webnovel

" THE HEART OF AMNESIA " ( PART 15 )

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong tumungo ng eskwelahan, hindi na ako dumeretso sa mess area para mag agahan. Para saan pa? Hindi naman sa maarte sa pagkain, pero sana naman di nila tinitipid yung asin diba? Pero gayunpaman, salamat pa rin sa libre! Medyo badtrip ako ngayon sensya na!.

Nang nasa eskwelahan na ako :

Agad akong sinalubong ni Renz, galit na galit. Kesyo muntikan na daw sila ni Paulo ikulong ng mga pulis. Natawa lang ako, alam ko naman gusto nya lang akong patawanin. Pero lumang style na eh!.

" Kamusta nga pala si Steve?". Tanong nya.

" Ayos lang! Kulang nalang ipreserve ang katawan nya sa ancient coffin dahil sa tapal ng benda sa buong katawan..". Sagot ko at pakawala ng hilaw na ngiti.

" Haha gago!". Tugon nyang patawa.

" Puntahan natin sya mamaya tol?". Pag anyaya ko sa kanya.

" O-oo ba? Pero kailangan mo muna akong ilibre!". Sabay tawa.

" Ok! Wag kana sumama!!". Bulyaw ko.

" Syempre biro lang tol! Haha!". Napaisip sya. " Eh kung bilihan kaya natin sya ng prutas?". Dugtong nya.

" Wag na! Nandoon naman ang kuya nya..". Sambit ko.

" H-ha talaga? Gwapo din ba tol?". Sarkastikong biro nya.

Di ako sumagot. Tinitigan ko sya ng masama, alam ko na ang gusto nyang sabihin. Aasarin lang nya ako. Ayoko munang makipag asaran baka mabwisit lang ako sa kanya!.

Napangisi nalang sya. " A-ah hehe.. anong oras pala?". Si Renz.

" Ikaw? Kung excited ka pwede now na!". Sarkastikong biro ko.

" H-haha! Loko w-wag tol!.. Ayoko na magcutting! Nababawasan allowance ko eh!..". Sagot nya.

Napailing nalang ako at ngumisi sabay deretso sa aking upuan. Napatingin ako sa inuupuan ni Steve. Tinitigan ko ang kanyang upuan. Naalala ko pa noong bawat lingon ko ay lilingon din sya, maglalabas ng nakakalokong ngiti at kikindat kindat pa. Ako naman ay maiinis, ilalapit ko ang aking ang mukha sa kanya at bigla syang bubulungan. " B-A-L-I-W!".

Naramdaman ko naman may kumalabit sa aking likuran. Si Renz, minuwestrahan akong tumabi sya sa akin at itinuro ang upuan ni Steve at doon daw sya uupo. Pumayag rin ako, alam ko naman mangongopya lang yan kaya gustong gusto akong katabi nyan.

-----

" TOL! TOL! TOOOOL!".

Bigla akong nakarinig ng isang malakas na katok sa aking kwarto at may nagsisigaw na tao sa labas. Agad kong binuksan ang pinto.

Si Renz.

" Ano ka ba tol! Para kang ewan dyan kung makakatok!! Sisirain mo ba yung pinto?!!". Bulyaw ko.

Bigla syang natahimik. Napatitig sa akin, nakatapis lang kasi ako ng tuwalya at lantad ang aking kahindik hindik na pang itaas na katawan ko at bagong paligo.

" Papasok ka ba o papasok ka??". Sigaw ko.

Bumalik naman sya sa kanyang ulirat. " A-ah eh!". Ang tangi nyang naisagot.

" Bakla ka ba?". Sarkastikong tanong ko sa kanya.

" A-ano? A-ako bakla? Hi-hindi noh! Alam mong may girlfriend ako tapos sasabihan mo akong bakla?". Giit nya. " Sino kaya?". Dungtong nya pero mahina lang ito, natawa pa.

" May sinasabi ka?". Bulyaw ko.

" W-wala!! B-bakit hindi ka pa magbihis. Bilisan mo nang makita na natin si utol!!". Saad nya.

" Utol ang puta!". Sa sarili ko. Di ko na sya sinagot at agad nalang akong nagbihis. Pagbaba namin ay sumakay agad kami sa motorsiklo ni Renz at agad na rin nya itong pinaandar. Tuluyan na namin nilisan ang boarding house.

Sa ospital :

Pagpasok na namin sa loob. Naabutan namin doon ang nakaassign na nurse, wala pa si kuya Zachary. Nakita na rin namin na gising na si Steve at wala ng mga nakakabit sa kanyang ilong at bibig. Bagamat di pa nya kami napapansin, kitang kita na sa kanyang mukha na masaya syang inaasikaso ng kanyang nurse. Tila may pinag uusapan silang dalawa. Baka nagkamabutihan na siguro sila. Maganda rin naman kasi 'tong nurse, hawig ni Jessie Mendiola. Nakita ko na sya noong minsang pumasok sya dito sa loob habang ako nag bantay ni Steve. Kaya pala ganon nalang kung makangiti itong si baliw. Sa totoo lang may konting selos akong naramdaman. Pero sa wakas? Napansin na din kami ni Renz na nasa tapat lang ng pinto.

" T-tol!". Ani ni Steve.

" A-ah.. O-ok lang kami tol, unahin mo munang lumandi! Mamaya na kami..". Sarkastikong biro ko.

Napangit na naman sya, kita na naman sa kanyang mukha ang nakalalokong ngiti. Muli syang bumaling sa nurse.

" Ok na ako Brenda.. Ako nang bahala dito". Sabi nya sa nurse.

" Ok sir!". Sagot ng nurse na Brenda ang pangalan. Tuluyan na rin syang tumalikod kay Steve. Akmang tiningnan pa ako, ngumiti sabay pakawala ng isang kindat.

Ako naman ay nagulat ako sa tinuran nya kaya sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa paglabas nito. Pati si Renz ay napatingin din.

" T-tol nakita mo yun?". Tawang tawang sambit ni Renz.

Wala akong nasabi. Natulala ako, naculture shock ba kung tawagin.

" A-ayaw mo ba sa kanya babe?". Birong tanong ni Steve.

Nalito akong bigla. " H-ha? A-ano? D-diba ikaw itong kinikilig sa kanya? Bakit bigla akong nadamay dyan?". Pagalit kong sagot.

" Haha! Gusto ka nya babe..". Pabiro na naman nya.

Di ko na pinatulan ang biro nya. " Oo nga pala nasaan si Kuya Zachary?" Tanong ko.

Bigla namang lumungkot ng mukha ni Steve. " S-ya ba ang pinunta mo dito?". Sagot nya tapos nagpout.

" Pag sinabi ko sayong oo anong gagawin mo?". Mapang asar kong tanong.

" E-edi congrats?". Mabilisang sagot nya.

Ngumisi ako, inangasan ko rin sya. " Haha! Kala mo ah!".

Ngumiti pa rin sya. Parang wala syang pakialam na sungitan ko sya. Tuwang tuwa pa.

Lumingon ako kay Renz na mukhang tanga lang. " Tol pwedeng umupo..".

" A-ah oo nga.. sabi ko nga!".

Agad kaming naupo ni Renz sa katabi lang ng pinto at nanood ng palabas sa tv. Ganoon din ang ginawa ni Steve, natahimik nalang. Maya maya ay may biglang pumasok, si Kuya Zachary ang kuya ni Steve. May dala dalang prutas at take out na pagkain. Naka uniporme lang sya, pangkolehiyo siguro iyon at mukhang kakatapos lang din ng klase nya. Napatayo kaming dalawa ni Renz nang mapansin nya kami.

" Kanina pa ba kayo?". Tanong ni Kuya Zachary.

" Ngayon lang po kuya..". Pahumble kong sagot.

Itutuloy...

Next chapter