webnovel

Chapter 20: Finally........

9 months after.....

"Aphrodite Dela Cruz, with honor"

Taas noo at nakangiti akong umakyat sa stage. Nanginginig ang kamay na inabot ko ang aking diploma saka nakipag kamay sa Dean. Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya. Inilibot ko ang aking paningin at doon ko nakita si Tita. Nasa gitna siya nang maraming tao

Mga estdyanteng magsisipagtapos at mga magulang na nakasuporta sa kanilang mga anak ang narito. Halos mapuno ang buong gymnasium sa dami nang tao

Napangiti ako nang malawak. Heto na ang hinihintay ko. Nasa kamay at hawak ko na ang dahilan ng lahat nang paghihirap ko. Totoong napakasaya ko ngayon. Hindi ko na maipaliwanag ang aking nararamdaman. Masyado akong nautuwa sa nangyayari

Sa wakas, matapos ang ilang buwan kong paghihirap ay nagbunga din ito. Tinupad ko lahat ng mga pangako ko. Naibalik ko lahat ng mga nawala sakin. Alam kong proud sakin si Tita at sana ganon din ang mga magulang ko na nasa langit na at patuloy na binabantayan ko. Hindi niyo man ako nakita na makapagtapos nang high school ay masaya parin ako dahil alam kong may nakaalalay parin sakin kahit wala na kayo. Isa lang naman ang kahilingan ko, yun ay ang maging masaya kayo

"Titia!" nagagalak na tawag ko sa aking Tita sabay yakap sa kanya. Matapos ang ilang oras na serimonya ay natapos din ito

"Proud na proud ako sayo Love" sabi ni Tita sabay yakap nang mahigpit sakin. "Alam kong kaya mo 'to dahil may tiwala ako sayo"

Nagcelebrate kami matapos non. Pumunta kami sa isa mamahaling restaurant. Nahiya naman ako dahil mukhang mahal dito at si Tita lang din naman ang magbabayad

"Kailangan po ba talaga na dito tayo kumain?" nahihiyang tanong ko

"Bakit ayaw mo ba dito?" tanong naman ni Tita

"Hindi naman po sa ganon, parang ang mahal po kasi dito" sagot ko naman

"Ayos lang yan saka isa pa graduate kana nang high school kaya dapat icelebrate natin 'to"

Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala na akong magagawa pa. Pag si Tita ang nag salita kahit gusto mo man o hindi ay kaylangan mong gawin. Matapos niyang kausapin ang isang waiter ay iginaya kami nito sa isang bakanteng lamesa. Higis bilog ito at may apat na upuan sa palibot. Mukhang nagpa reserve pa talaga si Tita. Umupo agad kami pagdating don. Kinausap niya ulit yung waiter, mukhang umoorder na si Tita nang makakain namin. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila

Matapos kunin nang waiter yung order namin ay umalis na siya kaya hinarap naman ak ni Tita. Tingnan niya ako saka ninitian. Nataranta naman ako dahil hindi ko alam ang gagawin

"Congratulation Love, I'm so proud of you" sincere na sabi niya habang hindi matanggal ang ngiti sa kanyang labi

Nahiya naman ako bigla. Napahawak na lang ako sa aking batok. "Salamat po dahil kundi dahil sa inyo ay baka wala ako kung nasaan man ako ngayon kaya malaki po ang utang na loob ko sa inyo at habang buhay po akong magpapasalamat para don" magalang na sabi ko

Kundi dahil kay Tita ay baka wala ako ngayon dito. Kundi dahil sa kanya ay baka nasa lansangan lang ako ngayon kaya habang buhay ako magpapasalamat sa kabuting ginawa niya sakin lalo na at hindi lang sakin umiikot ang mundo niya dahil may sarili din siyang pamilya at may dalawang anak na pinapaaral tapos dumagdag pa ako. Napakaswerte ko sa kanya kaya gagawin ko lahat para lang masuklian lahat nang hirap na dinanas niya dahil sakin

Nagulat ako nang sunod sunod na nagsidating ang mga pagkain. Sobrang daming inorder ni Tita. Sobra sobra 'to para samin. Baka hindi namain 'to maubos kung kami lang dalawa

"Tita..." nag aalangang sabi ko

"Bakit Love?"

"Hindi po ba masyadong marami yung inorder niyo" nahihiyang tanong ko dahil lahat sila ay mukhang mamahalin

Natawa siya dahil sa sinabi ko kaya naman nagtaka ako. Wala naman siguro akong sinabi na nakakatawa dahil sinabi ko lang naman na masyadong marami yung inorder niya para saming dalawa

"Wag kang mag alala dahil hindi lang naman tayo ang magcecelebrate" sabi niya

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya

Nagulat ako nang may biglang yumakap sakin mula sa likod

"Congrats!" nagagalak na sabi nito

Hinarap ko sila at doon nanlaki ang mata ko. Tinignan ko si Tita na nanlalaki ang mata. Hindi ko alam ang nangyayari

"Congrats" nakangiting bati sakin ni Luke, panganay na anak ni Tita

"T-thank you" nahihiyang sabi ko

Nginitian naman ako ni Janice, bunsong anak ni Tita

So siya pala yung yumakap sakin kanina. Nahihiyang nginitian ko naman siya pabalik. Pinaupo sila ni Tita sa dalawang bakanteng upuan. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit apat yung upuan dito at kung bakit maraming inorder si Tita na pagkain dahil hindi lang pala kaming dalawa dito ang kakain

"Pasensya na kung hindi kami nakabili ng gift para sayo kanina lang kasi sinabi samin ni Mommy yung tungkol dito" paliwanag nito saka sumandok sa pagkaing nakalagay sa lamesa

Sunod sunod naman ang iling na ginawa ko. "Naku hindi na kaylangan, eto nga lang ay sobra sobra na kaya hindi niyo na ako kaylangang bilhan pa nang regalo" nahihiyang sabi ko

"Para namang hindi ka namin pinsan" sagot naman ni Janice sabay subo

"Kaya wag ka nang mahiya samin" nakangiting sabi naman ni Luke

Nahihiyang tumango na lang ako saka nagsimula nading kumain. Magka edad lamang kami ni Janice at mas matanda naman si Luke samin nang isang taon. Mas nauna silang makagraduate kaysa sakin dahil sa Manila sila nag aaral kumpara sakin na nasa probinsiya na binabantayan ang apartment na pag aari nila. Pagkatapos non ay wala nang nagsalita samin dahil kumain na kami

"Love" tawag sakin ni Tita. Tinuon ko naman agad ang tingin ko sa kanya

"Samin ka na lang kaya tumuloy para sama sama na tayo sa bahay tutal iisang University lang naman yung papasukan niyo sa College" suggestion ni Tita

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan aayain niya akong tumira sa bahay nila dahil kaylan man ay hindi ko naisip ang bagay na 'yon

"Oo nga" pag sang ayon naman ni Janice

"Saka isa pa mahirap yung mag isa ka lang lalo na nagyong College na kayo" sabi naman ni Luke saka uminom ng tea

Napaisip naman ako bigla. Hindi ba maaking abala sa kanila kung doon ako titira dahil yung sa lahat si Tita na yung magbabayad sa tuition fee ko tapos patitirahin pa nila ako sa bahay nila edi dadagdag pa ako sa intindihin dahil alam ko naman sa sarili ko na wala akong masyadong maitutulong sa kanila

"Pero---"

"Wala nang pero pero" putol ni Tita sa sasabihin ko

Malakas na napabuntong hininga na lang ako. Mukhang wala na naman akong magagawa nito. Basta sisiguraduhin kong hindi ako magiging pagbigat sa kanila pagdating ko doon

"Pag uwi mo mamaya mag ayos kana agad nang mga gamit mo dahil susunduin ka namin after 5 days" paalala ni Tita

Napatango na lang ako bilang sagot. Pagkatapos naming kumain ay inihatid na nila ako pabalik sa apartment

"Pasensya na kung kaylangan naming umalis agad may aasikasuhin pa kasi ako sa opisina" sabi ni Tita nang marating namin ang apartment

"Ayos lang po saka naiintindihan ko mana po kayo" magalang na sabi ko

Lumapit siya sakin saka niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik. Nag simula siyang hagudin ang likuran ko

"Napaka swerte nag kapatid ko dahil nagkaroon sila nang anak na katulad mo" sabi niya habang hinahagod ang aking likuran

Biglang nangilid ang aking mga luha dahil sa sinabi ni Tita. Pinigilan ko agad ang aking sarili. Ayokong makita nila ako nang ganito. Ayokong masira yung magandang araw nang dahil lang sakin

""Lagi mong tatandaan na malakas ka, Matatag ka, Hindi ka nag iisa at may nagmamahal sayo. Nandito lang kami kung kaylangan mo nang makakausap o masasandalan tuwing may problema ka dahil pamilya tayo at mahal ka namin" dagdag pa nito bago humiwalay sakin

Nanatili akong nakayuko dahil baka kahit anong oras ay tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan

"Aalis na kami at mag iingat ka lagi" paalam nito. Kinalma ko muna ang aking sarili. Bumuntong hininga muna ako bago iangat ang tingin sa kanila. Kumayway ako bilang paalam

Unti unting lumayo ang kotse na kanilang sinasakyan hanggang sa hindi ko na sila nakita pa at tuluyang nawala sa aking paningin. Pagkaalis nila ay pumunta agad ako sa aking apartment at doon nagkulong

Sinarado ko agad ang pinto saka ko doon binuhos ang lahat nang luha na kanina ko pa pinipigilan. Dahan dahang napaluhod ako habang napahawak sa aking dibdib tila na nauubusan ako ng hangin

Lagi kong sinasabi sa sarili ko na 'kaya 'to at kakayanin ko lahat' pero nagkakamali ako. Hindi lahat kayang kong sarilihin. Hindi lahat kaya kong itago. Hindi lahat kaya kong kimkimin dahil sa huli ay bibigay at bibigay ako dahil lahat tayo ay may kanya kanyang kahinaan at limitasyon

But in the end of the day, I realize that I'm just a little girl who needs protection, care, love and attention but I didn't get all of that beacause I'm alone

Next chapter