webnovel

Chapter 9

Sam's POV

"So ito pala ang studio mo?"

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat niya sa biglaan kong pagbisita. Inilibot ko ang sarili sa loob ng studio ni Allison nang wala man lang pasabi. Minabuti kong puntahan siya rito matapos ang ilang araw naming hindi pagkikita mula noong tinakbuhan niya ako at iwan sa condo ko.

Hindi ko nga akalain na hahabol habulin ko si Allison ng ganito. Ginayuma yata ako ng tomboy na to e!

Hinahanap hanap ko ang presensya niya, ang mga haplos niya at ang halik niya.

Bukod pala sa mga awards niya na nakita ko sa condo niya ay nandito pala ang iba pa niyang awards sa studio niya.

Nakasunod lang siya sa akin habang nag lilibot ako sa studio niya.

"What . . What makes you come here?" Umikot ako at humarap sa kanya. Hindi ko namalayan na ilang pulgada nalang pala ang layo namin sa isa't isa.

"Hmm. ." Muli na akong naglakad at tinungo ang dalawang pintong magkatapat. "Wala lang. Masama ba?" May pagtataray ang tono kong sinagot siya. Binuksan ko ang isa sa mga pintong naroon at tumambad sa akin ang napaka ganda niyang opisina.

"Hindi. . Hindi naman." Bakit ba parang nabubulol siya? E ako lang naman tong kaharap niya.

Muli kong sinara ang pintuan ng office niya at ang katapat naman na pinto ang binuksan ko.

Ngunit naka lock iyon.

"'What's in it inside?" I looked straight into her eyes at muli niya na naman akong iniwasan ng tingin.

"My collection." Napakamot siya sa ulo "Yeah, my collection." Pinanunuod ko lang ang wirdong pagkilos niya.

"Pwede ko bang makita?" Naglakihan ang mga mata niya na para bang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Awtomatiko naman na tumaas ang kaliwa kong kilay dahil bigla nalang namutla ang mukha niya.

"Maybe next time?" Tipid niyang ngiti at hinawakan ako sa siko para igiya papasok ng opisina niya.

"Are you avoiding me?" Sinundan ko siya hanggang sa makaupo siya sa kanyang swivel chair. At prenteng naupo roon.

"Of course not. Bakit ko naman gagawin yun?" Isinandal niya ang likod niya at malagkit akong tinignan mula ulo hanggang paa. I am wearing an off shoulder white dress na hapit sa katawan ko at ang haba ay hindi pa aabot sa tuhod ko.

Nakita ko na naman ang tila muling pagbabago sa mga mata ni Allison. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang lumapit sa kanya at maupo sa desk na nasa harap niya.

"Hindi kasi kita mahagilap e." Kumuha ako ng isang sigarilyo at agad naman na sinindihan iyon.

I can see on my peripheral vision, kung paano ako titigan ngayon ni Allison at kung paano niya hangaan ang mapuputi kong legs na nakahain na sa harapan niya. Halata namang ilang araw na niya akong iniiwasan dahil hindi na siya nagpupunta sa condo ko tuwing umaga.

"Marami lang akong client." I rolled my eyes when I realize na wala naman akong naabutang client pag dating ko sa studio niya. Hindi niya alam na kaya kong sipatin kung nagsisinungaling ba siya o hindi.

Mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kanyang desk ay iniangat ko ang sarili ko at umupo ng nakaharap sa kanya habang nakaupo pa rin siya sa swivel chair. Na sadyang ikinagulat niya kaya napaatras siya. Muli kong hinithit ang sigarilyong hawak ko saka itinapon iyon sa ash tray.

I am not good at this. Sa kanya ko lang nagagawa ang pang aakit na ito. Magsimula kasi nang mahalikan ko siya ay tila hinahanap hanap ko na ang labi niya. Hindi ko na din maintindihan ang sarili ko. Baka nga ginayuma niya ako.

Nakita ko ang pagbasa niya ng labi gamit ang dila niya, para bang sarap na sarap siya sa pagkaing nasa harapan niya. At anumang oras ay lalapain niya na.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kapag hindi ka pa bumaba diyan." Pagbabanta niya habang nakatukod pa ang mga kamay niya sa swivel chair. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa mapuputi kong mga hita. Pero hindi ako nakinig at dumekwatro pa sa harapan niya.

Napapitlag ako nang humawak siya sa gilid ng desk at madaling pinaandar ang swivel chair para mapalapit sa akin. I could almost hear the speed of her breathing, para bang kapos na kapos siya sa paghinga.

Napakagat labi ako nang marahan niyang haplusin ang mga hita ko at singhutin iyon na para bang droga sa paningin niya.

"I'm warning you Samantha."

"Hmm. ." Nagbigay iyon ng matinding kiliti sa akin. Muling pumasok sa isip ko ang pagkiskis ko ng sarili sa hita niya. And it really feels good! Miss ko na ang pakiramdam na iyon na siya lang ang tanging nakapag bigay.

"You are so hot. ."

Naramdaman ko ang pag iinit ng mga pisngi ko nang sambitin niya iyon. Nakatitig siya sa mga mata ko habang iniiwanan niya ng malilit na halik ang magkabilang hita ko.

Hindi ko namalayan na unti unti na palang umaangat ang laylayan ng dress ko. Napakabilis, halatang eksperto sa gawaing ito!

Napapaisip tuloy ako kung ilang babae na kaya ang napaligaya niya? Pang ilan kaya ako? Baka nga lagpas na sa bilang ng mga daliri ko ang nabaliw na sa kanya.

Marahas niyang pinaghiwalay ang mga hita ko, at tumambad sa kanya ang white laced panty ko na bagong bili ko pa naman. Kung nagsasalita lang siguro ang mga mata niya ay ilang beses na nitong sinabi ang salitang WOW.

"You made me like this." Nakatitig siya sa mga mata ko habang itinitrace ang daliri niya sa ibabaw ng undies ko. Tila may hinahanap.

"Don't bite your lips, and just look into my eyes." May pagka awtoridad niyang utos sa akin. "Kung ayaw mong parusahan kita." Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi nang maramdaman ko ang marahas na pagpunit niya sa underwear ko.

Di bale buy 1 take 1 naman iyon nung nabili ko. Meron pa akong isa at kulay pula naman iyon.

"Allison. ." I moaned when she start massaging my clit and putting some circular motion on it. Ito na yata ang kanina niya pang hinahanap at kanina ko pa hinihintay na mahawakan niya.

Katulad ng sinabi niya ay hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya at ganun din naman siya.

"Ohhh. . ." Para akong mababaliw ng bilisan ni Allison ang pag laro niya sa maliit na laman na iyon. Hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko dahil sa sarap na ipinaparanas niya.

"I said, just look at me." Binawi niya ang mga daliri niya nang hindi ko mapigilan ang mapatingala. Nakataas ang mga kilay niyang nakatingin sa akin na para bang may hinihintay siyang sabihin ko.

"O-Okay. ." Napapitlag ako nang bigla siyang tumayo at itukod sa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya.

"Say the magic word." Mariin niyang bigkas sa mukha ko. Anong magic word ba ang sinasabi niya? Ano bang tingin niya sa akin magikero?

"Magic word." Ang kanyang maamong mukha kanina ay napalitan na ngayon ng nag ngangalit na itsura nang sambitin ko iyon.

"Argh!" Nanlaki ang mata ko nang bigla nalang niya akong sakalin habang inilalapit ang mukha niya sa akin.

"What's the magic word?" Hindi ko mapigilan ang matakot sa ginagawa niya. Umiling ako para malaman niyang hindi ko alam ang sinasabi niya.

Pak!

Napaiyak na ako nang sampalin niya ako ng malakas nang hindi siya nakakuha ng maayos na sagot mula sa akin. Naramdaman ko na rin ang pagkapos ng hininga ko dahil sa higpit ng pagkakasakal niya sa leeg ko.

Shit!

Sana itinuloy nalang niya ang ginagawa niya kanina bago niya ako patayin. At saka nakakahiya kung matatagpuan ako ng SOCO na walang suot na panty.

"A-Ali. . ." Nagkaroon ako ng lakas na hawakan ang kamay niya para pigilin ang ginagawa niyang pagsakal sa akin. Pero mas humigpit ang paghawak niya sa leeg ko.

"A-Ali. ." Hindi pa rin niya ako tinantanan kaya pilit kong inabot ang mukha niya para makalmot iyon.

"A-Allison. ." Tila nanumbalik siya sa katinuan ng tuluyan ng tumulo ang luha ko. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit siya nagkakaganito? Mamamatay tao ba siya?

Sunod sunod na pag ubo ang ginawa ko upang manunbalik ang pag hinga ko. How can she do this to me?

"I'm . . I'm sorry Sam. ." Hahawakan niya sana ako sa balikat ngunit agad kong hinampas ang kamay niya.

"Papatayin mo ba ako ha!" Basag ang tinig kong sinigawan ko siya at nagmadali na akong bumaba sa desk niya. Hindi ko na pinansin ang sira kong panty na nasa sahig at nagmadaling lumabas na sa office niya.

"Sam. Let me explain." Nahawakan niya ang braso ko at iniharap ako sa kanya. Ang kaninang nakakaakit na mata ay napalitan ng nag mamakaawang tingin.

"I don't wanna hear anything from you!" Pinilit kong bawiin ang braso ko ngunit sadyang malakas siya kaya hindi ako agad nakawala sa kanya. "Ano ba!"

"Hayaan mo naman muna ako mag explain." Gusto ko ng lumayo sa kanya dahil baka kung ano pang magawa niya sa akin. Malay ko ba kung balak niyang imassacre ako rito sa studio niya.

"I thought you were my submissive." Sambit niya habang nakayuko siya. Nabawi ko naman kaagad ang braso ko at mataman siyang tinignan. Hindi ko pa rin siya naiintindihan.

"Alam mo wag ka na mag explain kasi hindi ko naman naiintindihan yang sinasabi mo." Tinalikuran ko na siya at akmang lalabas na ng studio niya nang muli niya akong hatakin.

"I am a dominant." Naguguluhan akong nakatingin sa kanya.

"I played BDSM for a long time." She sighed. "Pain gives me pleasure. That's where I get satisfied." Tinitigan niya ako sa mga mata ko.

"I'm sorry if I didn't tell you right away." Hinawakan niya ang mga kamay ko at pinisil iyon.

"That's why I try to avoid you, because I don't want you to experience it." Naguguluhan pa rin ako sa mga pinagsasabi niya. Masyado na akong nalulunod sa pag i-english niya. Kaunti nalang at baka pati matres ko ay duguin na rin.

"Aalis na ako." Sa wakas ay sumuko na rin ang ulo ko sa kanya, dahil ayaw talagang mag sink in ng mga pinagsasabi niya. Paano ba naman kasi 'syntax error' na ang lumalabas sa utak ko dahil sa hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni Allison.

Submissive?

Dominant?

Ano ba yun?

Tuluyan na akong nakalabas ng studio niya, makailang beses pa nga niya akong tinawag pero hindi ko na siya nilingon.

Ulol siya!

Sa kanya nalang yung panty ko!

Hirap na hirap tuloy akong maglakad dahil pakiramdam ko ay naglalagkit ako down there. Parang tinakasan ako ng hiya dahil sa pinag gagawa ko kanina sa kanya, paanong nagawa ko ang lahat ng iyon?

Bakas pa sa leeg ko ang kamay ni Allison nang tignan ko iyon sa salamin. Akala ko ay mamamatay na ako nang dahil sa pagsakal niya sakin. Ang walang hiyang yon!

"At bakit ba kasi wala kang panty?" Hinampas ko si Cheska sa braso nang sabihin niya iyon. Nakakahiya naman kasi kung may makarinig pa sa amin. Dito ako dinala ng sarili ko sa Mugs Coffee at nasabi ko nga sa kanya na wala akong suot na underwear. Pero hindi ko naman alam na balak niyang ipagsigawan iyon dito sa coffee shop.

"At saka bakit namumula yang leeg mo? Huwag mo sabihing ni-rape ka? Sino yang maswerteng rapist na yan?" Sunod sunod na tanong niya.

"Cheska, pwede bang hinaan mo yang boses mo?" Mahinang sambit ko sa kanya. Nasa dining area pa naman kami at maraming mga customer ang nasa coffee shop.

"Bagong trending ba yang pag labas ng walang panty?" Natatawa niyang sambit. Kapag hindi pa ako nakapag pigil ay baka maihampas ko sa kanya ang maliit na flower vase na nasa harapan ko.

Prente siyang tumayo at akmang itataas ang laylayan ng fitted niyang skirt.

"Anong ginagawa mo?"

"Magtatanggal ng panty." Simpleng sagot niya kaya naman hindi ko na napigilan na hawakan ang flower vase. "Ohh! Easy!" Pagpigil niya at muli na siyang umupo.

"Hindi ko alam kung bakit nag punta pa ako dito e. Hindi ka naman pala makakatulong." I rolled my eyes, at ganun din ang ginawa niya. Hindi talaga magpapatalo!

"Alam ko na kung bakit ka nag punta dito." May pang aasar sa ngiti niya. "Siguro pauuwin mo ako ng maaga no? Kasi alam mo na, may date kami ni Kim?" Awtomatikong nagtaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Hindi." Madiin kong sabi na naging dahilan para lumungkot ang mukha niya.

"May gusto lang sana akong itanong sayo." Nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko pa ba ang pagtatanong ko sa kanya. Paano ba naman kasi ay abalang abala siya sa pagkutkot sa cellphone niya. Malamang ay pinapaalam niya kay Kim na hindi siya makakauwi ng maaga.

"Cheska. ." Mahina kong tawag sa kanya. "Ano. . Ano ba yung BDSM?" Itinuon niya na sa akin ang tingin niya. "Saka yung . . Sub? Sub?"

"Submissive?" Nginitian niya ako ng nakakaloko at lumipat siya sa tabi ko. Tumango lang ako bilang pag sagot.

"Bakit? Submissive ka na ngayon? Nino? Tell me, sinong dominant mo?" Nakita ko sa mga mata niya ang excitement sa pagtatanong. Sabi ko na nga ba at hindi ako nagkamaling sa kanya ako dumiretsyo dahil alam kong masasagot niya ang mga salitang nagpapagulo sa isip ko.

"Wala." Hindi makapaniwala ang rekasyon ng mukha niya na parang kulang nalang ay sabihin niyang 'weh'. I bit my lower lip, paano ko ba sisimulan.

"Ang dami kong tanong yan lang ang isasagot mo?" Iritable siyang napasandal.

"Sabihin mo muna kasi sa akin kung ano bang ibig sabihin ng mga salitang yun? BDSM, subsmissive and dominant. Ano ba ang mga iyon?"

"Alam mo yang curiosity mo ang papatay sayo." At tinawanan pa ako. "Huwag mo sabihing balak mong mag explore sa mga bagay na yan?" Ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit siya pa ang naisipan kong tanungin.

"Oh saglit!" Akma na akong tatayo nang hilain niya akong muli para mapaupo. I sighed at muli siyang natawa.

"Okay ito na, wag ka ng mainis diyan." Panimula niya. Sasabihin din naman pala niya, gusto pa niya akong paikot ikutin.

"Well, BDSM is like a role play during sex. BDSM is like a term na ginagamit upang mailarawan ang ilang mga aspects pagdating sa sex. It can be split into these major groups: bondage and discipline, domination and submission, sadism and masochism."

Napahawak ako sa sintido ko. English na naman! Hindi naman sa mahina ako sa language na 'yon pero ang tagal kasi bago mag sink in sa utak ko ang mga sinasabi niya.

"Ito para mas maintindihan mo, I'll give you an example." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, gusto ko kasing maliwanagan sa mga sinasabi niya. Isa pa, ngayon ko lang naman narinig iyon.

"It's like, the submissive will be the sex slave of the dominant. It can give pleasure to the dominant kapag sinasaktan niya ang submissive niya." Sunod sunod akong napalunok. Ang ibig ba niyang sabihin ay, yung ginawang pagsakal sa akin ni Allison ay nagbigay sa kanya ng pleasure? Nasasarapan siya habang nasasaktan niya ako?

"Benjie, bigyan mo nga kami ng dalawang tubig." Tawag niya sa isa naming staff at sinunod naman siya nito.

"Para saan?" Nagtatakang tanong ko.

"Para sayo." Mapang asar siyang tumawa sa harap ko. "Itutuloy pa ba natin to?" Tanging tango lang ang naisagot ko.

Kinuha niya ang cellphone niya at sandaling may kinutkot duon. Itinapat niya sa akin ang cellphone na hawak habang may ipinapakitang mga litrato.

Litrato iyon ng mga babaeng nakatali ang katawan habang nakahubad. May ilan ring nakapiring at tila may kadena sa leeg. Bakas sa mga mukha nila ang hirap at sakit na dinaranas nila sa kamay ng kanilang dominant. Pero paanong pumapayag sila sa ganoong eksena?

Muntik ko ng maihagis ang cellphone niya dahil sa kagimbal gimbal na mga litratong ipinakita niya sa akin. Parang hindi ko yata kayang makita ang mga iyon.

"That's the role of submissive." Nangingiting sagot niya.

"Seryoso ba yan?" Tila nanlamig ang buong katawan ko, so kung naituloy iyon ni Allison sa akin ay baka ganito din ang abutin ko. Tumango si Cheska bilang tugon sa tanong ko at nakangiting nag sscroll sa website na pinasukan niya.

"E ano naman yung magic word?"

"Depende sa napag usapan ng dominant at submissive. Kadalasan ang tawag kasi dun ay safe word. Ginagamit yung safe word kung gusto mo bang itigil, ituloy, or dahan dahan lang yung ginagawa sayo ng dominant. There must be a rule bago ka makipag contract as a dominant or submissive." Muling bumalik si Benjie na may dalang dalawang basong malamig na tubig. Wala nang pag aalinlangan na nilagok ko iyon dahil tila natutuyuan na yata ako ng lalamunan sa mga sinasabi ni Cheska.

"Teka nga lang, ikaw ba ay submissive na or dominant?" Seryoso na nya akong tinanong at nakatingin sa mga mata ko. "Kung submissive ka, sinong dominant mo?" Ayan na naman siya sa napakadami niyang tanong. Hindi ko tuloy alam kung ano bang uunahin kong sagutin.

"Hmm, w-wala." Nauutal kong sagot. Well, wala naman talaga. Sa tagal ko ng nabubuhay sa mundo ay ngayon ko lang kasi narinig ang tungkol sa bagay na iyon. "Si. . Si ano kasi." Titig na titig siya sa akin na tila hinihintay ang susunod kong sasabihin.

Hindi ko naman maaring sabihin na si Allison ang tinutukoy ko dahil baka hindi lang sakal ang abutin ko sa kanya kapag nalaman niyang ipinagkalat ko ang sinabi niya.

"Si Allison!" Nagulat ako sa biglang pag banggit niya sa pangalang iyon ni Ali. Manghuhula na ba ngayon si Cheska at nababasa na rin niya ang nasa utak ko?

"Ha? H-Hindi. ." Grabe ang kabog ng dibdib ko. Maiiyak na yata ako dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko.

"No. Si Allison!" Turo niya sa labas habang nakita ko si Ali na prenteng nakasandal sa pinto ng kotse niya at nakatingin sa pwesto namin. Kumaway siya ng kawayan siya ni Cheska. Pero sa akin siya nakatingin.

Shit! Hihimatayin yata ako. Para akong naestatwa sa kinauupuan ko dahil sa mga titig niya sa akin.

Mas lalo akong hindi nakagalaw nang may kunin siya sa bulsa niya.

Puting tela na nakatupi.

At ipinunas niya sa noo niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

T-Teka?

P-Panty ko ba yun?

"Shit!" Bulong ko sa sarili. Naramdaman ko nalang ang pag init ng mukha ko dahil sa ginagawa ni Allison. She just smirked at me habang naglalakad na upang makapasok na sa loob ng Mugs Coffee.

"Hi Ali." Bati sa kanya ni Cheska. Napukaw din niya ang atensyon ng ibang customer dahil bukod sa napaka gwapong awra niya, ay mukha rin siyang mabango ngayon. Hindi ko naman maitatanggi iyon dahil pati ang amoy niya ay hinahanap hanap ng ilong ko.

Napailing ako. Ano ba 'tong iniisip ko? Dapat nga ay nagagalit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin kanina lang. Bakas pa sa makinis niyang mukha ang kalmot ko sa kanya. Nakaka guilty man, pero deserve niya yan no! Muntik niya na akong mapatay kung alam niya lang.

"Hi." Tipid niyang sambit at naupo sa tapat namin nang hindi tinatanggal ang tingin niya sa akin. Siniko naman ako ni Cheska nang mapansin niya ang titig ni Allison. Siniko ko rin siya, tapos siniko niya ako ulit. Kaya ginantihan ko rin siya at muling siniko.

"Ouch!" Reklamo niya habang hinihimas ang parte ng katawan niyang nasiko ko.

"Sige na, iwanan ko muna kayo rito ah." Akma siyang tatayo nang hilain ko siya. "Ano ba yang itsura mo, Sam? Para kang nakakita ng multo. Si Allison lang yan oh!" Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa kanya. At narinig ko ang pagtawa ni Ali with her husky voice. Nakakapangilabot.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nang tuluyan ng maka alis si Cheska.

"Isosoli ko sana sayo tong pa--"

"No need." Pagputol ko sa balak niyang sabihin. Alam ko namang panty yung tinutukoy niya. Aanhin ko naman yun e sinira na niya iyon. "S-Sayo na yan!" She just smirked at binulsa muli ang panty ko na hawak niya.

"I came here to apologize." Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Alam kong nagulat ka sa ginawa ko. I just want to introduce myself. I'm Allison Mendez, a dominant lesbian. Iyon ang totong ako." Inilahad niya ang kamay niya at pinakatitigan lang iyon. Wala akong balak na hawakan ang kamay niya dahil baka saktan niya lang ako.

"Kung dominant ka, sino ang submissive mo?" I crossed my arms at isinandal ang likod ko. I don't even care kung sino man ang submissive niya, gusto ko lang malaman kung sino. As if I sounded like a jealous girlfriend.

"It's Rita. She's one of my model" Seryoso niyang sambit. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong itanong sa kanya iyon. "You know I really wanted to touch and kiss you, but we have rules that we must not have sex with others until we terminate our contract. And I'm sorry if I avoided you and for doing that thing." Tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan nang sabihin niya sa akin iyon. Pinamulahan naman ako sa sinabi niya na gusto niya akong mahawakan at mahalikan na sa palagay ko ay narinig ng mga malapit na customer sa amin. Paano ba naman kasi ay kaswal na kaswal lang ang pagsabi niya ng bagay na iyon.

"Baka pwedeng ikaw naman ang makilala ko, miss?" Muli niyang inilahad ang kamay niya habang suot ang malaki niyang ngiti.

"I'm Samantha Torres." Inabot ko ang kamay niya. "Willing to be your submissive." Kaswal na pagbigkas ko.

Nanlaki ang mga mata ni Allison at nawala ang maganda niyang ngiti nang marinig iyon mula sa akin.

Tama nga si Cheska, curiosity talaga ang papatay sa akin.

Next chapter