webnovel

The School Director

Cedric's POV

Kinagabihan, habang nagmumukmok pa ako sa bagong bigay sa'king kwarto, 'di ko naman maiwasang isiping muli ang nangyari sa'min ni Andrew. Ilang beses na kaming nag-away no'n pero agad din naman kaming nagbabati. Pero ito lang ang pinakaunang beses na pinagsalitaan niya ako ng gano'n.

And for what? Dahil lang sa nalipat ako sa Alpha Section, gano'n?

Simula yata ng nalipat ako sa section na 'yan, nagkanda-letse letse na yata ang buhay ko.

*Bzztt bzztt*

Napaupo ako ng 'di oras sa kamang hinihigaan ko at kinuha 'yung cellphone ko na nasa aking side table. Nagtaka naman ako ng makita kong naka-add ako sa group chat ng Alpha Section.

"Guys, magmadali kayong pumunta rito sa com. lab." Kita kong si Kylie ang nagmessage.

Nagtaka naman ako pero agad ko namang sinunod ang sinabi ni Kylie. Lumabas ako sa'king dorm nang naka-plain white shirt at khaki pants at nagmadaling nagtungo sa com. lab.

***

Pagkarating ko sa nabanggit na com. lab sa fourth floor ay iniswipe ko sa may pinto ang bitbit kong ID. Nang magbukas na ito ay agad na akong pumasok. Nagulat naman ako nang makita kong lahat ng mga kaklase ko ay naririto na at nagtitipun-tipon sa tapat ng isang nakapatay na computer screen.

Well except kay Warren na parang may sariling mundo sa kanyang kinauupuan at abala sa pagtitipak sa kanyang laptop.

"Ano'ng meron?" pambungad kong tanong as soon as nakalapit na ako sa grupo.

"Well, ipinatawag ko kayo ngayon para pag-usapan natin ang tungkol sa nasaksihan natin kaninang umaga." sagot naman ni Kylie. Agad napukaw ang atensyon ko sa kanyang sinabi.

"Ang astig nga no'n eh. May kanya-kanya tayong powers." tuwang-tuwa pang sabi ng kambal kong kaklase sabay apir sa isa't-isa.

"They're right. We can actually use our powers in our own benefits. That makes us superior over others." mayabang namang sagot ng kaklase naming babae na may kulay blonde na buhok na inayos niya into a ponytail sa kasalukuyan.

"Pero don't you think hindi ito makakasama sa'tin? At ano ang aksyon ng school upon knowing our powers? Hindi ba sumagi sa isipan niyo na baka pag-e-eksperimentuhan tayo, gano'n?" nag-aalalang sabi ni Kylie.

"Ooohh! Magiging X-men na ba tayo? Or Teen Titans?" masigasig namang suhestyon ni Mitch. Kita ko namang napa-roll eyes 'yung maarte naming kaklase.

"Kakabasa niyo ng comics, kung anu-ano na 'yang pumapasok sa mga utak niyo." she sneered at them.

"Palibhasa boring ang childhood mo Sasha." sabat naman ni Mitch sabay labas ng kanyang dila dito while making a face sa kanyang harapan. Inirapan lang siya ng tinawag niyang Sasha.

"Hindi sa gano'n." Nalipat naman ang tingin namin dito kay Elise na hindi ko namalayang andito din pala.

Pero agad din namang nalipat ang aming atensyon sa mayabang kong kaklaseng si Warren ng bigla itong tumikhim.

"Ang ingay niyo. Panuorin niyo na lang ito." sabi niya sabay lapag sa bakanteng mesa ang kanyang laptop.

Nagtaka naman ako ng makita ko sa kanyang laptop screen ang nakatayong imahe ni Mr. Cruz sa isang malapad na kwarto habang kausap ang isang lalaki rin na, sa kasamaang palad, ay nakatalikod ang kanyang swivel chair mula sa camera kaya hindi namin kita ang kanyang pagmumukha.

"Teka, paano'ng--"

"Naglagay ako ng isang maliit na spy camera in a form of a sticker at idinikit ko kanina sa ballpen na parating gamit ni Mr. Cruz. So keep quiet at manuod ka na lang." Bago pa ako tuluyang makapagtanong ay agad naman itomg sinagot ni Warren.

Matapos no'n ay napili ko nang tumahimik at magconcentrate sa gusto niyang ipanuod sa'min.

"So how's the progress of your Alpha Students, Mr. Cruz?" rinig kong tanong no'ng lalaking nakatalikod sa camera. Base sa kanyang boses, mahihinuha mong nasa kwarenta na o higit pa ang edad nito.

"One of my students, Dwayne Gonzales, was my first student to discover his property for this batch. The rest of them are yet to discover theirs." pagre-report naman sa kanya ni Mr. Cruz.

"Sabi na nga ba eh, pag-e-eksperimentuhan tayo ng school." biglaang komento ni Kylie pero agad din siyang pinatahimik ng iba pang naririto.

"What do you suggest in planning to do next?" tanong no'ng misteryosong lalaki.

"I say, we'll wait for others to discover their properties. I think it's just a matter of time before they can discover it." sagot naman ni Mr. Cruz.

"If that is the case, I will leave them in your care then Mr. Cruz. You may now go."

Pagka-dismiss sa kanya no'ng misteryosong lalaki ay agad naman siyang tinalikuran ni Mr. Cruz at akala naming lahat na 'yun na ang pagtatapos ng kanilang pag-uusap.

"Wait."

Muling nagsalita ang naturang lalaki, dahilan para mapatigil si Mr. Cruz sa paglalakad at napatingin ulit sa kanyang kausap.

"Akin na 'yang ballpen mo." utos ulit no'ng lalaki. Nagtataka namang kinuha ni Mr. Cruz ang kanyang ballpen na nakasabit sa bulsa ng kanyang suot na polo at binigay ito sa kanyang kausap. Pansin din naming tila nagalaw 'yung camera dahil dito.

"Lagot. Mukhang nabuking tayo no'ng lalaki." komento ng isa sa mga kambal. Nabahala naman kaming lahat.

Pansin naming umikot paharap ang swivel chair, letting us finally see the face of the guy Mr. Cruz is talking to earlier.

"Hello sa inyo my dear Alpha Students. I am your school director, Mr. Eric Salviejo."

Ipinuwesto no'ng lalaki ang ballpen sa parteng klaro naming makikita ang kanyang pagmumukha. Bumungad sa'min ang mukha ng isang middle-aged na lalaki na nakabrush up ang kulay itim nitong buhok, nakasuot ng glasses, at may itim na balbas na katamtaman lang ang kapal. Kasalukuyan siyang nakangiti sa camera, pero is it just me or ang creepy ng kanyang ngiti?!

"I know that right now, marami kayong mga tanong tungkol sa inyong mga sarili at nais niyong mahanap ang mga kasagutan sa pamamagitan ng paglalagay ng spy camera sa ballpen na ito. Very clever move, Warren Santiago." panimula ng nagpakilalang school director. Kita ko namang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Warren pagkabanggit ng kanyang pangalan.

"First of all, you can rest assured na hindi namin kayo pag-e-eksperimentuhan kagaya siguro ng mga iniisip ninyo ngayon." With this statement ay pansin kong nakahinga ng maluwag itong si Kylie.

"Ang gusto lang namin para sa inyo ay ang mapabuti kayo at madevelop niyo pa ang inyong mga nakatagong kakayahan. So I assigned Mr. Cruz here to take care of each one of you."

"So do your best, and work hand in hand with your class adviser to develop your hidden powers. You'll have a bright future ahead if you'll do so."

Ito na yata ang pinakahuling statement na narinig namin mula sa school director bago niya tinanggal ang nakadikit na sticker mula sa ballpen ni Mr. Cruz. Upon doing so, biglang naging black and white ang screen sa laptop ni Warren.

"If what the director said is true, then there's nothing to worry about, right guys?" pagbasag no'ng tinawag na Sasha sa namuong katahimikan kanina. Nag-agree naman ang lahat sa kanyang sinabi.

Except sa'kin. I think there's something mysterious about our school director. In my perspective, mukha siyang isang taong maraming itinatagong mga sikreto sa likod ng kanyang makahulugang mga ngiti.

And I'm certain that those secrets are yet to be discovered in the future...

.

.

.

.

{Not part of the story but I would like to announce that updates for this will be on FRIDAYS and SATURDAYS, no exact time. Stay at home. Stay safe everyone.}

{PS: Read each of my author's notes below too. TYSM.}

Yo! If you're enjoying this story, please don't forget to rate my story and leave a comment. Help me to improve >O<

AteJanzcreators' thoughts
Next chapter