webnovel

CHAPTER 4 [The Past] GENEVERE : Welcome Party

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

CHAPTER 4

WELCOME PARTY

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

*The Past-current storyline*

*GENEVERE'S POV*

"oh? Namiss mo na agad ako Gen?" bati ng magaling kong kuya sa kabilang line, napa eye roll na lang ako

"may kasalanan ka sakin kuya!" sigaw ko sa kabilang linya

"umalis lang ako sandali may nagawa na agad akong kasalanan na di ko man lang alam" sagot niya na kunwari nasasaktan pa, naiimagine ko yung pagemote emote niya pa kunwari, nadinig ko naman siyang natawa

"magtigil tigil ka sa kadramahan mo sa buhay kuya" reklamo ko naman pabalik, naiimagine ko na itsura nyang mukhang natatae na ewan kakapigil sa tawa niya

"oh e bakit nga kase?" kalmadong tanong niya pa

"kuya aware ka ba na matagal akong mawawala at di ako makakauwi?" tanong ko sa kanya

"oo naman, ako nga nagayos ng papers mo diba?" pormal na sagot niya

"then why the hell do I only have three fucking pair of clothes kuya?" inis na reklamo ko sa kanya

"language young lady, at anong 3 pairs lang? wag mong sabihing isang bag lang ang dumating?" di makapaniwalang tanong niya, maya maya pa may nadinig akong kung anong kumalabog sa kabilang linya, at sounds of tapping and typing

"malay ko, ayusin mo yan kuya, I won't survive with just that, yun lang ang nakita ko, wala pang ibang necessities, naayos na pala ha" inis na reklamo ko sa kanya, well its true, isang backpack lang ang nakita ko, buti na lang may phone and charger ako kung hindi, hindi ko ko alam saan ako pupulutin

"yeah, yeah, I'm on it" sagot lang niya at dahil bastos ako ngayon binabaan ko siya ng telepono

"ang init naman ng ulo mo Genevere, kakaligo mo lang nagmistulang may steam ka na agad sa ulo" biro ni Sierra na umupo sa tabi ni Alana, nasa common area kami ng room namin ngayon

"eh pano ang magaling kong kapatid, nagmamayabang na naayos na daw niya lahat na wala na daw akong dapat ipag-alala pa eh ang walanjo tatlong pairs lang ang pinadala niya dito, sinong di maiinis" inis na reklamo ko

"ang cute nyong magkapatid" kumento ni Alana

***

Nagising ako earlier than usual, dala siguro nung bagong surroundings, yung bang malayo ka sa comfort zone mo at dahil di ka pa sanay di mo magawang matulog ng tulad sa normal na tulog mo, nakita ko naming gising na sina Sierra at Alana

"morning" bati ni Sierra, nakapandekwatro pa, at mukhang bihis na, pero pupungay pungay pa ang mga mata sabay naghikab pa ito, nakapants na ito at nakasuot na ng fitted shirt, at sneakers, nakalugay naman ang mahaba nitong buhok

"Good morning sunshine" masiglang bati ni Alana, na nakabath robe pa, magulo ang maiksing buhok nito, mukhang inaantok pa

"ligo lang ako ah" paalam ko sa kanila

"kanina pa kami nakaligo, nagbasa basa lang muna" sagot ni Alana "ay wait magbihis na nga ako babush" sabi nito sabay karipas ng takbo

"o pano kita na lang ba tayo sa cafeteria? O hihintayin ka pa namin?" tanong ni Sierra

"kita na lang tayo dun" tipid na sagot ko

Mabilis lang akong naligo, at nagdiretso sa walk-in ko, naisipan kong isuot ang isang loose shirt na binuhol ko in a knot sa isang side at tinuck-in ko yung maliit na portion sa fitted faded navy blue pants ko

mejo kita ang isang shoulder at gawa nga nun inayos ko na lang sya ng ganun para mukhang in style, at saka ako nagsuot ng white sneakers na parang may heels pero di naman halata, hinanda ko na din ang bag ko, nagpasok ng mga kailangan kong gamit at naglakad na palabas

Dumiretso na ako sa main cafeteria at natanaw ko na nga ang dalawa, nag-uusap sila pero nung makita ako ni Alana dahil sa gawi ko sya nakaharap e kinawayan ako na nagging dahilan para lingunin ako ni Sierra

kinawayan ko lang din sila bilang ganti at pumila na ako sa counter para sa breakfast ko, isang blueberry pancake, strawberry muffin, milk, toast, some fruits ang inorder ko at dumiretso na sa table nila sierra at Alana

"woah, sexy" bati ni Sierra paglapag ko nung tray ko

"nakita ko yan nung dumating yung package mo eh, sa unang tingin pa lang ang laki na yet you managed to make it look good on you" kumento ni Alana "sigurado kang breakfast lang yan? ang dami eh" dagdag niya pa

"kuya ko namimili ng mga damit ko, and I prefer loose shirts pag matutulog, I guess pantulog tong nadampot ko, uhh, actually lahat ng shirts dun" sagot ko lang

"edi magaling ka pala magdala ng damit kung ganun" natatawa tawang tanong ni Sierra

"guess so" sagot ko lang

"anong first class mo?" biglang tanong ni Alana

"GE-S51 yung nakalagay na room eh" sagot ko lang

"sa may science department yun ah" sagot ni sierra

"good luck sayo dear" sabi ni Alana na kunwari nahihirapan pa

bigla naming parang nanahimik ang buong cafeteria, well tahimik naman na simula kanina kaso parang nabalot ng tensyong ang buong cafeteria, napako naman ang tingin ko sa grupo ng kalalakihan na dumating, my, they look gorgeous if I may say so myself, I wonder who they are

"who are they?" tanong ko nung makabawi ako

"The black union" sagot ni Alana

"hmm?" naguguluhang tanong ko

"well sila yung highest ranking officials nung grupong yun na kinatatakutan ng lahat dito, that's what I meant nung sinabi kong nanahimik ka na lang sana, kase member ng black union yung isa sa sinapak mo kahapon" paliwanag ni Sierra

"how about the other?" tanong ko

"member naman ng Black Knights yung isa, magkaribal kase yung dalawang student body na yun, as well as kinatatakutan, they are both powerful and dangerous at the same time" paliwanag ni Alana "kaya mag-iingat ka, nagtataka nga kami bakit wala pang nangyayari sayo until now eh, just be ready if and when something is to happen" dagdag niya pa

Nagring na yung bell kaya di na rin ako nakapagtanong pa, tulad nga ng sinabi nila hinatid nila ako sa first class ko, unlike sa dati kong school hindi block section dito

pwede sa susunod na subject iba ang kaklase mo, the next iba nanaman, yana ng paliwanag nina Sierra at Alana sakin about sa classes dito, kumatok lang ako ng isang beses saka binuksan yung pinto

"ah, you must be the transferee, come on in" sabi nung babaeng teacher sa harap, at tulad ng sinabi niya e pumasok nga ako

"well? Introduce yourself and then take your seat" sabi pa nito

"ah, yes, my name is Genevere Ezeriah Lecri, a transferee" sagot ko lang, nagpalinga linga lang ako sa loob para makahanap ng bakanteng upuan

"what are you waiting for Ms. Lecri? Tumatakbo ang oras umupo ka na sa likod nang makapagsimula na tayo" masungit na sabad nung teacher, at sinunod ko nga siya, guess this is what they meant by 'good luck' huh?

Nung makaupo na ako e nagulat ako sa nakita ko kase isa dun sa nakita kong pumasok na member nga daw ng black union ay kaklase ko pala, may isa pang bakanteng upuan bukod sa inupuan ko, tumingin ako sa paligid at may nakita akong naka short shorts at long boots sa di kalayuan, bakit ba pinapayagan ang mga ganyan dito?

"Hi, my name's Denver" pakilala nung nakita kong kasama ng mga tiga black union

"and so?" masungit na sita ko dito

"you really are unique" sabi nung Denver more like to himself

Natapos lang ang araw na puro lecture lang ang ginawa, may mangilan ngilan na recitation pero nasasagot ko naman, sa isang class ko nakaklase ko sina Sierra at Alana, sabay kaming kumain na tatlo ulit, nung naalala ko na kailangan ko palang kunin yung library pass ko e nagpaalam na akong mauuna sa kanila

Next chapter