webnovel

4

Napalinga silang lahat ng marinig nila ang huni ng papalapit na malaking ibon.

"Ang ibon ng heneral na nagbabantay sa hangganan ng kabilang kaharian." Pagkilala ni Kalo sa palapit na ibon. Ilang pagkakataon naring nakita ng mga kawal ni Aya ang ibon na iyon na lumapapit sa kanya. At alam din ng mga ito na may minsahe itong dala.

Ipinantay ni Aya ang braso sa balikat at doon dumapo ang malaking ibon. Isa itong Agila.

"Tumataba ka yata makisig na ibon at bumibigat ka. Huwag kang masyadong magkakain ha at baka hindi ka na niyan makalipad ng mataas dahil mabibigatan ka na sa iyong katawan." Magiliw na bati ni Aya sa ibon ng heneral ng kabilang kaharian.

Humuni ang ibon na para itong umaawit.

"Pakisabi sa heneral na kami ay nagpapasamat at naiintindihan namin ang nais niyang mangyari." Sabi ni Aya matapos ang paghuni ng ibon. "Marami ding salamat sa iyo at huwag mong kalimutang kumain ng marami at maging mataba ng magpaladlakad ka na lamang tulad ng manok."

Nagtawanan pa ang mga kawal ni Aya kaya tiningnan sila ng masama ng ibon, yung tingin na tulad din sa isang heneral kaya nahinto silang lahat sa pagtawa. Humuni pang muli ang ibon kay Aya saka ito lumipad palayo sa kanila.

"Makinig kayo!" Sabi ni Aya sa kanyang pangkat. "Ang ating layunin ay mapunta sa pangangalaga natin ang prinsipe, pagdating natin doon ay huwag kayong magsasalita at wala kayong kakausapin kahit na sino."

"Pinuno, huwag kang mag-alala." Si Kalo. "Hindi naman magagamit ng mga salamangkiro na iyon ang kanilang majika dito kaya lamang na lamang tayo."

"Sa lakas oo nakakalamang tayo." Pagsang-ayon dito ni Aya. "Ngunit huwag ninyong kakalimutan na may angking talino ang mga lasamangkiro. Hindi man nila magamit ang kanilang majika ngunit maaari parin nila tayong malinlang."

"Ngayon pa palang ako makakakita ng  salamangkiro." Sabi naman ni Makoy.

"Ako hindi." Si Aya naman. "Ngunit ito ang unang pag-kakataon ko sana na makasubok ng Salamangkero, sayang ngalang at walang majika dito. Kalo, mag-iwan ka ng limang kawal dito upang mag-abang sa ano mang magaganap. Doon naman sa punong yun ay maiiwan ka kasama ang apat na kawal upang maghintay sa sisiw. Makoy, ikaw at ang apat na kasama mo ay siyang tagatakbo. Ang apat na may tigdalawang sandata ay sasama sa akin sa pagpasok."

Gaya nga ng napag-usapan, apat lamang ang isinama ni Aya sa paglapit doon.

"Kami ang mga kawal na ipinadala ni heneral Wulla para magsundo sa mahal na prinsipe." Pakilala ni Aya sa dalawang kawal na humarang sa kanila. Sa kasootan pa lamang ng mga ito ay makikitang mga kawal ito ng kabilang kaharian.

"Kanina pa pong naiinip na naghihintay sa inyo ang aming pununong pangkat." Matapat namang wika sa kanya ng isa sa dalawang kawal.

Kilala ni Aya ang tinutukoy nitong pinunong pangkat at alam na alam niyang ayaw nitong nakikihalubilo sa mga mapagmataas na mga salamangkero kaya naman ay napailing nalang si Aya at sumunod sa dalawang kawal na iyon.

Habang naglalakad sila ay hindi naman maiwasan ni Aya na pansinin ang mga titig ng mga kawal na nadadaan niya mula sa magkabilang kaharian.

Sa totoo lang ay wala namang pakialam si Aya sa kung saan siya nabibilang. Ang tanging alam niya lang ay mapunta ng Paldreko at singilin ang mga nilalang na umutang sa kanya kahit pa sampong taon na ang nakakaraan.

Nabigas saglit ang katawan ni Aya ng biglang bumuhos sa kanyang katawan ang malamig na tubig.

Mabilis namang kumilos ang apat na kasamahan ni Aya at kaagad na napaluhod ng mga ito sa kanyang harapan ang lalaking sa kasootan pa lamang ay nahihinuha niyang utusan na siyang bumangga sa kanya. Namimilog pa ang mata ni Aya na tinititigan ang mahinang nilalang na walang ibang nagawa kundi ang paulit-ulit na humingi ng tawad.

"Pinunong Aya, ipagpaumanhin niyo po ang nangyari. Siya po ang tagapagsilbi ng prinsipe kaya po sana ay palampasin niyo na lamang ito." Pagtatanggol naman dito ng kanina ding kawal na sumalubong sa kanila.

"Tagapagsilbi ng prinsipe?" Agad na napansin ni Aya na parang may mali sa kaanyoan nito bilang utusan. Inilapit pa ni Aya ang mukha dito na umiiwas kaya naman ay hinawakan na lamang ni ang damit nito at napasinghap pa siya ng maamoy ang amoy na hindi nararapat sa isang tagapagsilbi.

"Maaawa po kayo sa amin, hindi po iyon sinasadya." Pagmamakaawa ng tagapagsilbe habang pinagtatawanan naman ng ibang mga kawal na nanunood na marahil ay hindi kakilala ng kawawalang nilalang.

Upang hindi mahalata na may kakaibang napansin si Aya sa tagapagsilbing iyon ay patulak niyang binitawan ang damit nito. "Pasalamat ka at wala akong panahon ngayon sa isang tulad mo."

Tumuloy na sa paglalakad si Aya patungo sa kubol na iginigiya ng dalawang kawal.

"Dito po." Sabi ng kawal at nahinto sila sa harapan ng isang kubol.

Pinagbuksan pa si Aya ng kawal na iyon at saka siya pumasok ng makita ang isang kakilala na nakaupo at abala sa pag-inom ng tsaa.

"Pinunong Pangkat Lihan." Tawag niya sa makisig na ginoo at nagbigay galang.

Anak ito ng heneral na siyang amo ng ibon kanina.

Sininyasan naman ni Lihan ang dalawang kawal na nasa pintuan kaya isinara na ng mga ito ang pintuan at nagbantay sa labas.

"Pagnakarating ka sa Paldreko...." Napayuko si Aya dahil sa simula pa lamang ng pangungusap nito nito ay alam niya na kung ano ang nais nitong malaman. "Anong gagawin mo?"

Alam ni Aya na nag-aalala ang kausap niya para sa kaligtasan niya. Bata palang si Aya ay magkakilala na silang dalawa dahil ang ama nitong heneral ay anak ng pinuno ng kanilang Nayon. Noong hindi pa nagaganap ang trahedyang sinapit ng kanilang nayon ay paminsan-minsang dumadalaw ang heneral kasama ang pamilya nito sa kanilang nayon. Mabuti na lamang at wala ang mga ito ng gabing nilusob sila ng mga Salamangkero ng Paldreko kundi ay baka nadamay pa ang mga ito.

"Hindi mo ba muna ako papaupuin?" Balik tanong niya dito at umayos ng tindig.

Next chapter