bago naglakad pasulong. Pakiramdam ko tuloy parang ako ang Bida sa storyang ito at si Sandro ang nakatadhana sa bidang ito.

"Natutuwa ako sa inyong dalawa, Papakiusapan natin ang konseho sa problema niyong tatlo ni Antoneth" Nagulat ako at napatingin kay Freya. Hindi maiguhit ang mukha ko dahil sa pagkagulat. Tatlo?

"Kasama si Yuri?! pero bakit?! wala siyang kasalanan!" Napailing siya at ang ngiti niya ay naglaho at napaltan ng lungkot ngunit pinilit parin niyang ngumiti.

"Hindi ito tungkol sa kasalanan nyo o dahil sa mga nilabag niyong batas, kundi ang tunay niyong pagkatao" Nakaramdam nanaman ako ng bigat sa puso ko. Parang sinasabi nito na ipagpatuloy ko ang paglalakad papasok sa loob ng malaking pinto at doon ko malalaman ang totoo.

Sa pagbukas ng malaking pinto ay tumambad sa harap ko ang lahat ng mga Diyos at diyosa. Lahat sila nakaupo sa sari-sarili nilang upuan na gawa sa ginto. Nakatuon ang paningin nila saakin at sa harapan naman ay nandoon sila Yuri at Antoneth. "Ano ba talaga ang nangyayari dito?" Tanong ko sa sarili na kahit ako ay hindi ko masasagot.

Nang makarating sa gitna ay nagsimula na silang magbulung-bulungan. Hindi ko alam pero natatakot ako sa mangyayari. "Kayo ang mga napili upang maging tagapag-gabay sa mga tinakda at kayo din ang nag-uugnay sa bawat isa sa kanila" Panimula ni Zeus (Diyos ng Kalangitan)

"Ang bawat isa sa inyo ay mga materyales na mag-uugnay sa bawat isa sa kanila na siyang bubuo sa panibagong kapalaran nila" Napatingin ako kay Athena na seryoso (Ang Diyosa ng Kaalaman) . May sinasabi ang mga mata niya saakin, mga salita na hindi ko maintindihan ang ibig sabihin.

Wala akong ideya sa mga pinagsasabi nila na materyales at kapalaran nayan. "Katulad ng halaman ay kayo ang magiging ugat na tutulong upang mabuhay sila" Sabi ni Demeter na nakangiti saakin.

"Kayo ang tubig na magdidilig upang sila ay mabuhay pa ng matagal kaysa sainyong inaasahan" Sabi naman ni Poseidon (ang Diyos ng Karagatan)

"At kayo ang araw na tutulong upang lumago sila" Natapos ang mga hindi maintindihang pinagsasabi nila kay Apollo (ang Diyos ng araw)

"Ano bang pinagsasabi nyo? hindi ko maintindihan?" Maangas na sabi ni Yuri. Siniko naman siya ni Antoneth dahil sa kawalan ng galang.

"Maaari niyo bang ipaliwanag ito?"

"Ngayon na ang oras para sabihin ang totoo" Tumingin saamin si Freya na nakaupo na sa kaniyang upuan. Lumalaki ang tensiyon sa loob ng silid na nagpapakaba saamin.

"Kayo ay hindi totoong mga Diyos(a)"

Next chapter