webnovel

Thread XIV

"Bawal "Around-The-World" oy!" sabi ni Shion, patungkol ito sa nilalaro nilang Jackstone. Ako naman ay nakakunot na pinapanood na maglaro ang mga kaibigan. Hindi pa rin maproseso ng utak ko na nakakaya nilang maglibang kahit na ang daming problema ng Stanford.

"Oo na, oo na!" sabi ni Sheryl na katatalo lang dahil may hindi nasambot na… ano nga ulit ang tawag diyan? Hindi ko alam. Mas matutuwa pa sana ako kung mga board games ang nilalaro nila. May mas thrill iyon.

Malakas ang tawanan nila. Iniwan ko na sila doon sa sahig at humiga doon sa kama. Naramdaman ko rin ang pagtayo ni Khen papunta sa kusina, akala mo ay siya ang may-ari ng kuwarto.

"Oh, juice muna kayo!" akit ni Khen. Inilapag niya ang katitimplang juice— na sa palagay ko ay nakita niya lang sa taas ng cupboard ko. Nagsilapitan naman ang kaniyang kasamahan at iniwan ang nilalaro. Naamoy ko iyong tinimpla niyang orange juice kaya napalapit na rin ako. Binigyan ako ni Khen ng isang baso.

Kaming lahat ay naupo sa palibot ng lamesa habang si Sheryl ay nagluluto ng Pancit Canton. Akalain mo iyon, maalam pala siyang magluto?

Nagkuwentuhan iyong tatlong naiwan. Hindi ako sumabay sa pinag-uusapan nila dahil inis pa rin ako kay Jay. Ang haba-haba ng buhok niya katulad ng akin. May matangos din siyang ilong, mas payat nga lang iyong kaniya. Maayos din iyong porma ng kaniyang panga na kung saan ay tinubuuan ng balbas na bagong ahit.

"If stares can kill, I must have been lying to my coffin by now," wika ni Jay. Saka ko lang napagtanto na ako ang kaniyang pinariringgan. Siningkitan ko siya ng mata at nagpatuloy sa pag-inom ng juice.

"Ganiyan lang talaga si Logan, Jay. Ayaw niya sa mga taong hindi pa niya kilala," wika ni Khen. Nakatingin siya sa akin habang may pilit na ngiti.

"Okay lang, medyo nagulat siguro siya sa akin noong una kaming magkita, e," sagot ni Jay. Walang gana akong pumasada ng tingin sa kanilang lahat.

"Uhm, what happened?" tanong ni Shion. Ako naman ay pinanonood ang loob ng baso na kanina lang ay puno ng juice. Kailangan ko pa ng isa. Kaya naman kinuha ko iyong pitsel, pero nagkasabay kami ni Jay.

"Let me pour it for you," sabi niya.

Nag-TSK lang ako bilang tugon. Hindi ko alam kung ano ang problema ni Jay sa akin. Nagmumukha siyang weirdo. Para siyang si Sheryl!

Inilapag ko iyong baso at hindi na lang uminom pa. Bahagya namang tumawa si Jay, sinundan ito ni Khen. At ilang sandali pa ay naamoy ko na ang Pancit Canton na niluluto ni Sheryl. Kumalam ang sikmura ko, kanina ko pa talaga na gustong kumain. Ayaw ko lang magluto dahil baka manghingi iyong iba. Ayos lang sana kung si Shion at si Khen lang ang hihingi. Pero kung si Sheryl at itong Jay lang naman, huwag na.

Sumagot si Jay sa tanong ni Shion, "Nakita niya lang ako na may kasamang babae habang may ginagawang milagro." Buong loob niyang sinabi.

Nagulantang ang mukha ni Shion, napabagsak-panga siya dahil sa narinig. Si Khen naman ay walang ibang ibinigay na reaksyon liban sa pagtawa. Sa palagay ko ay alam niya na ang tungkol sa kabalbalan ni Jay dahil sa nasa iisang house sila.

"You mean… he saw you having a sexual intercourse with a girl?" dugtong ni Shion. Bakit ba interesado ang mga babae sa ganitong usapin?

Umiling si Jay habang nakangisi. Nagwika siya, "No. Just sucking boobs." Mabilis ang kaniyang bibig sa pananalita. Hindi ko napaghandaan ang kaniyang mga sinabi. Normal na ba ngayon ang pagsuso?

Dumating si Sheryl kasama ang kaniyang niluto. Kumuha ng platito at tinidor si Shion. Iniligpit naman ni Khen ang pinag-inuman namin.

Sabay-sabay kaming naupo at kumain ng bagong lutong pansit. Hindi siya masarap, pero ayos na rin dahil nagugutom na ako.

"So, virgin ka pa pala?" agarang tanong ni Sheryl kay Jay. Muntik na akong mabilaukan dahil sa kaniyang termino. Heto na naman tayo sa marurumi nilang salita.

"Sorry to ask, akala ko kasi hindi na, e. You know, ang pogi mo kasi!" malanding sabi ni Sheryl. Lahat siguro ng may-itsura ay pinapatulan nito. Huwag sanang ganoon, sayang talino niya kung panlabas na katangian ang pagbabasehan niya sa 'kapogian' ng isang lalaki.

Kung alam lang niya sana kung gaano kadumi ang isip at katawan ng lalaking iyan!

"Kapag pogi ba, required na hindi na virgin?" tanong ni Khen kay Sheryl. Magkatabi sila kaya mahina lang ang kaniyang boses. Sa susunod ay itatanong ko kay Khen kung ano na ang iskor niya sa babae.

"Hindi naman. Iba kasi iyong kaso ni Jay. He's an artist of nude," tugon ni Sheryl.

Kinunutan ko ang kaniyang sinabi ngunit hindi nagsalita.

Si Shion ang nagtanong, "Artist of nude?"

Tumango si Sheryl at nagsalita, "Yes! Kaya nga siya napabilang sa leaderboard dahil sa exceptional talent niya sa painting!"

"Uy, hindi naman sa exceptional," nahihiyang tugon ni Jay, "extraordinary lang, siguro? Kasi walang iba iyong may kayang gumawa ng ganoong art dito sa Stanford, e. Teka."

Pinutol niya ang kaniyang pangungusap at kinuha ang cellphone sa loob ng kaniyang bulsa sa pantalon. May ipinakita siyang litrato ng isang painting. Napalunok ako nang tatlong beses nang makita ko ang painting ng isang babae na hubo't hubad. Detalyado ang kaniyang ari. Narito rin ang malaki niyang dibdib at kumikinang na perlas ng utong.

"I made this when I was in Tenth Grade. Ito iyong nagbukas ng opportunity para makasama ako sa Gogh Club," sabi niya.

"Dapat nasa Tiger's House ka! Skills iyan, right?" tanong ni Shion. Literal na pinanonood ko lang silang mag-usap. Tahimik lang akong kumakain ng pansit.

"Hindi, sideline ko lang naman ito. I claim myself as a Math Prodigy," tugon ni Jay na naging dahilan upang mapairap ako. Nakita ito ni Khen. "Oh, ba't ka na naman umiirap, Logan?"

Ibinaling ko ang atensyon sa kaniya. Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil alam nilang hindi ko gusto si Jay. Isa na yata siya sa pag-iinitan ko ng ulo. Dagdag na naman sa listahan kung magkakataon.

May boses na nanggagaling sa labas ng pintuan ang pumasok sa loob. "Excuse me po," wika nito. Nasa loob kami ng kusina kaya hindi nakikita ang katawan namin.

"May tao po ba?" karugtong nito.

Napagpasyahan ko na tumayo at puntahan ang hindi kilalang bisita.

"Uh, 'ssup?" naiilang kong tanong dahil hindi pamilyar ang kaniyang mukha sa akin.

Nakita ko ang hindi katangkaran na babae. Siya ay hanggang ilong ko. Mayroon siyang kulay-lupang buhok, naka-donut style ang pagkakapuyod nito, habang may ilang hibla ng buhok ang nakalupagi sa bandang noo niya.

"Hey! Hello sir Logan, I'm an Eleventh Grader mula sa Wolf's House," kaniyang sabi, "I just wanted to ask you po if you have seen my twin?"

"Twin? Kakambal mo? Wala," aking tugon.

"We're not actually identical twins. Uhm, lalaki siya na may mahabang buhok tapos matangos na ilong. Maingay at madaldal, ganoon. Hindi niyo po talaga nakita? Neighbor kayo, e," kaniyang sabi.

"Hindi talaga," tugon ko.

Tinanguhan niya ako at nagpaalam. "Maingay at madaldal?"

Papasok na ulit ako sa loob ng kusina nang banggitin ko muli ang kaniyang paglalarawan sa kakambal niya. Napalabas ako at napasigaw, ���Hey! Si Jay ba ang kakambal mo?"

Malayo-layo na rin ang nalakad niya sa pasilyo, kaya buong-lakas kong iwinika iyon. Malugod siyang lumingon at bumalik.

"Wait here." Pumasok ako sa kusina at tinawag si Jay.

"May naghahanap sa iyo. Kakambal mo raw," sabi ko.

"Really? Okay," tugon niya. Tumayo siya sa kaniyang upuan at lumabas. Hindi na kami sumunod sa kaniya at hinayaan na lang silang mag-usap doon. Huwag na sana siyang bumalik.

Maya-maya pa at narito na ulit siya kasama namin. "I have to go, folks. Salamat sa pagkain. See you around," wika niya.

Nginitian niya kaming lahat at nagpatuloy na sa pag-alis.

"It's almost time. May curfew na tayo, aalis na rin siguro ako, Logan," pagpapaalam ni Shion. Bago siya umalis ay inilagay niya ang pinagkainan namin sa lababo at nagsimulang maghugas. Matapos iyon ay umalis na rin siya.

"Kayo? Hindi pa ba kayo aalis?" tanong ko kay Khen at Sheryl.

Umiling sila nang sabay. "Nope, may pag-uusapan tayo," sinserong wika ni Sheryl.

"But we have curfew," tugon ko. Umiiling pa rin silang dalawa.

"May dala kami para sa sleep-over," sabi ni Khen. Nagulantang ang aking reaksyon.

"I won't let you in. Alam niyong bawal ang sleep-over!" tugon ko.

"Nakikitulog ka rin naman sa akin, ah," panunumbat ni Khen. Eto ang ayaw ko sa mga kaibigan ko, ang hiling manumbat!

Wala akong ibang nagawa kung hindi panoorin silang maghanda para sa aming sleep-over. Mabilis na nagdilim ang panahon sa labas. Bukas na ang ilaw sa pasilyo. Sinaraduhan ko na ang bintana at pintuan sa pag-aakalang makatutulog na ako nang mahimbing.

Ngunit hindi iyon nangyari nang akitin ako ng dalawa kong kasamahan sa lamesa sa kusina. Napansin kong may mga hawak silang papel.

"Is this group study?" tanong ko. Umiling sila parehas.

"No, but kind of," panimula ni Sheryl, "remember when we all first met at the library? Iyong may binabasa si Khen na makapal na libro and we talked about the year of establishment of Stanford?"

Tumango ako.

"It turned out that you were right. This school was established twenty years ago. Tama ka, Logan. Year-2000 nga at hindi Year-2004," dugtong ni Khen.

Ipinatong ko ang aking kamay sa lamesa at ipinagkrus ito. Hinayaan ko silang dalawa na magpaliwanag.

"Nalaman ko ito sa mga kakilala kong graduates. Pero sabi rin nila, rumors ito. But I guess it is not only a rumor, maybe there is something else. Maybe you can help to figure it out," sambit ni Sheryl.

"And, Logan," si Khen, "I found a map from the book I was reading. Nakadikit iyon doon sa isang page, mabuti na lang at ako ang nakakuha—"

"No, mabuti na lang at iilan ang nagbabasa ng history ng Stanford. Let's face the reality, wala namang may pake ang ilan dito. Ang gusto lang nila, makatapos, lumayas, at magkatrabaho," si Sheryl.

Tumayo si Khen at may kinuha sa kaniyang bag na hindi ko namalayang dala. Inilabas niya rito ang nakatuping papel. Inilapag naman niya ito sa lamesa at ibinuka.

Nakita namin ang kabuuan nito, maliit lang.

"What is this?��� tanong ko.

"Obviously, a map," sagot ni Khen.

"I know. Pero mapa ng ano ito?"

Tiningnan ako nang mahigpit ni Khen at nagsalita, "Hindi ko pa rin alam."

Ang mapa na nakikita ko ngayon ay puno na ng lamat ng tuyong tubig, marahil ito ay dating nabasa. Nakapinta rito ang mga maliliit na bilog. Ang bawat bilog ay nagre-reprisenta ng gusali ayon sa map. Pero walang malinaw na nagsasabi kung para saan ang map na hawak namin ngayon.

"What is this?" turo ko sa mga tuldok na nakaukit sa bandang gilid nito.

Dots:

. ...- .. ...- .-. ..- ... / -.. -. .- / . ...- .-.. --- ... / .. --. .- .--. / ... - .. / -.. .- . .-. / .-.-- .-. .- .. -.. / . .... - / -.. -. .. ..-. / ..--. .- -- / . .... - / . ... ..-

Sumagot si Khen, "International Morse Code. It was very famous back then, kaya siguro ito ang kinuhang codes."

"Oh! Iyon naman pala. Why don't we decode it, then?" mungkahi ko.

Umiling si Sheryl at nagsalita, "Khen asked me to decode that. But it doesn't make sense. I tried so many times and so hard to figure it out, but nothing has yet to result. But I still doubt that it is nonsense as it may appear, sobrang detailed ng map," sabi niya. Ipinatong ang kaniyang daliri sa mapa. "These three circles represent our houses— Wolf's, Tiger's, and Leon's. Ang apat naman na bilog sa likod nito ay ang Building A-B, Building B-B, Building A-G, at Building B-G. Pero ang pinaka-highlight ay Building A-B," kaniyang dugtong.

Sa pagkakataong ito, si Khen naman ang nagpatuloy, "We are thinking that something must have been hidden or buried around here."

Sumagot ako, "Are you guys sure that we should deal this instead of dealing Mateo?"

Kinunutan nila ako ng noo, "For a second, please forget your hatred towards Mateo," rekomenda ni Sheryl, "this is more serious."

"But you said that it was hopeless to decipher it."

Natahimik silang dalawa. Hindi ko napigilan ang sarili sa pagsasalitang muli, "Can you decipher it once more?" sabi ko kay Sheryl.

Nagbuntong-hininga siya saka kumuha ng papel at ballpen. Nagsimula siyang i-translate ang Morse Code. Pinanood ko siya, hindi naman nahirapan ang babae dahil sa mukhang tandang-tanda niya na ang nakasulat. Matapos iyon ay ibinigay niya na ang produkto.

Translation:

"evivrus dna evloS .egap sti daeR .yraid eht dniF .pam eht esU"

Binasa ko nang malakas ang nakasulat. Tama sila, wala nga itong ibang ibig sabihin. Sinubukan kong gumamit ng google translator sa pag-aakala na ito ay nakasulat sa ibang lingguwahe, ngunit wala itong pinuntahan.

"I'll just make coffee," sabi ni Sheryl.

"Iihi lang ako," sabi naman ni Khen.

Naiwan ako sa lamesa kasama ang piraso ng papel ng translation. Tumayo ako at naglakad sa salas habang nag-iisip ng posibleng rason kung bakit ganito ang translation. Baka naman kasi mali ang gawa ni Sheryl? Pero mukhang sigurado siya. O puwedeng mali ang mismong gumawa. Pero bakit niya iyon gagawin?

Naguguluhan ako habang naglalakad. Hindi ko nausisa na nasa harap na ako ng salamin, kinakausap ang sarili— tinatanong ang sarili.

Napasandal ako nang patalikod sa salamin dahil sa nawawalan na ako ng pag-asa. Ganap ko na sana itong itatapon nang may makita akong repleksyon mula sa salamin.

Naningkit ang mga mata ko habang dahan-dahang binabasa ang nakasulat.

"SHIT!" sigaw ko.

Agad na lumabas ang dalawa sa kusina at sinamahan ako sa salas.

"What?" tanong ni Sheryl.

"Mirror!" isang-salita kong sagot.

"Anong mirror?" sabay na tanong ng dalawa.

"The text was reversed! Kapag natamaan ng isang prism ang text na ito, malalaman natin!" nagagalak kong sambit. Tumango-tango ang dalawa.

"Of course! Why didn't we think about that?" sabi ni Sheryl, "let's do it!"

Silang dalawa ay lumapit sa puwesto ko. Itinapat ko naman ang hawak na papel sa salamin.

Magkakasabay naming binasa ang nakasulat:

"Survive and solve. Page its read. Diary the find. Map the Use."

Isa-isa naming tiningnan ang bawat isa.

"This makes sense a lot more!" sabi ni Khen, "but we're not done yet. We have to read it backwards."

Tinanguhan namin ang kaniyang sinabi. Pero bago iyon ay isinulat namin sa panibagong papel ang na-deciphered. At nang ito ay aming magawa, si Khen na ang nagpasyang bumasa nang buo.

Nagsimula siya. Tahimik akong naghihintay habang si Sheryl ay parang mas excited pa sa akin. Nagsalita si Khen, "Use the map. Find the diary. Read its page. Solve and survive."

Sa ilang rason ay mabilis na tumaas ang balahibo ko sa aking katawanan. Nakaramdam ako ng kaba, mukhang hindi biro itong ihinaharap namin.

"We were asked to find the diary," mahinang sabi ni Sheryl, kinakabahan na siya ngayon, "but where do we start?" Tumingin siya sa gawi ko. Nagkibit-balikat naman ako.

Ilang sandali kaming tahimik habang nag-iisip. Nagsalita si Khen, "I think I know."

"Saan?" tanong ko.

Mabilis siyang pumunta sa bag niya at inilabas ang bughaw na libro. Ito iyong first edition kuno ng Stanford's History.

"I found the map on page-317, maybe it's related," sabi niya. Lumapit siya sa amin at ipinakita ang page-317 na sinasabi niya.

Pilit kong sinasara ang aking kamao para pigilin ang ibang nararamdaman na umaapoy sa loob ko. Hindi ko magawang basahin iyong mga nakasulat dahil hindi talaga ako mahilig bumasa nang nasa libro.

"On the wall," wala sa sariling sabi ni Sheryl.

"Ano?" tanong ko.

Kinuha niya ang libro at may tinurong mga salita. "I read the whole texts, ito ay isa sa mga speech ng director. Iniisip ko na baka may kinalaman ang number 317. So, I followed it. Binasa ko ang pangatlong sentence, ang unang sentence. At ang pang-pitong sentence. But it made no sense. And so, I thought, "maybe it is within a single sentence." And I was right," sabi niya, "read this."

May itinuro ulit siyang pangungusap. Ito ang unang pangungusap sa kaunahan din na talata.

Texts:

"The one on Stanford is on wall. You have talents, you have skills. And so, you belong here. We will protect you, you will protect us. No secret, pure intelligence. Stanford is the pride of our nation. Be the pride. Welcome freshmen."

Binasa ko ito. May iniutos na panibago si Sheryl. "Now, I want you to focus on the first sentence. Read the third word, the first word, and the seventh word. You will arrive at: "On the wall." See?"

Sinunod ko ang kaniyang sinabi. Totoo nga!

Nagsalita ako, "This means that we are tasked to find the diary on the wall!"

"Pero aling dingding?" tanong ni Sheryl. Parehas kami nang itatanong.

Ngumiti nang malawak si Khen. "Alam ko na! Kaya highlighted ang Building A-B, dahil isa sa mga ding-ding dito ang siyang tinutukoy ng mapa," sabi niya.

"Pero ang daming dingding!" sabi ni Sheryl.

Ako ang nagsalita, "Maybe it's still related to 317. What if it's Room-317?"

Nagliwanag ang kanilang mukha. "You're genius!" sabay nilang sabi.

Nawalan ako ng buhay at natakot. Nagsalita ako, "This room is Room-317."

(More)

Next chapter