webnovel

Daniel (Chapter 50)

"TAY, puwede ba kitang makausap?"

Napalingon sa akin si tatay na kasalukuyang nanunood ng basketball sa TV. Alam ko namang hindi laro ang pinapanood niya kundi ang mga players mismo. Noong hindi ko pa nalamang bakla siya ay matagal ko nang napapansin na parang kakaiba ang ngiti niya sa tuwing nanunood ng basketball.

Napapansin kong parang kinikilig siya. Noon ko napagtantong kinikilig nga talaga siya. Pinagpapantasyahan niya siguro ang mga players.

"Bakit, nak?" tanong niyang nasa TV na ulit ang mga mata.

Wala no'n si nanay Lea dahil dumalo sa padasal para kay mang Rodel. Naisip kong iyon na ang tamang pagkakataon. Hindi ko titigilan si tatay hangga't 'di niya isisiwalat sa 'kin ang tungkol sa pinsan kong bakla.

"Tay, ano pala ang pangalan ng pinsan kong nakitira sa 'tin noon dito? Noong bata pa po ako." Umupo ako sa sopa katabi niya.

Hindi siya umimik.

"Tay?"

Tumingin siya sa 'kin. "Bakit mo naman siya biglang naitanong?" Nakakunot ang noo niya.

"Wala lang, tay. Bigla ko lang naalala ang tungkol sa kanya pero malabo na siya sa alaala ko, e. Hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya," tugon ko.

"Kalimutan mo na siya," malamig niyang sabi.

Shit! Why I had this feeling na may itinatago sila sa 'kin tungkol sa pinsan ko?

"Hindi puwede, tay. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanya," giit ko.

Bigla siyang tumayo at pinatay ang TV. Padabog siyang naglakad patungong kusina kaya sinundan ko agad siya.

"Tay, ano'ng masama kung malaman ko ang tungkol sa kanya?" Malakas na ang boses ko nang mga sandaling iyon.

"Basta hindi puwede, Daniel! Makinig ka sa 'kin!" bulyaw ni tatay.

"Bakit nga, tay? Bakit hindi puwede e pinsan ko naman 'yon?"

"Kapag sinabi kong hindi puwede, hindi puwede! Naiintindihan mo?" galit na niyang sabi.

Pero hindi rin puwede. I need to know para mabawasan na ang nagpapagulo sa utak ko.

Naglakad na si tatay at hindi ko tiyak kung patungong sala ba siya o sa kwarto nila.

"Tay, ikuwento mo sa 'kin ngayon din ang tungkol sa kanya," madiin kong sabi.

Napalingon sa 'kin si tatay. Nakipagsalubong ako ng titig sa kanya. Bigla siyang lumapit sa akin at kinwelyuhan ako.

"Hindi mo ba naiitindihan, Daniel? Kalimutan mo na ang baklang iyon! Nakakadiri ang mga bakla kaya h'wag mo na silang pinag-iisip pa!" galit na sabi ni tatay sa 'kin. Hindi pa rin niya binibitiwan ang kwelyo ng damit ko.

Humugot ako nang malalim na hininga. "Nakakadiri ka, tay!" pasigaw kong sabi sa kanya.

"Ano'ng sinabi mo, Daniel?"

Buong lakas niya akong itinulak kaya sumadsad ako sa sahig. Tumawa ako. Para na akong baliw no'n. Nilapitan niya ako at itinayo sa pamamagitan nang paghila ulit ng kwelyo ng damit ko.

Tawa pa rin ako nang tawa.

"Sino ang nakakadiri? Sino?" pasigaw niyang tanong sa 'kin.

"Tay, kung makapagsabi kang kadiri ang mga bakla ay parang hindi ka rin bakla, 'no?"

Bigla niya akong sinuntok sa kanang pisngi. Sumadsad ulit ako sa sahig. Tinitigan ko siyang mabuti. Natigilan si tatay. Titig na titig rin siya sa 'kin.

"Akala mo hindi ko alam, tay? Matagal ko nang alam ang kababuyan ninyo ni ninong Albert!" pasigaw kong sabi sa kanya. Tumawa ulit ako pero luhaan na ang aking mga mata.

Nasa mukha ni tatay ang labis na pagkabigla sa aking sinabi. Hindi pa rin siya nakapagsalita.

"Tay, kung hindi mo ikukuwento sa 'kin ang tungkol sa pinsan kong bakla, isusumbong ko kay nanay ang kabaklaan mo!" seryoso kong sabi sa kanya. Humihikbi na ako no'n.

Bigla siyang tumalikod at dumiretso sa kwarto. Tinatawag ko siya pero ayaw niyang tumugon. Ilang sandali lang ay bumalik naman si tatay. Inihagis niya sa 'kin ang isang lumang notebook. Nasalo ko iyon at napatingin sa kanya.

"Diary mo 'yan noong ten years old ka pa. Nakasulat diyan ang lahat tungkol sa pinsan mo noong nakitira siya rito," sabi ni tatay na luhaan na. "At may isinulat ka rin diyan tungkol sa akin," dagdag niyang sabi.

Muli akong napatingin sa lumang notebook. Kahit anong pilit ko sa sarili ay wala talaga akong natatandaan tungkol sa diary na 'yon. Bakit gano'n? Ang labo ng alaala ko sa aking kabataan. Iyong mga ginawa sa akin ng pinsan ko noon ay madalas sa panaginip ko lamang nakikita.

May mga kunti akong naalala pero hindi naman ganoon kalinaw. Basta ang alam ko lang ay may pinsan akong palagi nga akong ginagamit at tinatakot.

Hawak ko na ang aking diary. At least, kahit kunti ay may malaman ako sa aking nakaraan, lalo na sa aking pinsang bakla.

Nanginginig ang aking kamay at binuksan ko nga ang diary. Tumulo ang aking mga luha nang makita ko ang sulat-kamay ko noon. Wala pa ring pinagbago. Parang sulat-kamay ng mga babae gaya nang sabi ng karamihan.

Kinakabahan ako at sinimulan ko ngang basahin iyon. Parang may puwersang humila sa 'kin at ibinalik ako noong ako ay ten years old pa lamang...

*****

KAKAGALING ko lang sa bahay ni Jenny, kaibigan at kapitbahay ko. Pawis na pawis ako kasi nagmadali akong umuwi sa 'min. Dapat kasi kapag alas tres nang hapon ay nasa bahay na ako para matulog.

Bitin na naman ako sa pakikipaglaro kay Jenny. Mamimiss ko na naman ang Barbie dolls niya. Hindi ko po talaga alam kung bakit mas gusto kong laruin ang Barbie dolls kaysa sa mga baril-barilang binili ni tatay Rey para sa 'kin. Gusto niyang maging pulis din daw ako balang araw kagaya niya.

Hindi ako puwedeng maglaro ng Barbie dolls sa bahay, e. Umabot na ako sa edad na 'to na laging paalala ni tatay na puputulin daw niya ang titi ko kapag naging bakla ako. Alam ko na kasi kung ano ang bakla at kung ano ang gawain nito. Mga lalaki sila na gustong maging babae.

Takot na takot nga ako sa mga bakla, e. Sabi kasi ni tatay na parang demonyo raw ang mga bakla. Parang 'yong kinakatakutan kong manananggal sa mga palabas sa TV. Siyempre ayoko namang maging manananggal, 'no?

Pero noon pa man ay malaki ng katanungan sa aking isipan kung bakla rin ba ako. Napapansin ko kasing ang hilig kong maglaro ng mga laruang pambabae. Mas gusto ko ring makipaglaro sa mga babae kaysa sa mga lalaki.

Pagdating ko sa bahay ay nagtaka ako kung sino ang lalaking kasama nina nanay at tatay sa sala.

"Nak, Daniel, halika rito..." sabi ni tatay Rey.

Lumapit naman ako kay tatay at kumandong sa kanya.

"Ang dungis-dungis mo, nak," sabi naman ni nanay Lea.

Napatingin ako sa lalaking hindi ko pa kilala. Nahiya ako dahil sa sinabi ni nanay.

"Nak, siya pala si kuya Jin mo. Pinsan mo siya. Magmula ngayon, dito na siya titira sa atin," sabi ni tatay.

Hindi ako nagreak. Nakatitig lamang ako sa lalaking nagngangalang Jin. Malaki na siya. Malaki na kasi ang katawan at may katangkaran din. Moreno ang kanyang balat. Masasabi kong pogi talaga si kuya Jin. Ang tangos ng ilong at medyo malalim ang mga mata.

Makinis din naman ang kanyang balat kahit medyo sunog sa araw. At higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit parang kinikiliti ang puso ko dahil sa kanyang ngiti. Ang ganda ng kanyang mga ngipin at napakaputi. Pinkish din ang kanyang lips. Kapag ngumingiti siya ay lumalabas ang kanyang dimples sa pisngi.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. May naramdaman akong kakaiba sa dibdib habang nagtitigan kami. Parang nahi-hypnotize ako ng kanyang kulay kayumangging mga mata.

"Hi, Daniel," malumanay na bati sa 'kin ni kuya Jin.

"Hello po, kuya Jin," nakangiti ko ring bati sa kanya. Parang hinaplos ang puso ko nang marinig ang kanyang boses.

Doon na nga po nakitira si kuya Jin sa amin magmula noon. May kubo kami sa likod ng bahay at iyon ang naging kwarto niya. Maganda naman ang kubo namin. Sa katunayan ay doon ako madalas na naglalaro. Pero dahil ang kubo na ang nagsisilbing kwarto ni kuya Jin ay pinagbabawalan na ako nina tatay at nanay na maglaro doon.

Madali ko naman siyang nakasundo. Ang bait-bait kasi ni kuya Jin. Halos lahat ng gawain sa bahay namin ay siya ang gumagawa. Masarap siyang magluto at 'yon ang pinakagusto ko sa kanya. Lahat nang niluluto niya kahit simpleng pakbet lang ay parang may magic. Nakakagana talagang kumain.

Next chapter