AKIO'S POV.
"Bahala kayo, CR lang ako kainis!" Bulalas ko sa kanila.
Paanong hindi ka maiinis, kanina pa nila akong inaasar kay Rylie. Kung alam lang nila na may secret boyfriend yang si rylie tiyak akong magagalit din sila.
Pinaglalaruan niya lang ako at ako namang si mangmang nagpalaro. Mabuti na lang hindi pa malala ang pagkagusto ko sa kanya kaya ko pa siyang iwasan at kalimutan. Pagkatapos kong umihi, bumalik na ako sa classroom para hintayin si prof. May 30 minutes pa bago siya dumating at may trenta minuto ako para dedmahin lahat ng pang-aasar ng mga mokong.
"Nakapagpalit ka ba ng napkin?" Pangaasar ni Ryan. Nagtawanan silang tatlo dahil sa sinabi niya. Tiningnan ko lang sila ng masama at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Bro, chill lang papasok din yun hintay lang agang-aga ang lakas ng regla mo," inakbayan niya ang balikat ko at agad ko din inalis yun dahil sa inis na sinabi ni Ciro.
Wala naman akong pake kung pumasok siya o hindi. Sa isang linggo monday, wenesday at Friday lang siya pumapasok. Pag Friday minsan cut pa siya ng classes. Today is Wednesday kaya mamaya papasok din ang babaeng yun.
Buong klase akong balisa, naiinis ako sa sarili ko. Dapat hindi ko siya iniisip pero eto ako ngayon paikot-ikot lang siya sa isip ko madalas tambay pa. Mabuti na lang nakinig si Drei sa lesson kanina kaya nung nag-quiz kumopya na lang ako sa kanya.
Hindi ko naman gawain mangopya madalas ako ang nagpapakopya sa kanila pero iba ang sitwasyon ngayon. Araw ng miyerkules hindi siya pumasok. Hindi na ako magtataka may boyfriend na nga kase.
Malay ba natin kung nag-sine sila o nagdate buong araw mukhang miss na miss nila ang isa't-isa. Ginamit niya lang ako ata ako para magtripan.
"Miss mo na? Bakit hindi mo puntahan weak!" Panira ni Ryan sa akin habang kumakain kami canteen.
"Bakit ko pupuntahan, baka kasama niya ang boyfriend niya." Walang gana kong sambit habang kumakain. Bakit wala akong malasahan sa kinakain ko.
"Lumabas din ang katotohanan, nagseselos ka dahil may nakita ka. Pre may gusto ka nga sa kanya ano sa tingin mo Drei?" Binaling niya ang atensyon niya kaya Drei habang naglalaro ito ng ml.
"Onsim," maikling sagot ni Drei at nagpatuloy na sa paglalaro sa kanyang cp.
"Gusto ko siya, hanggang dun na lang yun."
Natahimik sila sa sinabi ko at nagpatuloy lang sa pagkain. Naaawa 'ata ang mga mokong, pero mamaya demonyo na ulit ang mga 'yan nag-iipon lang ng energy.
Bumalik na kami sa room pagkatapos kumain, ganun lang din ang nangyare nagklase ang prof namin at nakinig lang ako ng mabuti para hindi ko siya maisip. Nawala naman kaagad siya pero panandalian lang.
From: Rylie
Kio nasaan ka? Puntahan mo ako sa condo ko.
Anak ng tokwa kung kelan naman ayos na pakiramdaman ko manggugulo naman siya.
To: Rylie
Ayoko, sorry busy ako.
Umiiwas muna ako, talo ako kapag nagkataong nagpauto ako sa kanya. Kaya hanggat maaga pa at hindi pa malala ako na mismo ang iiwas.
Kinabukasan, nagyakag si Ciro sa isang club kase may negosasyon siya dito. Hindi na ako tumanggi para naman makapag-relax ako. Umaga lang ang class namin kaya after ng class diretso na agad kami sa club na pupuntahan namin.
"Rylie! Himala pumasok ka pinagalala mo si Kio este kami!" Pabirong sigaw ni Ryan kay rylie. Basa pa ang buhok niya halatang nagmadali para hindi ma-late ngayon. Huwebes ngayon kaya nagtaka din ako kung bakit siya pumasok. Umupo siya sa tabi ko, wala na akong pake sa kanya. Wala na.
"Pakasal na kase kayo, abay kaming tatlo!" Pangangasar ni Ciro sa amin.
"Bukas na bukas din papakasal na kami di'ba kio?" Kumindat pa siya sa akin at halatang inaasar din ako. Hindi ko na lang din siya pinansin at tinuloy ang aking pagbabasa.
"Anong binabasa mo?"
Nilapit ni Rylie ang mukha niya sa libro para maalis dito ang atensyon ko. Papansin talaga kahit kailan. Isinarado ko ang librong binabasa ko para wala na siyang dahilan para guluhin ako.
"Bakit hindi mo ako pinapansin? May mali ba akong nagawa sayo?" Sunod-sunod niyang tanong.
Bakit nga ba ako nagkakaganito? Wala naman siyang ginawang mali o masama sa akin. Nakakainis ang sarili ko hindi ko maintindihan.
"Wala masama lang pakiramdam ko." Pagdadahilan ko sa kanya.
Hingal na hingal akong sundan siya habang naglalakad palabas ng university.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Basta, ang dami mong arte baka mahuli tayo bilisan mong maglakad!"
Nanahimik na lang ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung naglalakad kami o tumatakbo. Ang takbo ko lakad lang niya, kabayo yata talaga siya.
"Bakit wala sila dito?!" Takang-taka niyang tanong sa kawalan. Hindi ko na lang siya pinansin. Nandito kami sa Quezon Memorial Circle sa may malawak na field kung saan marami tao kang makikita. Ang lawak ng lugar at ang sarap tambayan. Nagtataka lang ako kung sino ang hinahanap niya dito.
"Alam mo kasalanan mo ito eh ang kupad-kupad mo maglakad," lumabas na naman ang pagiging barako niya. At hindi na ako magtatanong kung ano ang sunod niyang gagawin.
"A-aray, bakit kasalanan ko dapat nagsakay tayo kung gusto mo silang abutan," sambit ko habang hinihimas ang braso ko dahil sa sakit ng pagsuntok niya.
Ilang minuto lang nagkagulo na ang tao at nagtakbuhan malapit sa malaking tower dito.
"Ala may lalakeng tatalon sa tower tingnan nyo!" Saad ng ale na nakabangga sa amin. Nagmadali akong pumunta kung saan nangyayare ang gulo.
Nakipagsiksikan ako para ng makalapit sa tower kung saan nakatayo ang lalakeng aktong tatalon. May suot siyang placard sa katawan at may nakasulat.
(Abygail Martinez, Please forgive me)
"ABYGAIL KAPAG HINDI MO AKO BINALIKAN MAHAL, MAGPAPAKAMATAY AKO!" Naiiyak na sambit ng lalakeng nasa taas ng tower. Sa sobrang taas nito hindi ko na makita ang itsura ng kanyang mukha. Sigurado akong durog ang bungo niya pag natuloy ang balak niyang magpakamatay.
Nabalot ng tensyon ang paligid at takot sa mga tao. May mga naaawa at karamihan sa kanila tinatawanan lang ang lalake habang kinukuhana ito ng video.
Unang beses ko pa lang makita na may magpapakamatay na tao dahil sa baliw sa pag-ibig. Dahil sa gulo ng paligid nakalimutan kong may kasama pala ako.
Linktek!
Nasaan si rylie?
Luminga-linga ako at tumingin sa paligid pero wala akong makita.
"May babae sa taas baka si Abygail Martinez!" Sigaw ng babae sa harapan ko, hindi ko sila pinansin at nagpatuloy paghahanap kay rylie.
"Oo nga! Nakakakilig naman parang teleserye videohan ko 'to sisikat for sure!"
Dahil takang-taka na ako sa sinasabi nila tumingin ulit ako sa taas kung nasaan ang lalake. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, kahit hindi ko nakita ang mukha babae alam ko na siya yun.
Si Rylie ang nasa taas ng tower, anong balak niyang gawin?
Hindi na ako nagsayang ng oras at dali-daling pumasok sa loob. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa ngayon ang alam ko lang kailangan kong umakyat.
Pumasok ako sa elavator at dali-dali pinindot ang button paitaas nang makataas na ako lumabas ako kaagad hindi ko na inaalam ang itsura ng lugar dahil sa pagmamadali.
Nang malapit na ako sa taas may humarang sa akin na pinto. Nakalock ito sa labas. Bakit mo ni-lock rylie? Bumaba ako at naghanap ng pwedeng gamitin para sirain ang pinto. Sakto may nahanap akong palakol. Kinuha ko ito at dali-daling tumaas para sirain ang pinto.
Nang masira ko ang pinto nakita ko silang dalawa.
"Sige tumalon ka diyan bakit ayaw mo pang tumalon!" Sigaw ni rylie sa lalake.
"Sino ka ba at ano bang pake mo!" Tugon ng lalake dito. Lumapit ng konti si rylie sa lalake.
"Wag kang lalapit kung hindi tatalon talaga ako!" Pagbabanta ng lalake kay rylie.
"RYLIE!" I shouted. She looked at me.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat siya ng makita ako.
"Ano sa tingin mo ginagawa mo?" Balik kong tanong sa kanya. Hindi niya ako pinansin at binaling ulit ang atensyon dun sa lalake sa harapan.
"Sa tingin mo ba pag tumalon ka dyan mamahalin ka pa ni abygail! Tanga ka ba? Hindi ka niya pinili mahirap bang tanggapin yun?"
"Hindi ko kayang mawala si abygail sa buhay ko, siya lang ang mundo ko abygail balik ka na..." Humagulgol ang lalake sa pag-iyak.
"Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan sa mundo ang selfish mo, lahat tayo may pinagdadaan pareho lang tayo." Rylie started to make a scene.
"Iniwan din ako ng taong mahal ko, mahal na mahal ko siya kahit wala na siya, buti pa nga si yung mahal mo buhay pa." Tumula ang luha sa mga mata ni Rylie.
Totoo kaya ang sinabi niya? Namatayan siya ng mahal niya sa buhay.
"May pagkakataon ka pa na maibalik siya, ako wala na dahil wala na siya..." Lumuhod si rylie sa sahig at nagsimulang humagulgol. Lalapitan ko na sana siya pero naunahan ako ng lalake sa harapan.
"Totoo bang namatayan ka? Ilang taon na?"
Nakaramdam ako ng selos habang pinapatahan niya si Rylie. Ako dapat yan. Gawain ko yan sa kanya. Hinayaan ko na lang sila at akmang aalis na sa lugar.
"Totoo, totoong patay ka sa'kin!" Humarap ako at nakita ko na lang na nabalian na niya ang lalakeng katabi niya.
"Kio! Kumuha ka ng tali! Bilis!" Utos niya sa akin.
Saan ako kukuha ng tali sa lugar ba ito? Mabuti na lang matalino ako kaya naisipan kong tali na lang ng sapatos ko ang ibigay sa kanya. Tinalian niya ang kamay ng lalake at pinaluhod ito. Dumating na ang mga pulis para hulihin ang lalake at bumaba na kami matapos ng insidente.
"Yung sinabi mo kanina totoo ba yun?" Alalang tanong ko sa kanya habang kumakain kami. Halos mabilagukan siya sa sinabi ko. Uminom muna siya ng tubig at tumawa ulit.
"Talagang naniwala ka sa sinabi ko? Hindi syempre!" Tawang-tawa niyang sambit.
"Galing kong umacting noh? Anak kase ako ng director."
Nagptuloy na lang ako sa pagkain at umaktong hindi ako nagaalala. Dahil kung totoo man yun handa akong damayan siya.
#