webnovel

PART 24 PAG-TATAGPO

ASH POV

"Five pm na nang makarating ako sa event. Halos sumabog na ang phone ko sa texts messages ni Tyrone at Roman. Pagkarating ko sa back stage nakita ko si Trixie na panay ang pag rampa at pag hinga ng malalim."

Narito na rin sa back stage ang mga kalaban namin at ang mga pambato ng iba pang sikat na artista na kinuhang modelo. Maraming mas sikat at magaganda pero imbis na kabahan, naging challenge pa iyon para sa team.

"Guys!"  Sambit ko.

Sabay-sabay silang napalingon sa akin saka huminga ng maluwag.

"Twenty minutes ka late ma'am!"  Inis na sabi ni Roman.

"I know. Sorry ah! Sinamahan ko pa kasi si Mamá sa ospital."  Hinihingal kong sabi saka inabot ang hydrated drink na bigay ni Tyrone.

"Ash, may on the spot palang tanong?"  Ani ann.

"Oh? Para kanino? Sakin o sa 'yo?"

"Sa artist. Pero para sa final pa 'yon."  Sagot ni Roman.

"Nakalimutan kong sabihin. Pero wala kayong dapat ikabother kasi basic lang yan!"  Usal ni Roman na binabanat pa ang bibig ni Ann para lang ngumiti.

"Thank You..." malanding sabi ni Ann.

"Aham!"  Ismid ko dahilan para mag hiwalay sila.

"Nakakahalata na kami sa inyo..."  Inis na himig ni Tyrone na pasimpleng umakbay sa akin.

"Ano ba! Nakakahalata na rin ako sa 'yo! Manyak ka no!"  Bulong ko na tinawanan niya lang.

"Listen, Everyone!"  Ungol ng event coordinator na si Miss Marites.

Agad din nag si-tigil ang mga kalahok. Kinailangan din palabasin ng backstage ang hindi kasali. Matapos ipaliwanag sa amin ang gagawin, wala na kaming sinayang na oras dahil fifteen minutes lang ang oras na ibinigay sa amin para sa unang pag susulit.

Ang first theme ay ang "My Reflection"  kung saan, Damdamin ng artist ang bahalang mag pasya sa magiging ayos ng kaniyang modelo.

Soft gesture ang mukha ni Ann. bagay sa kaniya ang pagiging morena. Kasing katawan at kahawig niya si Lovi Poe. Halos kamukhang kamukha.

Limang minuto bago matapos ang oras, naririnig na namin ang pag tawag at pasasalamat para sa mga sponsors ng Glorious Walk (six inches high heels) Taylor Zuiaxe ( Gowns and costume) Amarah's Jewellery and accessories, at ang higit na nag pabigla sa akin ay nang marinig ko ang mga pangalan ng limang hurado kabilang na si Spencer Vahrmaux na kumakatawan kay Misis Mervie Vahrmaux na kaniyang ina.

"Nakabalik na siya?"  Masaya kong sambit.

Sobrang ligalig ng aking dibdib. Nag simula akong mataranta habang nililigpit ang area namin ni Ann. Gayon pa man, masaya akong malaman na nakabalik na siya ng bansa! At nasa iisang lugar kaming dalawa.

"Kaya mo yan Ann!"  Bulong ko bago tawagin ang Pangalan niya.

"Woah!" Sambit ko nang mag tayuan ang mga hurado liban kay Spencer na pinaglalaruan ang pen. Hindi ko akalain na mas angat si Ann sa ibang modelo gayong bukod tangi siyang morena.

Habang rumarampa siya, lumalabas na rin sa screen ang ilang photoshoots niya na kuha pa ilang araw bago ang event. Kitang kita ko pa ang bulungan ng iba't-ibang Manager ng mga sikat na talent agency nang angkinin ni Ann ang stage.

"Isang karangalan para sa akin ang mapabilang sa ganitong klaseng patimpalak. Pinangungunahan ng sikat na love team ang event na kilalang "Kathniel" kabilang sa mga hurado sina Rufa Gutierez na endorser ng COSMETIC AVON BRAND, Si Keyzieah Winston na isang sikat na Camellion Cosmetic endorser na nakilala dahil sa kaniyang vlogs. Si Maine Mendoza na sikat na First Filipina Matte-maker, Si Fourth Damien Watts Sikat na businessman na isa sa may pinakamalaking donation, at si Spencer Vahrmaux."

Nakapikit ako habang nananalangin na sana makasama si Ann sa top five for the last round. First round pa lang pero sampung kalahok na agad ang mae-eliminate. Tinawag na ang tatlong pasok sa top five. Sina Sechiel Papiona (Careline), Maria Rosano(Maybeline New York), at Glory Ijase(Kylie Cosmetic)...

KathNiel: "And the fourth place goes to Rica Bantilan!"  Masiklabong palakpakan ang kumawala nang banggitin ang kaniyang pangalan. Si Rica ang bukod tanging celebrity na nakapasok sa top five.

Kathniel:  "And last but not the least, Fifth Place goes to Amber's Standard Cosmetic! Ann de leon."

"Yes!" Sigaw ko habang nakatayo sa back stage. Masayang sumulyap sa akin si Ann habang  sinusuotan ng sash.

Matapos ang ilang shots para sa best five, nauna na akong bumalik sa Area namin ni Ann. Kasunod nito ang sabay-sabay na pag pasok ng Victoria's Angel. Kabilang na si Beatrixie na talagang nangingibabaw sa lahat.

"Hi Trixie! Fan mo 'ko!"  Maligayang bati ni Ann kay Beatrixie.

"Don't you dare call me Trixie. We're not even close..."  mataray na sabi ni Trixie.

"Ann! Congrats!"  Basag ko sa sandaling katahimikan na bumalot sa pagitan ng dalawa.

"Oh! There you are..." she mumble.

"Hey Ann!"  Sigaw ni Roman.

"Roman, bawal ka dito!" Bulong ko.

"I know! Pero importante to, kinukuha kasi ng isa sa manager ng Victoria's Secret ang contact ni Ann. If interested siya sa offer na maging part ng Victoria's Secret! Ann!"

"Totoo ba 'yan?" Tanong ni Ann na halos iluwa na ang mga mata.

"Well, well, well, di ko naman akalain na may fan pala akong Ambisyosa?."

"Ambisyosa? May Potential si Ann. You should know that Trixie. Dahil hindi basta basta mapapahanga ang mga Talent manager ng Victoria's Secret."

"Hmf! Potential?"  Nakapamewang itong humarap sa akin na pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"She's just a newbie. Marami pa siyang dapat malaman. Isa na don na kahit kailan, hindi niya 'ko mapapantayan..."  Mataray na sabi ni Trixie na para bang bilib na bilib sa sarili.

"Tama. Kasi naniniwala ako na mahihigitan ka pa ni Ann."  Kalmado kong sabi na mayroong matamis na ngiti.

"Let's see! Good luck Sister!"  Wink.

"Tinawag ka niyang Sister?"  Nakanganga na ulit ni Ann.

"Uy! 'Wag mo siya pansinin. Maganda ka Ann. Sa lahat ng antas..."  Usal ni Roman na hawak ang kabilaang pisngi ni Ann.

"Thanks."  Sagot ni Ann na halatang kinilig sa sinabi ni Roman.

"Makakaalis ka na Roman."  Nakangiti kong sabi sabay hila sa kaniya palayo kay Ann.

"Sabi ko nga po Ma'am." Ani Roman.

"Sweet ni Roman no? Landi niyo!"  Nangingiti kong sabi habang inaayos ang iba pang gamit.

Nahuli ko pa si Ann na tumirik ang mata at pilit na pinipigil ang pag-ngiti.

"Hi." 

Saglit akong natigil at maka ilang beses kumurap nang lingunin ko ang anghel na lumapit sa amin.

"Hello Miss Castella Hemington." Victoria's Angel.

Nakangiti itong tumitig kay Ann.

"I love what you've done to her. And I really appreciate the character that you wanted to showcase... It's a pleasure for me to be your Candidate, if only you will choose me?" 

Nagkatitigan kami ni Ann na halos takasan ng saya. Mas lalo kaming hindi nawawalan ng pag asa dahil si Castella Hemington pa mismo ang lumapit sa amin para boluntaryong maging Candidate ng Amber's Standard Cosmetic.

"Yes! My Pleasure Miss Castella Hemington!" Maligaya kong sabi habang lahad ang kamay sa kaniyang uupuan.

Napalingon naman ako kay Beatrixie ng mapalakas ang kaniyang pag ismid. Naka upo ito sa right side namin at kitang-kita ko pa kung paano niya suriin ang ginagawa ko. Ang huling tema ay "Portrait the Beauty" bago ko simulan ang aking gagawin, tinitigan ko pa muna ang mukha ni Castella Hemington.

Nang maalala ko ang magandang mukha ni Mamá nung kabataan niya, agad akong nagkaroon ng idea sa paraan ng aking gagawin. Masyado na kasing malaki ang pinagbago ni Mamá buhat ng magkapatong-patong ang problema namin at halos nag- sabay pa.

Pinag handaan ko na rin ang posibleng katanungan na ibabato para sa akin mamaya. Sapat na ang sampung minuto para isagawa ang nais ko. Kailangan masungkit ko ang Golden Award dito. Dahil sigurado akong matutuwa sa akin si Mamá.

Lalo na at siya ang inspirayon ko sa laban na ito.

"Done."  Sambit ko kasabay ng pag mulat ni Castella Hemington.

"Break a leg."  Sambit niya na humawak pa sa aking kamay.

Tumunog na ang bell hudyat na mag sisimula na ulit ang pag rampa. Mabilis na nag sipila ang mga modelo habang hinihintay na tawagin ang kanilang Pangalan.

"Manalo, matalo, ang mahalaga lumaban ka ng patas Ash!"  Bulong ko sa aking sarili.

"Hey Ash! Alam mo kung ano ang kaibahan nating dalawa?"  Bulong ni Trixie habang pinapanood ang pag rampa ng unang kandidata.

"Kaibahan? First of all, wala tayong similarity."  Taas noo kong sabi habang pinapalakpakan si Castella Hemington.

"Tama. Kaya ang laki ng agwat nating dalawa. Ako ang nasa langit. Ang tinitingala at pinapalakpakan. Ikaw, anino ka lang ng mga higanteng nasa harap mo. Oportunista!"  Mariin niyang sambit bago angkinin ang entablado.

Pinanood ko kung paano siya rumampa na parang pag mamay ari ang mundo at kalawakan. Ibang usapan na talaga kapag sya na ang rumarampa. Ibang iba yung excitement na binibigay niya sa audience. Sa dami ng kalalakihan at mayayamang nali-link sa kaniya, si Spencer Vahrmaux pa talaga ang bukod tanging kinababaliwan niya.

Matapos ang kanilang pag rampa, isa-isa naman tinawag ang mga artist para sagutin ang mga katanungan na nakahain na. At isa ang Amber's Standard Cosmetic na mapalad na naka pasok sa Top three. Kabilang si Beatrixie na Candidate ng Maybeline New York at Cindryl Shiva na Candidate ng Careline Cosmetic.

Iisa lang ang magiging katanungan para sa top three. Para hindi unfair, kinailangan mag suot ng headphone na may malakas na music volume. Matapos kaming mag palit ng Gown na sponsored ng mayamang Company agad din kaming nag handa para sa huling laban.

Doble-dobleng kaba ang nararamdaman ko nang lumabas ako ng backstage. Bagamat ninerbiyos, Buong kumpiyansa akong ngumiti at taas noong lumakad.

Napasulyap ako kay Spencer na ngayon ay halos mag hiwalay ang baba sa ngalangala nang mag tama ang aming paningin. Napa ayos ito ng upo at may kung anong tinitignan sa papel na kaniyang hinahawakan. Marahil hindi niya alam na ako ang artist sa likod ng competition na ito. Dahil bawal i-reveal ang mga pangalan ng artist maliban na lang sa final.

Pilit kong kinukumbinsi ang aking sarili na kumalma. Pero hindi madali. Masyadong umaangat ang aking dibdib sa labis na kaba. Samahan mo pa ng mapanuksong killer smile ni Spencer na talagang mapapa ihi ka sa kalagitnaan ng laban.

Bago ako mag lihis ng tingin sa kaniya, kita ko pa na nag bulungan sila ni Fourth Damien Watts. Pero sinamaan ito ni Spencer ng tingin habang tiim bagang na sumulyap sa akin.

Gayon pa man, sa kabilang banda hindi ko man maamin sa aking sarili pero masaya akong makita siyang muli.

Judge Maine: What is beauty without make up?

"Tanong ni Maine Mendoza na kilala ring Dubs Mash Queen and Celebrity sa artist ng Maybeline na si Miriam."

Miriam: Beauty without make up is just like a Portrait that made of love but no one can appreciate but yourself.

Sunod naman na tinawag si Vanessa na Artist ng Careline. Si Ruffa Gutierez ang nag bigay ng katanungan para sa kaniya.

Ruffa: "What is beauty without make up?"

Vanessa: Beauty without make up is like a Rose attractive but has limitation and only lasts for days...

Matapos ang palakpakan para sa pangalawang Artist, inalis ko na ang aking headphone at dahan-dahan na tumungo sa gitna ng entablado upang sagutin ang tanong mula kay Fourth Damien Watts.

Fourth Damien: Good evening Miss Beautiful.  "Malambing na bati ni fourth.

Tumango lamang ako saka ngumiti. Napahilamos si Spencer ng kaniyang mukha saka niluwagan ang pagkaka buhol ng kaniyang kurbata.

Fourth:  For you, what is beauty without make up?  Nakangiting tanong ni Fourth na kumindat pa sa akin.

Masyadong malayo ang tanong niya sa mga napag handaan kong sagot. Gayon pa man, hindi ko na kailangan pa mag practice ng isasagot dahil basic lang iyon para sa akin.

"Beauty without make up is..."  panimula ko habang isa-isang tinitignan ang mga hurado.

"Is being who really you are. There's nothing you have to conceal and cover as long as you know how to embrace your imperfection and flaws without any hesitation, regardless how people see and appreciate us. Amber's S.C is used to enlighten and enhance the beauty of women not just to be look impressive or perfect that far from the beholder but also to showcase the Beauty of PRIDE regardless how porcelain your complexion, light, morena, or even black. That's all. Thank You."

Saka lamang ako naka hinga ng maluwag ng matapos kong sumagot. Masaya na ako na mapakinggan ako. At kalabisan na ang saya ko nang makatanggap ako ng Outstanding ovation mula sa Audience at judges.

Wala rin pag lagyan ng ngiti ang Founder at Owner ng Amber's S.C na si Aih Fortuna.

Ganito rin siguro ang pakiramdam ni Trixie kapag rumarampa siya habang isinisigaw ang pangalan niya. Nakaka proud ang palakpakan na kumawala sa mga manonood. Pero sa dinami-rami ng napa impress ko, iisang tao lang ang nakikita ko.

Tipid itong ngumiti bago ibalik ang tingin sa hawak niyang ball pen.

"Congrats!"  Bati ni Maine Mendoza na siyang nag abot sa akin ng reward. Nasa kaniyang likod si Fourth na nag abot ng gift check at si Miss Ruffa Gutierez na naki pag kamay sa akin.

"Thank you very much Miss Castella Hemington!"  Maligaya kong sabi.

"Your welcome. You did it. I'm so proud of you!"  Sambit niya na siyang nag pangiti sa akin.

"Can we take a picture?"  Malanding tono ni Fourth.

"Congratulations Natasha."  Spencer said huskily.

Yung tinig niya...

Yung pag tawag niya sa pangalan ko...

Lahat namimiss ko..

Bumabalik lahat sa simula...

"Excuse me Fourth. She's mine. You can't touch her."  Kalmadong sambit ni Spencer Vahrmaux nang di nag aalis ng tingin sa aking mukha.

"Sorry."  Sambit ni Fourth na napakunot noo bago kami iwan ni Spencer.

"For you."  Mahinahon na sabi ni Spencer pag kaabot sa akin ng bouquet of flowers.

Inabot ko ang kaniyang kamay na inilahad habang nakikipag titigan sa kaniyang mapungay na mga mata. Nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko ang bagay na naiwan sa aking namamawis na palad. ngumisi pa ito bago umalis.

Kapairaso ng papel na nakayupi. Itinago ko sa likod ang aking kamay. Muli akong humarap sa Camera at walang humpay na nag pasalamat. Pero hindi ako nag pakita ng kahit na anong interes sa kaniya.

Ilang saglit pa ay sumulpot na si Ann, Tyrone, at Roman mula sa back stage.

"Congrats Ma'am Ash! Ang ganda ng sagot mo. Mag handa ka na kasi baka palitan na kita sa puwesto mo!"  Biro ni Roman.

"Bakit naman?" Natatawa kong tanong.

"Dahil baka after nito, promoted ka na!"  Sigaw niya habang nag tatatalon.

"Si Ann nga ang dapat nating pasalamatan. Kasi nakuha ni Miss Hemington ang taste ng Amber's S.C dahil kay Ann."

"At ang galing mo rin sa Q&A."  Singit ni Tyrone.

"Salamat Ash! Kaliwa't kanan na ang kumukuha sa akin sa mga Commercial..."

"Talaga?"  Ungol ko.

Sabay-sabay kaming bumalik sa bavk stage para mag linis ng area.

"Pero Ann, ayos lang ba na kunin kitang endorser ng Amber's S.C?"

"O--o--Oo naman!"  Sagot ni Ann habang nag tatatalon sa saya.

"Oh! Siguro naman mababayaran mo na yung isang libo na pinahiram ko para pamasahe mo.. baka naman!"  Usal ni Tyrone na naka tingala sa kisame.

"Wag ka mag alala, ililibre ka ni Ann!" 

"Oo ba! Basta yung usapan natin Ash,"

"Fifty/fifty!"  Sabay naming sigaw ni Ann sabay apir.

"Feeling mo ba natalo mo 'ko?"  Inis na sabi ni Trixie na naka cross ang mga kamay sa dibdib.

"Hey, Trixie--"  Kalmadong tawag ng close friend niya na si Tyrone.

"Hindi ako nakikipag compete sa 'yo...-"

"Liar! Insecure! Desperada! Takam na takam kang talunin ako. Sadyang Bobo lang sumagot ang Artist na napili ko. Pero kung ako ang sasagot, for sure ako ang mananalo! At isa pa, Bias ang laban. You know what I mean.."  usal niya na nakatitig sa akin ng kahindik-hindik.

Agad din siyang lumayas kaya hindi ko na siya pinatulan pa. At saka ang mahalaga sa akin sa mga oras na ito ay ang karangalan na iuuwi namin ng Team.

Ten o'clock na ng gabi ng mag hiwa-hiwalay kaming apat nila Ann. Kumain kami sa exclusive restaurant sa Sikat na Hotel malapit sa Resort. Nag bilin naman ako kay Ann na dalawin si Mamá at iabot ang pasalubong kong sandals at bagong damit. Minabuti kong i sikreto ang tungkol sa papel na inabot sa akin ni Spencer.

Nasa labas ako ng building ng condo na inuupahan ko ng ilabas ko ang piraso ng papel.

"You're ugly."  Basa ko sa naka sulat doon.

Nadismaya ako dahil akala ko ay mahalaga ang mababasa ko. Halos malamukos ko na sana iyon ng mabasa ko ang nasa likuran nito.

"Meet me at Bonifacio Restaurant. Nine o' clock to be exact. Turtle." 

"Shit!"  Ten thirty na. Late na ako."

Nag pasya akong mag palit muna sana nang bigla akong marahas na hinatak ni Spencer sa aking palapulsuhan.

Dire-diretsyo niyang binuksan ang pinto ng kaniyang mustang saka ako pinapasok. Masyadong mabilis ang pangyayari. Parang isang kurap ko lang at narito na ako sa sasakyan niya. Madilim ang mukha nito nang maupo. Pinag papawisan pa siya na para bang galing sa pakikipag patintero.

Iaayos ko pa lang sana ang aking seatbelt ng agawin niya sa akin at siya na ang gumawa. Seryoso lang ako kahit pa nahihirapan na akong itago yung kilig at saya sa dibdib ko. Yes marupok ka Ash!

"Sana lang sinabi mong wala kang balak na siputin ako. Edi sana hindi ako nag hintay sa wala na parang tuta na umaasang babalikan ng Amo ko."  Seryoso niyang sabi saka naupo ng maayos.

Tahimik lang ako at Diretsyo lang ang tingin  sa daan pero nakikita ko na sinusulyapan niya ako na parang may nais sabihin.

"Fuck! Wala ka bang sasabihin?"  Inis niyang sabi sa mahinang tono.

I just ignore him. Wondering kung saan niya naman kaya ako dadalhin. For sure hindi sa bahay niya. Dahil iba ang way na tinatahak naming dalawa.

"Pabebe."  Bulong niya na kunwari ay di ko narinig kahit pa gusto ko na humalakhak.

Natutuwa akong makita siyang naiinis. Nag mumukha siyang kuneho.

"Sabihin mo na!"  Napa angat ang balikat ko sa gulat ng medyo mapataas ang tono niya.

"Ang alin?"

"Sasabihin mo ba o hindi?"

"Anong dapat kong sabi--"

"Na miss na miss kita Spencer Vahrmaux!"  Usal niya habang naka nguso at naka pikit.

"Hindi kita namiss."

"Sinungaling!"

Sambit niya sabay hinto ng sasakyan. Bababa na sana ako nang bigla niya hinila ang pinto saka ako siniil ng malalim na halik. Shit! Fine isa na ang labi niya sa mga kahinaan ko. Sasabihin ko na ba?

Tumagal ang halikan namin ng higit sa dalawang minuto. Gaya niya, namulat na lamang ako at natagpuan ang sariling mahigpit siyang yakap.

"Sasabihin mo na ba?"  Nakangisi niyang tanong habang hinuhuli ang aking malikot na mata na pilit umiiwas ng tingin.

Ipinag dikit niya ang aming noo dahilan para mapasandal ako ng husto sa aking kinauupuan.

"Fine. I miss you. So much!" Naka pikit kong sagot saka humugot ng malalim na pag hinga.

"Ang Pride mo kasi. Mamimiss mo naman din pala ako..." sambit niya saka inilayo ang mukha at tumitig sa akin.

I bit my lower lip. Gusto ko pa sana bawiin yung sinabi ko. Pero mukhang mas gusto ko yung naiwang lasa sa mga labi ko...

Next chapter