webnovel

Questionnaire

Nasa library kami ngayon nila Micah, Lara at Desiree para mag-isip na ng mga questions para sa questionnaire na gagamitin namin pag nagsurvey na kami sa February. Katabi ko pala si Desiree tapos katapat ko naman si Micah na katabi ni Lara na katapat naman ni Desiree. Gets niyo ba?

"Tagum, pwede kaya ung tanong na 'to?"

Tanong sakin ni Lara sabay abot na sakin ng booklet na pinagsulatan niya ng naisip niyang tanong. Agad ko na un binasa at saka tinignan na siya.

"Pwede naman siguro kase related naman siya sa nireresearch natin, eh."

Sagot ko sa tanong sakin ni Lara sabay abot na pabalik sakaniya nung booklet. Pano ba kase ako naging leader sa grupo na 'to?

"Tagum, paki check nga ung tanong na naisip ko."

Sabi naman sakin ni Desiree sabay abot na niya sakin ng papel na pinagsulatan niya ng tanong. Agad ko na un binasa at... Pasok naman ung tanong niya sa topic ng research namin.

"Okay na 'tong na 'to. Lara, sulat mo nga' to dyan sa booklet."

Sabi ko kila Desiree at Lara habang inaabot ko na ung papel sakaniya.

"Tagum, chat ka nga sa gc. Ipaalala mo kay Carl na dalhin laptop niya."

Sabi sakin ni Micah habang hawak niya ung ballpen niya at nakatingin na sakin.

"Sige."

Yan na lang ang sinabi ko kay Micah sabay kuha ko na ng phone ko sa bag ko at nagchat na sa gc naming grupo. Ilang saglit pa ay nagreply na sakin si Carl.

"Dala raw niya."

"Siguraduhin lang niya."

Sabi sakin ni Micah habang pinaglalaruan na ung ballpen na hawak niya.

"Tiwala lang~ sa ngayon mag-isip pa tayo ng mga tanong na pwede isama sa questionnaire natin."

Sabi ko kay Micah sabay lapag ko na ng phone ko sa lamesa at nag-isip na ng tanong na pepwedeng idagdag sa questionnaire na ginagawa namin.

"Tagum,sabihan mo mamaya sila Madera na sila na magtype neto sa laptop. Ano un, tayo na nga nag-isip tayo pa magtatype."

Sabi pa sakin ni Micah. May point naman siya, kaso ayoko na ako ung magsabi nun kela Madera.

"Lara, ikaw na lang magsabi kela Madera mamaya."

Nakangising sabi ko kay Lara habang tinitignan ko na siya at hawak ko na ung ballpen ko.

"Bakit ako?"

Tanong ni Lara habang tinitignan na rin niya ako.

"Dali na! Kaclose mo naman ung mga un!"

Pamimilit naman ni Micah kay Lara. Buti hindi na ako~ hehehe~

"Ayoko nga! Ikaw na lang Desiree."

Pasa naman ni Lara kay Desiree, dahilan para mapatingin na kaming tatlo sakniya at siya namn ay mapatingin saming tatlo.

"Ano un?"

"Sabihan mo sila Madera mamaya na sila ung magtatype ng mga tanong na naisip natin sa word, ha."

Sagot ni Micah sa tanong ni Desiree habang tinitignan pa rin namin siya.

"Ba't di si Tagum?"

Tanong ni Desiree sabay turo at tingin na sakin, dahilan para mapatingin na rin sakin si Lara.

"Ayoko, eh... pwede ikaw na lang?"

Sagot at tanong ko pabalik kay Desiree habang nginingitian ko na siya.

"Ayoko rin kasi, eh."

"Ikaw na kase Lara/Masi!"

Sabay na sabi namin ni Micah kay Lara, dahilan para mapatingin naman ito kay Desiree.

"Ikaw na lang Desiree. Kahit ngayon lang."

Pamimilit naman ni Lara kay Desiree.

"Sige na nga."

"Yon! Dapat lang na sila ung magtype!"

"Yes!"

"Bibigyan ka ni sir ng plus points."

Fast forward na tayo sa break time namin kung kelan tipon-tipon na kami nila Lara, Micah, Madera at Carl sa mag bandang likuran ng classroom namin kase nakasaksak sa plug ung laptop ni Carl. Gumagamit pala kami ngayon ng isang upuan dahil dun nakapatong ung laptop ni Carl at si Madera ung nakaupo doon.

"Wala ka ba dyan dalang mouse?"

Tanong ni Micah kay Carl habang ginagalaw na niya ung pointer gamit ng... pad? Somewhat mouse pad na built-in na sa laptop. Sorry, di ko kase alam kung ano tawag dun. Ahahahaha! Nakakahiya lang...

"Sabi kasi ni Tagum laptop lang daw dalhin ko, eh."

Paninisi sakin ni Carl habang pinapanuod lang niya si Micah sa ginagawa nito sa laptop niya.

"Ako pa sinisi mo dyan!"

"Tagum, heramin mo nga ung mouse ni Blanco."

"Meron siya?"

"Oo."

Sagot ni Micah sa tanong ko. Naglakad na ko papunta sa bandang harap ng classroom namin kase andon si Blanco kausap sila Dexter at Apo. Magkakagrupo kase sila sa research, eh, pati na rin si Jervien.

"Blanco, pwede peram ng mouse mo."

"Ayoko nga~"

Pangangasar sakin ni Blanco habang nginingitian na niya ako at binubuksan na niya ung zipper ng bag niya, dahilan para matawa ako ng konti.

"Hinde~ wag mong paheramin yan si Tagum~"

Sabi ni Apo kay Blanco habang tinitignan na niya ako.

"Apo naman, eh~"

Nakangusong sabi ko kay Apo habang tinitignan ko na rin siya, dahilan para matawa siya pati na rin si Dexter na nakatingin na rin sakin.

"Ang cute talaga ni Tagum! Paheram mo na nga mouse mo Blanco!"

Nanggigigil na sabi ni Apo kay Blanco, dahilan para ibigay na niya sakin ung mouse niya habang nakangiti na rin. Nung hawak ko na ung mouse ni Blanco ay nakita ko si Jervien sa peripheral view ko na nakaupo sa second row at gigil na gigil na nakahawak sa phone niyang nakapahiga.

Teka... ba't feeling ko parang nangyari na 'to? Ung senaryo na lumapit ako sa isa sa mga kaklase naming lalake tapos nasaktong malapit si Jervien sa pwesto ng kaklase naming lalake at gigil na gigil na nakahawak sa phone niya. Deja vu ba 'to?

"Tagum!"

Tawag sakin ni Lara, dahilan para mapalingon na ako sa mga kagrupo ko sa research at nakitang mga nakatingin na sila sakin.

"Eto na!"

Sabi ko at saka tumakbo na pabalik sakanila habang dala na ung mouse ni Blanco. Tsaka ko na lang alalahanin kung kelan nangyari ung deja vu na un pagkatapos naming ayusin ung sa research namin. Pero sure ako dito rin un sa classroom nangyari at parang sa second row rin? Ba't kaya gigil na gigil si Jervien?

"Finish!"

Sabi ni Madera nung matapos na niyang gawin ung questionnaire sa laptop ni Carl.

~Sorry, wala po akong maisip na quote.~

THIS IS BASED ON A TRUE STORY.

iboni007creators' thoughts
Next chapter