webnovel

Kabanata 20

HABANG nakapikit si Carrieline ay biglang nakaramdam ng kakaiba ito sa katawan. Pakiramdam niya ay nawalan ito nang lakas ng mga oras na iyon, nang marinig niya ang tinig ni Jeyda sa kaniyang tabi. Habang nanatili lamang itong nakapikit sa mga oras na iyon.

"A-anong nangyayari sa iyo Carrieline?"Nag-aalalang tanong nito  sa kaniya. Binukas-sarado niy ang mga mata ng mga oras na iyon. Ngayon niya lang naalala, hindi pa pala ito nakakainom ng kaniyang mga gamot. 

"Ang mga gamot ko Dada, k-kailangan ko,"anas niya rito, unti-unti niyang naramdaman ang pamamanhid ng kaniyang katawan sa mga sandaling iyon. Nahirapan na rin itong huminga.

Hindi na siya makapag-isip nang matino sa mga sandaling iyon, madami pang sinasabi si Dada ngunit wala na siyang naiintindihan isa man sa mga sinasabi nito.

Bigla'y isang senaryo ang nakita niya sa kaniyang gunita, bumilis ang tibok ng puso niya pagkatapos. Narinig pa niya ang pagbukas ng pintuan ng kaniyang silid at ang mga boses na nagsisigawan. Pinilit niyang imulat ang mga mata, isang malabong mukha ang kaniyang nakitang nakatayo sa may harapan niya. Walang mababakas na emosyon sa mukha nito, pinilit niyang abutin iyon. Nakita niyang humawak ito sa kamay niya, kasabay nang paghalik nito sa kaniyang palad.

Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata nang bigkasin nito ang kaniyang buong pangalan sa baritono nitong boses. Bigla siyang napayapa sa mga sandaling iyon, nakaramdam ito nang kakaiba na tila nililipad siya. Hanggang sa tuluyan na ngang nagdilim ang lahat dito. Hindi na niya narinig ang mga tinig na nagsisigawan, tanging ang mahinang tibok na lamang ng kaniyang puso na tuluyang nagpamanhid sa kaniya.

Agad itong napabalikwas pagkatapos, kasabay ng pagsagap niya ng hangin ng mga oras na iyon. Nanlaki ang mga mata nito nang mapagmasdan niya ang buong paligid na binabalutan ng dilim, habang nakatanglaw ang bilog na buwan sa kalangitan. May mga puno ng kahoy ang makikita sa buong paligid. Maski ang mga huni ng mga panggabing hayop at insekto ay maririnig din. Mangilan-ngilan ang nakakakilabot na huni, hindi niya mahinuha kung saan nanggagaling ang mga iyon. kung ito ba'y galing sa mabangis na hayop o 'di kaya'y halimaw.

Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakasalampak sa maputik na lupa. Tila katatapos lang ng isang malakas na ulan, nangangamoy ang pinaghalong amoy ng basang lupa at natural na amoy ng kakahuyan na kaniyang kinaroonan.

Biglang sumikdo ang kaba sa kaniyang dibdib, kitang-kita niya ang isang katamtamang laki na bahay mula sa 'di kalayuan.

Agad siyang napahakbang, hanggang sa napabilis ang kaniyang paglalakad. Tumatakbo na ito sa mga oras na iyon, agad niyang ipinihit ang seradura ng pinto upang mabuksan iyon. Ngunit sa pagkadismaya ni Carrieline ay naka-lock iyon, kinalampag niya iyon. Ngunit nanatiling sarado at hindi nagbubukas iyon. Mabilis siyang umikot, nagbakasakali itong may ibang madadaanan siya. 

Sa pag-ikot niyang iyon ay may nakita siyang maliit na bintana, kung saan agad itong nanguha nang matutungtungan. Dahil may kataasan ang kinaroroonan niyon.

Isang troso ang kaniyang nakita sa tabi ng isang lumang puno na gad niyang hinila. Halos pawisan siya nang mailagay nito sa tapat ng bintana iyon. mabilis itong tumungtong mula roon. 

Nanlaki ang kaniyang mata nang makita niya mula sa loob si Dexter, habang nakahiga ito sa kama. Agad ang pagsibol ng pag-aalala ni Carrieline para sa lalaking minamahal niya.

Dali-dali siyang bumaba, naghanap ito ng maari niyang ipang-sira sa nakasaradong pinto. Upang makapasok lamang siya sa loob. Isang mahabang kahoy ang nakita niyang nakakalat sa lapag, agad niyang dinampot iyon. Ngunit sa pagkagulat ni Carrieline ay unti-unting nagbukas ang pinto.

Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa nagbukas na pinto, kitang-kita niya parin si Dexter sa loob na nanatiling nakahiga sa kama, habang payapang nakapikit.

Biglang dumaloy sa magkabila niyang mata ang luha, nag-umpisa itong humakbang. Nang makalapit si Carrieline rito'y marahan niyang idinantay sa mukha ng binata ang a nanginginig na kamay niya.

Humumpak ang mukha nito, maski ang mga mata nito'y nanlalalim. Tinutubuan na rin ng pinong balbas ang paligid ng panga nito, malaki ang inihulog ng katawan nito. Nakaramdam siya ng awa rito, dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit ito nasa ganoong sitwasyon.

Wala siyang pagpipilian kung 'di isakatuparan na niya ang pagputol sa sumpang iginawad ng isa sa kanilang kalahi na si Laura. Dahan-dahan siyang pumikit, mayamaya ay idinilat niya ang mga mata. 

Mula sa kanan niyang kamay, biglang lumitaw ang katana. Nanggaling pa ito sa kanilang angkan na nakaw lamang ng pamilya Lacus. Makasaysayan at napakadami na nang pinagdaanan ng hawak niyang katana, kung saan madaming buhay na ang nakuha nito sa marahas na paraan.

Dahan-dahang itinaas nito ang hawak na katana, bago pa man niya maitarak iyon sa binata ay mabilis na siyang hinawakan sa kamay ni Dexter.

Sa pagmulat nito ng mga mata ay tumambad sa kaniya ang mata nitong nababalot ng itim. Nakita niyang ngumisi ito sa kaniya, kasabay niyon ang paghugot nito mula sa kamay niya sa hawak niyang katana. Napaigik pa siya, dahil nadiplisan pa ang palad niya dahil sa paghila nito ng katana mula sa kamay ni Carrieline. Agad nitong itinapon sa may 'di kalayuan ang katana pagkatapos.

Humakbang siya patalikod, habang nag-umpisa nang lumapit ito sa kaniya.

"Hindi ako papayag na sirain mo ang matagal ko ng plano Carrieline. Sa ayaw at sa gusto mo susunod ka sa mga plinaplano ko!"Dumagundong sa loob ng kabahayan ang malademonyo nitong boses. Kasabay niyon ang nakakakilabot nitong tawa na halos ikabingi ng kaniyang tainga. Napaupo siya ng tuluyan na siyang nag-iba ng anyo, ito nga ang itim na anino. Lumipad ito paitaas.

Marahan nitong itinaas ang kamay, lumipad ang katana at mabilis na tumumbok ito papunta sa direksyon ni Carrieline. Halos hindi ito kumukurap, bigla siyang napapikit ng ilang dipa nalang ang layo ng katana sa kaniya. Naramdaman nito ang pagyakap ng kung sino man sa kaniya ng mga oras na iyon. 

Marahan niyang iminulat ang mga mata. Kitang-kita niya ang hubad nitong katawan, wala itong damit pang-itaas. Ramdam niya ang matipunong dibdib na nakadaiti sa katawan niya na nagbibigay rito ng kapayapaan.

Tumingala siya rito, kahit kitang-kita  ni Carrieline ang paghihirap sa mukha ni Dexter  ay nagawa pa rin nitong ngumiti sa kaniya.

"Mahal na mahal kita, Carrie... always remember. I will never hurt you,"anas niya kasabay nang pagbaba ng mga labi nito sa labi ng dalaga. Ninamnam niya ang luwalhating-hatid nang halikan nila, tila iyon na ang huling sandali na malalasap niya ang tamis ng halik nito.

Dahan-dahan inilayo ni Dexter ang katawan sa kaniya. Napakislot ito sa gulat nang marinig niya ang matinis at nakakakilabot na tawa ng itim na anino.

"Mga hangal, wala ka talagang isip Dexter. Nabobo ka na talaga sa pagmamahal, hinding-hindi ka makakatakas sa sumpa tandaan mo 'yan. Hangga't buhay ka, kailama'y hindi mapuputol ang sumpa!"Panggigil nitong sigaw sa kanila.

Nabaling ang atensyon niya kay Dexter nang muli itong umimik. Nanlaki ang mga mata niya, dahil sa sinabi nito. Nag-umpisang mamasa ang kaniyang mga mata.

"Please Carrieline, gawin mo na... tapusin mo na,"anas nito, nakangiti ito. Ngunit alam niyang pilit lang iyon.

Mariin siyang napapikit, kasabay nang pagkapa niya mula sa likuran ni Dexter kung saan nakatarak ang katana. Mabilis niya itong hinugot sa pagkakabaon mula roon, kitang-kita niya ang panlalaki ng mata ng itim na anino. Dahil tiyak niyang alam na nito ang kasunod niyang gagawin sa mga oras na iyon.

"H-hindi mo magagawa iyan Carrie!"Sigaw nito. Mabilis itong lumapit sa kanilang kinaroroonan.

Ngunit mas mabilis ang ginawang pagsaksak at pagbaon nito sa dibdib ni Dexter sa hawak niyang katana na inaagusan na ngayon ng sariwang dugo ni Dexter!

"Hindi!!!"sigaw ni Laura.

Kitang-kitang niya ang mabilis na pagbulusok sa lapag ng itim na anino. Nang tuluyan itong bumagsak ay naging abo itong bigla. 

Muling tinitigan ni Carrieline si Dexter na tuluyan nang nakapikit, may bahid na ng dugo ang labi nito. Ngunit nanatiling may giti sa labi, nanginginig siyang napaupo. Habang mahigpit niyang yakap-yakap ang wala ng buhay na si Dexter, napahagulhol ito pagkatapos.

Hinalikan niya ang noo ng lalaki, ang tungki ng ilong nito at ang labi niyang tiyak niyang hahanap-hanapin niya. Hindi niya tiyak kung ano ang maghihintay na bukas na hindi na niya ito masisilayan.

Idinuyan-duyan niya ito habang paulit-ulit niyang binigkas sa binata ang mga salitang mahal na mahal.

Unti-unting kumalat ang nakakasilaw na liwanag pagkatapos sa kaniyang paligid. Upang tuluyan itong mapapikit nang tuluyan, habang hilam na ng luha ang kaniyang mga mata...

Next chapter