Please VOTE!
MAKING HIM A PRESENT
Minabuti niyang pumunta sa pinaka malapit na restaurant. Para maka hingi ng yelo pero nagulat siya kung sino ang kanyang inabutan sa kusina.
Pinadaan siya ng staff dahil nakita siya na kasama ng boss nila kaya hindi siya nahirapan. St Nandoon si George at naka uniporme ng pang chef.
"Hey, what are you doing here?" Mangha niyang tanong. Ay hindi ito sumagot.
Bukod sa mukha itong masungit at hindi pala ngiti ay suplado pa pala ito. He seems the meanest of them all.
Kung si Damon ay tahimik at lamang lang si Ryuuki ng ilan na salita dito. Si Alexander naman na mukhang laging seryoso ngunit hindi naman ganoon ka suplado. And he's a kind of the guy that will never talk first.
But, this guy....
"Are you working here?" Usisa pa niya dito at tila hindi ito naka tiis at sumagot din dahil sa kakulitin niya.
"Ako ang nagsisilbing head Chef dito ngayon. Gusto kasi ni Ten ang luto ko at dahil birthday niya bukas ay pinag bigyan ko na."
"And I don't work to him, I have my own business." Pa suplado naman na sabi nito sa kanya. At ng hindi pa din siya umaalis ay tinanong ulit siya nito.
"May kailangan ka pa ba? Kung wala maari ka bang lumabas. It's a restricted area." Pag susungit pa nito.
"Ahm.. Gamot sa bukol mayroon ka?" Pagbibito niya dito at nakita naman niya ang pag pigil nito sa pagtawa.
Hindi naman siya nito inabutan ng yelo. Hindi yata siya nagets nito. Ang kamote naman isip isip niya.
"But, seriously an ice for my head. Please." Nahihiyang sabi niya dito at ngumiti naman ito. Siguro ay akala nito ay nagppatawa siya kanina.
"Walking disaster ka ba?" Mangha na tanong nito. Sabay abot ng ice pack. At inilagay naman niya iyon sa ulo niya.
"You should smile more often. Bumabata ka." Puri pa niya dito at nagulat ito.
"Do I look that old?" Tila na offend naman ito sa sinabi niya.
"Hindi yon' ang ibig kong sabihin. You're still handsome but, you look more handsome kapag naka ngiti." Pagpapaliwanag niya at natawa naman ito.
"Now, I know why Ten adores you." Pa tango tango na sabi nito.
"You sound as if I'm a dog." Reklamo niya dito.
May bigla siya na isip. Hindi niya alam kung tama ang kanyang hihilingin dito o hindi. Nahihiya kasi siya.
"Can you teach me how to do chocolates?" Nahihiya niyang hingi ng tulong dito.
"Is it for Ten?" Tanong naman nito at tumango siya. Nagulat ito.
"Fine. But, don't burn this kitchen." Biro naman nito sa kanya.
"Just mix all the ingredients na naka lista dito. Ipatong mo lang yang' bowl sa ibabaw ng tubig sa kalan. Sundin mo lang ito at kukuha lang ako ng molder sa Coffee Shop sa kabila. Just wait here." Bilin sa kanya ni George at umalis ito.
Sinunod niya ang lahat ng naka lista sa papel pati ang procedures. Pero bakit parang may mali? Iba ata ang chocolate na ginagawa niya. Bakit buo buo? Bakit hindi pino?
At iba ang kulay. Minabuti niyang lakasan ang apoy pero mali ata ang ginawa niya na iyon dahil umapaw ang tubig sa kalan at napaso siya.
"Sh*t! Ang sakit." Pag linga niya sa paligid ay nagkataon naman na walang tao dahil pinag break ni George ang lahat.
"Tubig! Tubig! Tubig!" Pa ulit ulit niyang sabi at natataranta na siya.
Nang makahanap siya ng tubig ay binuhusan niya ang malakas na apoy at imbis na mamatay ito ay lalo itong nag liyab.
Nagulat naman siya. Sakto naman na pagdating ni George. Mababakas ang sobrang gulat sa mukha nito.
"Jesus Christ! What have you done?! Ka aalis ko lang!" Sermon sa kanya nito.
"Tabi!" Utos nito sa kanya at ipinatong ang basang basahan sa kalan. At para iyon magic dahil namatay agad ang apoy.
"Ano bang ginawa mo? Ngayon ka lang ba naka punta sa kusina?" Sunod sunod na tanong nito at hindi siya makapag salita.
"Mabuti na lang at napatay natin ang apoy dahil kung na activate ang lahat ng water sprinkle dito pati buong hotel madadamay. At aalis lahat ng guests dito. Malaki ang mawawala kay Ten." Dagdag pa nito at napa yuko naman siya.
"I'm sorry. I'm not really good in kitchen." Hingi niya ng tawad dito.
"Yeah, you already prove that." Sarcastic naman sabi nito. Minabuti niyang linisin ang ginawa niyang kalat. Nagpapa salamat naman siya at nagawa niya iyon ng maayos.
"What happen to your hand?" Nag aalala nitong tanong at tinignan iyon.
"This is why I hate woman. Alagain." Reklamo pa nito.
"Let's go to Nichollo para masuri yan'." Suggestion nito at binawi naman niya ang kamay niya dito.
"Hindi ba puwede na sa clinic na lang ako ng hotel pumunta?" Tanong niya dito ayaw kasi niya na mag alala ang lahat sa simpleng bagay at baka pati ang surprised niya ay mabuko.
"He is the director of his own hospitals kaya mas magaling siya na doktor. Let's go." Pagpapaliwang nito at wala na siyang nagawa kung hindi sumunod dito.
Natiyempuhan naman nila si Nichollo na nkikipag kuwentuhan sa isang empleyada sa harap ng restaurant kung nasaan sila.
"Mamaya na yan'." Hila ni George dito kahit na may ka usap itong babae.
"Hey, I'm talking to her." Nanghihinayang naman na sabi nito. Pero bigla itong sumeryoso ng makita ang paso niya.
"Wala pang isang buwan ng tignan kita pero heto ka na naman ngayon." Sermon naman sa kanya nito.
Bakit ba siya sinesermonan eh napaso na nga siya. Tinawag nito ang isang staff at inutusan para kumuha ng first aid kit sa clinic.
"Mabuti naman at first degree burn lang yan' at hindi mag pepeklat." Sabi nito ng matignan ang kamay niya. Pinahidan nito ng ointment ang kamay niya at binalot ng bandage.
"Bukas mo na yan' basain. Heto ang ointment 3 times a day ang pahid. For 3 days." Sabi nito at saka inabot ang gamot sa kanya.
"Thank you, Doc. Puwede bang huwag niyo ng sabihin kay Ten?" Sabi naman niya at ngumiti lang ito.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo at napaso ka?" Curious na tanong nito.
"Nagpapatu---- Tinakpan naman niya ang bibig ni George para hindi nito matuloy ang sinasabi nito.
"Okay, hindi ko na nga kayo kukulitin at may gagawin pa ako." Sabi ni Nichollo na natatawa pa.
"George you should behave. At Heather ingat ka sa unggoy na yan'." Bilin ni Nichollo bago tuluyang umalis. Hindi naman niya iyon pinansin.
"Ano ka ba?! Papatayin mo ba ako?" George scream at her angrily.
"Shhhh.. It's a gift for Ten kaya huwag kang ma ingay." Saway niya dito.
"Fine, gusto mo pa ba ituloy ang pag gawa ng chocolate?" Tanong naman sa kanya nito.
"Yup! Wala bang mas madali doon?" Masigla niyang tanong dito.
"It's the most basic. You really are hopeless. Come, I'll just teach you how to mold chocolates para hindi ka na maka sunog." Sumusuko ng sabi nito sa kanya. At sumunod naman siya ulit dito sa kusina.
"Haluin mo lang yan ng pa ulit ulit. At huwag mo na din paki elaman ang lakas ng apoy basta gawin mo lang ang sinasabi ko." Utos sa kanya nito at sumunod naman siya.
Binigyan siya nito ng apron. Kanina kasi ay walang apron marahil ay kumuha ito dahil nakita niya itong dala iyon kanina pag balik.
"Sus! Dapat ganito na lang pinagawa mo kanina. Mas madali, napaso pa tuloy ako." Pagmamaktol naman niya kay George.
"Ano bang malay ko na wala kang ka alam alam sa kusina." Balik na sagot naman nito sa kanya.
"Ngayon ilagay mo diyan sa molder na yan'. Ibuhos mo ng dahan dahan para mag kasya." Utos ulit nito ng matunaw na ng tuluyan ang chocolates.
"Ayan tapos na!" Sa wakas ay sabi niya. Grabe nahirapan siya sa pag gawa non.
Kaya lang hindi ganoon kaganda ang pang labas na itsura nito. At hindi niya na i- bilog ng maayos ang bilog. Paling paling ang mga chocolates.
"Kung sa akin mo yan' ibibigay ay itatapon ko pa yan." Narinig niyang pintas ni George.
"Kaya nga hindi ko ito sa'yo ibibigay eh." Pilosopo naman niyang sabi.
"You have something on your face." Sabi nito at saka itinuro ang pisngi niya. Siya naman ay pinahid ito kung saan nito itinuro.
"Wala na ba?" Tanong niya dito at tumitig lang naman at tumango sa ka niya.
"Thank you very much, Mr. Masungit. Mabait ka naman pala kahit sobra kang supaldo." Pagpapasalamat niya dito ng matapos na niyang ilagay sa box ang chocolates.
"Sana ay pagpalain ka ni Lord." Dagdag pa niya.
"Ganyan ka ba mag pasalamat? Well, if you would thank me in a different way. Maybe, I'll appreciate it more." Makahulugang sabi nito at dahan dahan lumapit sa kanya.
Hindi naman siya natakot dahil sanay na siya sa taong kagaya nito. At mas marami pa siyang naka harap na mas malala dito. Especially, Ten.
Then he grab her shoulder at akmang hahalikan siya ng kunin niya ang isang braso nito at palipitan mula sa likod nito. Nagkaka kawag naman ito sa sakit.
"I'm just joking! Let me go! Heather! Okay, I'm sorry. And Heather your hand stinks! Ano ba ang hinawakan mo." Dagdag na reklamo nito kaya't pinakawalan na niya ito.
Nakalimutan pala niyang maligo muna bago nag paturo dito. Nakakahiya dito.
At salamat kay Ten ay baliwala na lang sa ka niya ang tangkang pag halik nito dahil siguro ay gesture na nilang magka kaibigan iyon sa tuwing may makikita na babae.
Palibhasa mga guwapo kaya akala siguro nila ay ma iisahan nila lahat.
"Mabuti naman akala ko seryoso ka eh. Thanks dito Chef!" Pagpapa salamat niya at sumenyas naman si George ng "Shoo." "Shoo" pinapa alis na siya.
Masaya naman siyang umakyat sa kuwarto niya at naligo. Pagkatapos niya maligo ay nag bihis siya bago naka tulog.