webnovel

The Stripper (Strip 24)

"Anong nginingisi ngisi mo dyan,pre?" takang tanong ni Killian kay Brave habang nag iimpake ako.

"Kaya nga. Diba dapat malungkot ka? Kasi aalis na si Keeyo?" dagdag pa ni Lemon.

"Bakit ako malulungkot? Eh sasama ako sa kanya?" nakangiting sagot ni Brave at iniangat ang bag nyang nakahanda na.

"TALAGA?!" gulat at sabay na sabi ng dalawa kaya lalo ako napangiti.

Okay,to clear things,hindi pa po kami ni Brave,sinabi ko sa kanya na mahal ko sya,pero mas mahal ko pa si Kaze. Ayos lang daw yun as long as magkasama kami lagi,hindi daw sya titigil hanggat hindi nya nakukuha ng buo ang puso ko. At hihintayin daw nyang maayos ko ang mga bagay na naiwan ko. Kilalanin daw din muna namin ng lubos ang bawat isa.

Which is,pabor sa akin. Kailangan ko munang ayusin ang gulong iniwan ko sa Maynila. Kailangan makausap ko din si Kaze,I know wala na akong babalikan sa kanya,sa mga nalaman pa lang nya,paano nya akong matatanggap ulit?

"Paano si Nay Neth?" tanong ni Lemon.

"Isinasama namin sya pero ayaw nya. Dito lang daw sya." ani Brave at kinuha ang bag ko at itinabi sa bag nya.

"Mas gusto nya dito. Ayaw daw nya ng magulong buhay sa Maynila." dagdag ko pa.

"San kayo tutuloy dun? Baka pwedeng sumunod?" ani Killian.

"Susubukan namin yung dati kong inuupahan." ang sagot ko naman.

"Oh,paano. Sumunod na lang kayo kung gusto nyo. May facebook ka naman Killian,imessage kita pag nasa Maynila na kami." ani ko,tumango lamang si Killian at ngumiti.

"Hindi ba kayo magpapaalam kay Nanay Neth?" ani Lemon na parang naiiyak na.

"Hindi na. Mahihirapan lang kami pareho. Gusto nya pag uwi nya ay wala na kami. Kaya sana habang wala kami at hindi pa kayo sumusunod ay bantayan nyo sya." ang seryosong sabi ni Brave,alam at ramdam kong malungkot sya. Ito ang unang pagkakataon na magkakahiwalay sila ng matagal ni Nanay Neth.

"Makaka asa ka pre." sagot ni Killian.

Nang sumakay na kami ng jeep papunta sa Balayan ay hindi ko maiwasang kabahan. Ito na,malapit ko na silang makaharap,malapit ko na silang makausap lahat.

At higit sa lahat,makikita ko na at makakausap si Kaze. Again,ayokong umasa pa,dahil alam kong sa pagkakataong ito ay may masasaktan na ako.

Nang makasakay kami ng bus ay tahimik lang si Brave. Madami din siguro syang iniisip,at isa na dun si Nanay Neth.

"Pasensya ka na at kailangan mo pang malayo kay Nay Neth dahil sa akin. Alam kong mahirap ito para sayo." ang malungkot kong sabi.

Tumingin sya sa akin at hinawakan ang kanang kamay ko saka ngumiti.

"Huwag mo akong isipin. Masasanay din ako. Ang mahalaga sa akin ay kasama kita. Ako ang magiging sandigan mo kung hindi ka nila matanggap pang muli. Kung ang lahat ay iiwan at tatalikuran ka,ako ay hindi."

Parang may mainit na humaplos sa puso ko dahil sa sinabi ni Brave. Natatakot tuloy ako na sa isang mali kong aksyon ay masaktan ko sya. Ayoko ng makasakit pa ng damdamin ng iba.

"Salamat,maraming salamat." ang tangi ko lang nasabi. Ngumiti sya at kinabig ako. Napasandal ang ulo ko sa dibdib nya. Ang bilis at lakas ng tibok ng puso nya,nakakamangha,ang sarap lang pakinggan.

"Yan ang epekto mo sa akin,Keeyo." aniya at bumuntong hininga. "Matulog na lang muna tayo. Paniguradong pag gising natin nasa maynila na tayo."

Hindi na ako sumagot. Pumikit na lamang ako at pinakinggan ang bawat pag pintig ng puso nya. Para na nga akong pinaghehele.

"Hahanap ka lang ng ipapalit sa akin,isa pang probinsyano? Ganyan ka na ba ngayon Keeyo? Pagkatapos kong malaman na mga magulang mo ang nagpasunog ng lugar na tinitirahan namin noon,napanood ko pang nakikipagtalik ka sa dalawang lalaki. At ngayon? Dinagdagan mo pa! Ito ba talaga ang gusto mo?!" ang sigaw ni Kaze sa akin na ikinahinto ko.

"K-kaze! Pabayaan mo muna akong magpaliwanag. Hayaan nyong malinaw ko ang side ko! Bigyan nyo pa ako ng pagkakataon. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon! Mahal pa din kita!" ang nagmamaka awa kong sabi,tuloy tuloy na ang pag agos ng aking mga luha.

Mapait na ngumiti si Kaze at tumalikod sa akin.

"Ive had enough,Keeyo. Hindi na kita mahal. Ikaw ang nagtanggal ng pagmamahal ko sa iyo. Tutal may iba ka na naman. Tinatapos ko na ng tuluyan kung ano man ang meron tayo." at naglakad na sya palayo.

Hindi ako makakibo. Ang sakit sa dibdib. Ganito pala ang kahahantungan ng lahat.

"Keeyo?! Keeyoo!!" mahihinang tapik sa aking braso ang nagpagising sa akin.

Napadiretso ako ng upo. Panaginip lang pala,pero parang totoo. Dama ko pa din yung tindi ng emosyon.

"Nananaginip ka ata ng masama." ang nag aalalang sabi ni Brave. Napalingon ako sa kanya. He was innocent,ayoko syang masaktan.

"Medyo. Aswang ang napanaginipan ko eh." ang pagsisinungaling ko at sumilip sa labas ng bintana. "Nasan na daw tayo?"

"Palabas na ng Cavite. Malapit na tayo." aniya at ngumiti.

"Nagugutom ka na ba?" ang pag iiba ko ng usapan.

"Hindi pa naman. Ikaw ba? Bili muna tayo kahit konting mangangata lang." aniya. Sakto tumigil ang bus at may mga pumasok na nagtitinda.

Mani,itlog pugo at tubig ang binili namin. Sya ang nagbayad dahil ayaw daw nyang ako ang gumagastos para sa kanya. Which I find very cute. Kung lumaki sya sa Manila,magagaya sya sa ibang lalaking sinasamantala ang mapeperang bakla,ginagawang walking wallet o walking ATM,in short ginagatasan.

I despice those kind of guys,bakit hindi na lamang sila magsumikap sa sarili nila? But then again,natigilan ako.

Kasi,si Kaze ay ganon dati,ginagamit nya ang mga costumer nya para mabuhay,at ginagamit sya ng mga costumer nya para mapaligaya. So,somehow its different.

Haaays! Im being unfair! Si Brave ang kasama ko pero si Kaze ang iniisip ko. Naiinis na talaga ako sa sarili ko.

Kinabig ulit ako ni Brave at niyakap. Ang bango ng natural nyang amoy. Para bang pati pawis nya ay walang amoy,napaka natural lang.

"Mahal kita,Keeyo. Tulad ng sabi ko,tatanggapin ko kung ano man ang mangyari,kung hindi ako ang piliin mo ay ayos lang sa akin,atleast ay sumubok ako,hindi ko ito pagsisisihan balang araw na hindi ako sumubok. At kung wala ka ng babalikan,nandito lang ako,hindi ako titigil hanggat hindi ka nagiging akin ng buo." ang mahabang bulong ni Brave at hinalikan ang ulo ko.

"Brave,huwag muna nating isipin yan." ang pag awat ko sa kanya. Ayoko kasing nag iisip na sya ng negatibo.

"Nagsasabi lang. Hindi lang ako matahimik. Ngayon lang ako nagmahal,sa gaya mo. Ang sarap pala sa pakiramdam,Keeyo."

Hindi na ako sumagot pa.

Kasi,alam ko na ang kadugtong ng pagmamahal ay sakit at kabiguan. I will just go with the flow.

Sa may MOA kami bumaba at nag abang naman ng jeep na dadaan sa lugar ng dati kong inuupahan. Napapangiti ako kay Brave dahil panay ang tingin nya sa paligid. Mahigpit kong pinag intertwined ang aming mga kamay.

Paniguradong magugulat si Edge nito,pero kailangan ko muna syang kontsabahin na huwag maingay na nagbalik na ako. Gusto kong planuhin ang lahat,kung anong nangyari,anong naging bunga ng pangyayari.

At gusto kong pag nakaharap ko si Lourd at yung babae,ay makita nilang ibang Keeyo na ako,na hindi na ako gaya ng dati na madali nilang nalinlang. Now,if they want war,I'll give them war.

Isang sakay na lamang ng jeep at nandun na kami sa aming pupuntahan. Pero dahil hapon na at nakaramdam na kami ni Brave ng gutom ay kumain muna kami sa isang karendirya sa tabi ng kalsada.

"Ganito pala dito sa Maynila." anito sa gitna ng pag kain namin.

"Oo,pero hindi ka naman maliligaw basta alam mo ang pupuntahan mo,huwag din mahiyang magtanong." ang sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Hindi naman siguro ako maliligaw. Saan ba pwedeng mag apply ng trabaho dito?"

"Maghahanap pa tayo. Magtatrabaho ulit din ako eh."

Matapos kumain ay sumakay na ulit kami ng jeep. Inabot na kami ng gabi sa byahe. Ramdam ko na ang pagod,tapos wala pang kasiguraduhan kung available pa ba yung dati kong inuupahan.

Nang makababa kami sa jeep ay kinapa ko ang susi sa aking bulsa. Buti na lang pala at dala ko ito dati,hindi ko lubos maisip na magagamit ko ulit ito.

Pinagtitinginan kami ng mga tao,karamihan ay mga bagong mukha. At ng nasa tapat na kami ng dati kong inuupahan ay napangiti ako. Wala pa ding nakatira dito.

"Tara na." aya ko kay Brave,ipinasok ko ang susi at ipinihit.

Agad kong kinapa ang switch ng ilaw at ini-on.

Pareho kaming nagulat sa nakita namin ni Brave.

"what the..?!"

Next chapter