webnovel

KABANATA 22

"Lenzy wake up!!"

"Lenz... Gising!!"

Paulit ulit na patapik ng kung sino sa pisnge ko kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang mga kasamahan na umasikaso kay beatrix.

"My gosh!! Ano bang nangyari sayo bessy?"

Kitang kita ko ang pag aalala ni beatrix ng magtama ang paningin namin.. Hindi ko namalayan na pana'y ang pagtulo ng luha ng mga mata ko.. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT AKO NAIIYAK?

"Okay ka lang ba?"

Tanung na naman ni beatrix ng maalalayan ako ng mga itong tumayo.. Ano bang nangyayari sa akin?

"T-teka bakit ganyan ang suot mo, girl?"

Halos maistatwa akong napatitig sa puting sa'ya at may suot akong kulay brown na bakya.. ANAK NG TETENG!! ANO NA NAMAN TONG SUOT KO?

"Hindi bat naka red dress at doll shoes ka at may dala-dala kang shoulder bag ng pumunta tayo dito, girl?"

Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kaibigan ko at napapakamot na lang ako sa noo ko dahil sa pagka weird ng nangyayari sa akin.

"Mas mabuti pa pahiramin mo muna ng damit ang kaibigan mo beatrix.."

Napalingon naman kami sa matandang babae na syang may hawak ng isang camera.. Tumango naman sa kanya si beatrx at inalalayan ako ng iba na ihatid sa camp area nila para sa shooting ng interview at pictorial ni beatrix na hindi pa tapos..

"Ayos kana ba best??"

Agad na tanung ni beatrix ng matapos akong mag bihis ay umupo agad ako sa tabi nito hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong nahilo at nakakapagtaka pa kung bakit pag gising ko iba na ang suot ko at ang nakakaloka pa bakit ang suot ko ay parang sinaunang panahon pa ito.

"Grabe!! Nag susuot ka pala ng baro't saya at bakya best.."

Hindi ko alam kung nang aasar ba si beatrix sa akin kaya hindi ko alam kung tatawa ba ako sa harapan nito.

"Mamayang madaling araw pala tayo babalik ng maynila... Hindi pa kase tapos ang interview at pictorial ko.."

"Ganun ba!! Okay lang.. M-magpapahinga na muna ako dito bigla na lang kase akong nahihilo.. Hindi naman ako puyat kagabi pero pakiramdam ko sobra sobra ang puyat ko.."

Tumango naman agad ito at iniwan ako sa isang tent.. Humiga naman agad ako ng makalabas na si beatrix sa tent na kinaupuan namin.. GRABE ANG SAKIT NG ULO KO!!

Napabuntong hininga naman ako bago ko ipikit ang mga mata ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang antok..

**__**

"Adiós mientras pasa el nuevo general.. (Mag sitabi kayo dadaan ang bagong heneral..)"

"Honremos al nuevo general .. General patricio. (Ating bigyang galang ang bagong heneral.. Heneral patricio.)"

Unti unti kong iniaangat ang ulo ko ng marinig ang boses ng isang lalaki na syang nag a'anunsiyo sa bagong heneral.. TEKA!! ANO BANG NANGYAYARI NASAAN NA NAMAN BA AKO?

Naigala ko na ang mga mata ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong mga paa na naglalakad palapit sa harap kung saan nagsisibulungan ang mga taong naroon..

"Ating masasaksihan ang hatol ng gobernador silyo sa dating heneral na si Thylandier third Valdez.."

Halos mapaatras ako ng mag'tagpo ang mga mata namin ng lalaking nakatayo sa isang pagtatanghal habang ang mga kamay at paa nito ay nakatali habang nakatayo sa gitna ng pagtatanghal at kitang kita ko din ang lubid na nasa gitna nito. GARROTE!!

"Thylandier Third Valdez ikaw ay hinahatulan ng kamatayan gamit ang lubid na ito.."

Halos pangamba at takot ang makikita sa mga taong naroon..

"Isabel..."

Halos mapapikit ako ng biglang umalingaw'ngaw ang isang tinig na nagmumula sa mismong harapan ko.. Pagkamulat na pagkamulat ng mga mata ko ang syang pagdaloy ng mga luha sa aking mga mata.

"T-thylandier.."

Halos manginig ang kabuuan ko habang patakbong lumalapit sa tanghalan kung saan malayo layo pa ng kaunti sa akin.

"Hinahatulan ka ng kamatayan.."

Panay ang sigaw ko sa pangalan ni thylandier at para bang walang nakakarinig sa akin kahit ang pagtakbo ko ay parang sobrang bagal.. Hanggang sa mahinto ako sa pagsigaw at pagtakbo ng ilagay na nila ang lubid sa ulo ni thylandier.. Nakangiti itong nakatitig habang hindi kona namamalayang napahagulhol na lamang ako sa pag iyak ng makitang nakasabit na ang ulo nito ang mga nakataling paa ay tumatadyak pa na para bang lumalaban parin ito.

**__**

"Lenzy wake up!! Nananaginip ka.."

Halos manghina ako at panay ang paghabol ko sa hininga ko at hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lamang akong umiiyak..

"Ano bang nangyayari sayo lenzy?"

Hindi ko alam kung bakit napayakap na lamang ako kay beatrix ng maalala ang kinahinatnan ng character ni thylandier sa panaginip ko.. ALAM KONG MAMAMATAY SI THYLANDIER SA HARAP MISMO NG MGA MADLA PERO HINDI SA GARROTE DAHIL INIBA KONA ITO..

"B-beatrix hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para sa karakter ni thylandier sa nobelang ginawa ko.. H-hindi ko alam kung bakit?"

Naguguluhan at nasasaktan kong pahayag sa kaibigan kong si beatrix. Naihilamos ko ang palad ko dahil sa pakiramdam na sa katotohanang may kakaiba akong nararamdaman sa karakter ng isang antagonist.

"Lenzy stop it!! Naguguluhan ka dahil nakokonsensya ka dahil sa ginawa mong kapalaran ng character na iyon.. Sobrang lupit mo sa character ni thylandier! Siguro kung totoong nabubuhay ang isang thylandier sigurado akong hindi nya matatanggap ang tadhana nya na ikaw mismo ang lumikha."

Kitang kita ko naman ang paglaylay ng balikat ni beatrix at pinatitigan ako na para bang inaalam kung ano ba dapat ang magiging reactions ko..

"A-anong gagawin ko?? L-lagi ko na lang syang napapanaginipan tapos kapag nagigising ako naninikip ang dibdib ko sa tuwing iniisip kung ano ba dapat ang maging tadhana ng isang antagonist sa isang tragic story?"

*** ***

"Okay naba ang pakiramdam mo?"

"O-Oo!! Ayos naman na ako.. Hindi ko lang maintindihan kung bakit bigla na lang akong nakakasuot ng sa'ya at bakya at hindi ko alam kung paano ko na lang naisusuot ang ganitong damit at tsinelas.."

Turo ko sa puting sa'ya at brown na bakya na nasa back'seat ng kotse ni beatrix.. Pabalik na kami ng maynila at isa pa malayo layo pa ang byahe namin kaya naman isinandal ko ang ulo ko sa bintana at bahagyang tumingin sa labas nito habang tinatanaw ko ang pagbuhos ng ulan.

"May bagyo kaya?"

Wala sa sariling tanung ko kay beatrix na naka focus sa pagmamaneho..

"Ipahinga mo yang sakit ng ulo mo.. malayo pa naman tayo at isa pa hindi pa tayo masyadong nakakalabas ng bayan ng cuyapo.."

Tumango tango ako habang ang atensyon ko ay nanatiling nakatuon sa labas ng kotse nito.. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hirap na hirap parin ang kalooban ko hindi ko din alam kung bakit naiiyak na naman ako sa tuwing iniisip ang kinahinatnan ni thylandier sa original plan ko sa ending ng nobelang pinaghihirapan kong tapusin.

Napakunot ang noo ko ng maalala ko ang shoulder bag ko na dala-dala ko kahapon at naalala ko pa na hawak hawak ko ang camera at phone ko habang nakatambay matapos kong kuhanan ang ibang magagandang area sa cuyapo.

"B-beatrix nakita moba yung camera at phone ko pati yung shoulder bag ko?"

Umiling si beatrix at napansin kong may kinuha sa bag nya.. Napahinga ako ng makitang hawak hawak nya ang camera at phone ko..

"Nahulog mo ang mga ito ng himatayin ka pero hindi ko nakita ang shoulder bag mo... Pasalamat ka at nakita namin ang phone at camera mo, lenzy."

Napapalunok kong inabot ang camera at phone ko na hawak hawak nito.. "Salamat.."

Tutok na naman sa pagmamaneho si beatrix habang kinakalikot ko naman ang camera ko at pinagmasdan ang bawat larawang nasa camera..

Napakunot ang noo ko ng matitigan ang isang larawang nakuhanan ko... MAY LALAKING NAKASUOT NG LUMANG ITIM NA COAT AT PUTING SUMBRERO NA PARANG STYLE SA SPANISH ERA..

Mas lalo kong tinitigan ito at bahagyang inilapit sa akin ang camera para mas malapitan kong mapagmasdan ang mukha ng lalaking nasa mismong camera na nakuhanan ko.. Nakagat ko pa ang ibabang labi ko ng makita ang napagwapong nilalang na nasa camera..

Ang pagkakaalam ko ako lang ang nasa lugar na yun,ah.

"Okay ka lang lenzy?"

Napapikit pa ako ng bahagya dahil bigla-bigla ko na namang naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko..

"Y-yeah!! Okay lang ako.."

Mabilis kong kinuha ang bottle na nasa gilid ko at ininom ito upang maibsan ang kakaibang pakiramdam na bigla ko na namang naramdaman.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa camera at panay ang pag-scroll ko samantalang paulit ulit ko ding nakikita ang lalaki na nasa camera... Bawat scroll ko dahan dahan namang humaharap sa akin ang lalaki kung saan ako nakatayo nun at kinukuhanan ang mga sulok na nakukuha ang atensyon ko pero ni isang tao ay wala akong nakita nun... Kaya imposibleng may lalaki akong nakuhanan.

Napahinga ako ng malalim ng biglang mag vibrate ang phone ko... Ibig sabihin may nagtext!!

--Ms. Pearl--

Lenzy ... We need to talk!!

-- Ms. Pearl--

Hihintayin kita sa publishing-house..

Pana'y ang pagiling ko ng mabasa ko ang mga text ni Ms. pearl sa akin ang isa sa mga editor at manager ng publishing-house na kinabibilangan ng nobelang ginagawa ko..

Napansin ko naman agad ang text ni erika at noime sa akin kaya naman binuksan ko ito para basahin ang mga text nila..

-- Erika Bff --

Girl, Sasama kaba sa reunion?

-- Erika Bff --

Lenz bar tayo..

-- Erika Bff --

Nasaan ka ngayon?? Magdamag kang wala sa unit mo,ah! Pinuntahan ka namin ni noime pero hindi naman kami nagtagal dahil sabi ni manong guard na isinama ka ni beatrix papuntang cuyapo.. Hindi man lang nyo kami inaya..

-- Erika Bff --

Punta naman kayo ni beatrix dito sa unit namin ni noime..

Napangiti naman ako sa mga text ni erika sa akin kaya naman pana'y ang pagiling ko habang tinitignan naman ang mga text ni noime sa akin.

-- Noime Bff --

Gurna gala daw tayo...

-- Noime Bff --

Gurang hinahanap tayo ng barkada..

-- Noime Bff --

Gurang bar tayo may problema ako..

-- Noime Bff --

Oiy gurnaaaaa--- Sabihin mo naman kay beatrix inom tayo kahit isang gabi lang dito sa unit namin ni erika.. Asahan namin kayo,ah.

-- Noime Bff --

Buset ka gurang!! Kapag nabasa mo ito tumawag ka ng hindi naman kami nag-aalala ni erika..

Hindi ko namalayang natatawang nilingon si beatrix habang ito ay nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho dahil umuulan parin ay dahan dahan lang ito ng hindi kami maaksidente sa daan.

"Beatrix nag-aaya sina noime at erika... Kailan ka pupwede?"

Ngingiti ngiti kong tanung kay beatrix na nun lang ako nilingon.

"Itetext kita kapag nalaman kona ang schedule ko sa secretary ko.. "

Napangiti naman ako sa sinabi nito at tumango agad sa kanya..

"Ahh beatrix pagkarating natin ng manila pakihatid naman ako sa publishing-house kakausapin daw ako ni Ms. pearl,eh."

Nakatuon ang mata ko sa labas ng bintana ng kotse ni beatrix ng makitang tumitila na ang malakas na ulan..

"Siguradong hahanapin na sayo ang ending ng nobela mo... Nakapag-isip kana ba? Bibigyan mona ba ng chansang magkaroon ng happy ending si thylandier??"

Next chapter