Kabanata 451
"Mi-- Miss?" Pagulat na sambit ni Johnsen na biglang sumakay sa kotse.
"Oh, long time nosy Mr. Johnsen. Please drive na."
"O-- Opo."
"No! Bumaba ka!"
"Young... Younga Master? Pinabababa nyo po ako?"
"Tsk! Of course not! Kelly! Bumaba ka!"
"No! Sige na Mr. Johnsen umalis na po tayo."
"Opo Miss."
"Sabi ng!"
Tinakpan ni Kelly ng kamay niya yung bibig ni Patrick
"Mmm!!!"
"Sige na Mr. Johnsen go!"
"Ye-- Yes Miss."
"Mmm!!!!"
At ng makaalis nga itong sila Kelly syang labas naman nila Kian.
"KELLY!!!"
"Kuya, hayaan niyo na muna si Kelly." Ani Kevin pero sinapak siya ni Kain
"Honey!" Sambit ni Rica na inalalayan agad si Kevin ganun din naman itong sila Faith at Leny.
Inawat naman nila Keith at Kim ang kuya nila.
"Oras lang na may masamang mangyari kay Kelly ikaw! Ikaw! ang sisisihin ko! Tandaan mo yan Kevin! Bitawan nyo ko!"
Binitawan naman nila Kim at Keith si Kian na pumasok na sa loob.
"Ku... Kuya..."
Kim and Keith both sighed at sumunod kay Kian.
"Are you okay bro?" Ani Rica.
"Oo ate...Salamat."
"Oo nga ayos ka lang ba, masakit?" Ani Faith.
"Halika itayo natin sya." Sabi naman ni Leny.
At tinulungan nga si Kevin ng mga hipag niya.
"Pag pasensyahan mo na ang kuya Kian mo ako na ang nahingi ng tawad."
"Ayos lang ate Rica sanay na ko kila kuya. Mahirap lang talaga pag si Kelly na ang topic sobra kasi nilang protective."
"Yeah..." Sabay sabay sagot ng mga hipag nya at napabuntong hininga nalang.
Samantala,
Huminto sila Kelly sa isang gilid at bumaba si Patrick.
"Young... Young Master!!!"
"Ako na!"
"Young Miss?"
"Ako ng bahala sa isang yan. Ahm... May dala ba syang wallet?"
"Po? Opo meron."
"Okay good. Sige na mag off ka muna ngayon."
"Ho?"
"Ako ng bahala."
"O-- Opo."
At pag baba nga ni Kelly umalis na nga rin itong si Mr. Johnsen lulan ang kotse ni Patrick.
"He-- Hey!!! Johnsen!!! Bumalik ka dito!!!"
"Tsss! May pagbaba ka pa kasi."
Di kumibo si Patrick at naupo dun sa may waiting shed. at sinundan naman siya ni Kelly.
"Wag ka na kasing magalit ako nag pa alis kay Mr. Johnsen sabi ko mag day off muna sya."
"Ano?!"
"Day off. Syempre kailangan din naman ng tao na mag rest kahit driver si Mr. Johnsen na papagod din yon."
"Huh! Alam mo bang kahapon ang day off ni Johnsen?"
"Oh... Sorry..."
"Haist! Ang init-init ng panahon paano tayo sasakay?!"
"Ito naman! Parang di marunong mag commute...." Saglit syang napatigil sa pag sasalita at tinignan niya mula ulo hanggang paa si Patrick at pabulong nyang sinabi "young master nga pala ireng kasama ko tapos mag cocommute kami. Lagot na!"
"Kelly naman eh! Ano ba kasing nasa utak mo?! Ako na naman ang papagalitan ng mga kuya mo eh! Gusto mo ba talagang mag hiwalay na tayo?!"
"Sorry na... Hindi ko naman kasi alam na magagalit ka sa inasal ko kanina gusto lang din kasi na maka alis ng bahay. Tsaka... Gusto lang naman kita makasama eh..."
Patrick sighed "halika nga!" niyakap nya si Kelly at sinabing "okay, sorry din ayoko lang kasi na may ibang lalaki kang ipinagtatanggol maliban samin ng mga kuya mo at kay Vince. Syempre bilang fiancé mo dapat sakin ka lang sweet!"
"Tsss!"
Klurgggg...
"Oh! Gutom ka na?"
"Ah, eh... Di kasi ako kumain samin kasi nga umaga palang iniisip ko na kung paano ako tatakas kila kuya."
"Okay, ganito... Mas malapit ang bahay mo dito saan mo gustong kumain? Or may alam ka bang malapit na kakainan dito?"
"Um! Meron kila Aling Tasing."
"Aling Tasing?"
"Oo, masarap dun tara na!"
"Te-- Teka! Mag lalakad lang tayo?"
"Oo, malapit lang yun dito!"
"O-- Okay pero last na may sinabi kang malapit lang halos isang oras tayo nag lakad."
"So, wala kang tiwala sa fianceé mo?"
"Syempre meron!"
"Goods! Tara na follow me."
"Yes Boss!"
At the same time,
Habang nag dadrive si Mr. Johnsesn tinawagan siya ni May.
May: Buti naman kung ganon.
Johnsen: Yes Ma'lady okay na po ulit sila kilala niyo naman si Ms. Kelly hindi yun natitiis ni Young Master.
May: That's good. By the way, are you coming?
Johnsen: Opo Ma' Lady malapit na po ako sa opisina nyo. Give me 10minutes po.
May: Okay, dahil free ka naman ikaw na muna ang driver ko.
Johnsen: Yes Ma' Lady.
Makalipas ang isang oras,
"Malayo pa ba tayo? Sabi na eh yang malapit mo malayo!"
"Wag ka nga! Exercise na rin natin ito. Saka nalimutan ko na kasi yung place ni Aling Tasing."
"Anong sabi mo?!"
"Ehe... Sorry na medyo matagal na rin kasi ang last na kumain kami dun nila kuya."
"Kelly Ann Marie!!!"
"Sorry na nga..." At bigla syang may na amoy na mabango. "Hmm? Naamoy mo ba yun?"
"Ano na naman yon? Naamoy ko na ang sarili ko amoy pawis na!"
"Ehe... Sorry na nga akana yan coat mo ba naman kasi pupunta la lang samin kailangan naka formal attire ka pa?"
"Haissst! Are you really asking my profession now?!"
"Okay, okay! Chill! Binibiro lang naman kita pero eto na promise alam ko na naamoy ko na kasi yung lutong ulam ni Aling Tasing."
Patrick sighed "bahala ka na I'm tired!"
Kelly held Patrick hand at nag patuloy sila sa pag lalakad sa pag habol sa amoy ng lutong ulam ni Aling Tasing subalit biglang may mga kalalakihan silang na daanan at ang lagkit ng mga tingin nila kay Kelly.
"Kelly, bumalik na tayo"
"Hmm? Mamaya na malapit na tayo naalala ko na kung saan yung karenderia ni Aling Tasing."
Pa simpleng na tingin si Patrick sa paligid "isuot mo yang coat ko."
"Ha? Ang init!"
"Tsk! Bakit ba kasi naka dress ka ngayon?"
"Hmm? Ah! kasi si ate Leny may bago syang tahing damit kaya eto pinasuot sakin. Tsaka malapit na tayo bilisan na natin! Guyom na ko!"
"Witwiw! Ang ganda mo naman Miss." Sabi nung isang tambay.
Hinila naman ni Patrick si Kelly sa likuran nya.
"Diyan ka lang at isuot mo yang coat ko!"
"Okay! Kalma! Ito naman para ng sila kuya sa pagka overprotective."
"Mahirap na! Ayokong magasgasan yang porcelain mong balat sakin lang yan!"
"Haysss buang na!" Then he bonked him and wore the coat.
"Oh, Miss masyadong mainit mas bagay sayo walang suot na jacket." Sambit ng isa pang tambay mga limang kalalakihan na ang papalapit kila Kelly at Patrick.
Patrick gulped "damn it!"
"Don't worry para san pa at lumaki akong barako? Isa pa gutom na ko!!!"
Pak!
"Ke-- Kelly!"
Sinampal ni Kelly yung lalaking binabastos sya.
"Ikaw!!!"
"What?! Pwe! Ang oily ng face ha?!"
"Kelly!"
"Don't worry mga walang panama ang mga yan sakin isa pa lagot sila pag dumating si kuya Jordan!"
"At sino naman yon?"
"Hoy!!!"
"Anong hoy? My name is Kelly Ann Marie Dela Cruz! Panget!!!"
Pak!
Sinampal nga muli ni Kelly yung lalaking bastos.
"Bwiset kang babae ka!!!"
"Subukan mo! Subukan mong ituloy ikaw ang babanatan kong panget ka!"
"Sinong may sabing!!! PANGET AKO!!!" At paglingon nya nga...
"Chair-- Chairman..."
"Umuwi na kayo!!!"
"O-- Opo!!!" At nag tatakbo na nga ang mga ito sa takot.
"Ku-- Kuya Jordan?"
"Bebe!!!"
At nilapitan nga ni Kelly yung tinatawag niyang kuya Jordan.
"Be-- Be? Is he referring my Kelly as his bebe?!" Ang pabulong na sambit ni Patrick kaya naman hinila nya itong agad na yayakapin na sana si Jordan.
"Eh?"
"Don't move! Hindi mo sya kilala!"
"Ha? Kilala ko sya! Teka nga alis!"
"No! Ako ang mapapagalitan ng mga kuya mo!"
"Huh! At sino ba itong kumag na ito bebe?"
"Ah, sorry kuya fiancée ko po sya si Patrick."
"Ano? Fiancé?!"
"O-- Opo kuya."
"Ito? Fiancé mo?! Yan bang si Kian payag ha?! Aber!"
"Haysss! Kuya naman eh! Gutom na ko asan ba dine yung kila Aling Tasing?" At kinaladkad na nga nia si Jordan.
"Te-- Teka lang kakusapin ko yang fiancé mo!"
"Mamaya na kuya!"
"Pe-- Pero..."
"Halika na!"
At para namang may dumaang anghel sa harapan ni Patrick dahil iniwan na nga sya nung dalawa
"Sa-- Sandali lang Ke-- Kelly!!!"
***
Sa haba nga ng kwentuhan hinapon na sila Kelly dun kila Jordan. Si Jordan Dela Cruz ay pinsan nila Kelly pero hindi kinikilalang Dela Cruz itong si Jordan dahil anak ito sa labas. Pero nag sumikap at naging kapitan na nga sa kanilang barangay pero hanggang ngayon kahit may narating na sa buhay hindi parin sya tanggap ng mga Dela Cruz. Tanging sila Kelly lang ang tumuturing kay Jordan bilang Dela Cruz.
"Yeobu, hindi pa ba tayo uuwi?" Pabulong ni Patrick kay Kelly na medyo tinamaan na niyakag kasi itong mag inom ni Jordan.
"Shhh!!! Mamaya konti nalang ayaw ni kuya Jordan na hindi inuubos ang inilabas nyang bote ng alak. Lagot tayo!"
"Ha? Pero ang laki ng bote at wala pa kami sa kalhati!"
"Wag ka ng maingay ayan na si kuya Jordan pabalik na."
"Haist! Pambihira naman!"
"Kellang!!!" Sambit ng dalawang lalaki kasama si Jordan.
"Kuya Joaquin, kuya Jerwin!"
"Si-- Sino na naman ang mga ito!!!" Pabulong na sambit ni Patrick then he sighed.
"Kamusta na ang aming bebe?" Ani Joaquin na pinagtaasan ng kilay si Patrick.
"Oo nga, balita namin may fiancé ka na? Aba naman!" Sambit naman ni Jerwin na may pag taas rin ng kilay kay Patrick.
"Ah, si Patrick nga pala mga kuya. Yeobu halika pakilala ka."
"Ah... O-- Okay." Tumayo nga syang agad para maki pag kamay sana pero di sya konamayan nung dalawa. "He-- Hello po sa inyo."
The two smirked at na upo na pati nga rin itong si Jordan.
"Anong tinatayo tayo mo pa diyan? Upo!" Ani Joaquin.
"O-- Opo!"
Sa isip-isip ni Patrick habang paupo "pambihira naman another initiation na naman ba ito? Ang dami naman kasing kuya nireng si Kelly! Haist!!!"
"Kellang papunta na ba ang mga kuya mo?" Ani Jordan.
"Opo kuya nag chat na ko kay kuya Kevin sabi papunta na daw sila kuya Kian."
"Sila? Bakit di kasama si Kevin?" Sabi ni Jerwin.
"Ah, may duty kuya."
"Oh... Sabihin mo umuwi agad para maka rounds dine."
"Oo kuya sasabihin ko."
Ding! Dong!
"Oh! Ayan na po ata sila kuya ako na mag bubukas sa kanila."
"Sige bebe kami ng bahala sa "fiancé" mo di ba mga tol?"Ani Joaquin then he smirked at Patrick at ang sama rin ng tingin nung dalawa kay Patrick.
"Sige kuya. Yeobu dito ka muna okay?"
"H-- Ha? Pe-- Pero..."
"Saglit lang ako pag bubuksan ko lang sila kuya."
"Pe-- Pero..."
At umalis na nga Kelly.
"Yeobu!!! Kelly!!! Wag mo kong iwan dito!!!" Pahabol na sambit ni Patrick na nakatayo na nga para sundan si Kelly.
"Upo!" Sambit nung tatlo.
"Opo Sir!"