webnovel

20

"Sa ngayon ay kailangang mapalaya muna ang heneral at baka kung anong gawin sa kanya sa piitan." Wika ni Aya.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko." Ang tsarina naman.

"Paumanhin muli ngunit sa pagkakataong ito ay ang pangkat ko lamang ang makakalukod sa prinsipe." Si Aya.

"Pangkat," ang tsarina. "Pangkat na mula sa silangang hangganan. Anong kakayahan ninyo para sabihing kayo lamang ang makakalukod sa prinsipe?Papaano niyo malalabanan ang mga salamangkero dito sa Paldreko?"

"Tsarina huminahon po kayo." Pag-awat naman ng ginoo sa nagagalit ng ina ng Hari.

"At ikaw!" Ang ginoo naman na ang pinagtuunan ng tsarina. "Bakit nagbabalatkayo ka parin bilang prinsipe? Bumalik ka na sa dati mong anyo."

"Ipagpaumanhin niyo po ngunit hindi po ako nagbabalat kayo," wika ng ginoo. "Ito na po talaga ako."

"Totoo po ang sinasabi ng kaibigan ko." Pagpapatotoo naman ni Aya.

"Sinasabi mo bang sadyang kamukha mo ba prinsipe?" Tanong ulit ng tsarina sa ginoo.

"Opo." Sagot ng ginoo.

Lumapit ang tsarina sa ginoo at nagpasabas ng salamangka sa kanang kamayb nito at itinoon iyon sa dito.

"Anong ginagawa?" Nag-aalala namang tanong ni Aya sa tsarina.

Tinapos na ng tsarina ang salamangka nitong ginagamit ngunit hindi nagbago ang anyo ng ginoo at doon lamang napaniwala ang tsarina na hindi nga nagbabalatkayo ang ginoo.

"Nais lamang makasiguro ng mahal na tsarina na talagang nagsasabi ako ng totoo na ito talaga ang anyo ko." Ang ginoo na ang sumagot kay Aya.

"Kawal," tawag ng tsarina sa ginoo. "Huwag mo sanang damdamin na nagduda ako, ngayon lamang ako nakakita ng dalawang salamangkero na magkamukha."

"Hindi po kawal ang kaibigan ko mahal na tsarina." Muling pagtatama ni Aya sa sinasabi ng tsarina.

"Hindi kawal?" Pag-uulit ng tsarina.

"Makapangyarihan pong salamangkero ang kaibigan ko at nais niya lamang akong tulungan." Paliwanag ni Aya.

"Narito po heneral Luhan Sama." Narinig nilang sigaw mula sa labas ng tanggapan ng tsarina.

Ikinumpas naman ng tsarina ang kanang kamay nito saka lang binukasan ng mga tagapagsilbing nakaabang sa pinto ang pintuan.

Pumasok sa silid ang naturang heneral at nagbigay galang sa tsarina ng makalapit ito.

"Pagbati sa mahal na tsarina."

"Tumayo ka." Utos naman ng tsarina sa heneral na tumayo naman agad.

"Samalat po." Pasalamat ng heneral. "Bago po ang lahat ay nais ko manang ihingi ng paumanghin ang aking Aya sa lahat ng hindi kagandahang-asal na ipinakita niya sa inyo, ako po ang maykasalanan at hindi ko siya napalaki ng maayos."

"Heneral—" aangal sana si Aya.

"Tumahimik ka!" Putol ng heneral kay Aya na agad namang nanahik dahil sa paraan ng pananalita sa kanya ng heneral.

"Heneral," Ang tsarina. "Ang nais ko lamang ay ang dalhin na nila dito ang prinsipe ngunit hindi sila pumapayag."

"Sumbongira." Pabulong namang panglilibak ni Aya na agad kinalabit ng ginoo upang hindi na ito magpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi pa ba siya ang mahal na prinsipe?" Nagtatakang tanong ng heneral at kinalatis ang ginoo na nasa tabi parin ni Aya na nakatayo lamang ng tuwid.

"Hindi mo siya kilala? Ayon kay binibining Aya ay kaibigan niya raw ito." Pagtataka ng tsarina. "Nakikita ko sa kanyang mida na talaga ngang malakas na salamangkero siya."O

"Heneral, siya po yung naikwento ko sayo noon na nagligtas sa akin." Pagsali naman ni Aya sa usapan ng dalawa.

"Ah yung ginoo sa ilalim ng bangin? Ang sinasabi mong nagligtas sayo noon?" Pagpapalinaw ng heneral.

"Siya nga po." Si Aya naman.

"Ginoo, ilang taon narin ang nakalipas mula ng mangyari iyon ngunit ngayon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong magpasalamat sayo." Ang heneral sa ginoo.

"Walang ano man po heneral, ikinatutuwa ko pong sa wakas ay nakilala ko narin ang ipinagmamalaking heneral ng aking kaibigan." Ganti naman ng ginoo at nagkatawanan silang dalawa.

"Sa tingin ko ay dapat ding magpasalamat ang tsarina sa ginoo." Si Aya. "Hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ng prinsipe at sinubukan niya kaming takasan, sa kasamaang palad ay nahulog din siya sa banging nahulugan ko dati. Mabuti na lamang at nasundan ko siya sa baba at may nahingan ako ng tulong."

"Bakit naman kayo tatakasan ng mahal na prinsipe? Marahil ay may kalukuhan kayong ginawa ano?" Nagagalit na wika ng Heneral kay Aya.

"Kami agad may kasalanan?" Si Aya.

"Eh sino pa ba?" Ang heneral.

"Wala kaming ginagawa." Pagtatanggol pa ni Aya sa kanyang pangkat lalo na sa kanyang sarili.

"May kinalaman sa Hari ang dahilan ng prinsipe kung kayat ayaw niyang bumalik dito sa Paldreko." Ang ginoo ang nagsalita.

"Alam mo?" Si Aya ang nagtanong sa ginoo. "Bakit hindi mo sinabi sa akin? At ano naman iyon?"

"Wala akong karapatang magsiwalat at isa pa nangako ako sa prinsipe na hindi ko yun sasabihin kahit kanina." Wika naman ng ginoo.

"Pero kung may kinalaman sa Hari...." Napaisip si Aya. "Malamang ay may kinalaman talaga sa Hari ang pagbabalik ng prinsipe dito dahil siya ang hihiranging.... .... ..... bagong Hari. Mawawala na ang hari, paano niya naman nasabi?" Kahit papaano ay nakaramdam ng lungkot si Aya sa kanyang winika.

Ang heneral naman ay agad na napaluhod sa tsarina upang humingi ng tawad. "Mahal na tsarina, inaako ko po ang kaparusahan na ipapataw niyo sa aking Aya."

"Ano na naman ba ginawa ko?" Si Aya.

"Walang dapat na maparusahan heneral Sama. Tama ang tinuran ng binibing Saya." Wika ng tsarina at lumayo sa kanila upang maupo sa malapad na upuang nakalaan para lamang sa tsarina. "Bago pa man umalis ang prinsipe dito noon ay batid na namin ang magaganap sa kanyang pagbalik."

"Mahal na tsarina ngayong narito na po ang heneral ay magpapaalam na po kami ngunit maiiwan namin ang aking kaibigan upang ipagpatuloy ang pagpapanggap hanggang sa wala ng malaking banta sa truno at payapang makauuwi dito ang prinsipe." Pagpapaalam ni Aya.

"Sino ang nagsabi naman sayo na pumapayag ako sa nais mo? Pinapangunahan mo ako sa pagpapasya?" Muling napatayo ang tsarina at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Aya.

"Huminahon po kayo mahal na tsarina." Agad namang lumuhod dito ang heneral saka binalingan si Aya. "Humingi ka ng tawad ngayon din!"

Napabuntong hininga na lamang si Aya at tinatamad na humuhod sa tsarina. "Patawad mo mahal na tsarina, magsaysay po kayo kung ano ang nais niyong mangyari at ito ay mangyayari."

"Heneral Sama ilayo mo sa akin ang batang yan at baka kung ano ang magawa ko sa kanya, walang asal." Nagpipigil sa galit ang tsarina.

Ang heneral naman ay madaling nagpaalam sa tsarina at hinila palabas si Aya.

Next chapter