Isang linggo matapos ang kanilang presentation sa Ambassador Hotel ay nakatanggap sila ng meeting invitation mula sa Vice President ng naturang kumpanya.
Kalahating oras pa bago ang meeting time nila ay naroroon na sila ni Mat sa reception area ng opisina ng VP at naghihintay.
"Do you think it's good news?" She whispered to Mat, who looks equally nervous and excited as she is.
"Sana..." tugon nito sa mahinang tinig. "When this goes through, we need to put up a job advert ASAP para sa additional team members natin para sa trabaho"
She nodded in agreement.
"Mr. Esteban, Ms. Rodriguez" tawag sa kanila ng isang unipormadong babae "Mr. Diaz will see you now".
Magkapanabay silang tumayo ni Mat at sinundan ang babae patungo sa opisina ng VP.
"Ah good morning folks! Come in" masayang bati ng lalaki matapos silang papasukin ng sekretarya nito.
"Good morning sir. It is a pleasure meeting you. Thank you for having us" ani Mat, extending his hand to the man.
The VP, named Enrico Diaz, was probably in his late 50's. Mababanaag sa lalaki ang ilang hibla ng mga puting buhok nito sa malinis na pagkakasuklay. He looked kind but dignified.
"Pleasure's all mine." Tinanggap nito ang kamay ni Mat before turning to her "you must be Cali." Inilahad nito ang kamay sa kanya na kanya namang tinanggap.
"Cali?" There was surprise and puzzle in her voice that she couldn't hide. Cali is the name only people close to her call her.
"Ah I mean Calista" pagtatama ng matanda habang iminostra sa kanila ang dalawang upuan sa harap ng malaking desk nito, bago naupo sa executive swivel chair.
"Listen. I called you here today to give you both some great news..." malawak ang ngiti sa mga labi ng matanda.
Nagkatingininan sila ng kaibigan. Both their eyes were glinting with joy and excitement. Hindi nila inaasahan na madaling makakapag desisyon ang management ukol dito. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na ilang mga reputable interior design companies sa bansa ang nag submit ng presentation at bid para sa proyekto.
"Our President and CEO really liked your design ideas guys. And so the management had decided to extend a contract with Perfect Space", nakangiting anunsyo ng matanda. Hinugot mula sa drawer ng desk nito ang isang folder at inilapag iyon sa kanilang harapan. "These are the paperworks for the deal. Read through it and give it back to me when you've decided to sign"
By the look that Mat gave her, she knew that both of them must have been jumping and screaming in joy kung hindi lamang nila pinipigilan ang sarili upang hindi magmukhang unprofessional.
Tumikhim si Mat bago nagsalita "We will make sure you have all these signed papers back tomorrow morning, sir".
"Take your time reading the agreement, there's no rush-"
"We're sure we're accepting the contract Mr. Diaz, so rest assured the papers will be back at your desk tomorrow" Mat replied with a huge smile painted on his lips.
"Well then, that's perfect!" Bulalas ni Mr. Diaz.
******
Matapos makapag paalam ay deretso opisina sila ni Mat upang basahin ang kontrata. While reading ay daig pa nila ang nanalo sa lotto! Paano ay mas mataas pa kaysa sa ibinigay nilang quote ang nakasaad sa kontrata!
"This is it Cali! We finally struck it big" tili ni Mat sa kanya, para silang mga batang nagyakapan habang naglulundagan sa tuwa.
"I'll put up an ad right away Mat! I'm thinking we should hire at least 5 more people for this" she said, her heart racing with excitement.
Walong empleyado lamang ang Perfect Space kabilang na sila ni Mat. At ngayon nga na isang full blown hotel ang kanilang proyekto sa Tagaytay ay kailangan nilang magdagdag ng tauhan upang masigurong ma me-meet nila ang needs at expectation ng proyektong ito. They need to put in their best foot forward dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng kumpanya. If they do great with this project, paniguradong ito na ang panimula paglaki at pagsikat ng Perfect Space.
*******
Kinabukasan ay maagang pumasok si Cali upang kuhanin sa opisina ang kontratang napirmahan na nila ni Mat kahapon pa. Kung hindi nga lamang sila magmumukhang sobrang atat ay maamit-amit na nilang ibalik iyon kay Mr. Diaz kahapon din. Mabilis nilang nabasa ang dokumento at wala naman talagang kailangan masyadong pag-aralan doon dahil bukod sa nakasaad na breach of contract fee kung sakaling umatras sila matapos magka pirmahan ay wala ng iba pang komplikadong kundesyones roon. Kung tutuusin ay mas marami pang ligoy at kundisyon ang mas maliliit nilang kliyente.
"Good morning!" Masiglang bati niya sa receptionist.
"Good morning ma'am. Maaga po yata kayo?"
She smiled "yes. I need to take the signed contract back to Ambassador's. Pag dumating si Mat, tell him daraan na rin ako sa lawyer para ibigay ang copy ng contract so I might be a little late".
"Noted po ma'am" anang babae.
*******
"Good morning Mr. Diaz" aniya nang pumasok sa opisina. It was only 9:00 in the morning at may palagay siyang siya ang unang bisita ng matanda ng araw na iyon.
"Ah! Calista! Come in!" Nakangiting anito. "Coffee?"
"Yes please. Just black." Tipid siyang ngumiti at naupo sa guest chair na naroroon.
"Black coffee for the lady" anito sa sekretarya.
"What brought you here this early?"
She was pleased to put the folder on top of the desk. "I brought the signed contract, as promised Mr. Diaz" she gave the man a genuine smile.
"Oh that was quick. Did you get a chance to review everything? May mga tanong ba kayo?" The man reached for the envelope at inilabas ang mga papeles na naroroon.
She shook her head. "Everything looked great, Mr. Diaz. Thank you so much for this opportunity".
"Well, thank the President when you get the chance hija. He was really the one who approved and chose your proposal right away".
She nodded and smiled "Yes. I would love to meet him, if I can get the chance..."
"Oh don't worry. You will meet him very soon" sagot ni Mr. Diaz. For a moment, Cali was confused by the old man's tone. Para bang may nais ipakahulugan ang tinig nito, ganoon pa man ay ipinag kibit balikat na lamang niya iyon.
******
Lunes, gabi ng nakauwi mula sa opisina ang dalaga, maghapon kasi sila halos nag interview ng mga tao para ma-hire upang tumulong sa proyekto. They hired some temps as well as a few permanent positions.
Ihinagis niya ang dalang shoulder bag sa kama at pagkatapos ay pabagsak na inilatag ang pagod na katawan doon. It's been a long day of endless interviews and planning for Ambassador's. Next week ay nakatakda nilang i-meet sa kauna-unahang pagkakataon ang President & CEO nito upang i-discuss ang simula ng trabaho, ganoon na rin ang puntahan ang site sa Tagaytay.
Ilang minuto pa lamang siyang nakakahiga ng mag ring ang doorbell. She hesitantly left the bed at tinungo ang pintuan.
Could Mat have forgotten something at kailangan pa siyang puntahan nito?
Sinilip niya ang taong nasa likod ng pintuan ngunit taliwas sa kanyang inaasahan ay isang unipormadong lalaki ang naroroon.
She carefully opened the door, leaving the safety chain on. "Yes?"
"Delivery po ma'am" itinaas nito ang isang pumpon ng imported american roses na hawak.
Tuluyang binuksan ni Cali ang pintuan. Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay. Sino naman ang magpapadala ng bulaklak sa kanya?
"Ma'am papirma na lang po dito" iniabot nito sa kanya ang papel at ballpen.
"Thank you" aniya sa lalaki at muli ng pumasok ng unit niya.
She took out the small card that was attached to the bouquet.
Looking forward to working with you.
L.D.
She frowned. L.D? Who's L.D?
She turned the card over at sa likod nuon ay nakaprint ang logo ng Ambassador's Hotel.
Muli niyang ibinalik ang card sa envelope niyon at dinampot ang bulaklak upang samyuin. She smiled. Hindi lang galante sa pagbabayad ang kanilang kliyente, mukhang thoughtful din ang mga ito at makakasundo nila.
Inilagay niya ang mga bulaklak sa isang vase bago may ngiti sa labing tinungo ang silid. She can't wait to formally meet the CEO. Sisiguruhin nila ni Mat na pag-iigihin nila ang serbisyo upang masulit ang tiwalang ibinigay ng mga ito sa kanila.
*******
Sa labas hindi kalayuan sa gusali, ay isang lalaking naghihintay sa loob ng itim na kotse ang dali-daling nilapitan ng delivery boy.
"Boss, ayos na ho".
"May nakita ka bang kasama?" Tanong ng lalaki.
Umiling ang delivery boy "wala ho sir, mukhang mag-isa lamang ho siya doon."
Isang tango lamang ang naging sagot ng lalaking nanatiling nakaupo sa loob ng kotse nito. The man pulled out his wallet and took a one thousand peso bill, iniabot iyon sa huli.
Nagliwanag ang mukha ng nag deliver nang makita ang isang libo, agad iyong tinanggap at umalis.
The man remained seated in the car for a few more minutes, ang mga mata ay nakatuon sa condominium building na iyon. The corner of his lips turned upward into a smirk. Muli nitong binuhay ang makina ng sasakyan at nilisan ang lugar na iyon.