webnovel

KABANATA 1

MABIBIGAT NA BAYO ng sapatos ang maririnig sa buong corridor ng eskuwelahan. Mula iyon sa isang pares ng mga paa na tumutugma papuntang School Library. Sa pagbukas pa lamang niya ng pintuan ay agad na niyang nabungaran ang naghihintay na estudyante. Isang kiming ngiti ang ipinakita nito sa guro at dahan-dahang inilabas ang itinatagong proyekto sa subject nilang Arts and Literature. Matamang pinasadahan ng tingin ng guro ang proyekto, samantalang ang estudyante ay hinayaan muna nitong gumala sa silid. Kailangan pa kasi niyang pag-aralan ang ipinasa nito para malaman kung nararapat nga ba siyang pumasa.

Hanggang sa dumaan nga ang ilang minuto, mas lalo pang tumahimik ang paligid. Mayamaya ay lumapit ang estudyante sa guro at may ipinakitang isang larawang kupas na katamtaman lamang ang laki . . . na sa sobrang luma ay puno na ng alikabok.

"Kilala nyo po ba sila?" tanong ng estudyante.

Matamang tinitigan ng guro ang naturang litrato at manipis na ngumiti sa estudyante. "Oo, kilala ko sila. Actually, dito sila nag-aral noon. . ." bigkas ng guro na tila sarili lamang ang kinakausap.

"Ah, ganon po ba?" sagot ng estudyante na parang hangin lang na dumaan sa pagitan ng pandinig ng kaniyang guro.

Kinuha ng guro ang litrato at pinunasan iyon ng kaniyang sariling panyo. Nandoon na lamang sa kupas na litrato ang kaniyang atensyon. "Oo, sampong taon na ang nakararaan nang kuhanan ang litratong ito. . ." bulong ng guro na umabot pa sa pandinig ng estudyante.

"Eh, nasaan na po sila ngayon?" Mas lalong tumindi ang kyuryosidad ng mag-aaral sa tinuran ng guro.

Isang manipis na ngiti ang isinukli ng kaniyang guro habang dahan-dahang pinapasadahan ng tingin ang mga nakangiting mukha ng apat na mag-aaral sa litrato.

Hanggang sa naglakbay sa nakaraan ang gunita nito . . . kung saan kabisadong-kabisado pa niya ang mga pangyayaring naganap isang dekada na ang nakalilipas.

Next chapter