webnovel

Chapter 23: Endearment

Unti-unting lumitaw ang kanina pa nyang tinatago na ngisi nang ako'y tumakbo upang yumakap sa kanya. Doon ako sa kanyang dibdib humagulgol na para bang naagawan ng laruan o ng candy. Kingwa! Ang oa ko pero sa lahat ng nararamdaman ko, ito ang pinakatotoo. Sobrang nag-alala ako sa kanya at sobrang natutuwa ako ngayon na maayos na ang kalagayan nya, na bumalik na sya sa dati. Yung makinis at maputi nyang balat ay hindi na rin mapula at nawala na ang mga pantal. Salamat talaga at nakikita ko na ulit sya.

"Ay grabe sya! Sobrang namiss ba?. hahaha." ito lang naman si bakla na kanina pa ako pinagtitripan.

"Ang ingay mo." saway sa kanya ni Bamby habang ang iilan ay natawa nalang.

"Bat kasi ayaw magpadalaw sa ospital eh? Ang arte kahit kailan. Sinapak mo na ba sa mukha Karen?." halos masamid naman si Billy nang sabihin ito. Tuloy, nahiya akong umalis sa kanyang katawan saka nakayukong pinunasan ang natitirang luha saking mga mata.

"Bawal nga." giit nya rin sa kanila.

"Anong bawal?. bakit nakakahawa ba yang allergies mo ha?. Sus.." si Jaden ito. Isa ring hindi naniniwala sa mga palusot nya. At kung totoo man iyon o hinde, wala na sa akin yun. Atleast ngayon, nakalabas na sya't nakakangiti na hanggang tainga.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang ipakita ang pumangit mong mukha sa kan--.."

"Ang ingay mo." tinakpan nya agad ang bibig ni Bryan. Di ko na tuloy narinig pa kung anong karugtong ng salita nya kanina.

"E kasi nga, baka di na sya magustuhan nung babaeng gusto nya.."

"Isa ka rin. Tumahimik ka nga." saway nito kay Ryan na syang nakaakbay kay Jaden. Parehong nagtawanan ang dalawa na para bang may nakakatawa sa sinabi nya.

"Talaga?. Name reveal naman dyan.." hirit ni Winly. Tapos pumalakpak pa upang mas gatungan ang pang-aasar nya rito. Sinamahan na rin sya ng iba sabay taway.

Umiling lang sya sa kanila. "Wag masyadong titigan gurl. Baka matunaw, sige ka." kalabit pa sakin ng bakla kaya bahagya akong nagulat. Natanaw kong kuminang ang gilid ng ngipin nito nang sya'y ngumiti kila Aron. Di ko maiwasang titigan sya kaya nung lumingon sya sakin, nagtagpo agad ang aming paningin. Doon nya ako kinindatan. "Tara sa dining. Let's eat." alok na nya. Tuloy lalong nag-ingay at nagdiwang ang lahat. Muli kong pinalis ulit ang natirang luha sa aking pisngi gamit ang dalang panyo. Sinadya kong magpahuli para gawin iyon. Nauna na ang iba na talaga nga namang nag-ingay sa buong kabahayan. Di ba sila nahihiya?. Baka mamaya sumulpot bigla parents nya eh, paalisin nalang kami. Tsk. Mga kaibigan nga minsan. Mga walang hiya!.

"Kanina ka pa tahimik. May problema ba?."

"Huh?." nautal kong sambit. Kasi naman, bigla nalang syang sumulpot sa harapan ko habang nakapamulsa. Awtomatikong nagningning ang lahat sa paligid ko. Damn it! Bakit sa tingin ko ay lalo syang gumwapo!?. Waaa...

"Wa-la.. wala naman." hay. Bakit pati dila ko di ko maayos pag nakatitig ako sa taong to?. Para syang may gamit lagi na mahika para malinlang ang mga taong kaharap nya. Ang hirap ipaliwanag ang pakiramdam na to.

"Tsk.. you miss me that much huh?." inilapit nya ang mukha sakin. Napaatras tuloy ako. Napasinghap ng malalim. Kulang nalang masamid ako. "Baby clumsy." tumaas kilay nya.

"Asa.." Singhal ko. Duon naman sya natawa.

"E anong meaning nung yinakap mo ako kanina?. Wala lang ba yun?." ngisi nya pa. Hindi ako makapagsalita. Anong isasagot ko?. Oo na hinde. Susnako! Pagtawanan pa nya ako lalo e. Kaya magandang wag nalang magbigay ng opinyon patungkol doon.

"Hahahaha!. Speechless huh?." humagalpak pa. Lumunok nalang ako kahit sobrang tuyot ang lalamunan ko.

"Master, naiinip na yata ang iba kahihintay sa inyo sa dining area. Doon nalang kayo mag-usap." ani Manong nakaitim.

Teka. Anong master?. Bakit master?. Master?. Iyon ba dinig ko o iba lang pagkakaintindi ko?.

Tumahimik sya't tinignan ng matagal yung taong nagsalita. Di nagtagal ay yumuko yung taong iyon saka walang sabi sabing umalis na.

"Hoy Love birds!. Ano ba?. Di ba kayo gutom?. Kami kanina pa naglalaway dito. Pakibilisan naman. Pft.." umalingawngaw ang boses na ito ni Winly sa may hallway. Napakamot nalang ako ng ulo at parang ganun din ang ginawa ng kasama ko.

"Gutom na nga ako. hehe." para lang mabawasan ang awkwardness, sinabi ko ito. Kingwang bakla yan! Anong sinabi nya kanina?. Love birds!?. Para naman syang sina Ate eh. Pinangungunahan ang lahat!. Waa..

Walang imik kaming pumasok ng dining at nadatnan lang naman namin na pumapapak na ang iba. "Pasensya na pre. Lumamon na kami." paalam ni Aron na kasalukuyan nang kumakain. Nakataas pa ang kanang paa. Susnako!.

"Sige lang. Yan naman gagawin natin dito eh. Kumain. hahaha."

"Iba na talaga kapag galante. Laging pyesta. Haha." si Billy. Naghanap ako ng upuan at ang tanging walang tao ay ang isang punong bahagi kung saan malapit sa isang pintuan at sa kaliwa noon ay bakante rin. Papunta na sana ako duon nang lapitan nya ako't hilainsa braso upang paupuin sa punong bahagi. "Kain lang." paalala pa nya sa iba habang nilalagyan na ng pagkain ang platong nasa harapan ko.

"Ehem." dinig kong may naglinis ng mga lalamunan pero para kay Kian ay parang wala lang ang mga iyon.

"Thanks. Kumain ka na rin." halos hindi ko maibuka ang labi upang sabihin ito. Kingwang sa todo ang aking kaba! Nilalamon lahat ng lakas ko. Pinanginginig ang kamay ko. Tuloy, imbes kutsara ang una kong dadamputin ay pinili ko muna ang basong may tubig. Nilagok ko iyon hanggang sa maubos.

"Nauhaw ako bigla." Ginaya ng mapang-asar na bakla ang ginawa kong pag-inom kanina. "Tignan mo kung may laggam yung baso Win. Baka makagat ka. hahaha." si Bryan.

"Ang baliw. Kumain na nga lang kayo." anya sa mga walang tigil na hirit ng iba.

If you're asking kung may nahahalata ako. Yes po. Observer po ako. As in lahat ng maliliit na bagay sa paligid ko ay nakikita ko. At sinasabi ko ring, kahit nahahalata ko ang mga bagay na iyon ay ayokong paasahin ang sarili ko kapag alam kong wala pa. Ayokong saktan ang sarili ko sa mga bagay na walang kasiguraduhan o kumpirmasyon man lang.

"Eat more, baby clumsy." nilagyan nya pa ng prutas ang plato ko.

"Baby clumsy?. What the heck pre?. hahaha." si Ryan sabay bato ng buto ng kung ano kay Kian.

"Ayiiee.. endearment agad?. Anong level na ba yan ha?.." si Winly na maarte pang tinaasan ako ng kilay.

"Ang bilis.. hahahah." si Jaden to na sya namang binato ni Kian ng hawak na towel na puti. Di ko alam kung saan galing iyon.

"Bwiset kayo." ngiwi nya sa kanila bago tumayo at lumabas. Tuloy, pinagtawanan sya ng lahat. Maliban sakin dahil pinaulan lang naman ako ng mga tanong na di ko alam kung saan kukuha ng sagot.

Ang endearment daw ay para sa magkasintahan sabi ni Aron. Di ko naman alam Anong malay ko diba?. At ang tinawag ni Kian sakin ay parang ganun na daw yun. Gusto kong maniwala pero ayokong umasa. Inuulit ko. Ayokong umasa sa wala.

Next chapter