webnovel

KABANATA 2

20 YEARS AGO. . .

"MA, saan ba talaga tayo pupunta? Bat iiwan natin itong bahay? Ilang araw na lang ay pasukan na naman, ah?" Hindi ko mapigilang magngitngit habang tinitingnan ang pag-eempake ng mga gamit ng aking ina. Hindi ko maintindihan ang inaakto niya dahil biglaan din ang kaniyang desisyon. Ne wala man lang siyang sinabing rason kung bakit kami aalis.

Isang aligagang tingin ang ipinukol ni Mama sa akin na mas lalo kong ipinagtaka. Mukhang may matindi siyang inaalala. "Huwag nang maraming tanong, anak, basta maghanda ka na ng mga gamit mo. Magdala ka ng maramihan dahil hindi ko tiyak kung makakabalik tayo agad dito sa atin," sunod-sunod niyang utos.

Habang palabas sa kaniyang silid ay mataman ko naman siyang pinagmasdan. Alam kong may dahilan kung bakit agad na nagdesisyon si Mama nang ganito dahil hindi siya basta-basta nagdedesisyon nang hindi naangkop sa sitwasyon.

Kalahati na ng katawan ko ang nakalabas na sa pintuan nang muli kong hinarap ang aking inang tila pagod na pagod. "Eh, 'Ma, sina Dexter? Alam na ba nila na papunta tayo sa Samar?"

Nilingon ako ni Mama. Napansin ko ang kaniyang pagkagitla, parang mas tumindi ang tensyon nakikita ko sa kaniya. "A-ako na ang ba-bahalang magsabi sa mga kapatid mo, Tosh. Si-sige na umakyat ka na sa silid mo at mag-empake. Bago magbukang liwayway ay saka tayo babiyahe ng barko papuntang Samar," nauutal na sabi nito pagkatapos ay muling itinuloy ang pag-eempake.

Tumango na lamang ako at tuluyan nang lumabas ng silid. Dahan-dahan kong isinara ang pintuan. Tahimik akong naglakad papunta sa aking silid. Gagawin ko na lang ang inuutos ng aking ina kaysa kagalitan na naman ako.

Actually, ako kasi ang pinakapasaway sa aming apat na magkakapatid. Ako nga pala si Toshiro Lacus, ikalawa sa quadruplet.

Nanghihinayang talaga ako kasi ilang araw na lang ay pasukan na . . . tapos ganito? Hindi pala matutuloy ang pagpasok namin sa paaralang pinapasukan namin. Tss. Hindi ko na makikita ulit si Elisse . . . ang long time crush ko.

Seatmate ko si Elisse. Sino ba naman kasi ang hindi magkagusto sa isang Elisse Ellizondo? Maganda na nga, napakabait pa at matalino. Galing pa siya sa Buena Familia ng aming bayan.

Oo, sampung taong gulang pa lamang ako pero may crush na ako. Ang landi ko ba? Eh, sa hindi ko mapigilang humanga sa kaniya.

Natigil ako sa pag-iisip nang may marinig akong mga yabag papalapit sa aking silid. Dali-dali akong naglakad papalapit sa pintuan at nang pipihitin ko na sana ang seradura ay bigla na lamang itong bumukas. Mabilis akong humakbang patalikod para hindi masagi ng pinto pero sa hindi inaasahang pangyayari . . . natamaan pa rin ako.

"Aray!" daing ko habang sapo ang aking mukha na tumanggap ng pinakamalakas na impact. Masakit iyon, ah! Akala ba ninyo, hindi? Tss.

MABILIS kong binuksan ang pintuan ni Tosh at hindi sinasadyang napalakas ako nang bukas. Lagot na naman ako nito. Tiyak, si Tosh na naman ang natamaan ko.

By the way ipapakilala ko nga pala muna ang sarili ko. Ako nga pala si Nakame, Nakame Lacus. In short Nakame. Astig ba? Pangatlo lang naman ako sa quadruplet. Ako ang pinakakalog sa kanila, mas pasaway pa kay Tosh.

Huwag kayong maniwala sa kaniyang siya ang pinakapasaway, ha? Dahil ako ang pinakapasaway! Hahaha. Ipagpilitan ba naman? Pero huwag ka, pinaka-open-minded naman ako sa kanila.

Back to reality, iyon nga, natamaan ko si Toshiro. Nasaktan nga siya, pulang-pula na ang mukha niya, eh. Ano mang oras iiyak na iyan. Hahaha. Joke lang.

"Ano ba naman, Nakame? Pang-ilang beses ng nangyari 'yan. Sa susunod, tatamaan ka na talaga!" nanggigigil na asik ni Tosh sa akin.

"Sorry na, bro,"taos sa puso kong sabi, ramdam ko namang grabe ang nagawa ko sa kaniya. Napatingin ako sa dalawa kong kasama na palihim na nakikinig lang.

Dahan-dahang umupo si Dada sa malaking kama ni Tosh.

"Eh, hindi ka na ba nasanay kay Nakame, Kuya Toshiro? Eh, kung makapasok yan, wagas! Wala nang katok-katok sa pintuan. . . pasok agad!" ang matabil na sabi ng bunso namin.

Yes, bunso namin! Babae, Jeyda Lacus, in short Dada. Siya ang pinaka-cute sa aming magkakapatid at pinakaingat-ingatan na rin. Bunso, eh. Babae pa man din. Mahilig mambuska yan pero sweet naman.

"Isa ka pa!" masungit na sabi ni Tosh at saka kiniliti nang walang patid si Dada.

"Kuya. . . Tama na!" tili nito habang tumatawa. "Hindi ko na kaya, Kuya!" Hindi naman ito tinigilan ni Tosh sa kabila ng pakiusap.

Napailing-iling na lang ako dahil sa kakulitan nila. Ganiyan talaga kami kagulo. Pasensiya na.

Napansin ko naman si Dexter, ang panganay namin. Dexter Lacus or Dex for short. Tahimik lang siyang nagmamasid.

Actually, siya ang pinakakaiba sa aming magkakapatid. Tahimik kasi siya palagi, though, mabait naman siya. Huwag lang aabusuhin. Siya rin ang pinakaguwapo sa aming tatlo. Bukod pa sa guwapo . . . matalino rin siya at talented.

Kung si Tosh, mahilig sa pagkanta-kanta at pagsayaw-sayaw, si Dex naman ay magaling magsulat ng nobela. Mahilig din siyang mag-experiment. Noong pitong taong gulang nga kami . . . may kinatay siyang kuting. Kailangan kasi sa project niya. Ewan ko ba, pero nakakasuka noon yong ginawa nya. Atleast, nagka-A+ siya na grade noon sa Biology.

Akalain mo iyon . . . hindi siya natakot man lang? Pinakamalakas kasi sa amin ang loob niya . . . in short ay malaki ang confidence sa sarili. Hindi tulad ni Dada na born to be walang talent yata kaya walang kaconfi-confidence. Mabuti na lang ay palaging andiyan si Kuya Dex. Hindi siya pinapabayaan at laging umaantabay.

Close kaming tatlo kaya kung inaway ang isa sa amin, kalaban mo kaming lahat.

Magkakapatid at magkakadugo kami, QUADRUPLET.

Mahirap paghiwalayin, iisa ang dugong nananalaytay.

Pero . . . iba-iba ang mukha.

Next chapter