webnovel

Chapter 4 : Escape

Buti pa sila kumakain ng masasarap na pagkain, at ako naka-upo at nakatingin lang sa langit.

Pero ang sarap pagmasdan ang mga bituin na kumikinang sa langit. Para bang nasa ibang planeta ako pag tumitingin ako dito.

Sana matapos na lahat na nangyari, sana makalimutan na din nila. Sana magka-ayos na ang lahat.

Maya maya ay lumapit sa akin si Seraph at binigyan niya ako ng pagkain-

"Hoy Seraph-"

"Ito kainin mo kung saan hindi ka makikita ni Ate Fiona!"

"Huh?! Baka paga-"

"Sige na!!!"

Sabay akong tumakbo palabas at nagtago malapit sa puno kung saan hindi ako makikita. Binuksan ko ang laman ng plastic bag at ang laman nito ay kaldereta.

Dali-dali akong kumain ng binigay niyang kaldereta at umalis na din si Seraph. Baka kasi mahuli pa siya nang iba at si Ate Fiona.

Maya maya ay natapos ko na ang akin nakain at nabusog naman ako. Naalala ko habang kumakain ako ay iniisip ko si mama dahil sa luto nitong kalderetang nakain ko. Hindi nga tugma ang kanilang lasa kaysa sa luto ni mama pero atleast ay may nakain ako.

Habang pinagmamasdan ko ang mga bituin ay parang may nararamdaman akong merong tumitingin sakin. Agad akong tumayo at pumasok sa center ng makita kong tapos na pala kumain ang mga bata. Naghuhugas nang pinggan si Ate Fiona, pero namasdan ko na parang walang tao dito. Maya maya masyado kong naririnig na parang may naguusap sa taas, at halatang ito ang mga batang nasa center na ito. Kaya umakyat ako sa taas at nakita kong naguusap sina Seraph kasama ang limang mga bata-

"Seraph, nakita namin na binigyan mo nang pagkain yang kriminal na iyon. Bakit mo naman binigyan iyon? Baka mapahamak ka sa kanya!" sabi ng isang lalaki. Siya ang tumulak sakin habang nag aaway kami kanina.

"Wag mo nalang siyang lapitan, alam mo bang kriminal yang taong yon, dito ka nalang sa-" hindi na naituloy ang sinabi ng isang pang lalaki nang magsalita si Seraph.

"Pwede bang itigil niyo na ang tungkol kay Joseph? Hindi naman siya kriminal ah! Baka kayo!"

Biglang nagalit yung lalaki at hinawakan ang braso ni Seraph ng mahigpit-

"Pag hindi ka lumayo diyan, susumbong ka namin kay Ate Fiona na nakikipagkaibigan ka kay Joseph!" tapos ay lalo itong hinigpitan ang kanyang paghawak kay Seraph.

"WAG MO KONG HAWA-"

"HOY!" sigaw ko sa kanila.

Nagulat ang ilang lalaking kasama niya. Binitaw niya ang paghawak ng kanyang braso kay Seraph at daling pumunta sakin si Seraph.

"Ikaw pala yung Joseph! Anong ginagawa mo kay Seraph! Ginagahasa mo siya noh?!" sabi ng lalaking nakasalamuha ko kanina.

"Di ko alam yung pinagsasabi mo! Pero wag mong hahawakan si Seraph!"

Biglang dumating si Ate Fiona at nakita niyang nakahawak si Seraph sa braso ko. Dali-dali niya itong hinila si Seraph palayo sakin at hinarapan ako-

"ANONG GINAGAWA MO KAY SERAPH?! Ano ang ginawa nito kay Seraph mga anak?!" tanong ni Ate Fiona sa mga bata.

"Nalaman po namin na ginagahasa po ni Joseph si Seraph!"

"HINDI TOTOO YAN ATE FIONA!!!" sigaw ko.

"MANAHIMIK KA!!" sigaw pabalik sakin ni Ate Fiona.

"Totoo po yung sinasabi ni Joseph! Wala po siyang ginawang masa-" sabi ni Seraph kay Ate Fiona ngunit nagsalit ulit si Ate Fiona.

"Sa tingin mo nagsisinungaling itong mga batang ito?! Matagal ko nang sila-"

"OO!! NAGSISINUNGALING SILA ATE FIONA!" sigaw nito kay Ate Fiona.

Biglang nagtanim ng inis at galit si Ate Fiona at sabay itong itinulak si Seraph papunta sakin.

"PATI BA NAMAN IKAW SERAPH KAKAMPI KA DIYAN! ALAM MONG KRIMINAL YANG TAONG YAN!!!" sigaw ni Ate Fiona kay Seraph habang umiiyak na ito.

Biglang lumapit si Ate Fiona kina Seraph at hahampasin ito, ngunit pumunta ako sa harapan niya at dali ako ang hinampas niya sa mukha kaysa kay Seraph-

"Ikaw bata ka! Kayong dalawa... DOON KAYO SA LABAS MATULOG! LABAS!" sigaw nito at sabay hinila kami papunta sa labas. Habang ako sigaw ng sigaw na wag kami palabasin.

"AYAN! DIYAN KAYO MATULOG! MAGSAMA KAYONG DALAWA!" sigaw nito at isinara bigla ang pinto at ini-lock.

Dali akong pumunta sa pinto na iyon at nagdabog. Hindi kami pe-pwede na matulog sa labas dahil malamig dito. Sigaw ako ng sigaw na WAG, ngunit wala na ata kaming magagawa at pinuntahan ko nalang si Seraph.

Nagbubuhos ito ng luha at iyak ng iyak. Buti nalang meron akong bimpong malinis at sabay pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mukha niya-

"Bakit? Bakit ka humarang?" tanong nito.

"Di ako papayag na saktan ka nila! Kababae mong tao pero ganyan ang ginagawa nila sayo." sagot ko.

Bigla itong umiyak ulit at iniyakap ako ng mahigpit-

"Tahan na..."

Maya maya tumahan na ito at-

"Salamat ha... Pero ikaw lang ata makakaintindi sa akin ngayon"

"Okay lang!"

Tumatatak pa din sa isip ko ang isa pang turo sakin ni papa. Oo alam ko na masyado pa akong bata para magmahal pero-

"Nak, walang masama magmahal ng tunay. Ang importante mahalin mo ang mga kaibigan mo, suportahan mo sila. At paglaki mo, marunong ka nang magmahal na tu-"...

Pero saglit, para sakin ay ayoko muna magmahal ng tunay...

Para huminhin na ang emosyon ni Seraph ay nagkuwento nalang ako tungkol sa pamilya namin. Ikiniwento ko ang tungkol kay mama, papa, at kay Ed-

Maya maya bigla itong nalungkot ulit. Ang rason nga nito ay dahil nga sa pamilya niya. Nalaman ko na ang tatay niya ay may nililigawan na babae kaya naghiwalay sila ng nanay niya at pumunta sa Pilipinas. Siguro kaya din iniwan si Seraph ng nanay niya dahil siguro sa stress at emosyon pagitan sa nanay at tatay niya. Di ko nalang pinakielaman at tumahimik nalang habang nagku-kwento din siya tungkol sa pamilya niya.

Dati daw noong buhay ang tatay niya ay madalas silang namamasyal sa U.S.. Lagi daw niyang binibigyan ng gamit si Seraph na kailangan niya at hinihiling ang kanyang gusto. Sinabi din niya na may kapatid siya ngunit nawawala. Napagkamalan na ito ay kinidnap noong sila ay nasa mall. Hinanap na ng buong kapulisan ng U.S. ang bata ngunit walang nakakita. May ilan din daw nagsabi sa kanila na may chance na pinunta ang kanyang kapatid sa Pilipinas kaya ito ang rason kung bakit siya na andito. Babae din daw ang kanyang kapatid at ang ngalan niya ay Raven.

Nakakalungkot din na kahit sila din ay nawalan din ng kapamilya...

"Hayaan mo, balang araw ay makikita mo din ang kapatid mo na si Raven!" cheer ko sa kaniya.

Ngumiti naman ito at siguro naging masaya na siya.

"Joseph..."

"Ano iyon?" tanong ko.

"Gusto kong tumakas dito..." sabi ni Seraph.

"Ngunit Seraph... gabi na at delikado. Tsaka bata pa tayo, baka mahuli pa tayo ng mga tanod o kaya pulis o kaya mga sira ulo diyan" sagot ko. Delikado talaga sa labas kaya siguro mas mabuti na tiisin muna namin na dito kami.

"Sige..."

Napansin ko na parang nilalamig siya. Buti nalang meron akong jacket na hindi ko naman ginagamit kaya hinubad ko ito at pinasuot ko sa kanya.

"S-salamat..."

"Wala iyon! Mukha ka kasing nilalamig eh." sabi ko.

"U-uhm... Joseph..."

"Bakit?"

...

...

"Wala! Matulog na tayo!" sabi nito sa akin.

"Sige!"

"Goodnight!"

"Goodnight"

--- (Halena's POV)

8:00 pm na at nagising ako na nalaman kong nasa ospital na pala ako. Naalala ko na inatake pala kami nang hayop na naka maskara na iyon.

"Binibining Halena! Gising ka na pala" siya si Warren, kaibigan ko at guwardiya ko din.

"Kamusta ang lahat? Si chief?"

"Nawawala po ang katawan ni chief noong nasa meeting room kayo. Mukhang ninakaw nito ang katawan niya"

"OO NGA PALA! Ang baraha?! Yung light ba iyon?"

"Ayun na nga ang problema binibining Halena. Kasalukuyang nawawala ang barahang Light Card. Tinignan na namin ang sulok ng buong area ngunit walang nakita. Mukhang ninakaw rin ito ng naka maskarang iyon." sagot ni Warren.

"Takteng yan! Sinasabi ko na nga ba na hindi natin mapapagkatiwalaan ang babaeng iyon..."

"Mukhang lalo lang gugulo ang Pilipinas..."

Sinabi na din ng doktor na ayos na ang kondisyon ko kaya bumangon na ako at nagbihis para umuwi na din dahil gabi na. Naiinis pa din ako dahil naniwala si Chief doon sa babaeng iyon.

Maya maya tumawag sakin ang lead researcher namin na si Kale-

"Halena, nawala nanaman ang barahang nakita ninyo?!"

"Anong "nanaman"? Eh iyon nga ang kauna-unahang baraha na nakuha namin!"

"Back to topic... pinapasabi sakin ni Professor Dean na pumunta ka bukas sa laboratory at meron tayong susuruin."

"Ano nanaman ba iyan?!"

"May isa pang baraha nakita si Oliver..."

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kilala ko si Oliver, isa siyang tamad na member sa lab namin at minsan hindi gumagawa ng tungkulin niya. Bakit parang ngayon lang siya umaksyon?

"Sige... Ano oras?"

"10 am"

"Sige."

--- (???)

"Ginoo, nakita na namin ang susunod na hari at magiging may-ari nang baraha."

"Siguraduhin ninyong wag siyang magpapalampas. Kailangin natin ang barahang iyon."...

... "At isa pa, mag-ingat kayo sa babaeng ito, mukhang siya ang magiging tagapagtanggol niya."

--- (Joseph's POV)

Mukhang may nararamdaman akong hindi kaani-ani. Mukhang hindi ako nakahiga at mukhang mas komportable ang hinihigaan ko ngayon. Pagkamulat ko ng mata ko ay bumabad sakin na nasa kotche ako-

"HOY SINO KA?!" sigaw ko

"Shhhh... Ako ito, si Lilith" sagot niya.

Ano? Si Lilith... Ano ang ginagawa niya dito? Bakit ako napapunta dito? Ang alam ko nasa tabi ako ng puno kasama si Seraph-

"Pasensya na Joseph kung nabigla ka. Mukhang kailangan kitang kuhanin ulit." sabi nito sa akin.

"Mamaya na ako magpapaliwanag..." dagdag pa nito.

"Pero paano si Seraph?! Paano siya?!" tanong ko bigla.

"Yung katabi mo sa pagtulog? Magiging delikado ang sitwasyon natin pag isinama natin siya. Gusto ko man siyang dalhin din pero mas prayoridad kita. Mamaya na tayo magusap"

Wala na akong magagawa kundi manahimik nalang. Paano na si Seraph? Baka mag-alala siya? Baka hanapin niya ako sa sulok.

Nakita ko at namasdan ko na nasa highway kami. Hindi ko din alam kung saan kami pupunta. Tatanungin ko sana si Ate Lilith ngunit mukhang seryoso siya kaya umimik nalang ako. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sapagkat nasa kotche kami ngayon at mabilis ang takbo ng kotche. Mukhang nakalayo na kami sa center na iyon. Maya maya nakita ko na dadaan kami sa road na-

"789 Street Road"

Namasdan ko din na 12:35 am na pala nang madaling araw. Kaunti nalang ang mga kotche sa kalsada nang pumunta kami dito.

Pagtapos ng 30 minutes ay nandito na kami. Kaharap ko ang isang malaking bahay na parang mansyon. Kulay puti ang pader at kulay pula ang gate.

"Tara at pumasok ka anak." sabi sa akin ni Ate Lilith at tuluyang kaming pumasok.

Napaka-laki ng bahay niya sa totoo lang. Parang mamahalin ang kanyang mga gamit. Kulay ginto ang mga lampara at malaki ang TV nila na parang pa-curve. Malaki din ang kanilang lutuan at parang nasa restaurant ka pag pumunta ka. Meron pa itong second at third floor-

"Ate Lilith... napaka-yaman niyo pala!" sabi ko sa kaniya.

"HAHAHAHAHA!!! Ano ka ba? Trabaho lang ito." sagot niya.

"Gusto mo bang umikot muna?"

"Sige po! Salamat!"

Ngumiti nalang siya. Napakabait niya talagang tao at ang soft niyang kausap. Nilibot ko ang buong bahay ni Ate Lilith at napakaganda talaga ang kapaligiran. Nakita ko din na may garden din siya sa likod ng bahay at may swimming pool pa! Grabe ang yaman talaga niya. Pumunta naman ako sa second floor at wala namang magandang nakikita doon, pero napakaganda ng loob ng kwarto. Parang ang ganda ng kama na parang nasa mamahalin kang hotel. May aircon din at may malaki ding TV. Ganoon din sa third floor na puro kwarto din.

Pagtapos ko lumibot ay umupo na ako at kaharap si Ate Lilith. Mukhang seryoso na siya ngayon kaya umimik muna ako.

"Joseph, pasensya na kung kinuha kita biglaan..."

"Okay na po iyon." sagot ko nalang. Ayoko na din sabihin kay Ate Lilith ang ginawa samin ni Ate Fiona.

"Maligayang pagdating... Your Majesty." biglang sinabi ito ni Ate Lilith at nagbow.

Ano? Your Majesty? Diba para lang iyon sa King o kaya Queen? Bakit niya ako tinawag na ganon?

"Your Majesty? Bakit Your Majesty? Hindi naman ako Hari?" sabi ko sa kaniya.

"Joseph..."

"A-ano po?"

"Ikaw na ang hari, ang hari ng impyerno."

Next chapter