webnovel

PART 40 Sweet Goodbye

NATASHA (ASH) AMORINE POV

Tumila ang ulan. Unti-unting bumalik ang liwanag. Sumilay ang bahag-hari sa malawak na kaulapan. Kay gandang pag masdan. Kay gaan sa pakiramdam. Kay sarap niyang karamay.

"Hindi tatagal ang unos Ash. Palaging may pag-asa." Saad ni Spencer.

"At lahat ng bagay ay may takdang oras at pagkakataon." Usal ko saka hinawakan ang kaniyang kamay at lumakad pabalik sa Mansion.

"Manang pasuyo naman ho ng kape at gatas." Magalang na sabi ni Spencer sa isa sa mga katulong.

Kasalukuyan kaming naka upo sa balcony. Natuyuan na kaming dalawa kung kayat parehas lamang kaming giniginaw. Ilang sandali pa ay dumating na ang bagong timplang kape at gatas.

"Ano yun?" Tanong ko ng mapansin ang phone niya na pasimpleng isinilid.

"It's nothing." Saad niya saka hinawakan ang aking kamay.

"Give me your phone then!" Naka nguso kong sabi.

"Okay. But Show me your boobs first." Naniningkit niyang sabi.

"Hey!" Usal ni Marco na kakarating lang.

"Marco?" Sambit ni Spencer.

"Gotcha!" Hiyaw ko ng maagaw ang phone niya.

"I came because---Tyrone wants to talk to you. Spencer?" Seryosong sabi ni Marco.

"If this about --"

"But seems you two were busy maybe next time then." Naka ngiting sabi ni Marco.

"Where are you going? Come here! Join with us!" Usal ni Spencer saka sumimsim ng kape.

"No thanks. May dadaanan pa ako." Sagot niya. Tipid pa siyang ngumiti bago pumanaog.

"Okay na ba talaga kayo ni Tyrone?" Tanong ko.

"Yes." Sagot niya saka napabuntong hininga.

"Dahil sa akin nasira ang samahan niyo." Sambit ko bago uminom ng gatas.

Bumalik muli ang aking atensiyon sa kaniyang phone. Nang buksan ko iyon laking gulat ko na halos mapuno na pala ng pictures ko ang gallery. Halos lahat stolen shot.

"Tsk! Nahihiya ka pa ipakita sa akin eh ako lang naman 'to." Natatawa kong sabi.

"Are you done?" Tanong niya.

"Wait." Sambit ko ng mapansin ang kakaibang larawan. Medyo blur at crop. Edited iyon kung saan mayroong hugis puso ang nasa paligid ng ultrasound.

"That's am..." utal na sambit ni Spencer.

"Yeah ultrasound. I know." Nakangiti kong sabi.

"Ihahatid na kit--"

"May naisip ka na bang pangalan?" Tanong ko kahit pa kumikirot ang puso ko sa di malamang dahilan.

"Wala pa." Tipid niyang sagot saka diretsyong nilagok ang kape.

Napansin ko na biglang nag iba ang awra niya. Nag lihis ng tingin saka tumayo. Binitiwan ko ang kaniyang phone. Saka siya niyakap.

"Sweetheart..." malambing kong sambit.

"Yes?" Tanong niya.

"You said awhile-you wanted to see my boobs. Right?" Biro ko dahilan para humagikgik siya.

Tumingin tingin pa siya sa paligid habang takip ng kaniyang palad ang aking bibig.

"Wag ka ngang assuming. Wala ka naman kasing boobs." Natatawa niyang sabi saka humagalpak ng tawa.

Bumaba ang aking tingin sa dibdib. kinapa ko pa tuloy ng wala sa oras.

"Grabe ka. Meron naman kahit paano!" Inis kong sabi saka siya tinalikuran.

"Don't worry. Iigihan ko pa ang pag masahe para--"

"Ang sama naman ng ugali mo!" Nakanguso kong usal. Saka siya sinikmurahan.

Medyo naiiyak ako sa sinabi niya. Nakakapanliit tuloy. Pero siya patuloy pa rin sa pang aasar at pag tawa.

"Cup B naman ako no!" Hiyaw ko.

"Cup--B?" Ulit niya na tila napapaisip.

"Oo cup B!"

"Aaah! CUPatagan? As in Anyong lupa?" Hiyaw niya saka humalakhak na parang walang bukas.

"Naasar na talaga ako! Ang sakit naman ng sinasabi mo!" Maktol ko.

Hawak niya ang aking mga kamay kung kayat Hindi ko siya magawang batukan.

"Buti na lang mayaman ako. At least, may pang gatas ang mga anak natin!" Asar niya saka muling humalakhak. Namumula na siya sa kakatawa at halos mamilipit na ang ang tiyan.

Minabuti kong manahimik dahil asar-talo na talaga ako. Buwisit na buwisit na ako sa sinasabi niya kaya hindi ko na pinatulan pa ang pang aasar niya.

"Ouy? Biro lang naman..." malambing niyang sabi.

Matagal ko talaga siyang hindi inimik. Mga limang segundo.

Di ko pa rin siya pinapansin. Nakakayurak ng pagkababae yung sinabi niya.

"Sobra ka naman kasi!" Bulyaw ko habang inaalis ang kamay niyang nakapulupot sa aking bewang.

"I'm just---saying the truth. I want to be honest with you. Para lang alam mo na--"

"Na ano?" Taas kilay kong tanong.

"Na Flat ka. Baka kasi wala pang nagsabi sa'yo." Natatawa niyang sabi na lalong nag painis sa akin.

"Edi humanap ka ng iba." Bulong ko sa hangin.

"Ouy! Ito naman. Biro lang sweetheart!" Usal niya saka humalakhak.

"Umayos ka na kasi! Naiinis na talaga ako." Inis kong sabi sabay hampas sa kaniyang dibdib.

"Sinasabi ko 'to para lang alam mo na, hindi ko hahanapin sa iba ang anumang wala sa iyo o pagkukulang mo. Tanggap kita kung ano at sino ka. Kahit pa--FLAT Ka. Natasha."

This time, seryoso siya. Kita ko ang sinseridad sa kaniyang mata at ramdam ko na totoo ang sinasabi niya. Napakagat ako sa aking labi. Sa halip na mainis, nakaramdam ako ng kilig.

"Pasilong naman." Sambit ko kay Spencer saka siya niyakap.

"Wala namang ulan ah?" Pag tataka niya.

"Umuulan ng puso. Kinikilig ako." Mahina kong sambit.

Dinig ko pa ang pag hagikgik niya bago ako hinagip papasok.

"Excuse." Sambit ni Spencer ng mag ring ang phone.

"Shit! Nakalimutan ko yung fries and carbonara!" Nag aalalang sabi ni Spencer bago sagutin ang tawag.

"Yes tita kasandra?"

"Mom? Nasa hospital ka? Bakit na sa iyo ang phone ni Tita kasandra? " Pag tataka ni Spencer.

Si Madam Mervie nasa Hospital? "Tanong saking isip."

"Gimme twenty minutes!" Natatarantang sabi ni Spencer bago pinutol ang tawag.

Mabilis siyang nag bihis. Aligaga at bakas sa kaniyang mukha ang labis na takot, kaba, at pag-aalala sa di malamang dahilan.

Nakasandal lamang ako sa pinto. Pinapanood siya habang nag bibihis. Nanginginig pa ang kaniyang kamay nang i-check ang cash ng kaniyang wallet.

"Natasha!" Tawag niya habang palapit sa akin.

"Sige na! Naiintindihan ko." Nakangiti kong sabi saka siya hinalikan.

"Let's go! I need you there. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka." Malumbay niyang saad saka ako hinila sa aking palapulsuhan.

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari. Basta ang alam ko lang ay hindi maganda ang naganap. Sana lang ay mabuti ang lagay ni Trixie at ng baby.

Tahimik kong inoobserbahan ang bawat mahinang mura na lumalabas sa bibig ni Spencer. Halos mayat-maya siya bumubusina at sobrang tulin na rin ng kaniyang pag mamaneho.

Maka ilang beses niyang hinampas ng pagkalakas lakas ang manubela. Napapasabunot at walang preno sa pag mumura.

"Kumalma ka. Baka mapahamak--"

"Kalma? Nasa panganib ang mag ina ko!" Bulyaw niya na ikinabigla ko.

Nagsisisi akong nag salita pa. Sana ay nanahimik na lang ako.

"I'm sorry. Di ko sinasadyang sigawan ka." Malambing na Saad niya ng di ako nililingon.

Napabuga ako ng malalim na pag hinga. Sana lamang ay maayos ang lagay ng dalawa. Isipin ko pa lang na nasa panganib si Trixie at ang baby para na akong hinahatulan ng kamatayan.

"Mom where is she?" Bungad ni Spencer sa kaniyang Ina na taimtim na nananalangin sa labas ng silid.

"Nasa room niya. Inaasikaso naman na siya." Natatarantang sabi ng kaniyang Ina.

Napabuntong hininga si Spencer saka hinagkan ng halik ang aking kamay na mula pag pasok hanggang ngayon ay mahigpit niyang hawak.

"Aa-ano ba nangyari?" Utal na tanong ni Spencer.

"Magkausap pa kami kanina. Tapos pilit ka niyang tinatawagan..." saglit pa na sumulyap sa akin ang kaniyang Ina na tila nag aalangan na mag salita. "Di mo raw sinasagot. Bigla na lang bumaba ang oxygen niya sa monitor. Muntik na siyang mag flatline pero lumalaban sila. Anak." Umiiyak na sabi ng Ginang.

Nakaramdam ako ng pag sisisi. Nagawa ko ngang sumaya pero kapalit naman non ay ang nalagay sa panganib ang dalawang buhay.

Mariing kinagat ni Spencer ang ibabang labi. Bakas sa kaniyang mga mata ang takot.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Papá at tita kasandra mula sa loob ng silid. Parehas lamang na mugto ang kanilang mga mata. Tila kinasusuklaman nila ako ng tignan mula ulo hanggang paa.

"Talagang sumama ka pa talaga dito?" Gigil na sabi ni kasandra.

"Hindi mo na ba ako bibigyan ng kahihiyan?" Tanong ni Papá na halos mangitnig ang ipin sa galit.

"Ako ang nag sama sa kaniya dito. She's my fiancé so what?" Saad ni Spencer saka ako sinulyapan.

"Kapag may nangyaring masama kay Trixie, kalimutan mo na na anak kita. Dahil hindi kita mapapatawad!" Hiyaw ni Papá saka ako dinuro.

"It's my fault Tito. Wala siyang kasalanan." Saad ni Spencer.

"Isa ka pa! Kundi lang dahil kay Trixie at sa bata, baka napatay na rin kita!" Sigaw ni Papá at buong lakas na sinuntok si Spencer dahilan para dumugo ang kaniyang labi.

"Arturo!" Sigaw ni Madam Mervie. At mabilis na pumagitan sa dalawa.

"Wala kayo sa lugar para pairalin ang init ng ulo at galit niyo!" Sita ng Ginang.

Hindi ko man ginusto ang malagay sila sa alanganin, pero ito ako! Tumatanggap ng pang aakusa at bukod tanging pinag bubuntungan ng masisisi. Pakiramdam ko lahat ng kamay at mata ay nasa akin.

Lahat kami ay napatigil ng biglang bumukas ang pinto ng silid ni Trixie. Halos takasan ako ng ulirat ng masaksihan ko ang dugo na na nagkalat sa kaniyang suot at puting higaan. Nangingitim at tila walang naririnig. Nakapikit at tila nakikipag habulan sa pag hinga.

"We have to transfer her sa ICU! Humihina ang heartbeat nilang dalawa...." ani ng doctor.

"Trixie! No! Please lumaban kayo ng baby natin please! I'm here now!" Hiyaw ni Spencer habang hawak ang kaliwang kamay ni Trixie.

Sa puntong iyon, paulit ulit na umeeko sa akin ang sinabi ng doctor. Habang naka titig ako sa kamay nilang magkahawak. Sinimulan na itulak ang stretcher bed ni Trixie. Habang pahigpit ng pahigpit ang pag hawak ni Spencer kay Trixie-Lumuwag naman ang kaniyang pagkakahawak sa akin hanggang sa tuluyan na siyang bumitiw sa akin.

"Please baby! Papa is here! Hold on please!" Pag tangis ng aking Mahal.

Mula sa malayo, wala akong magawa kundi ang pagmasdan ang kaniyang pag tangis at Hagulgol.

"Please Doc! Gawin niyo lahat mabuhay lang Sila! Please!" Nakaluhod na sabi ng aking mahal na si Spencer.

Napaupo at umiyak na lamang din ang kaniyang Ina. Si kasandra naman ay yakap si Papá habang umiiyak. Hindi na dapat ako pumunta pa rito. Hindi na dapat.

Mabilis akong tumakbo palabas ng building. Nilakad ko ang kahabaan ng kalsada. Lutang at tila pipi. Natagpuan ko na lamang ang aking sariling nakaupo sa waiting shed. Lumuluha at malayo ang tanaw.

"Ash!" Sigaw ni Papá na tila sasabak sa gera.

"Look what have you done! Ikaw mismo ang nag lagay kay Trixie at sa bata sa panganib!" Bulyaw ni Papá sa akin habang hawak ang aking braso.

"Hanggang dito ba naman papanindigan mo na ako ang dahilan ng lahat ng ito?!" Mahina kong sabi.

"I warned you! Pero di ka nakinig! Pinagpilitan mo ang gusto mo!" Sigaw ni Papá saka napaluhod at humagulgol.

"At anong gusto mong gawin ko Papá?! Pagod na pagod na akong ipaliwanag ang sarili ko sa inyo! Pagod na akong saluhin lahat ng sisi! At para lang malaman mo Papá, sa sobrang pang aalipusta mo sa akin, Isang gabi ipinag dasal ko rin sa Dios na sana-- Na sana! Ako ang nasa sitwasyon ng paborito mong anak! At sana nga ako na lang ang nag aagaw buhay! Na sana mamatay na lang ako!" Hindi ko na napigilan ang pag luha. Di ko batid ang mga taong napapatingin o napapadaan sa amin.

"Dahil alam mo Papá? Narinig ko lang naman sa iyo na nag sisisi ka noong nagpakamatay si Austine! Baka sakaling kapag wala na ako--- doon ay ma appreciate mo 'ko! Sana! Sana MAMATAY NA LANG AKO! Baka doon lumabas sa bibig mo na MAHAL NA MAHAL KITA NATASHA! Kahit pa hindi ko na iyon maririnig dahil habang buhay na akong mahihimlay sa kabaong! Humihinga pa ako pero pinapatay mo na Ako Papá!."

Nanlaki at namilog ang mga mata ni Papá. Napa uwang ang labi matapos kong mag salita. Kumaripas ako ng takbo palayo sa kaniya.

Gabi na naman. Ang bilis ng oras. Parang kahapon lang, estudyante pa ako sa GRU. Kabilang sa mga nabansagan na CUPCAKE LADY. Dahil mahirap na lang ang buhay namin.

Parang kailan lang nung kapiling pa namin si Austine...

Parang kailan lang noong ilibing ko ang puso ko sa probinsya kasama ng mga pangit na ala-ala.

Pero may mas sasakit pa pala sa kabila ng lahat ng pinag daanan ko. Sa kagustuhan kong sumaya, nalagay sa alanganin ang buhay ni Trixie at ng walang muwang.

Makalipas ang ilang minutong pamamahinga, nag pasya akong bumalik na sa aking unit. Buo na ang aking desisyon. Sa gabing ito, kinakailangan kong gawin ang dapat. Alang-ala na lang sa isang batang walang muwang. Alam ko kung paano mag dusa ang may kahati sa Ama. Mahirap man, pero ito ang Tama.

Mabilisan kong inimpake ang aking mga gamit. Sa ngayon ay mahahalagang dokumento lamang at bilang na damit ang aking dadalhin. Minabuti kong i-off ang aking phone. Ayoko munang ipaalam sa iba ang plano ko. Maging kay Mamá. Sa ngayon, gusto ko lang muna makapag isa. Gusto ko ng peace of mind.

"And where do you think you're going?"

"Spencer?" Gulat kong sambit nang makita ko siya sa labas ng aking unit.

Dumilim ang kaniyang mukha nang tignan ang aking bagahe.

"Are you leaving? Ash?" Malungkot niyang tanong. Nangingilid ang luha sa kaniyang mapungay at mugtong mata.

Mabilis kong pinunasan ang aking luha. Nag lihis ng tingin saka tumango.

"Is this the end? Itatapon mo na lang ba lahat?" Lumuluha niyang saad saka hinawakan ang aking palad na may benda.

"This wound. It'll be worthless kapag umalis ka. Ash."

"Hindi balewala ang sugat na ito Spencer. Dahil ang totoo, hawak man kita o hindi, masusugatan at masusugatan ako. Dahil ganon naman talaga kapag nagmamahal..." Lumuluha kong sabi.

"Aalis ako. Pero hindi ako mawawala sa buhay mo." Saad ko.

"Ngayon kita kailangan Ash! Ngayon kita mas kailangan! Ikaw lang ang puwede kong matakbuhan! Aalis ka habang ako---" Hindi na niya nakayanan pa ang mag salita.

Niyakap niya ako saka humagulgol na parang isang paslit.

"I know, hindi mo ito gustong gawin. Si Tito Arturo ba ang dahilan?" Tanong niya saka kumalas sa pag yakap.

Umiling ako. Diretsyong tumingin sa kaniyang mga mata bago nag salita.

"Aalis ako. Hindi dahil iyon ang gusto ng mga taong nasa paligid natin. Aalis ako dahil gusto kong makasama mo ang anak mo at mahalin siya ng buong puso."

"Pero mahal din kita Ash! Please!" Pag tangis niya.

"Ako din Spencer. Mahal na mahal kita..." nanghihina kong sambit habang hawak ang kaniyang kamay.

"Basta tandaan mo, aalis ako hindi dahil hindi kita mahal. Aalis ako dahil ayaw kitang mahirapan pa..." nakangiti kong saad habang patuloy sa pag iyak at pag hikbi.

"Hahayaan mo ba akong bumagsak? bibitiw ka na? Hindi mo na ba kayang hawakan ng matagal ang pisi na may bubog?..." Napahawak siya sa kaniyang tuhod. Nanghina at unti-unting napaluhod.

""I'm sorry..." Sambit ko at sa huling pagkakataon, niyakap ko siya at hinalikan.

"What happened on us? Ash? You made me believed in all your sweetlies! Akala ko--akala ko laban natin 'to? Pero sa huli, ako na lang pala mag-isa! Bumitiw ka! Iiwan mo ako sa ere!" Sahod ng kaniyang palad ang luhang umaagos sa pisngi.

Naaawa na ako sa kaniya. Gusto ko ng bawiin ang sinabi ko pero natatakot ako. Takot ako na mawala tuluyan ang mag-ina niya dahil sa akin. Na baka sa huli--maging siya ay isisi sa akin ang lahat. Ayoko! Hindi na bale sila Papá ang kamuhian ako huwag lang ang lalaking mahal ko.

"Ikaw lang ang minahal ko ng ganito Spencer. Once a slave always a Slave... please forget Ash just like an ash onto your palm. Destroyed by the wind. I'm gone. I didn't left. Goodbye."

"Go on! Leave me! I will find you. You can ran and hide from me but I will always find ways to get you. Take you back in my life. Turtle."

Saad niya na tila may ligaya at pag asa sa bawat niyang pag bigkas.

Minsan sinabi niya na gagawa siya ng paraan para maging karapat dapat kami sa isat isa. Kahit para talaga kami sa iba...

"Take this Natasha." Usal niya saka inabot ang tsokolateng haba sa aking kamay.

"Take this chocolate as my heart that is always be with you. Now and forever. Goodbye Natasha." Malambing niyang sabi saka ako hinalikan sa noo.

Huling sulyap para sa aking minamahal...

Sa aking pag lisan, baon na naman ang isang pangako na habang buhay kong panghahawakan.

Diretsyo akong pumasok sa elevator. Tiniis ko na hindi siya lingunin dahil baka hindi ko kayanin. Baka mag bago ang isip ko.

"Spencer Vahrmaux. Ikaw ang bubog na habang buhay kong hahawakan. Masugatan man ako, naka handa akong mamatay.." Sambit ko habang naka titig sa aking sugatan na kamay na mayroong retasong benda ng shirt ni Spencer.

Wakas...

Next chapter