webnovel

Ang Bastos Sa Kanto II (Part 7)

Sa awa ng Diyos,nairaos namin ang report slash play namin. May plus kami sa card para sa second semester. Bakit hindi? Bumilib ang prof namin kung paano namin naipapasok ang aming topic sa bawat dialogue at eksena,kaya ayun nagdiwang kami.

Laking pasalamat ko na nga lang talaga na hindi maisipan ni Chance na manood,kasi baka hindi ako maka akto ng maayos.

Idagdag pa na si Arloo at Khyerr ang partner ko,mabuti na lang talaga at medyo nawala ang inhibitions ko that time.

At yun nga,semestral break na,nandito si Chance sa amin at masinsinang kinakausap sina Mama at Papa habang nakatayo lang ako at ipinaghehele ang baby brother ko.

"Sige na po,Ma,Pa." ani Chance kina Mama at Papa.

"Alam ba ito ng parents mo,anak?" ani Mama kay Chance,umiling si Chance. "Kung ganon ay hindi ka namin mapagbibigyan. Alam natin kung gaano kaayaw ng mga magulang mo sa relasyon niyo ni Kiji."

Nalungkot ako,kasi yun ang katotohanan,hanggang ngayon hindi pa din nila tanggap ang relasyon namin ni Chance,at yun ang isang malaking bagay na maaaring maging wall sa pagitan namin ni Chance.

"Pero,Ma,Pa. Ako po ang bahala,hindi naman nila ako laging pinupuntahan sa inuupahan ko. At hinding hindi din ako papayag na masaktan si Jiko. Pumayag na po kayo,please?" lumuhod si Chance na ikinagulat naming lahat.

"Chance,ijo. Masyado pa kayong bata ni Kiji. May tiwala kami sayo,alam naming hindi mo papabayaan si Kiji at hindi mo siya hahayaang masaktan. Pero paano kung sobrang sakit? Hindi namin kakayanin na masaktan pa ulit si Kiji." ang sabi ni Papa.

"Please po! Ma! Pa! Kahit buong third semester lang! Gusto ko lang talaga maranasang kaming dalawa lang ni Jiko. Pumayag na po kayo!" nagmamaka awa pa ding sabi ni Chance. Napalingon sa akin sina Mama at Papa,nanatili akong tahimik.

Alam kong mahihirapan kami,pero tulad ni Chance,gusto ko din maranasan na kaming dalawa lang. Isa itong panibagong hakbang para sa relasyon namin.

"Sige. Pumapayag na kami. Pero,once na umuwi dito si Kiji na hindi maayos. Kami na mismo ang puputol sa kung anong meron kayo." pagkalipas ng ilang minutong katahimikan ay sabi ni Papa.

Agad tumayo si Chance at niyakap sina Mama at Papa,pagkatapos ay ako ang niyakap niya.

Ang ending ate Mel,nung araw ding iyon ay nag alsa balutan ako. Gusto kasi ni Chance na makalipat agad ako,ganon siya ka excited! Pero alam kong mas excited din siya sa ibang bagay,alam niyo yan! So,I will prepare myself hihi.

Sa may Sto.Tomas pala nakatira na si Chance,apartment ito,magara pero medyo magulo,knowing him kung wala pang pumupunta dito para maglinis eh para na itong na Yolanda.

Dalawa ang kwarto,pero hindi ko muna iyon pinagpapansin dahil dakdak ng dakdak si Chance habang papasok sa isang kwarto bitbit ang mga luggage ko. Wow! Parang nasa ibang bansa lang ang peg.

"Hindi tayo magugutom Jiko. I have my savings. At ang allowance na para sa akin ay ibinibili ko ng mga kailangan ng anak ko at pambayad sa yaya niya. Every morning naglilinis at luto ang yaya,pagdating ng gabi bumibili na lang ako ng luto ng pagkain. Pag sunday ay kinukuha nina Mama at Papa si Vaughn at isasauli ng monday ng gabi." mahabang sabi ni Chance at naupo sa kama.

"Magpapa kita ba ako sa parents mo o hindi na lang para walang gulo?" ang agad kong sabi. Gosh,kailangan ko talagang mag adjust na.

"Oo naman! Ako ang kinakasama mo,hindi sila. Hindi man nila tayo tanggap,atleast may iilang tanggap at mahal tayo at iyon ang mahalaga,Jiko." tumayo siya,lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Okay. Sabi mo eh. Pero may suggestion ako? Pwedeng magluto na lang tayo at ako na din ang maglilinis ng bahay? Para hindi masyadong maraming trabaho ang yaya ni baby." ani ko,nilingon ako ni Chance at ngumiti.

"Naghahanda ka na talaga para maging asawa ko ha? Lets see,Jiko." ani Chance at ngumiti ng pilyo kaya sinapak ko sa braso.

Matapos kong mailagay ang mga damit ko sa lalagyan ay lumabas na ako ng kwarto. Lumabas si Chance at may pupuntahan daw saglit. Kaya ang ginawa ko ay inenspeksyon ang bahay.

Hindi ko mapigilang mapangiti kasi para na talaga kaming mag asawa,pero hindi ko din maiwasang mangamba,maraming pwedeng mangyari,pero tulad ng pangako ko ay hindi ako bibitaw.

Napukaw ng atensyon ko ang isang picture frame,nilapitan ko ito. It was Chance,kissing his baby. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ko alam kung bakit.

Mahal na mahal niya ang anak niya,nagsisisi kaya siya na wala na si Vane? Mahirap sigurong maging single parent lalo na sa edad niya. Pero nakikita ko at nararamdaman kong he's doing his best. Ang laki na ng pinagbago ni Chance,at sobrang proud ako sa kanya.

Ibinalik ko sa pwesto yung frame at huminga ng malalim. Inayos ko ang mga gamit para wala ng magiging masyadong trabaho yung yaya.

Gabi na ng dumating si Chance,karga niya ang anak niya at may kasama siyang babae na medyo may edad na,yun siguro ang yaya at may mga bitbit itong plastik bag.

"Jiko,siya si Manang Glory,siya ang yaya ni Baby Chad." pakilala ni Chance,parang nagulat pa ito,ine-expect siguro na babae ako.

"Magandang gabi po!" ang sabi ko at ngumiti.

"Magandang gabi din. Sige,magluluto muna ako." ngumiti ito at dumiretso sa kusina.

"Mabait yan si Manang." ani Chance. "Now,meet baby Chad."

Tinitigan ko ang natutulog na baby,kasing edad lang siya ng kapatid ko. At pinaghalong mukha ni Vane at mukha ni Chance ang itsura nito.

"Chad ang pangalan niya?" ang amazed kong tanong.

"Yup. Chad Azrael Vaughn Santillan." sagot ni Chance at pinasa sa akin ang baby.

Pagkarga ko palang ay nakaramdam na ako ng kakaiba. Ewan ko ba,overwhelmed siguro? Ang batang ito ay galing kay Chance at dapat ko din siyang mahalin.

Matapos ang hapunan ay umalis din si Manang Glory. Ako na naghugas ng plato at si Chance naman ay pinapatulog si baby Chad.

Hanggang sa pumasok na lang ako sa kwarto at nakatulog ay wala pa din si Chance. Naalimpungatan ako at tumayo. Sinilip ko ang kabilang kwarto.

Nasa rocking chair si Chance,tulog at nasa dibdib niya si baby Chad. Napangiti ako,nakatulog na din siguro siya habang pinaghehele si baby chad.

Kinabukasan ng magising ako ay nagluluto na si Manang Glory. Gusto ko sanang tumulong pero hindi ako pinayagan nito,maglilinis na sana ako ng sabihin nito na nakapag linis na siya.

Ano ng gagawin ko ngayon? Ayoko namang gisingin si Chance dahil puyat ito kay baby Chad.

"Uhm,Manang? Pwede po bang lumabas lang saglit?"

"Sige,bumalik ka agad dahil paluto na ito at gigising na din si Chance." sagot nito at ngumiti.

Nagtoothbrush at hilamos lang ako saka lumabas na ako sa bahay.

San ba pwedeng pumunta? Wala naman akong kakilala dito sa Sto.Tomas?

Alam ko na! Pupunta muna ako sa may 7/11 dahil kahapon pa ako nag ke-crave sa siopao!

Pagpasok ko sa 7/11 simbahan ay na feel ko na ang malamig na simoy ng aircon. Ang sarap lang sa pakiramdam,ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang lamig nito sa aking mga balat. Naisip ko na mas masarap na kasama ko si Chance ngayon para may yayakap sa akin at mawala ang lamig.

"Araaay!! Potangenaaaa!!"

Sigaw ko iyan,tinamaan ng glass door ang maganda kong likod.

"Sorry!" sabi ng boses na ikinalaki ng mga mata ko. Nilingon ko ito at hindi nga ako nagkamali.

"Arloo? Istatue?"

"Huh? Kiji? Anong ginagawa mo dito? Ikaw pala ang tinamaan ng pinto? Ang galing ko talaga!"

Sa narinig ko ay nagalit ang aking inner wolf! Gusto kong magtransform at kalmutin siya!

"Ay! Hindi ako yun?! Hindi nga ako nasaktan eh? Potangena magkaka eskolyosis ako sayo eh! At saka hello? Para sa lahat ang 7/11! Bwisit! Ang sakit ng likod ko!"

"Eh bakit kasi nakaharang ka? Alam mong madaming pumapasok?"

"Aba't sumasagot ka pa? Sana din tinitingnan mo kung may tao bago mo e-push ang pinto!" inis kong sabi. Tinalikuran ko siya at nagmartsa ako papunta sa kinalalagyan ng siopao.

Bwisit na Arloo yon! Akala ko hindi ko siya makikita ngayong sembreak? Madami ngang namamatay sa maling akala! Ang layo ng bahay niya eh nakarating siya dito?

Nang makakuha ng siopao ay dumiretso na ako sa counter. Magbabayad na sana ako ng may maglapag ng dalawang Slurpee at junkfood sa cashier.

"Miss,isama mo na 'to. Ako na ang magbabayad." ani Arloo kaya napairap ako sa kawalan.

"May pera ako pambayad. Siopao lang yan." inis kong sabi.

"I insist. Sayo na din ang isang slurpee."

"Anong akala mo sa akin? Kaya ko din bumili ng slurpee!"

"Thank you." sabi ni Arloo sa cashier kaya natauhan ako. Naglakad si Arloo papunta dun sa pwesto na pwedeng kumain.

Kinuha ko yung slurpee at humigop,kailangan kong pakalmahin ang aking sarili.

Umupo ako sa tabi ni Arloo at tahimik na kumain. Nilingon ako saglit ni Arloo at binaling na niya sa phone niya ang kanyang atensyon.

Kailangan kong magpasalamat kahit papaano.

"Salamat sa slurpee." ani ko.

"Uhm,Arloo." ang tawag pansin ko.

"Ano?!" asik nito sa akin habang ngumunguya ng Nova.

"Galit ka pa niyan? Ano,uhm.. Salamat."

"Wala yun. Kaya kita nilibre ng slurpee ay para hindi ako ma guilty--"

"Kaya pala umalis ka ng bahay ng walang paalam eh makikipag kita ka lang sa maputlang lalaking yan? Really,Kiji?!"

Nanlaki ang mga mata ko at inubo sa biglaang paghigop ko ng slurpee.

My gowd! Patay ako!

Si Chance!

Next chapter