Live Long, Luna 05
"Paanong laging sinusundan? At bakit ka nandoon?" sunod sunod na tanong ko.
"Sila iyong sindikatong naglagay sayo sa abandoned building kung saan ka nakita ni Luis. Ang alam nila nagka amnesia ka. Pero gusto nilang maniguradong wala kang natatandaan at pag may matandaan ka man ay sila ang unang makakaalam." pagpapaliwanag niya.
"So bakit ka nga nandoon?" nakakunot kong tanong ulit sa kanya.
Kinuha niya ang maliit na water bottle at binuksan, ininom lahat ng laman nito. Parang bigla siyang nauhaw sa tanong ko.
"Let's proceed.Alexa-"
"E paanong sabi nila tiba tiba sila sa drogang dala mo nung nasa mountain top tayo?" pagpuputol ko sa kanya. Nakunot ang noo niyang tinitigan ako ngayon.
"Droga?" tumango tango ako sa kanya.
"Akala ko nga Drug dealer ka e, tas pinatay ka nila para mapasakanila ang drugs na iyon tas wala kang parte sa pera." pagdugtong ko.
Seryoso niya akong tinitignan. Mga ilang minuto ay wala paring nagsalita. Para siyang nag iisip ng malalim. Magsasalita na sana ako ng nagsimula na siyang may kung anong tinype sa laptop.
"Read the powerpoint mamaya. May aasikasuhin lang ako. Bukas agility and strength tayo." Ibinigay niya sa akin ang flashdrive tapos dali dali siyang umalis sa office. Ano namang nangyari don?
Dumiretso na ako sa kwarto ko. Tapos tinignan ko ang mga drawer kung anong mga laman. Natatandaan kung mga gamit ko ang mga ito. Sa may study table naman ay mga may make ups, books at Laptop. Binuksan ko ang Laptop at bumungad ang litrato ni Greg sa desktop. Ngayon ko lang ito nabuksan. Akin ba talaga to? Bat may litrato ni Greg to?
Nagkibit-balikat nalang ako at saka binuksan. Wala man lang password. Binuksan ko ang mga documents at kung ano ano pa. Laptop ko nga ito, may mga pictures at videos ko e. Nang maisaksak ko ang flashdrive, iisang document lang ang laman. Fabrico Syndicate, powerpoint ito. Nauna ko nanamang nakita si Alex.
Alexander Crisostomo
Net worth 1.2 M dollars
Ricky Delos Reyes
Net worth 5 M dollars
Sam Gregorio
Net worth 10 M dollars
Chen Smith
Net worth 20 M dollars
Jane Rose Mole
Net worth 10.5 M dollars
Mga pangalan pala ito ng mga malalaking tao sa sindikatong ito. Hindi basta basta, mga yayamanin. Iyong net worth palang nila di na kinaya ng bangs ko. Magbenta nalang kaya ako ng drugs. Tiba tiba rin pala. Pag-iisipan ko.
So, before you go
Was there something I could've said to make your heart beat better?
If only I'd have known you had a storm to weather
Sinasabayan ko pa muna ang kanta bago ko sinagot ang tawag. Ang ganda kasi nung kanta. Chorus nga lang to e. Nakacut, baka magreklamo iyong tumatawag at bakit hindi ko sinagot. Baka namatay na iyong nanghihingi ng tulong dahil may bomba sa tabi niya. Geez. Bomba. Kelangan kong maalala iyon.
"Hello po" ani ko ng masagot na ang tawag.
"I want you dead." seryosong sabi ng boses lalaking hindi ko kilala kong kanino.
Aba, walang paligoy-ligoy dear?
"Please me, then." pagkasabi ko non ay na end niya na ang call.
Magbabanta tapos e-end lang din naman. Gago you?
"FASTEEEER! ANG LAMYA MO LUNA! O ISA KA PA TIMOTHY!" Sigaw ni Luis.
Kanina pa kami 7:00 Am pilit iniiwasan ang awtomatikong machine na may bola na bala. 10:00 Am na, di pa kami nag-aalmusal. Tinignan ko ang kasamahan ko ngayon. Mga bagong salta sa grupo, si Timothy, Darwin, Kath, at Kamille.
Kailangan kasi naming marating ang pwesto ni Luis ngayon na siyang nasa harapan namin. Malayo e, mga tansya ko nasa 60 meters ang layo. Dapat hindi kami matamaan ng bola. Kasi nga malakas ang force ng machine sa pagbato sa amin ng bola di maiwasang minsan ay mapaatras o masaktan dahil sa hapdi na tama dulot ng bola. Para kang naglalaro ng volleyball pag tumama sayo pero this time kelangan mong iwasan. So dapat Agility.
"Luna, ilag!" pagkasabi non ni Timothy, lumingon ako sa harapan ko dahil nakatunganga akong pinagmasdan ang pursigidong kasamahan. Muntik pa akong matamaan dahil di ko alam kong kakaliwa o kakanan ako. Buti nalang at naiwasan ko kaagad. phew.
The bell rings, it means time ended. Para lang nasa basketball game. Medyo naubos lakas ko sa pagkakapractice ng agility na yon ah!
"Are you okay?" Pagtatanong ni Timothy sa akin. Tumango ako bilang pagtugon at kinuha ang kamay niyang nakalahad dahil napaupo ako sa pagod. 3-4 hours din ang tinakbo ng Agility training e.
Sinenyasan kami ni Luis na lumapit kaya pumunta kami sa kanya.
"Tomorrow will be the last Agility test." Napakunoot naman ang noo ko na pinagmasdan siya. May last test sa Agility?
"Then the day after tomorrow will be the strength test. So I know you're all hungry. Let's eat now in the hall." He ended the huddle.
Naglakad na kami papuntang Hall ng makita ko si Greg.
"GREEEEG" pagsisigaw ko sa pangalan niya at tumakbo papalapit sa kanya ng buong ngiti.
Medyo nagulat ito pero nabawi agad ng makita niya ako.
"So how's the training?" seryosong tanong niya. Hindi ka man lang ba marunong ngumiti Crush?
"quiet good." nakangiti kong sagot.
"Ang clumsy nga niyan boss e." Pagsisingit nanaman ng kabuteng Luis. Nasabi ko na bang ang pangit pakinggan ni Luis magtagalog dahil sa accent na meron siya? Halatang taga New york lumaki. Inirapan ko siya at ngumiti nalang kay Greg.
"Don't order Luna." Pagpipigil niya sa akin, susunod na kasi sana ako kila Timothy na nasa counter na.
Nakakunot ang noo kong nilingon siya pero ngumiti ito ng tipid at tinuro ang isang table.
"Your food is ready with the same table we had when we eat together." Nagpaalam na siya kay Luis at umalis na. Nakatunganga lang ako na pinagmasdan ang lamesang may pagkain nga. Hindi agad nagsink in sa akin.
"I love you daw sabi ni boss." Bulong ni Luis sa akin na nagpabalik sa akin sa katinuan. I throw a deadpan look kasi alam kong hindi sinabi iyon ni Greg. Tumawa lang naman itong kabute.
Nilapitan ko nalang yong table, madaming food. Biglang umupo si Luis. Ang sabi wag daw ako mag assume kasi dalawa daw kaming pinag orderan ni Greg ng food. Remind me to kill Luis, naninira ng mood!
"Pwede makiupo?" Tanong Kamille na siyang nagpatigil sa amin ni Luis kumain. Tumango ako at tumabi siya kay Luis. Hindi naman halatang crush niya e no? Kanina ko pa napapansin o kami talaga lahat. Kagaya nalang nito.
"Here, Tissue." Malambing na sabi nito pero imbis na ibigay kay Luis dahil nakalahad na ang kamay nito ay siya na mismo ang nagpunas sa may bandang labi ni Luis.
"Ehem" pambabasag ko sa katahimikan. Halata kasing nakatingin rin hindi lang kami kundi pati nasa paligid. Sikat kasi itong kabuteng Luis dahil narin siguro sa Western Look nito na medyo attractive nga.
"Umupo at kumain na tayo." Pagdugtong ko. Umupo sa tabi ko si Timothy at Kath tapos si Darwin katabi ni Luis. Bali nasa gitna kami ni Luis.
Natapos ang araw ng pahinga ang lahat ng oras. Bukas school muna kami. May event daw e tapos 1:00 Pm kasi ang last Agility test dahil alam ni Luis na pagod katawan namin sa activity ngayon.
Nagpapahinga na ako ng may nareceive ako na text.
52013201320171018101420132017401320123017301320181aabcacbcccca!
Nakunot ko ang noo ko ng makita ang mensahe. Tatayaan ba ito sa lotto? Eh kaso wala talaga akong swerte sa mga ganyan e. Binalewala ko nalang ito at natulog.
"WHEN WILL YOU WAKE UP LUNAAAAAAAAAA!" Boses yon ni Izza. Kulang nalang sirain niya iyong pinto. Ansakit kasi ng katawan ko. Resulta sa kakatakbo at mga pasa siguro na dulot ng bolang tumatama.
Binuksan ko ito at voila bumungad sa akin ang naka white off shoulder croptop and blue mini skirt with matching white shoes. In short para siyang flavor na cookies and cream dahil sa dots nito.
"10:00 AM na tapos di ka pa ayos? Go!" Pinagtulakan niya ako sa banyo at naligo na nga ako.
Nagbihis na rin ako ng Tube na white tas pinatungan ko ng maong jacket na blue. Pairing my white highwaist short and white designer shoes. Nagmake up ng kaunti tapos nilugay lang ang mahabang buhok kasi nga basa pa tapos nagmamadali na itong kasama ko.
"I will definitely want to have sex with Marco." Biglang sabi nitong nasa driver seat ng si Izza. Kaya pala naka skirt. I smirk, dating business parin pala ang gaga.
Party day, ang tawag sa pupuntahan namin. All students are invited. It's a typical bar day pero sa school gaganapin tapos bakit umaga? Gabi talaga to dapat gaganapin pero dahil new na ang nag govern and they suggest to make it a day at ng maiba naman daw. Sumang ayon naman halos lahat kabilang na itong pokpok na nasa driver seat. Party day to prepare for an exam next week. Dapat diba nagrereview? No.The government in school have this kind of activities. Para daw itong advance celebration for those who passed and para magmuni muni nalang sa mga araw na dapat nagpaparty ang mga bumagsak. Weird right?
"Marco!" Malanding sabi nitong si Izza. Nasa parking palang kami ng makita niyang lumabas si Marco sa sasakyan nito.
"Hey Izza." Ngumiti naman itong si Marco at lumapit sa sasakyan namin.
"Mauuna na ako." tapos ngumiti ako. Nakita ko pang pumanhik sila sa backseat. Gagawa siguro ng milagro na. Hindi pa nga ako nakakalayo narinig ko pa ang malakas na ungol ni Izza. Malaki siguro yong shaft na dala dala lagi ni Marco.
"Hey, Luna. Give her a one Margarita." It's Cass. Andito na ako sa counter. Naging bar nga talaga yong school. Sa entrance pa nga lang may naglalandian na. Iyong mga lasing naman gumagawa narin ng milagro. May nakita pa nga akong may sumusubo at pinapasukan sa gilid gilid. Free sex education.
"Thanks." Ngumiti ako at tinignan nalang ang mga nagsasayawang estudyante.
"Where's Izza?" Biglang tanong ni Cass.
"Probably, done 5 rounds right now." Tumingin tingin ako sa relo ko at minutes passed palang ng umalis ako sa kotse. Baka nga 5 rounds na. Cass formed an "o" lips tapos hindi na nagtanong.
2 hours left. Cass is now making out with a guy in Engineering. Dito talaga sila sa tabi ko, kissing torridly and so whatever to pleasure both. I am now a bit tipsy kasi nakakarami na ng Margarita. Nakakapagtataka hindi naman ganon katapang ang Margarita pero hilong hilo na ako.
*Izza calling*
"To the parking lot, right now!" and then she ended the call.
Hindi na ako nagpaalam kay Cass dahil nasisiyahan na siya sa pagpasok ng daliri ng Engineering guy sa pearl niya. I even heard her moan. Naglakad na ako papuntang parking lot. Medyo nahihilo na nga ako e. May gustong tumulong pero humindi ako dahil alam kong gusto lang nila ng sex.
Pumasok na ako sa kotse at nakita kong iba na ang suot ni Izza. Naka all black na ito na parang ninja.
"She's safe. We will be there 30 minutes." and then binaba niya ang call.
Ano nanamang nangyari? Nilibot ko ang mata ko hanggang backseat at nakita kong nasira ang window ng nasa kaliwa. Butas talaga.
"Anong nangyayari?" pinaandar niya na ang sasakyan at mabilis itong pinatakbo.
"Someone's planning to kill you. Pero naunahan namin sila." Tumango tango nalang ako. Ayoko magtanong hangga't di kami umaabot doon. Ang bilis ng takbo niya kasi ulit baka ano pang mangyari.
"Marco is the bait. Napigilan ko pa ang pagpunta nila sayo. Pero nalagyan na nila ng ibang inumin ang iniinom mo. Kaya ka nahihilo ngayon." Pagpapaliwanag ni Izza habang naglalakad sa kung saan man.
"Pero bakit hindi nalang sila gumamit ng sleeping pills?" Pagtatanong ko habang sinasabayan ang lakad niya.
"Para hindi nila mapansin. Dahil yong order mo lang naman Margarita. They had the urge to put some sleeping pills pero they changed the plan. Iyong lumapit sayo para alalayan ka kanina kasama sila buti nalang at pinababantayan ka ni Greg." Dugtong nito at nagpatuloy.
Pumasok kami sa isang isolation room. Nandoon si Marco nakaupo at nakatali na walang malay. Walang tao kundi kami lang tatlo. Bigla naman ito napabuntong hininga si Izza kaya nilingon ko siya ng may pagtataka.
"Buti nalang natikman kita. Ang laki pa naman ng alaga mo. Di ko na tuloy matitikman ulit." Nakangusong sabi nito. I rolled my eyes at pinitik ang tenga niya.
"Aray! It's true. Naka Seven rounds na kami ng biglang tumawag si Luis." Napabusangot ulit ang mukha niya.
Biglang bumukas ang pinto at bumungad si Greg. Tinignan niya muna ako ng head to foot na parang sinusuri at ng makumpirma ang gusto niyang makita ay naupo na siya sa may upuan kung saan may mga controller. Parang sa record studio, ganon.
"Seven rounds? Ang hina naman." ani ni Greg.
Umupo si Izza sa isang upuan at sumimangot lalo.
"Kung hindi mo ko inistorbo edi sana 24 hours breakfast ko yan!" pagrereklamo ni Izza. Tumawa naman si Greg sa kanya. E sa akin? Kailan ka tatawa?
Napanguso nalang ako at napayuko. Ang cold ng treatment lagi ni Greg. Pero pag sa ibang babae lagi siyang nakangiti o edi kaya tumatawa.
"May nagseselos." rinig kong sabi ni Izza. Tumawa naman si Greg. Ang happy niya no?
Sino naman nagseselos? Si Marco ba? Tikman ko din kaya si Marco?
Tinignan ko ang mga kuko kong walang kulay. Too pale. Makulayan ka nga.
Biglang bumukas ulit ang pintuan at iniluwa si Luis.
"Boss, hiramin ko lang itong pasaway na lampa." Sabay hila niya sa akin.
Sinuotan niya ako ng bullet proof jacket at saka nakapwesto na ako sa gitna. Same location sa pinagpractisan namin sa Agility kahapon. Napukaw ang kaluluwa ko ng makita ang nasa harapan ko. Si Kath, Kamille, Darwin at Timothy na may hawak ng baril at nakatutok sa akin. Seryoso namang nakatingin sa akin si Luis.
"Fire!" Sigaw ni Luis at pinaputukan na nga ako. TEKA!