webnovel

Epilogue

I was in the so-called 'Our House', 'yong bahay naming lahat. I forgot to bring something kasi.

Napahinto ako nang makita ko 'yong mga photo albums namin, pati na rin 'yong mga picture frames na naka-display. Isa-isa ko itong tinignan. Napapangiti na lang ako, natatawa at naiiyak kaya 'di ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Humagulgol pa 'ko habang nag-scan sa mga photos.

Hanggang doon na lang talaga ang lahat. Hindi na madadagdagan ang mga pictures namin. Kung madadagdagan man, lima na lang kami.

Ilang taon na rin ang lumipas mula nang mangyari sa 'min ang kakaibang karanasan na 'yon. Labis ang aming pighati at lungkot nang makauwi kami sa 'min.

You know what, kung ano 'yong similarities naming lahat? 'Yong pag-treasure namin sa friendship namin. Alam kong minsan may misunderstandings pero nase-settle din naman namin 'yon. Magkakasama kami ano mang problema meron kami. Nagkakaisa kami. Parang magkakapatid lang kaming lahat.

Maraming nagbago sa 'ming buhay after no'n pero 'yong friendship namin ay solid pa rin. Araw-araw kong naiisip ang pangyayaring 'yon. Until now, I still could not move on, tingin ko silang apat din.

It was really hard to forget lalo na't involved ang mga kaibigan namin na wala na. Masyadong masakit lalo na't na-witnessed pa namin ang pagkamatay ng ilan sa kanila. Kasalanan din naman namin kung bakit pa kami nagpunta ro'n.

Pero, wala naman kaming alam na gano'n pala ang kahihinatnan namin do'n, 'di ba?

Naiyak nga kami no'ng graduation namin. Kahit ngayon, 'pag naiisip ko 'yon bigla ay naluluha ako. Akalain mo, we were sixteen pero nang grumaduate kami, five na lang? It was so painful. Pero, hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na.

"Babe! Halika na!" Natigilan lang ako nang marinig ko ang tawag ni Clifford na nando'n na pala sa pinto. I wiped my tears away agad.

"Yes, babe! Andiyan na!" I yelled.

Binalik ko na 'yong mga photo albums. Nga pala, boyfriend ko na siya. Sinagot ko na siya. Tinupad niya 'yong promise niya na ligawan ako. Sobrang saya ko dahil napakabuti niyang boyfriend.

Si Mica naman, may nanliligaw na sa kaniya ngayon na crush niya rin pala. May pinagkaabalahan naman si Lexi ngayon. May plano yata siyang magtayo ng building for art gallery yata 'yon.

Si Kuya Max naman, nagkamabutihan sila no'ng kapatid ng lalaking nabato ko ng fres noon sa mall. Nakasalubong kasi namin ni Kuya 'yong babae tapos kasama niya ang lalaking nabato ko ng fres. Nagulat pa nga ako nang matandaan ako ng lalaking 'yon. Doon namin nalaman na magkapatid pala sila nang pinakilala ng babae 'yong kapatid niya sa 'min.

"Ang tagal mo naman," sabi niya nang makalabas ako sa Our House.

"Sorry." I beamed and I just gave him a smack. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero napangiti rin pagkatapos.

"Ito talaga, oh!" Inakbayan niya 'ko at giniya kung saan kami papunta.

Kahit five na lang kami over sixteen ngayon, pinipili pa rin naming maging masaya pero hindi namin kailanman kalilimutan ang friendship na nabuo naming sixteen. Parte na ito ng buhay namin. Inspirasyon namin ang eleven naming mga kaibigan para pagbutihin pa ang buhay namin at sulitin ito na parang kasama namin sila sa mundo.

I know it will take time pero sisikapin naming kalimutan ang pait at sakit na nangyari sa kakaibang gubat na 'yon at tanging masasayang alaala lamang ang aming babaunin hanggang sa pagtanda.

Hindi masusukat at mapapantayan ang saya at ngiti na naibahagi ninyo sa amin. Napakasaya namin at naging parte kayo sa aming buhay.

Keith, Josh, Johnny, Sab, Will, Arthur, Vaness, Erika, Roy, Denisse and Yunn. Mahal namin kayo. Hindi namin kayo kalilimutan dahil tayo ay magkakaibigan. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Next chapter