webnovel

Chapter 9, part 2 : Ang misteryosong masked hunter

Dinala s'ya ng manager sa isang malaking kwarto. Ang bumungad sa kanya ay ang nakakapukaw-atensyong mga kulungan sa loob nito. Sa loob noon ay mga tao. Nakakulong sila ayon sa pagkakagrupo. Ang mga babae ay nakahiwalay sa mga lalaki. Ang matatanda ay nakabukod din. Meron ding isang bakanteng kulungan.

Lahat ng naroroon ay pawang nakasuot ng simpleng mga damit. Kulay puting mga sando at itim na shorts. Na maaari mong ihalintulad sa basahan dahil sa taglay nitong dungis.

May kabigatan din ang aura sa loob ng mga kulungan. Hindi maipagkakaila sa unang tingin na may mali sa lugar. Tila walang liwanag sa mga mata ng mga taong nakakulong. Na para bang nawalan na ang mga ito ng pag-asa.

Napakunot ang mata ni Clyde. Mas masahol pa iyon sa inaasahan n'ya. Sa pagkarinig n'ya pa lang ng salitang alipin ay nadismaya na s'ya. Pero sinubukan n'ya pa ring maging positibo. Inakala n'ya na dahil malayo na ang panahon sa middle ages, kahit papaano ay mabibigyan sila ng mas magandang pagtrato. Nagkamali s'ya. Sa dugyot na itsura ng kulungan at ng mga tao ay sigurado s'yang hindi tao ang turing sa kanila.

Nangangayayat pa ang ilan sa mga alipin. Naputol ang pag-iisip ni Clyde ng magsalita ang manager.

"Lahat ng mga 'yan ay for sale. You can choose anything you like, sir. Lahat ng mga 'yan ay mga hunter." May pagmamalaking turan ng manager.

Sumaglit na sinulyapan ni Clyde ang manager. Nagpipigil s'yang hindi saktan ang matabang babae. Hindi nakaligtas sa kanya ang pantukoy na ginamit sa mga tao sa likod ng mga rehas.

Iyan at anything, na para bang sinasabi nitong hindi mga tao ang mga alipin.

Sa saglit na pagsulyap n'yang 'yon, sa hindi malamang kadahilanan, nangilabot ang matabang manager. Napalinga-linga ang manager sa lugar upang hanapin ang dahilan ng pangingilabot. Pero wala itong nakita.

Winaksi na lang n'ya 'yon sa isipan n'ya. She is doing business right now.

"We have every type of hunter, sir. Melee roles, such as; tank, fighter or assassin. Range, such as; mage or marksman. We also have auxiliary types like healers. Name it, we have it." Pag-eenganya nitong magbenta kay Clyde.

"Sabi mo lahat sila ay mga hunters, tama ba? Does that mean na nagbebenta kayo ng normal na mga tao?" Tiim na tanong ni Clyde.

"Yes, sir. Each and everyone here are hunters. We never sell normal ones. Sa ibang black market pagbebenta sila. Pero not us. Unprofitable." Punong-puno ng ganang sagot ng manager. Hindi n'ya pansing sa bawat pagbuka ng bibig n'ya ay ang s'yang paglala ng galit na nararamdaman ng hunter.

"How much? At hanggang anong rank ang meron kayo?" Simpleng tanong ni Clyde.

"It depends sir. Rank E are nothing but fodders. 1 million pesos. Rank D and C are about 3 to 5 million. It varies from their abilities. As for our highest rank, rank B, 10 million pesos." Maagap na sagot ng kausap.

"How about that woman?" Turo ni Clyde sa isang babaeng hunter na nakahiga. Mukha itong nanlalata. At namamayat talaga. Nag-standout kasi ito ng talaga dahil kahit mahihina at malnourished ang karamihan, mas grabe ang lagay nito. Talaga namang nahabag ang hunter sa kanya.

"Uhm, sir. Aalisin na dapat 'yan. I don't think may magkakainteres pa sa isang 'yan." Nagdadalawang-isip na tugon ng manager.

"Why not?" Matabang tanong ni Clyde.

"Aside from its unhealthy state, that one ability is not up to par. That one is useless." Nahihiyang tugon into.

"Kung ganoon, saan s'ya dadalin?" Tanong ni Clyde.

"Dispose." Tipid na sagot ng manager.

"I'll buy her." Deklara ni Clyde.

"Ha?" Gulat na reaksyon ng manager.

"I'll buy her." Mabagal na ulit ng hunter. His voice was laced with finality. Kaya naman hindi na nakatutol pa ang manager.

"Okay, sir."

"How much for her?" Tanong ni Clyde.

"Since she is not in her optimal condition, 500, 000 pesos na lang sir. I don't plan of selling her from the start. Kung bibilin mo s'ya, you can't get a refund kung hindi mo maghugustuhan ang performance n'ya. She is already weak from the start." Pagwa-warn nito kay Clyde. Sinusubukan pa ring kumbinsihin ang hunter na 'wag na ito ng bilhin.

Pinalabas ito sa kulungan. Hirap itong maglakad. Hukot, marahil na rin sa kalagayan. Pero kahit ganoon, agad napansin ni Clyde ang tangkad nito. Half a head shorter ito sa kanya kahit pa nakahukot ito.

At nang lumapit na ito sa kanya, napansin n'ya na ang kakaiba sa babae. Hindi ito mukhang Pilipina. Sa pagtitig ni Clyde napagtanto n'yang isa rin itong Asyano. Sa palagay n'ya isang East Asian. Singkit ito at may kaputian.

Chinese?

Japanese?

Siguro ay halata sa mukha n'ya ang gumugulo sa isip. Pinaliwanag iyon sa kanya ng manager.

"Japanese hunter s'ya. Pero she is living in the Philippines. Not very proficient in Tagalog pero nakakaintindi naman. Kaiyo ang pangalan n'ya."

"Nacurious lang ako. Paano kung makatakas ang mga alipin?" Tanong ni Clyde rito.

Pinaliwanag nito ang proseso ng paglilipat ng ownership ng isang alipin. Inililis ng manager ang kamison ng aliping hunter.

Merong mark sa tiyan ng hunter na si Kaiyo, isang slave Clyde. Nagsisilbi 'yong controller at locator sa isang slave.

Pinalapit ng manager si Clyde sa kanya. Hinawakan ng manager ang tiyang pinaglalagyan ng seal. Samantala ang available na kamay ay inilagay sa kaliwang balikat ni Clyde.

Na-tackle rin ng manager ang sagot sa katanungan ni Clyde.

Controller dahil ang slave master ay pwedeng pwersahin ang slave sa mga bagay na hindi nito nais gawin. Hindi n'ya 'yon masusuway. Sa oras na salunggatin n'ya ang utos, ang slave mark ay mag-uumpisangsaktan ang slave hanggang sa mapilitan s'ya ng basin ang utos.

Sinabi ng manager na oras na magtangka ang isang aliping tumakas ay pwede itong utusan ng slave master na mamatay. Sasabog ang katawan ng slave dahil sa utos, as long as within that certain range ang slave master.

Locator dahil ang slave master ay palaging alam ang lokasyon ng kanyang slave dahil sa koneksyon na nagbi-bind sa kanilang dalawa.

Matapos ang proseso, lumabas ang isang chain mark sa balikat ni Clyde. Iyon ay ang proof of ownership n'ya sa aliping si Kaiyo.

Doon napagtanto ni Clyde na ang manager ay isa ring hunter. Isa itong slave master.

Iwinaksi ni Clyde ang sa isip na gawin ang plano. Ang itakas ang mga alipin. Imbes na makatulong sa kanila iyon, mas mapapahamak pa sila sa plano n'ya. Ililigtas na lang muna n'ya ang pinaka-urgent na kaso, which is Kaiyo.

Tinanong n'ya ang manager kung may available bang matinong damit para kay Kaiyo. Inabutan s'ya nito ng isang pares ng malinis na sando at shorts. Napahawak na lang sa batok si Clyde. Nagpipigil itong magalit.

"Paki-heal na rin s'ya." Pakiusap ng hunter. "Pagkatapos bigyan mo s'ya ng maiinom at makakain." Dagdag pa n'ya. "Nga pala, I prefer if you'll feed her easy to digest food." Pahabol pa ni Clyde.

May pag-aalangang tumingin sa kanya ang manager-cum-slave hunter.

"I'll pay!" Mukha talagang pera.

May diing pagagarantiya n'ya sa manager. Ang huli ay sa isip n'ya lang sinabi. Sa sinabi n'yang 'yon, may sumilay na ngiti sa labi ng manager. Nagmamadali itong kumilos para sundin ang utos ni Clyde.

Habang nagaganap ang lahat ng 'yon, tahimik na nakatitig lang sa kanya si Kaiyo. Tila ba sinusuri n'ya ang bagong master. Tinitimbang kung anong klaseng kapalaran ang naghihintay sa buhay n'ya.

Nang pinagtuunan ng pansin ng hunter si Kaiyo, napansin n'yang nakatitig sa kanya ang babaeng alipin. Binigyan n'ya ito ng isang ngiti.

Natataranta itong nag-iwas ng tingin sa kanya. Napapikit ng mata ang hunter. Napabuntong-hininga rin. Kailangan n'yang kunin ang loob nito. Hindi na nakapagtatakang wala itong tiwala dahil sa lugar na kinalalagyan sa kasalukuyan.

"Huwag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan para mapakawalan ka." Pabulong na pangako ni Clyde kay Kaiyo.

Napaangat ang tingin nito sa kanya. Magulo at nanginginig ang mga mata. Nakaawang ang bibig. Bukas-sara ang bibig na parang may balak sabihin. Halatang may pagdududa.

Maya-maya pa ay muling dumating ang manager. Sa pagbabalik, kasama nito ang rank A healer, si Toni. Bagot na bagot ang itsura nito. Pero this time, wala itong imik.

Hineal nito si Kaiyo. Nabawasan ang pamumutla ng balat ng aliping hunter dahil kay Toni. Pagkatapos noon, matulin ding umalis ang healer.

Inabutan ng manager ng makakain si Kaiyo. Balikang tiningnan ni Kaiyo ang pagkain at si Clyde. Humihingi ito ng permiso para kunin ang pagkain. Tumango si Clyde bilang pag-ayon.

Kinuha ni Kaiyo ang sandwich na inabot sa kanya ng manager. Mabilis n'ya iyong nilantakan. Sa pagmamadaling kumain, muntik pa s'ya ng mabulunan. Inabot naman ni Clyde ang inuming ibinigay sa kanya ng manager.

Habang kumakain si Kaiyo, s'ya namang pagbabayad n'ya sa manager. Binigay n'ya ang 1, 500, 000 pesos dito. Ang 6, 435, 000 ay naging 5, 935, 000 na lang.

"Sir may nagaganap na auction ngayon sa auction house namin sa 2nd floor. If you want you can participate. Kung may magustuhan ka, you can buy it. Our rarest items are sold there. I highly doubt na wala kang magugustuhan." Pangungumbinsi sa kanya nito.

...

If a man is not ready to bear the weight of consequences, he must think twice before taking action. That's how a normal person should act. If not, he is nothing but a madman.

"Stay calm. You're in a new and dangerous environment. Hindi ito kasing simple ng animal advocacy. Na kapag ni-report o kinompronta mo, other advocates would lend you a hand willingly. This is the world of the hunters. The savage world of the unreasonable. Wala akong koneksyon sa mundong ito. Wala ka pa ring sapat na lakas. Kaya dapat mas habaan mo ang pasensya Clyde. You're not running away. Babalik ka rin dito para pagbayarin ang mga dapat magbayad." Bulong ni Clyde sa sarili. Ang gloomy aura n'ya ay kumakalat na sa paligid. Napapalayo ang mga nakakasalubong n'ya.

Nasa 2nd floor s'ya ngayon ng black market, sa loob ng auction house. Na matatagpuan sa pinakamalaking kwarto ng magarbong black market.

Natitipon ang karamihan ng customer ng black market sa kwartong kinaroroonan n'ya ngayon. Nagkataong napunta si Clyde sa black market nang may nagaganap na auction sa kanilang auction house.

Lahat ng naroroon ay kinukibli ang kanilang identity. Pawang nakasuot ng mga maskara at roba.

Nagpuyos ang damdamin ni Clyde dahil nasaksihan n'ya ang mapangahas na gawain ng imoral na auction.

Inabutan ni Clyde na binebenta ng nasa stage ang isang batang alipin. Isang batang babae. Ayon sa auctioneer, isa itong hunter. Isang rank B hunter na isang rare sensory type.

Pina-demonstrate nila sa batang hunter ang kakayahan nito.

Sa anunsyong 'yon nagkaroon ng matinding kumosyon sa lugar. At nang binuksan ang bidding, mabilis na tumaas ang presyo ng batang alipin.

"20, 000, 000!" Malakas na anunsyo ng nasa stage.

Walang nagawa si Clyde. Sa starting bid pa lang kapos na ang natitira n'yang salapi.

Noong una, plano n'ya sanang bilhin ang bata para alagaan muna. Hahanapan n'ya na lang ng paraan upang pakawalan ito sa pagkakaalipin.

Kabilaang sigawan ang nangibabaw sa lugar.

"22, 000, 000!"

"23, 000, 000!"

"25, 000, 000!"

"30, 000, 000!"

"37, 000, 000!"

"33, 000, 000!"

"39, 000, 000!"

Hanggang napahinto ito sa huling bid. "50, 000, 000!" Nakakabinging-katahimikan ang bumalot sa lugar.

"50, 000, 000 pesos!

Nagtanong ang auctioneer sa audience kung meron pang nais mag-bid. At ng walang sumagot, "Rank B sensory type hunter sold!" Pagsasara ng auctioneer sa bentahan ng batang alipin.

...

"That's it. They've crossed my bottom line. Selling slaves. And worse, menor de edad pa ang binebenta nila. Kailangan nilang pagbayaran 'to." Napapahilot sa sentidong nagplano s'ya.

Tuluyan na ngang lumabas ng auction house ang hunter.

Pumasok si Clyde sa isang cubicle ng comfort room. May mga kwartong ino-offer ang black market, ngunit walang tiwala rito si Clyde. Hindi n'ya magagawa ng maayos ang plano dahil sa pangamba. Sa pag-aalalang maaaring may mga hidden cameras ang kwarto rito. Na hindi naman malabo. Kung ang pagbebenta nga ng mga ng slaves ay nagagawa nila, ang invasion of privacy ay madali na lang sa kanila.

Kaya minarapat n'yang sa banyo na lang pumunta. Doon inumpisahan n'yang magplano. Una, tiningnan n'ya kung magkano ang kanyang magagamit pambili ng skills.

...

Remaining balance : 499, 200 gold

...

Matapos noon, naghanap s'ya ng mga skills na maaaring magamit para sa plano. Naghanap s'ya ng dalawang bagay na magagamit n'ya. Wide range crowd control skill o kaya mga skill na magdi-disable sa kalaban without killing them. Matapos makabili ay isa-isa n'yang sinummon ang mga summon para bigyan ng command in advance. Binigyan n'ya rin ng malaking role ang ikalawang holymancer commander, ang batang si Eba.

Pinagawa n'ya ito ng maraming replica. Bago n'ya ibenta ang mga bangkay, nagawa n'yang kuhanan ng balahibo ang mga mababalahibong dungeon monsters. Laughing stallion, Ramming boar, Dumb goat, Mad cow, Martial bunny, Ravage dog at Lazy cat. Isa-isa n'ya 'yong pinapasok sa kanyang dimensional realm.

This would be Eba's debut fight bilang isang Holymancer summon.

Nagulat ang aliping si Kaiyo sa nasaksihan. Pinaliwanag ni Clyde ang nasaksihan nito. Sa pagpapaliwanag n'ya, nasilayan n'ya ang isang ngiti sa labi ni Kaiyo.

Napasigaw si Clyde sa isip n'ya. Medyo nagtitiwala na sa kanya si Kaiyo. Pumayag itong pumasok sa dimensional realm ni Eba.

...

1st Holymancer commander/general

Name : Alejandro

Race : Dwarf

Level : 5

Stats.

Health : 805/805

Mana : 200/200

Str : 30

Vit : 45(2+)

Agi : 10

Int : 20

Per : 10

Undistributed stat points : 0

Skills :

Special :

Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :

- Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.

- Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.

- Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.

- The boost is a hundred percent of every summon individual.

- Holy and life attributed skills effectiveness doubles.

For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.

Racial Skill :

Dwarves Blessing (Active) - A dwarf specific skill that permits the dwarf to give someone extreme fortune or bad luck for a minute a day.

Mana required : 10 percent.

Cooldown : Once a day.

Individual Skill :

Indestructible (Passive) - Gives full immunity to all kinds of indirect and internal type of attacks or spells. Resistance to all abnormalities including poison resistance. The user also has a very fast automatic recovery of his health. In exchange, the user cannot learn attack skills and would always have 0 offensive potential forever.

Slots open : 5 slots

Slot 1 :

Passive :

Juggernaut (Max level) - Increases the user's health by 50 percent.

Active :

Divine Pull (Strongest Crowd Control/Level 1) - A broken ability for a vanguard. Indiscriminately draws the aggro of enemies within a kilometer with the user as the center. The aggro would be removed if the following conditions were met; the user or the targets is dead.

Mana required : 10

Cooldown : 10 seconds.

Slot 2 :

Passive :

Stronghold (Lv. 1) - Increases the user's vitality by five percent.

Active :

(Empty)

Slot 3 :

Passive :

(Empty)

Active :

(Empty)

Slot 4 :

Passive :

Treaty of equality (Max level) - Two chosen individuals would enter the said treaty. Within the treaty, the two combines both their experiences and distributes it equally among each other.

Active :

(Empty)

Slot 5 :

Passive :

(Empty)

Active :

Self-Heal (Lv. 1) - Recovers health proportionate twice the amount of intelligence.

Mana required : 50

Cooldown : 20 seconds

...

2nd Holymancer commander/general

Name : Eba Demaloca

Race : Witch

Level : 3

Stats :

Health : 100/100

Mana : 470/470

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 10

Intelligence : 45(2+)

Perception : 30

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :

Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.

Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.

Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.

The boost is a hundred percent of every summon individual.

Holy and life attributed skills effectiveness doubles.

For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.

Racial Skill :

Hex (Passive) - A witch race specific skill. They are proficient in using dark magic to cast a curse or spell that would inflict damage to that targeted individual. The process and effect varies from which variant they are from.

Individual Skill :

Witch Family (Active) (Level 1) : Create a replica of someone else by using that individual's hair, skin, scale or any part of a living being genes to be used as a tool to create a minion through supernatural means.

It can materialize by using a voodoo doll. The doll together with the genes transforms to be a replica. The replica will have an unwavering loyalty to the witch. Those replicas' would have a tenth of the originals' power. The minions have the ability of growth. Can have an unlimited number of minions. It can be destroyed though.

Mana required : Half the amount of user's mana.

Cooldown : 5 seconds

Skills :

Slots open : 2 slots

1st Slot :

Passive :

Wizardry (Lv. 1) - Increases the user's intelligence by five percent.

Active :

(Empty)

2nd slot :

Passive :

(Empty)

Active :

Dimensional Realm - A dimension where the user can put his things including living being as long as the living being entered with his own volition. It was like Clyde's Holymancer Realm where it was a separated dimension where human and living things live. It's appearance was that of the nature. Night and day is working there. It was relatively smaller in space compare to Clyde's. Its actual size depends on the users intelligence and magical prowess.

Equipment :

Weapon 1 : (Empty)

Weapon 2 : (Empty)

Armor : Elemental Royal Robe (Spiritual-Growth)

- A robe made by the greater spirits for elemental world royalties. It have the highest affinity with nature being created by the best elemental craftsmen. It has great resistance to any element magic. Greater harmony and efficiency using magic and mana.

Other functions :

- Raises the wearer's intelligence by fivefolds when using it.

- Raises the wearer's magic resistance by fivefolds when using it.

...

"Let's do this!" Determinadong sabi ni Clyde sa sarili.

Bumalik s'ya sa auction house.

...

Sa may pinto huminto si Clyde. Pinagmasdan n'ya ang mga tanong nagbi-bid sa mga illegal na auction items. Hindi masikmura ng hunter ang kabuktutan ng mga taong nasa loob. Na akala mo ay common sense na sa kanila ang pagbili ng mga ilegal na bagay.

Pasimple n'yang nilabas ang phone. Palihim n'yang kinuhanan ang nagaganap na auction. Nang sa tingin n'ya ay sapat na ang nakuhang video, humingang malalim si Clyde at tinago sa bulsa ang phone.

He used a skill.

..

Absolute zero : Mist-o mirage (Lv. 1 - New!)

- An area of effect crowd control skill. Slowly decreases the temperature in a certain area. Slows down targeted enemy movements. At its peak, it can cause frostbites. As the mist-o mirage version, the focus of this skill is creating mist in the vicinity to destroy enemies' visibility. With the additional effect of creating the caster's mirage form. Consumes ten mana points per second for continuous use.

Mana required : 500

Cooldown : 15 seconds

...

Binili ni Clyde ang skill for 300, 000.

...

Sa umpisa hindi napansin ng mga nasa loob ang naganap na pag-atake. Masyado sila ng busy sa pakikipagkumpitensya sa pamimili sa auction.

Makalipas ang ilang segundo, napansin na ng may malalakas na pakiramdam na hunters na may kakaibag nagaganap.

Nakaramdam sila ng matinding lamig. Tinawag nila ang atensyon ng mga kasamahan. Hindi nagtagal, a commotion breakout.

Ilang segundo pa ang lumipas ang buong kwarto ay naging zero visibility. Dahil kulong ang lugar madali itong nabalot ng Ang sahig ay naging madulas sa lamig. Ang hangin ay nababalot ng napakalamig na usok. Kabilaang sigawan ang maririnig sa auction.

Pumasok si Clyde sa loob ng auction house na may zero visibility. Ginamit n'ya ang ikalawang bagong skill. Isang eye technique for better visibility. Binili n'ya to for 100, 000.

Ang kanyang mata ay nag-morph. Naging tulad ito ng sa mga ahas. Sa pagpapalit na naganap, nakakita s'ya ng maayos sa makapal na mist.

Instead of detailed view of people, ang nakikita n'ya ay mga shapes.

...

Snake eyes (Lv. 1 - New!)

- The user's eyes is magically morphed into the eyes of a snake. Instead of seeing detailed views, he can see shapes. Snake's eyes detects heat coming from objects, also known as infrared detection. From activation, steadily consumes 10 mana points per second.

Mana required : 100

Cooldown : 3 seconds

...

He started summoning. Si Alejandro at Eba.

Ginamit ni Alejandro ang Divine pull. Lahat ng nasa loob ay nahatak patungo sa duwende. Si Eba naman ay binukas ang dimensional realm. Isa-isang lumabas ang mga replica ng mga bangkay ng dungeon monsters.

Napwersang magkumpol-kumpol ang mga tao palapit kay Alejandro. Pinagalaw naman ni Eba ang mga replica. Nag-form sila ng barikada sa paligid para i-trap ang customers ng auction.

Ginamit n'ya ang pinakahuling nabiling skill. 100, 000 ang presto ng huling. Ngunit kulang ng 800 ang pera para mabili 'yon. Nagbenta muna s'ya ng 8 health potion sa shop. 100 kada isang vial. A tenth of its original price.

...

Lull me to the moon (Lv. 1 - New!)

- An area of effect skill. Use an enchanting song in a certain area that forcibly induce sleep to those who heard the song. Those who hear the song would be in an illusion where they reached the moon for the first time.

Mana required : 300

Cooldown : 20 seconds

...

Karamihan sa mga participant sa auction ay isa-isang bumabagsak sa lupa. Pruweba na effective ang huling skill ni Clyde.

Umaksyon si Clyde. Ang sunod n'yang hakbang ang pinakaimportante sa lahat. Mabilis s'yang lumapit sa mga ito.

May mangilan-ngilan sa mga tao ang hindi tinablan ng skill. Pero hindi naman 'yon hadlang sa plano n'ya. Under effect pa rin sila ng Divine pull.

Sa palagay ni Clyde, hindi bababa sa isang daan ang participants ng auction.

Pagdating ni Clyde sa kumpulang natutulog, kinapa n'ya ang mga damit ng nasa auction. Kinuha n'ya ang kahit anong bagay na magbibigay ng pagkakakilanlan sa bawat isa sa kanila. Gagamitin itong pruweba ni Clyde patunay sa pagpa-participate nila sa ilegal ng auction.

Habang abala sa pagkuha ng mga ID ng participants, naramdaman 'yon ni Clyde.

Malakas na bloodlust.

Maagap na ginamit n'ya ang conceal.

Matulin s'yang umalis sa kinatatayuan. Sa paglayo, hawak n'ya ang kanang bahagi ng leeg. Merong may kahabaang hiwa roon. Luckily, hindi 'yon ganoon kalalim. Tumulo ang isang butil ng malamig na pawis mula sa noo n'ya. Muntik na s'ya roon.

Nagdesisyon s'yang tumakas. Sigurado s'yang isang assassin type ang sumugod sa kanya. Pabor ang mga ginamit n'yang skill maging ang lugar para sa isang assassin.

Bagamat hindi satisfied sa mga nakalap na ebidensya, nakakuha pa rin s'ya kahit papaano. Mahigit sampung tao pa rin ang nakuhanan n'ya ng pagkakakilanlan.

Matulin s'yang tumungo sa exit ng lugar. Bago n'ya ginawa ang plano, naitanong n'ya na ang labasan.

Narating n'ya ang exit habang may dalawang segundo na lang s'yang natitira sa concealed state. Pero may nakaharang sa lagusan. Isang maliit na babae.

Kung titingnan sa labas nitong anyo mukha itong mahina. Pero iba ang nararamdaman ni Clyde. Panganib ang nararamdaman n'ya mula rito. Pakiramdam na naramdaman n'ya bago s'ya atakihin ng assassin kanina.

Umatras s'ya.

Kinubli n'ya ang sarili sa isang haligi hanggang nawala ang concealed state.

...

Uminom s'ya ng mana potion. May tensyong naghintay si Clyde na matapos ang cooldown ng mga skills n'ya.

Inalerto n'ya ang sarili. Hindi n'ya pwedeng alisin ang tensyon sa katawan,sapagkat hindi bababa sa dalawa ang mapanganib na assassins sa loob ng gusali.

Nang may 2 segundo na lang na hinihintay ang conceal, nakaramdam s'ya ng panganib. Sinummon n'ya si Alejandro at pinagamit ang Divine pull.

Dahil doon naiwasan n'ya ang tiyak na kamatayan. Naramdaman n'ya ang bahagyang pagdaplis ng matalim na bagay sa may batok n'ya. Sa harapan naman n'ya ay nakita n'yang bahagyang tumusok ang patalim sa dibdib n'ya. Nakilala n'ya ang umatake. Ang assassin sa loob ng auction house.

Nagmadaling inactivate ni Clyde ang conceal. Dahil pakiramdam n'ya na wala s'yang chance manalo kapag nag-engage s'ya sa labanan sa dalawang assassin.

Saktong sa paggamit n'ya ng conceal ay nagsisulpot na ang mga nakatulog na hunters sa auction. Nakita pa ni Clyde kung paano tumira ang mga long-range hunters na target s'ya.

Matulin n'yang iniwasan ang mga pag-atake. Sa matagumpay na pag-iwas ay ang s'ya namang paguho ng haligi. Iyon ang tinamaan ng mga pag-atake.

Sinamantala ni Clyde ang pagbagsak noon. Naging hadlang iyon sa mga papalapit na hunters. Tumakbo s'ya patungo sa lagusan palabas. Tumakbo s'ya ng sobrang bilis. Hindi s'ya lumingon sapagkat makakabagal 'yon.

Sigurado s'yang magagapi si Alejandro. At sa oras na makawala ang dalawang assassin at hindi pa s'ya nakakalayo, paniguradong mahihirapan na s'ya ng makalabas ng buhay.

Ang paglalakbay sa lagusan ay talaga namang makapigil-hininga. Papataas ang direksyong kanyang binaybay.

Habang binabaybay ang lagusan, medyo nagsisi s'ya sa naging aksyon.

Why did I snap?

That's why I'm an idiot.

Palagi akong nag-iingat sa mga aksyon ko.

Kapag nasagad ako, it's probably because they are thoroughly committing immorality that is totally against my principles in life.

Kaya in the end, ginulo at binugbog ko ang lahat ng nasa auction house ng black market.

Paano kung hindi lang ang black market ang maalerto sa presensya ko?

Paano kung maalarma ang hunter association at major guilds dahil sa ginawa ko?

My plans might go awry.

Ang mga taong malalapit sa'kin ang maaaring malagay sa alanganin.

Ha!

No use crying over spilled milk.

Balot na balot naman ako.

Siguro wala namang makakadiskubre sa'kin?

Magpapalakas na lang ako sa mas madaling panahon.

Don't think too much, Clyde.

Sa dulo nito ay isang dead end.

Nagitla sa napagtanto ang hunter. Pero agad n'ya ring kinalma ang sarili. Kapag nag-panic s'ya, mas lalo s'yang mapapahamak.

Kinapa n'ya ang nakaharang na pader sa harapan. Sa pagkapa, napansin n'ya ang isang kakaibag parte soon. Ang iba ay gawa sa bato, ngunit ang isang parte ay gawa sa bakal.

Itinutlak n'ya iyon pataas. Umangat ito. Sa siwang, nakita n'ya ang sinag ng liwanag. Mas ginanahan si Clyde sa pagtulak. Hanggang sa tuluyan na nga n'yang nakita ang labas.

Hinawi n'ya ang harang. Sinampa n'ya ang nabukas na daanan. Sa paglabas, pinagmasdan n'ya ang lugar na nilabasan. Isang madilim na eskinita. Isa palang 'yung manhole.

Nagmamadali s'yang tumakbo habang nasa concealed state. Natatanaw n'ya na kasi ang mga assassins.

...

Sa palagay n'ya naiwala na n'ya ang humahabol na mga assassin. Nakahinga s'ya ng maluwag. Pero dahil segurista isang beses pa n'yang ginamit ang conceal. Pumunta s'ya sa direksyon na mataong lugar.

Nag-shopping si Clyde sa isang night market. Namili s'ya ng mga makakain. Mga ulam tulad ng canned goods at frozen foods. Mga biskwit at mga cookies. Mga damit na pambabae. Naghanap din s'ya ng magagamit na lutuan, isang portable gas stove. Matapos mamili, pinasok n'yang lahat ng napamili sa dimensional realm ni Eba. Idinamay n'ya rin ang higaan, kumot at unan na nakuha n'ya sa dungeon.

Sunod na ginawa n'ya ay pumunta sa isang istasyon ng pulis. Habang nakatakip ang mukha, ibinigay n'ya ang isang kopya ng video ng auction at mga ID ng participants sa black market. Ipinaliwanag n'ya ang nasaksihan. Pagkatapos, umalis na s'ya. Medyo hindi lang s'ya palagay. Alam n'yang malaki ang posibilidad na hindi iyon aksyunan sapagkat mga hunter na ang mga nasasangkot. Pero hindi kayang magbulag-bulagan ni Clyde sa nasaksihan. Ginawa n'ya lang ang kanyang makakaya.

Ginawa n'ya rin ang huling balak bago tuluyang umuwi. Dinala n'ya sa ospital si Kaiyo. Pina-checkup n'ya ito. Doon niresetahan s'ya ng mga gamot at mga bitamina na agad n'ya ring binili.

"Kaiyo, okay lang ba sa'yong manatili muna sa loob ng dimensional realm ni Eba?" Nag-aalalang tanong n'ya sa babae.

Nakangiti itong tumango at sumagot. "Oo naman."

...

Pasado alas-una na ng madaling-araw nakarating sa lugar nila si Clyde. Bago pumasok ng kanyang apartment, iginala n'ya ang mata sa paligid. May mga nakatambay na mga kalalakihan sa paligid. Mga hindi n'ya kilala. Pero ramdam n'yang mga hunter ito. Meron din s'yang napansing naamasid sa isang puno sa hindi kalayuan. Sa pagtingin n'ya roon, s'ya ring pagkawala ng presensya. At nang lingunin n'ya ang tuktok ng tore ng kuryente, nawala ang isa pang presensya.

Pumasok si Clyde sa loob. Bukas tatawagan n'ya si Jake. Kukumpirmahin kung s'ya ba ang nagpadala sa mga 'yon.

...

Sa gabi ring 'yon, kumalat ang balita sa iba't-ibang mga guilds o hunter related organizations.

Nakakuha iyon ng samu't-saring reaksyon. May mga nagpakita ng interes sa isang bagong malakas na hunter. Kung posible, ire-recruit nila ito sa kanilang mga grupo.

May mga neutral. Yung mga skeptical sa pagre-recruit ng isang hunter na matapang na kumalaban sa laksa ng mga hunter dahil lang sa isang auction.

At pinakahuli, ang may mga agresibong stance. Sila 'yung hostile sa kanya. Sila 'yung mga nagalit at na-offend sa ginawa n'yang kapangahasan. Sa or as na madiskubre s'ya ng mga ito, pagpipira-pirasuhin s'ya nila.

At ganoon nga inanunsyo ni Clyde ang presensya n'ya sa mundo ng mga hunter. Bilang isang misteryosong masked hunter na naghasik ng kaguluhan sa isang black market.

Naging kakatawa silang lahat dahil nagawa silang paglaruan ng nag-iisang hunter.

...

Next chapter