~AUG 14 AT 10:17 AM~
: Gudmorningggg
Jervien: goodmorning din
: Musta tulog??? Ahahahaha
Jervien: maaga akong gumising
Jervien: 6am hahahaha
: Aga nun, ah ahahahahq
Jervien: tapos nandto nanako sa school ng 8
: Wtf????
: Ahahahahaha excited ka ata pumasok ngayon
Jervien: hinde naman
: Ahahahahaha
: Ginising pa ko kaninang 7 ni mama, eh ahahahaha
: Tas tinuloy gumawa ng reviewer after mag breakfast
Jervien: ahh okay
: Liligo pa nga lang ako, eh ahahahaha
: Pero ewan ahahahahaha nasa good mood ako ngayon
Jervien: sige sige hahahaha
At dun na natapos ang chat namin ni Jervien sa umagang 'to. Hindi naman halatang maganda gising ko ngayon, noh? Hindi ko kase mapigilang ngumiti at magtatatalon dito sa bahay, eh. So, ayun na nga, tapos na akong gumawa ng reviewer. Parang onti nga lang ung pumasok sa isip ko, eh, kasi imbis na nakikinig lang ako sa mga kanta ng BTS ay pinapanuod ko na lang ung mga music videos nila sa tv namin.
Nililigpit ko na ngayon ung mga gamit ko na dadalhin ko mamaya pag pasok para makapag review pa rin ako sa school. Ala una pa naman ung pasok namin, eh kaso medyo malayo ung bahay namin sa school kaya…
"Dalian mo na Ibon! Exam na exam, male late ka pa nyan!"
Sabi sakin ni mama habang naglalagay na siya ng ulam sa tasa para makakain na kaming dalawa ng tanghalian. Kaming dalawa lang nasa bahay ngayon kasi ung bunso kong kapatid ay nasa school niya at si papa naman may training.
"Opo!"
Sagot ko kay mama sabay sara na ng zipper ng bag ko na naka patong sa sofa at dali-daling pumunta ng kusina para kumuha na ng dalawang plato, dalawang kutsara't tinidor at saka isang baso.
Nang mailapag ko na ung mga dala-dala ko sa lamesa ay inayos ko na rin sila at saka naupo na, habang si mama naman ay inilapag na rin ang ulam at ang kanin sa lamesa saka naupo na rin. Nagdasal na at saka nagsimula nang kumain.
Okay, so skip na nating ang part na 'to dahil sure ako na maboboringan lang kayo.
*1 Hour Later*
Andito na po ako ngayon sa labas ng Beejolly para mag-antay na ng bus na masasakyan papuntang school. First day ng pre-finals, late. Ahahahahaha! Dati ka pa palaging late Yvonne, ha! Kelan ka ba magbabago? Antagal pa dumating ng bus. Bibili ba ako ng pagkain sa Beejolly? Kaso may baon na ako, eh. Eto nanaman tayo. Bibili sa Beejolly o hindi? Bibili o hindi? Pag wala pang bus after five minutes bibili ako ng mallow-choco pie sa Beejolly, my fav!
Five minutes later nasa loob na po ako ng bus. Ba't parang ayaw ako pakainin ng mallow-choco pie ng universe? Medyo nakaka sama ng loob, ha. Sa susunod na lang ulit mallow-choco pie, pag hindi na ako gahol sa oras. You will be mine someday, mallow-choco pie. Just you wait.
Hala! Nakalimutan ko kung ano first subject na itetake ngayon! Nakakainis naman! Makakuha na nga lang ng blue at black ballpen tas correction tape! Kukulangin na ata ako neto sa oras ng pag take ng exam, eh! Hays. Why you have to be always like this Yvonne? Ikaw lang din naman nahihirapan, eh. Nakakairita ka na madalas. Oo, madalas. Hindi minsan.
Lumipas ang mga minuto ay nakababa na rin ako ng bus, naka pasok na sa classroom namin, nailagay ko na rin ang bag ko sa platform dahil dun nakalagay ang mga bag ng mga kaklase ko, nakaupo na sa tabi ng bintana sa pinaka harap ng room at nagsasasagot na ako sa test paper na binigay sakin ng adviser namin. Buti na lang nakinig ako sa mga pinagdidiscuss ng teacher namin sa philo. Tamang sagot lang dito, tas dun at tapos na! Okay! Oras na para matulog~ Sana ganto rin kadali ung mga susunod na exam.
"Time's up na mga anak! Pass your papers forward!"
Sabi na ng adviser namin na nagbabantay samin. Nagising na ako sa idlip ko, umayos na ng upo at saka inintay na ung ibang papel na galing sa likuran ko para maipasa na sa kaklase kong babae na nasa harapan ko. Habang naghihintay ay hinanap muna ng mga mata ko si Jervien at nakita ko siya sa kabilang dulo ng classroom namin sa bandang harapan. Kaya pala hindi ko kaagad siya nakita kaninang pag pasok ko, eh.
"Tagum, oh."
Sabi sakin ni Jasben nang inaabot na niya sakin ung mga test papers. Agad ko na siyang tinignan at saka kinuha na ung mga test papers.
"Ang tagal naman!"
Reklamo ng kaklase kong babae na nasa harapan ko. Sorry, ha! Inaayos ko pa kase ung mga test papers para sayo, eh! Sarap ipakain sayo ung mga test papers, eh! Ay, hindi. Kawawa mga test papers. Pagka tapos kong ayusin ung mga test papers ay inabot ko na un sakaniya at ang pisting babaitang un naman ay ginulo ang pagkaka ayos ko ng test papers. Ampo--! Kalma lang Yvonne. Kalma lang. May dalawang exam pa. Kalma lang. Arghh!
Nang makuha na ng adviser namin lahat ng test papers ay inayos na niya ito, ibinalot na at saka kinuha na ung test paper ng next subject na itetake namin. Una siyang lumapit sa linya nila Jervien para ibigay na ung mga test papers. Inaantok na ako. Why, oh, why ako inaantok tuwing may exam? Habang pinapamigay pa rin ng adviser namin ung mga test papers ay hikab ako ng hikab, hanggang sa maluha na ako ng ilang beses. Gusto ko na lang umuwi at matulog ulit.
"Pass the papers."
Sabi na ng adviser namin sabay upo na niya sa lamesa niya at pinasa na ng mga kaklase ko sa harapan ung mga test papers patalikod. Sana madali lang ung organization management! Yes! Medyo madali lang naman ung nasa first page kaya keri! Ewan ko lang sa likuran nun!
Lumipas ang kalahating oras ay natapos na rin akong sumagot sa test paper ko at naisipan nanamang matulog. Nu ba naman yan! Hindi ako makahanap ng kumportableng posisyon! Nakakainis naman kasing katawan 'to! Ba't ba kasi ang chubby ko?! Bahala na nga lang kung mangalay! Iidlip na lang ako! Kainis!
*30 minutes Later*
"Pass the papers na mga anak!"
Sabi samin ng adviser namin, dahilan para umayos na ulit ako ng pagkakaupo at saka tinignan ko na lang ung test paper ko. Gusto ko na lang maging pusa sa mga oras na 'to. Ung feeling na tulog ka lang ng tulog.
"Tagum."
Tawag sakin ni Jasben habang inaabot na niya sakin ung mga test papers na galing sa likuran niya. Agad ko naman ung kinuha un, ipinatong na ung test paper ko at mabilis na iniabot sa harapan ko nang hindi siya tinitignan.
"Ano ba naman yan! Hindi man lang inayos!"
Ampo-- kalma, Yvonne. Kumalma ka lang. Pano ako kakalma kung nakaka init ng dugo ang babaitang 'to na hindi mo malaman-laman kung ano talaga ang gusto! Sarap pagmumurahin nitong babaitang 'to kaso sabi ko sa sarili ko nung new year tama na sa pagmumura! Argh! Kung magiging pusa man talaga ako, kilala ko na kung sino pinaka unang tao na kakalmutin ko sa mukha.
Nang maipasa na lahat ng test papers sa adviser namin ay mabilis kaming nagsi puntahan sa platform para kunin na dun ang mga bag namin. Nang makuha ko na ang bag ko ay agad akong bumalik sa upuan ko, pinatong na dun ung bag ko at saka kinuha na ung mga biscuit ko.
"Ibon! Bilisan mo! Tawag ka na nila Harold!"
Sabi sakin ni Violado habang nakatayo na silang apat nila Chin, Juliana at Christina sa may pintuan sa bandang likod ng classroom namin. Sinara ko na ung zipper ng bag ko at dali-daling tumakbo papalapit sa pinto habang hawak ko pa rin ung mga biscuit ko.
"Nasan?"
Tanong ko kay Violado habang nakatayo na ako sa tabi niya at tinitignan na siya.
"Oh, ayan na pala si Ibon, eh!"
Sabi ni Angelica, dahilan para mapatingin na ako sakaniya na nakatayo sa labas ng pintuan ng classroom namin at magka tinginan na kami sa isa't isa.
"Angelica!"
Tawag ko kay Angelica nang may ngiti sa mga labi ko habang si Violado naman ay pasimpleng kinuha ung isa sa mga biscuit na hawak ko.
"Ibon, oh! Isang munting regalo para sayo!"
Sabi ni Harold na biglang sumulpot sa tabi ni Violado sabay abot na ng isang bar ng chocolate na may kasamang itim na papel kung saan nakasulat ang nickname ko tapos may blue heart sticker pa, dahilan para magulat ako ng konti.
"Chocolate? Ano meron?"
Takang tanong ko kay Harold nang kinuha ko na sakaniya ung chocolate at ung itim na papel. Agad kong binuksan ung itim na papel at binasa ang nakasulat dun. 'Good luck, Anti-'? Ano naman meaning nung 'Anti' tas ba't may dash pa?
"Parang good luck gift."
Sagot ni Harold sa tanong ko sakaniya habang tinitignan niya pa rin ako. Napatango na lang ako tapos nginitian ko na siya.
"Salamat~!"
Pagpapasalamat ko kay Harold habang nginingitian ko pa rin siya, samantalang si Violado naman ay tinitignan na ung itim na papel.
"Ano ibigsabihin nung 'Anti-' Harold?"
Takang tanong ni Violado kay Harold habang tinitignan na niya ito.
"Para namang 'di mo kilala kung sino un, Violado!"
Sabi ni Angelica kay Violado habang nginingitian na niya ito.
"Edi shempre si ano!"
Sabi naman ni Harold sabay tingin na sa loob ng classroom namin. Hindi ko pa rin po talaga gets.
"Sino?"
Tanong ko kay Harold.
"Si ano!"
"Hindi kilala!"
"Basta! Malalaman mo rin yan!"
Sabi sakin ni Harold habang tinitignan na niya ako. Sino ba kasi ung Anti- na un?
"Buksan mo na Ibon ung chocolate mo tapos penge kami!"
Sabi sakin ni Violado habang kinakain na niya ung biscuit na kinuha niya sakin kanina. Okay, what?
"Ang kapal naman ng mukha mo Violado! Kinakain mo na nga ung biscuit ni Ibon balak mo pang mang hingi sa chocolate niya!"
"Oo nga! Para namang 'di tayo binigyan ni Harold!"
Sabi nila Christina at Juliana kay Violado habang tinitignan na nila kaming dalawa.
"Oo nga Violado. Bad."
Sabi naman ni Chin kay Violado habang tinitignan na niya ito.
"Luh! Ba't pinag tutulungan niyo na ako!? 'Di ba pwedeng magbiro lang!?"
Sabi naman ni Violado sakanilang tatlo nila Chin, Juliana at Christina habang may pagkain pa sa bibig niya.
"Kinain mo na kasi agad ung chocolate mo, eh!"
Sabi ni Harold kay Violado sabay kuha na ng biscuit na kinuha sakin nito.
"Eww! Violado! Ubusin mo nga muna ung nginunguya mo bago ka magsalita!"
Natatawang sabi naman ni Angelica kay Violado habang tinitignan niya pa rin ito.
"Bayan! Ako na lang lagi niyong napapansin, noh!?"
Hello po~!! So, I'm just gone go take a break cuz I need it but I'll be back before you know it ;)
Please vote and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ito, may iba pa po akong works: "Love Yourself: Wonder", BTS Fan-Fic po siya; at "Runaway With Me", Fantasy naman po siya. Sana po magustuhan niyo!! Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!
THIS IS BASED ON A TRUE STORY.