webnovel

Chapter 59: Thankful

"Bakit kailangan mong hanapin ang kulang?. Higit ka lang masasaktan nyan." si Bamby ito. Tinawagan nya ako, Miyerkules ng umaga. Di na naman ako pumasok. Wasak ang puso ko. Kaya ramdam ko ring, hindi makakon-centrate ang isip ko sa mga lesson namin.

"Wag ka na kasing mag-isip kung alin sa'yo ang wala." dagdag pa nya ng di ako makaimik sa una nyang sinabi. Hindi naman ako nag-iisip. Sadyang, di lang maalis sa utak ko ang isipin ang bagay na wala sa akin.

"Di ko mapigilan bes." isa ito ngayon sa totoong nararamdaman ko.

I heard her sigh. Tapos iniba bigla ang topic. "Ano ngayon ginagawa mo?."

"Nakahiga lang."

"Pumasok ka na kaya. Mas lalo ka lang di magiging maayos kapag ganyang mag-isa ka."

Tama nga sya. Sa tuwing mag-isa ako. Duon ko lalong nararamdaman ang sakit at lungkot. Bumangon ako galing sa pagkakahiga at inayos ang sarili. Papasok ako mamaya kahit tanghali na. Pagod na akong mag-isip. Nakakabaliw.

Kumain ako't naligo. Nagbihis ako ng school uniform bago tuluyang bumaba. Ready na akong umalis nang eksaktong umuwi si Ate Ken. Mamayang hapon pa raw ang sunod nilang pasok. "Saan punta mo?." usisa nya nang lagpasan ako.

"School." sagot ko habang ngumunguya. Inaasikaso ako ni Mama sa hapag. Buhat pa nito si Kim na may chupon sa labi.

I saw how her eyebrows lit up. "Sure ka ha?. Baka mamaya, ihatid ka na naman dito nang puno ng luha yang mata mo?." mabilis akong umiling sa kanya. I've decided it that I should be strong not just for myself but also for the people around me who truly love and cares for me. I should fight for my own peace. Dahil kapag hinayaan ko nalang basta ang sarili kong ganito. It would lead to a depression and anxiety. Mas malala na kapag umabot pa ako duon.

Wala silang nagawa. Ihatid pa nga ako ni Ate sa school gate para makasigurado. She even reminder me so many things na hindi ko naman natandaan. Kailangan pa bang paalalahanan ako?. Matanda na ako for Pete's sake.

"Tuktukan kita dyan eh. Umayos ka Karen." Yan ang huling habilin nya bago sya tuluyang umalis. Pinapasok nya muna ako sa loob bago pinaandar ang sasakyan.

May iilan nang tao sa room. Lahat may kanya kanyang mundo. Itong si Paul lang ang pumansin sakin ng pumasok ako ng room. Sya lang sa iilang andito na ang may alam sa nangyayari sakin. Tumabi ito agad sa bakanteng upuan na inuupuan ko. Sa armchair pa umupo. Paharap sakin. Simple ko syang ninitian matapos ayusin ang tali ng bag ko sa likod.

"Kumain ka na?."

"Hmm.. tapos na." iyon lang ang itinanong nya tapos tinitigan na ako ng matagal. Naiilang ako syempre pero di ko alam kung bakit bigla nalang nawala iyon sa sistema ko. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya't di man lang sinuway. Kung wala pa si Winly na dumating baka ngayon lang. Tunaw na ako na parang sorbetes.

"Whoops!. Good morning sa bagong pasok dyan." maingay nyang bati. Sinipat lamang sya ng iilan saka na dumiretso sa gawi namin. I rolled my eyes at him. "Oh boy!. Bawal pa muna pumorma. Broke ang Ate nyo."

Ang daldal!. Bwiset lang!.

Pinandilatan ko sya ngayon ng mata. Anong broke?. Broken girl.

"Ay, speechless ang girl. No talk na nga lang ako." bulong bulong pa nya. Pilit pinaalis si Paul sa kinauupuan nya't pinabalik na sa sariling upuan. Nagsidatingan na ang lahat. Hanggang sa nagsimula na ring ang afternoon subject namin.

"Karen, diba close kayo ni Kian?. Alam mo rin bang tuloy na yung engagement nila?." isa sa mga kaklase namin ang nagtanong nito. Para akong sinilaban ng apoy dahilan para mag-init ako.

Kingwa! Paano kumalma?.

Napalunok ako ng madiin. Dinig na dinig ko ito. I just stared at her. Gusto ko syang sabunutan o sampalin subalit naisip kong ako lang rin ang mapapahiya. Pilit ko nalang isiniksik sa isip ko na wag nang patulan ang patutsada nya. Feeling ko kasi. May alam ito sa totoong nangyayari kaya ito weird kung kumilos at magsalita ngayon.

Isang ngiti lang ang ginanti ko sa kanya. Gustuhin ko mang itago ang pagkabalisa ko, hindi ko magawa sapagkat nanginig ang mga kamay ko't butil butil na pawis ang tumubo sa ilong at noo ko.

"Ano ba yang tanong mo Janine?. Kita mo na ngang kakapasok lang nang tao." sita sa kanya ni Bamby. Ngumisi lang ang babae sa kanya. Nanlalaban. Duon ko nakumpirma na, may ideya nga sya sa dahilan bat ako ngayon lang pumasok.

"Bakit may sakit ba sya?. Saan naman kaya banda?. Sa puso ba?. Sorry ha, di ko alam."

Marahas at mabilis syang hinila ni Winly paalis sa harapan ko. Sila ang nagtuos sa labas at muntik nang magsabunutan.

Mabuti nalang. Dumating ang subject teacher namin. Di sya umawat. Basta nalang kumaripas papasok ang lahat nung parating na sya.

Pagkadaan ni Winly sa upuan ko. Ibinulong nya ito. "Bruhang yan. Kakalbohin ko mamaya." gigil nyang sabi. Mahinang napahalakhak ang katabi kong lalaki ng marinig din ito.

Classes resume. May quiz at long recitation. Di ako nakapaghanda kaya boplaks ako.

I'm so disappointed to myself.

Baka dahil dito. Bumagsak ako sa list of top students.

After class. Hinanap ni Janine si Winly. May lakas pa sya ng loob. Umaapaw ang kanyang katapangan.

"Bakit?. May kailangan ka?." mataray na ani ng bakla dito. Hinawakan ako ni Winly sa kamay at dinala sa likod nya.

I have many words to say but sorry, I'm just too tired to explain to people who are close minded or have one sided opinion. It sucks to know that many of us have this habit not knowing about the attitude of one another. Sana lang. Kahit wala akong sabihin. Maintindihan nila ako.

"Oo, ikaw. Ano nga ulit yung sinabi mo?. Na tsismosa ako?."

Sarkastikong tumawa ang bakla. Pati na ng ibang nasa paligid na nakikinig. "Wow, proud syang ganun. Kailangan pa bang ulit ulitin iyon sa'yo?."

Naging mataray ang tingin ni Janine. "Di ako nagsasalita ng walang dalang bala bakla."

Napuno ng tawa ang lahat. Ang sabi ng iba. Rhyming daw kasi.

"So, anong punto mo kung ganun?. Dalian mo dahil nasasayang ang oras ko impakta."

Kung saan saan na napunta ang bangayan ng dalawa. Hanggang sa sila na rin mismo ang nagsawa. Mabuti nalang rin at nawala sa usapan nila ang tungkol sakin dahil kung nagkataong ako ang topic at nasa likod lang nila ako. Kingwa!. Sampal iyon saking pagmumukha. Nakakahiya!.

"Bye na Kaka. Wag kang mag-alala ha. Hanggat andito kami sa likod mo, lalaban kami para sa'yo." Winly gave me a tight hug. Madilim na at kami nalang ang tao sa gym. May pinagawa pa kasi sa mga boys ang ibang teachers. Lalo na kila Lance at Aron kaya naghintay kami.

"Salamat Win." sinsero kong tugon.

Ganun din ang paalala ni Bamby. Nagpasalamat ako sa kanya, pati na rin sa iba.

Nagpapasalamat ako't kahit di ako gaanong nagsasabi, alam pa rin nilang kailangan ko sila.

Next chapter